Customer self-service portal features
1. Knowledge base
Ang knowledge base ay isa sa key features ng maski anong customer self-service portal software. Kapag nagtataguyod ng knowledge base, puwede kayong gumawa ng mga kategorya batay sa inyong mga produkto, serbisyo, o klase ng customer at pagkatapos ay magdagdag ng mga base article na saklaw ng mga kategoryang ito. Puwede kayong pumili kung ang isang kategorya ay magiging bukas sa publiko o mananatiling para lang sa internal na gamit. Ang internal ay puwede lang makita ng inyong customer support team sa agent panel. Ang mga article ay puwede ring may option na maisapubliko o gawing internal. Ang ibig sabihin ay puwede kayong gumawa ng mga knowledge base para sa parehong mga customer at empleyado ninyo.
Ang bukas sa publikong knowledge base ay nagbibigay sa mga customer at prospect ng agarang access sa impormasyong kailangan nila at abilidad na maayos nila ang isyu sa produkto o serbisyo bago kailanganin ang tulong ng isang rep ng kompanya.
Ang pagkakaroon ng internal knowledge base ay isang mabuting daan para sa mga kompanya na magbigay sa kanilang mga support agent ng madaling-hanaping impormasyon na makapagpapabilis ng kanilang ga tugon kapag may interaksiyon sila sa customer, at pag-streamline ng komunikasyon sa iba-ibang department, na makakatipid ng kanilang oras at magpapataas ng productivity ng agent.
2. Multi knowledge base
Ang multi knowledge base ay isang advanced functionality. Hinahayaan nito ang paggawa ng maraming magkakaibang knowledge base sa iba-ibang domain na saklaw ng isang account. Ang bawat hiwalay na knowledge base ay merong sariling kakaibang disenyo, nilalaman, at mga setting. Ang customer self-service portal feature ay nakatutulong sa mga business na nais na makilala ang kanilang mga customer support portal sa pagitan ng iba-ibang mga produkto o serbisyo. Samakatwid, nagbibigay ng mas mabuting karanasan ito sa self-service para sa kanilang mga customer.
3. Customer forum
Ang forum ay isang customer portal feature na nagbibigay sa mga business ng oportunidad na magtatag ng mga komunidad ng kanilang mga user at nabibigyan ng kakayahang magkaroon ng interaksiyon at magtulungan ang users sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan nila at pagbabahagi ng kanilang best practices. Makakatipid ang mga agent ng maraming oras. Puwedeng makakuha ng tulong mula sa isa’t isa ang mga community user na may parehong karanasan at nakahanap ng paraang nakatulong sa kanila.
Ang lahat ng mga forum entry ay nagiging mga ticket. Ang resulta, natututukan ng mga support agent ang mahahalagang pag-uusap at makakapag-offer ng napapanahong tulong. Kapag gumagawa kayo ng forum, puwede kayong maglagay ng mga keyword para sa mas mabuting SEO optimization. Bukod dito, piliin ang department na magiging responsable sa paghawak ng mga forum entry.
4. Mga feedback at suggestion
Ang punto nitong customer portal feature ay mahikayat ang mga customer na magbahagi ng mga feedback sa mga business. Puwede rin itong mga ideya para sa product development sa hinaharap o simpleng improvement lang. Sa bawat pagbigay ng bisita ng feedback, nakagagawa ng isang bagong ticket. Nano-notify agad ang mga agent para makatugon kapag kailangan.
Bukod sa feedback, binibigyang kakayahan nito ang business na gumawa ng suggestions (bagong mga product feature) habang nagpapakita rin ng progreso ng pagpapatakbo nito. Kapag nakagawa na kayo ng mungkahi, makikita na ito ng customer sa knowledge base at sila ay makakaboto para rito o magdaragdag ng komento. Puwede ring magdagdag ng mga mungkahi ang customer at magiging ticket ang mga ito para matugunan ng mga agent kung kinakailangan.
