Ang customer behavior ay ang pag-aaral ng mga tao at kompanya at kung paano sila pumipili ng produkto o serbisyo. Ang pakay ng pag-aaral ng consumer behavior ay para mapabuti pa ang pag-unawa sa consumer psychology, at mga motibasyong may kinalaman sa pagtitinda ninyo sa mga prospective na kliyente.
Kapag naintindihan ninyo ang mga consumer, magagamit ninyo ang lahat ng aspekto ng negosyo ninyo sa pagtugon sa pangangailangan ng consumer. Kaya may kakayahan nang maibagay ang marketing campaigns, sales pitches, at customer support responses.
Kapag naintindihan ninyo na talaga ang consumer, puwede na kayong makapagsimula ng proactive na pag-abang. Halimbawa, ano ang kailangan nila para makapagdesisyon sila nang ayon sa kagustuhan ninyo. Hahantong ito sa mas maraming sales at mas mainam na retention para sa kompanya ninyo.
Sakop ng consumer psychology ang mga sumusunod na topics:
- paano pumipili ang mga consumer sa iba’t ibang produkto, serbisyo, at brand
- consumer behavior research – pag-shopping sa store o sa online
- aspektong naka-iimpluwensiya sa marketing campaigns, tulad ng wording, design, placement, at timing
Sa Hello Bar, ang pag-unawa sa consumer psychology ay mahalaga para magtagumpay. Ang mga pop-up ay puwedeng mukhang pinakamaliit na aspekto lang ng marketing. Pero perpektong paraan ito para makakuha ng pananaw tungkol sa customer behavior. Bakit? Dahil sila ay simple at madaling subukan.
Suriin natin ang pinakamalaking consumer psychology takeaways. Ang mga ito ay mula sa higit na isang dekadang pagsubok ng lead generation campaigns sa Hello Bar, isang kompanya ni Neil Patel.
Mga consumer psychology takeaway
Takeaway #1: Huwag maliitin ang maliit na bagay. Ang pinakamaliit na detalye ay puwedeng mag-trigger ng consumer behaviors.
Kahit na ang pinakamaliit na detalye sa marketing campaign, sales pitch, o support message ay puwedeng magpadala ng message sa audience ninyo.
Ang background color ng isang website page o graphic ay mukhang hindi importante. Pero ito ay puwedeng kritikal pagdating sa pagperpekto ng interaksiyon ninyo sa customer gamit ang graphic.
Halimbawa, ginamit namin ang A/B testing feature ng Hello Bar para masubukan ang eksaktong pop-up na may isang pagbabago lang: ang kulay ng background.
Pagdating ng resulta, nag-convert ang Option B nang mas mainam kaysa sa version na may puting background. Ang pagkakaiba sa conversions ay 3.6% nang dahil sa kulay ng background lang!
Ang takeaway? Importante ang kulay. At ganoon din ang iba pang detalye. Nakakita na kami ng parehong resulta mula sa maliliit na pagbabago tulad ng pagdagdag ng exclamation point o pag-capitalize ng letra.
Mag-adjust ng kulay ng button, baguhin ang salita sa isang message, o magdagdag ng emoji. Gamit ang mga ito, puwede ninyong mabago kung paano tatanggapin ng consumer ang brand ninyo, at kasabay nito ang kaugnay na behaviors nila.
Takeaway #2: Ang mga consumer ay palaging nagtatanong ng Ano ang mapapala ko rito?
Bilang isang representative ng kompanya, palagi kayong nabibigyang-motibasyon ng mga resulta ng negosyo na nakikita sa mga aksiyon o kaya naman ay sa susunod na performance review.
Pero kung gusto ninyong mapahalagahan ang paghihirap ninyo, tigilan ang pag-focus sa kung ano ang mapapala ninyo at imbes ay isipin kung ano ang mapapala ng customer ninyo. (Spoiler alert: ito ang sikreto sa consumer psychology).
Kapag susuriin kung gagamitin ba ninyo o hindi ang produkto ninyo o kahit na makipag-ugnayan sa kompanya ninyo, ang mga consumer ay malamang iniisip na:
1. Ano ang mapapala ko rito?
2. Ano ang makukuha ko sa paggamit ng produkto o serbisyong ito?
3. Anong option ang makapagpababalik ng halaga ng pera at oras na ibinibigay ko sa praktis na ito?
Ang mga customer ninyo ay kailangang makita ang malinaw at nakahihikayat na benepisyo mula sa paggamit ng mga serbisyo o produkto ninyo.
