Nahihirapan ba kayong magbigay ng mataas na quality ng call center customer service dahil sa overload ng customer inquiries?
Naku, kailangan na talaga ninyong tutukan ito dahil baka ito ang dahilan kung bakit humihina ang business ninyo.
Alam ba ninyong halos 60% ng mga customer ang lumilipat sa kompetisyon ng mga brand dahil sa mahinang customer service?
Pero puwede namang hindi na mangyari ito. Ngayon, meron na tayong technology at tools na makakapag-automate sa paulit-ulit na pang-araw-araw na proseso, tulad ng help desk software, call center software, at iba pa.
Ano ang call center automation?
Ang call center automation ay may features/functions na makatutulong sa inyong masagot ang mga tawag nang epektibo at mahusay sa pamamagitan ng pag-automate ng paulit-ulit na pang-araw-araw na proseso. Halimbawa, naiiwasan ng call routing ang mga hindi kailangang pag-transfer sa pamamagitan ng agarang pagruta sa customer sa tamang support department. Kaya naman mas maikli ang oras ng paghihintay at nababawasan ang pagkainis ng customer, na siya namang ikatataas ng customer satisfaction.
Ano ang epekto ng call center automation sa business ninyo?
- Tumataas ang customer satisfaction
- Mas pinahusay na workflow ng mga agent
- Napaganda ang customer experience
- Nabawasan ang gastusin sa customer service
- Nadagdagan ang revenue
Paano ang pag-automate ng paulit-ulit na mga proseso sa inyong call center?
Suriin ang help desk software features ng LiveAgent sa ibaba, na makatutulong sa pag-automate ng pang-araw-araw na mga gawain sa call center ninyo.
Anong features ang maibibigay ng LiveAgent para sa automation ng call center?
IVR
Ang interactive voice response o IVR ay isang sistemang nakikipag-ugnayan sa mga tumatawag, o batay sa sagot ng mga ito, magbibigay ng tamang action/impormasyon. Ang paggawa ng IVR tree menu ay maaaring magtaas ng customer satisfaction at magpahusay ng agent workflow dahil ang tawag ay automatic na niruruta sa tamang department.
Automatic callback
Ang mahabang panahon ng paghihintay ay puwedeng magdulot ng pagkainis ng customer. Kaya naman ang mga customer ay madalas pinipili ang ka-kompetisyon ng business ninyo. Ang automatic callback na feature ay makapagbibigay sa customers ng pagkakataong mag-request ng callback kapag walang available na customer service agent o kapag masyadong mahaba ang pila/oras ng paghihintay. Ang simpleng call center automation feature na ito ay kayang maiwasan ang mahinang customer service experience at halos mapapabuti agad ang customer service.
Call routing
Ang call routing ay isa pang automation function na makakatipid sa oras ng agent at customers. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga customer na mamili ng gusto nilang department sa tulong ng IVR. Kaya kung hinahanap nila ang sales department, automatic na silang maruruta sa isang magaling na agent doon.
CRM
Puwede sa LiveAgent ang pag-integrate ng CRM o customer relationship management para mailagay ang lahat ng data ng customer sa iisang lugar. Ito ay isang napakalaking tulong sa call center dahil madaliang makikita ang data ng customer sa mga ticket. Hindi na ninyo kailangang magpalipat-lipat sa mga platform para hanapin ang impormasyon ng customer. Ang CRM integration na ang gagawa ng automation ng proseso kaya nakakatipid sa oras at enerhiya ang mga empleyado ninyo.
Time rules
Ang Time rules ay isang feature na maraming nagagawa sa loob ng LiveAgent. Kaya nitong mag-automate ng partikular na proseso/action na mati-trigger sa isang partikular na oras.
Sa panahon ngayon, mahalagang mag-follow up pagkatapos makipag-ugnayan sa mga customer sa maraming dahilan, tulad ng pagkuha ng feedback o para sa gawain ng sales/marketing. Pero nakakakuha ang mga customer service agent ng napakaraming customer inquiries araw-araw. Kaya ang Time Rules feature ang tutulong sa pagpapadala, halimbawa, ng follow-up na marketing email/message sa partikular na panahon, at di na kailangan ng agent dito.