5. Mga search widget
Ang paglalagay ng search widget sa isang website ay nagbibigay ng kakayahan sa mga bisita na maghanap ng mahalagang impormasyon. Samakatwid, madali nilang mahahanap ang nararapat na knowledge base article, forum, at suggestion board. Natutulungan nito ang mga customer na mas mabilis at mas madaling makahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong. Hindi na kailangang maghanap nang mano-mano sa lahat ng mga nilalaman ng customer portal – nakakatipid ito ng oras at pagsisikap.
Habang ang mga customer ay nagta-type sa search widget, ang mga mungkahi ng makukuhang content tungkol sa apela ay makikita sa real-time. Kapag nakita na ang mga resulta ng search, puwedeng i-click ng mga bisita ang kaakibat na link at makita doon ang nararapat na nilalaman sa customer portal. Puwede ring mabigyan ng maraming mga widget na maghahanap sa mga partikular na kategorya lang ng customer portal.
6. Pag-submit ng ticket
Ang ticket submission ay isang customer portal feature na nagbibigay kakayahan sa mga customer na makipag-ugnayan sa support team ng kompanya kung hindi nila nahanap ang sagot sa mga tanong nila sa knowledge base articles at community forum. Hahayaan ng section na ito ang mga customer sa:
- pag-submit ng support requests
- pag-manage ng sariling tickets
- basahin ang ticket history
- tingnan ang status
- i-track ang progreso ng bawat ticket
Depende kung papaano nabuo ang customer portal, ang mga user ay puwede o puwedeng hindi mangailangang mag-log in o magrehistro para magbigay ng support ticket. Ang paggana ng ticket submission ay kasama sa karamihan ng mga customer self-service portal.
Mga dahilang ikokonsidera sa pagpili ng customer self-service portal software
Pagdating sa pagpili ng customer self-service portal software para sa inyong business, maraming kritikal na bagay na dapat konsiderahin tulad ng mga kinakailangang mga feature at iyong mga “magandang magkaroon.” Ang paggawa ng listahan ng mga kailangan ay makatutulong sa evaluation ng iba-ibang tool at pagpapaikli ng paghahanap. Isaisip ang mga sumusunod na mahahalagang dahilan kapag pipili ng vendor:
- Isang set ng makukuhang mga feature at pagpapatakbo na tugma sa inyong mga business requirement
- Madaling ma-set up at ma-customize para masagot ang mga pangangailangan ng inyong mga customer
- Madaling gamitin ng inyong mga customer at ng mga support employee
- Intuitive interface para sa madaling pagbisita sa mga portal page
- Seguridad para mapanatiling ligtas ang mga impormasyon ng inyong mga customer
- Access sa mabilis at quality na customer support
- Pag-unawa ng lahat ng mga kaakibat na gastos sa pagdaragdag ng progresibong pagpapatakbo na puwedeng mangailangan ng dagdag na bayad
Diskubrehin ninyo
Discover on your own!
Knowledge is important, but only when put into practice. Test everything in our academy right inside the LiveAgent.
Bawasan ang gastos sa paggamit ng customer portal software
Discover LiveAgent's top customer portal software of 2021, designed to reduce costs and enhance customer self-service. Effortlessly set up a comprehensive portal with a knowledge base, community forum, and FAQs, empowering customers to resolve queries independently. Enjoy a free trial and improve response times while boosting customer satisfaction. Sign up today and transform your support experience!
Mga customer portal email template
Discover free customer portal email templates on LiveAgent, perfect for verifying emails, inviting customers, and gathering feedback. Enhance your communication with ready-to-use templates that save time and resources, empowering your customer service team. Create a seamless self-service experience with these expertly crafted emails. Visit now to boost your customer engagement!
Discover the powerful customer forum feature of LiveAgent, an online space for customers to discuss products, services, and company preferences. Enhance customer satisfaction and sales performance by creating public or internal forums effortlessly. Try it for free and build a community that fosters collaboration and customer loyalty.