Sa Hello Bar, maraming miyembro ng komunidad namin ang gumagamit ng pop-ups. Halimbawa, sa pagkolekta ng email address o phone number mula sa mga visitor sa website. Karamihan sa mga consumer ay hindi gustong ibigay ang kanilang personal na impormasyon at buksan ang inbox nila.
Para makapag-convert ng maraming tao gamit ang pop-up at mahikayat silang ibigay ang impormasyon nila bilang lead, kailangang isaalang-alang ang halagang makukuha ng mga ito sa pagbigay nila ng email address.
Dito papasok ang lead magnets. Nagbibigay sila ng mahahalagang resources, tulad ng in-depth guides, limitadong labas na eBooks, at custom discounts bilang pandagdag sa kalakaran.
Ang customer behavior research namin ay nagpapakita ng mga sumusunod na benepisyo mula sa quality at value-laden na lead magnets:
- Guides – conversion rates sa pagitan ng 1-3%.
- Coupons na nagdudulot ng conversions sa pagitan ng 5-10%.
- Interactive offers tulad ng pagkakataong manalo ng gift card na nagdudulot ng conversions sa pagitan ng 15-30%.
Para matutukan ang mga ito, tanungin ninyo kung ano ang halagang makukuha ng consumer dito. Kung hindi ninyo ito masasagot, hindi magiging interesado ang consumer.
Takeaway #3: Gumamit ng kakulangan bilang trigger. Sobrang epektibo nito.
Kapag mas kulang ang resources, mas naghahanap nito ang mga consumer. Tulad na lang ng sinaunang tao na naghahanap ng pagkain sa kagubatan, ang mga consumer ngayon ay naghahanap ng pinakamainam na deals. May partikular na sigasig silang mararamdaman kapag nakahanap ng magandang offer, lalo na kapag sinuwerte silang mahanap ito o, mas mabuti, kung napanalunan/kinita ito.
Gusto ba ninyong umaksiyon ang mga consumer ninyo? Kunin ang atensiyon nila sa pamamagitan ng limitadong offer na available lang sa loob ng partikular na panahon o partikular na dami ng tao. Siguradong mahihikayat ninyo sila at makaka-trigger ito ng consumer behavior na hinahanap ninyo.
Naisip ba ninyo kung paano lumaki ang eBay bilang online marketplace? Ito ay dahil sa paggamit ng countdown timers at bidding wars – triggers na nakatuon sa sense of urgency at kakulangan.
Mga huling takeaways para mapaunlad ang kompanya gamit ang consumer behavior
Napag-alaman natin ang maraming mahahalagang bagay dahil sa paggamit ng pop-ups. Halimbawa, ang kahalagahan ng maliliit na detalye, mahalagang offers, at sense of urgency. Pero ang pinakamahalagang payo (pagdating sa consumer psychology) ay ang bawat kompanya ay may kanya-kanyang audience. Ang bawat audience ay binubuo ng magkakaibang indibidwal.
Ang nakapag-trigger sa mga visitor na bumili nang bumili sa isang kompanya ay puwedeng maging dahilan naman ng pag-alis ng ibang customer.
Ang consumer psychology ay palaging bumabalik sa testing at pag-uusap. Para ma-optimize ang negosyo at proseso para sa higit na ikaliligaya ng consumer, isailalim sa A/B test ang kahit anong message na ipadadala ninyo. Kahit pa isinasailalim ninyo sa A/B testing ang pop-ups, support templates, o email subject lines, makikita rin ninyo kung ano ang pinakamainam sa lahat.
Diskubrehin ninyo
Para malaman ang “bakit” sa likod ng consumer behavior, ang susunod na hakbang ay pakikipag-usap mismo sa mga consumer. Dito papasok ang LiveAgent at ang customer support team ninyo. I-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Basahin kung paano mapahahalagahan ang mga kliyente ninyo.
Soft skills ng customer service
Kailangan ng customer service rep na magkaroon ng parehong mahusay na hard at soft skills. Pero anong soft skills ba ang pinakamahalaga?
Introduksiyon sa customer interactions
Alamin ang kahalagahan ng customer interaction para sa tagumpay ng negosyo. Matutunan kung paano magpakita ng pasasalamat, empatiya, at pagiging malikhain upang mapabuti ang relasyon sa customer. Tuklasin ang mga kasanayang kailangan ng mga customer service representative at paano makakatulong ang LiveAgent sa pamamahala ng customer interactions. Bisitahin para sa karagdagang impormasyon at simulan ang iyong libreng account ngayon.