CloudTalk integration
Ang misyon ng LiveAgent ay pagsamahin ang lahat ng mahahalagang platforms sa iisang interface para sa mas mahusay na workflow at napakagandang customer experience. Kaya naman nagbibigay ang LiveAgent ng saktong dami ng integration tulad ng collaboration tools, billing management tools, phone tools, at marami pa. Halimbawa, ang paglagay ng CloudTalk ay nakatutulong magpahusay ng call center workflow sa pamamagitan ng automatic na pag-dial ng numero. Ang call center automation feature na ito ay makatutulong sa sales at marketing team dahil sa dami ng outbound calls na ginagawa nila sa araw-araw.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang aming detalyadong CloudTalk integration article.
Automated ticket distribution
Ang Automated ticket distribution ay isang workflow automation feature ng LiveAgent na makatutulong sa pamamahagi ng customer inquiries batay sa gusto ninyong criteria. Hinahayaan ng feature na ito na kayo na ang magtalaga ng gusto ninyong pinakamainam na ticket load para sa mga agent. Kaya naman kaunti lang ang nagiging pagkakamali, hindi pagkakaintindihan, at nagbabadyang galit o inis.
Tip: Ang sobrang automation ay puwede ring maging counterproductive. Kaya i-automate lang ang mga gawaing alinsunod sa layunin ng business ninyo.
Di pa ba ninyo kilala ang LiveAgent?
Ang LiveAgent ay isang help desk software na makapagbibigay ng napakahusay na multichannel experience sa mga kliyente ninyo. Ang software ay may offer na integration sa call center, ticketing system, customer portal, live chat, knowledge base, forum, at social media integration. Kaya naman makakaya ng customer service representatives ninyo ang lahat ng paparating na customer inquiries mula sa iisang interface.
Ano pa ang ibang kapaki-pakinabang na features na maibibigay ng LiveAgent?
May offer ang LiveAgent na higit sa 180 features, kasali ang call center automation. Kung gusto ninyong makakuha ng saglit na overview, basahin ang articles sa ibaba.
Ready to improve your call center?
LiveAgent is a feature-rich help desk software that tracks customer requests, automates, and creates reports. Try it out for free with our 30-day free trial and save time, costs, and energy with automation.
Frequently Asked Questions
Ano ang call center automation?
Ang call center automation ay may features/functions na makatutulong sa inyong masagot ang mga tawag nang epektibo at mahusay sa pamamagitan ng pag-automate ng paulit-ulit na pang-araw-araw na proseso. Halimbawa, naiiwasan ng call routing ang mga hindi kailangang pag-transfer sa pamamagitan ng agarang pagruta sa customer sa tamang support department.
Ano ang epekto ng call center automation sa business ninyo?
Sa call center automation, tumataas ang customer satisfaction, mas pinahuhusay ang workflow ng mga agent, at napagaganda ang customer experience.
Anong LiveAgent features ang may offer na call center automation?
May offer ang LiveAgent na call center automation features tulad ng IVR, Automatic callback, Call routing, Automated ticket distribution, at marami pa.
Mga awtomatikong pagtawag pabalik para sa iyong mga kustomer
Pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer gamit ang LiveAgent's awtomatikong pagtawag pabalik na software. Alisin ang mahabang paghihintay at pag-abandona ng tawag sa pamamagitan ng pagpapaandar ng IVR at ACD. Subukan ito nang libre sa loob ng 14 o 30 araw at bigyan ng kapangyarihan ang iyong kustomer na humiling ng pagtawag pabalik anumang oras. Palakasin ang kasiyahan at katapatan ng kustomer sa iyong tatak ngayon!
Gawin itong mangyari gamit ang software sa pakikipag-ugnayan ng customer.
Pinapabuti ng LiveAgent ang kasiyahan ng kustomer gamit ang multi-channel na software sa pakikipag-ugnayang kustomer. Tingnan ang mga benepisyo ng LiveAgent at makita sa sarili mo.