Bawat business ay nakasalalay sa kamay ng mga customer. Ang market ay puno ng kompetisyon, at ang inaasahan ng mga customer ay tila aabot hanggang langit ang taas. Ang pag-offer ng magandang produkto o serbisyo ay hindi na sapat. Gayunman, ang paggawa ng mga mabuting relasyon kasama ang mga customer sa pamamagitan ng customer interaction ay puwedeng maging mahalagang papel sa pagtukoy ng posisyon ng inyong brand sa market. Ang isang bagay na kailangang isaisip habang pinag-uusapan ang kahalagahan ng customer interaction ay hindi minsanang bagay lang ang customer experience. Isa itong tuloy-tuloy na proseso ng pagpapatibay ng inyong relasyon sa inyong mga customer.
Ano ang customer interaction?
Mahalagang maintindihan kung ano ang customer interaction bago pumunta sa mga detalye kung paano ito magiging kapaki-pakinabang para sa inyong business. Ang customer interaction ay ang pag-asikaso sa demands ng inyong mga customer at paninigurado nito sa supply ng inyong produkto o serbisyo. Madalas nagha-hire ng mga representative na may training para makapagbigay ng ganitong klase ng customer interaction. Sa pangkalahatan, ang pag-unawa nang maigi sa inyong mga customer ang magbibigay sa inyo ng kalamangan sa kalaban sa market.
Ayon sa Infamous Tech blogger sa CrowdWriter na si Stella Rose:
“Hindi dapat natatapos ang customer interaction sa minsanang sale lang, pero dapat ito’y isang pangmatagalang relasyon sa pagitan ng kompanya at ng customer.”
Stella Rose
Customer interaction skills at etiquette
Ang mga customer service representative ay tinuturuan ng isang set ng kakaibang skills na kinakailangan sa epektibong komunikasyon sa mga customer. Puwedeng na-engkuwentro na ninyo ang mga salitang New customer, Returning customer, Loyal customer. Bahagi ang mga ito ng isang customer interaction cycle.
1. Magpakita ng pagpapasalamat
Ang susi sa bawat relasyon ay ang pagpapakita ng pagpapahalaga. Lalong-lalo na sa business, kailangan ninyong maipadama sa mga customer na special sila. Halimbawa, maraming business ang nagte-train ng security guard at staff ng magalang na pagbati sa mga customer kapag pumasok sila sa tindahan at pagpapasalamat kapag umalis sila. Hindi naman lahat ng customer ay bibili. Gayunman, ang pagbati sa kanila ay makapagpapaalala sa kanila ng karanasan. Ang isang nakatutulong na trick para sa mga memorable experience ay ang paggawa ng brand association. Halimbawa, ang paggamit ng matalinong mga slogan.
Halimbawa, kunwari ay Peace Star ang pangalan ng inyong business. Puwede ninyong batiin ang mga customer ng ganitong halimbawa: “Sana’y peaceful ang araw ninyo!”
Kapag ginamit ninyo ang ganitong tactic, ginagamit ninyo ang situational advantage. Hindi lang matutuwa ang mga customer sa ganitong gawain, malamang ay matandaan nila ang inyong brand. Mas magtatagal ang customer experience.
2. Magpakita ng empathy
Ipakita sa inyong mga customer na mahalaga sila sa inyo. Pagkatapos ay abangan ang magic na mangyayari! Karamihan ng mga kompanya ay gumagawa ng ganitong strategy kapag inaasikaso nila ang reklamo at isyu ng customer. Ang pinakamabuting paraan para asikasuhin ito ay ang paghingi ng paumanhin at pag-uulit ng pagpapakitang ang kanilang mga reklamo ay sineseryoso ninyo. Ang isa pang paraan para gawin ito ay ang pag-request ng isang customer satisfaction review. Samakatwid, pagkatapos ng bawat interaksiyon ninyo sa customer, puwedeng mag-iwan sila ng review. Maipararamdam sa kanila ng option na ito na sila ay napakinggan at panatag sila sa katotohanan na ang kanilang ikinababahala ay isinaalang-alang.
3. Maging creative
Ang innovations ng teknolohiya ay nagdala ng mga bagong paraan ng interaksiyon sa mga customer. Isaalang-alang na ipakilala ang mga discount code, exclusive deal, gift card, shout out sa social media, o magpadala ng mga email at message.
Proseso ng customer interaction at mapa
Ang cycle ng paggawa ng relasyon sa inyong mga customer ay isang proseso ng one-end o two-end. Para matulungan kayong maunawaan ang proseso ng mga customer interaction nang mas maigi, tingnan ang mapa sa ibaba. Ipinaliliwanag nito ang bawat hakbang mula sa unang customer interaction hanggang sa pag-develop ng bond.
Customer interaction management
Maraming mga kompanya ang gumagamit ng customer interaction management software. Ang software ay gumagamit ng customer support agents na bukas maki-chat sa inyong customer anumang oras. Kumokolekta ang customer interaction management software ng data mula sa mga customer at itinatago ito para magamit kapag kailangan ng mga support representative. Gumagamit ng mga mobile application, hybrid ticket stream, at automation rule para sa automatic ticket distribution ang mga advanced customer interaction software tulad ng LiveAgent.
Paano ninyo mapabubuti ang mga customer interaction?
Puwede ninyong mapabuti ang inyong mga customer interaction sa pamamagitan ng:
- pagpapalakas ng inyong communication skills
- pagiging available sa maraming communication channels na ginagamit ng inyong mga customer
- paggawa ng listahan ng lahat ng touchpoints at pagsusuri sa mga binisitang site ng inyong customer, para ang inyong brand ay accessible sa mga site na ito
- seryosohin ang feedback at pagpapahusay ng inyong serbisyo batay sa mga request ng inyong customer
Humusay sa pamamagitan ng customer interaction
Para magpatakbo ng matagumpay na business, isaalang-alang ang “4Ps” – product, price, placement, at promotion. Tumutok sa mga customer interaction. Sanayin ang inyong staff para gamitin ang kanilang mga kakayahan nang husto. At siguraduhing nauunawaan ninyo ang mga hiling ng inyong mga customer. Kapag nakabuo na kayo ng isang matibay na koneksiyon sa inyong customer, ang kanilang panghabangbuhay na value ay tataas, pati na rin ang inyong ROI.
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Subukan ang Mga Form sa Pakikipag-ugnayan ng LiveAgent nang libre! Madaling makipag-ugnayan sa iyong mga kustomer at bumuo ng mas maraming lead gamit ang iba't ibang disenyo ng form na pasadyang akma sa iyong website. Alamin kung paano itago ang iyong email mula sa spam habang nagbibigay ng mahusay na serbisyo. Pumili mula sa klasikong, parisukat, o madilim na istilo at isama ito nang madali sa pamamagitan ng simpleng HTML code. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon!
Kailangan pagbutihin ang iyong customer service?
Pagbutihin ang iyong customer service gamit ang LiveAgent! Alamin ang mga hindi nabibigo na tips para mapanatili ang human connection sa kabila ng automation at chatbots. Sukatin ang kasiyahan ng iyong mga kustomer gamit ang CSAT, NPS, CES, at FRT. Subukan ang aming free trial at magbigay ng personalized, omnichannel support na may lightning-fast responses. Mag-offer ng 24/7 na suporta at lumikha ng di malilimutang karanasan sa kustomer. Bisitahin kami ngayon!