Ano ang customer segmentation?
Ang customer segmentation (kilala din bilang market segmentation) ay isang patakaran ng marketing sa paghahati ng customer batay sa sub-groups. Maaari itong geographic, demographic, psychographic, behavioral, o iba pang katangian. Ang susi sa epektibong segmentation ay hatiin ang mga customer sa grupo base sa nakikitang halaga nila sa business. Pagkatapos, i-target ang bawat grupo na may iba’t ibang strategies para makakuha ng maximum value mula sa parehong high at low-profit na customers.
Sa malawakang usapan, sinusubukang saguting ng customer segmentation ang mga sumusunod na pangunahing tanong:
- Anu-ano ang mga pangunahing grupo ng customers na pinagsisilbihan ng ating business?
- Sinu-sino sa mga customer natin ang pinakamalakas at hindi gaanong kalakas pagdating sa profit natin?
- Aling aspekto ng ating produkto/serbisyo ang pinaka-nakaaakit sa ating mga customer?
- Anu-ano ang mga kailangan ng ating customers?
- Paano mapagagaan ng ating produkto ang pain points ng customers?
- Paano natin mapapahusay ang ating mga ino-offer para tumaas ang customer satisfaction?
- Anu-ano ang mga pinakamagandang communication channels para makipag-ugnayan sa ating mga customer?
- Ano ang bisa ng iba’t ibang sales channels na ating ginagamit?
Mga hakbang sa market segmentation:
- mangolekta at magsuri ng customer data
- tumukoy ng tamang criteria para sa customer segmentation
- pumili ng pinaka-attractive na segment
- Pagbuo ng mga natatanging estratehiya sa marketing para sa bawat segmento
Mga uri ng customer segments:
B2C customer segmentation:
- Sa demographic segmentation, hinahati sa segments ang market. Ito ay batay sa mga variable gaya ng edad, henerasyon, kasarian, lahi, ethnicity, marital status, laki ng pamilya, edukasyon, trabaho, at income.
- Sa geographic segmentation, hinahati ang target market batay sa lokasyon gaya ng: bansa, state, city, rehiyon, pati na rin ang iba’t ibang pisikal na kondisyon (climate, mga cultural preference, populasyon, etc.)
- Hinahayaan ng psychographic segmentation na ikategorya ang customers batay sa kanilang magkakatulad na personality traits, values, beliefs, attitude, interes, lifestyle, at social class.
- Ang behavioral segmentation ay tungkol sa paggrupo ng mga customer ayon sa paraan ng kanilang interaksiyon sa isang brand. Halimbawa: paraan ng pagbili, okasyon o timing, paggamit ng produkto/serbisyo, hinahanap nilang benepisyo, stage ng buyer journey, estado ng gumagamit, o level ng loyalty nila.
Para sa B2B customer segmentation:
- Ang priori o firmographics segmentation ay gumagamit ng simpleng paraan ng pag-uuring batay sa available na pampublikong katangian. Halimbawa; laki ng industriya at kompanya (alinman sa dalawa, bilang ng empleyado o taunang revenue.)
- Sa needs-based segmentation, hinahati ang customers ayon sa napatunayan nang pangangailangan na kanilang hinayag sa mga ino-offer na mga partikular na produkto o serbisyo.
- Pinag-iiba ng value-based segmentation ang mga customer batay sa ipinakita nilang economic value sa isang business, sa parehong nakumpleto at potensiyal na benta.
Bakit kailangang i-segment ang customers?
“Ang pagbebenta sa mga taong talagang gustong makarinig mula sa inyo ay mas epektibo kaysa mangharang ng mga estranghero na ayaw makinig.”
Seth Godin – Amerikanong author at dating dot com business executive
Kapag gumagamit ng pamamaraan na one-size-fits-all sa marketing, puwedeng hindi makapagbigay ng inaasahang resulta kahit ang pinakamagaling na strategy. Kahit na anong epektibo ng inyong marketing effort sa iilan, puwede pa rin itong mabigo sa iba. Dito pumapasok ang customer segmentation. Kung tama ang pagkakagawa, puwede itong magdala ng maraming benepisyo sa mga business:
Mas mahuhusay na mga marketing campaign
Sa customer segmentation, hinahayaan ang mga business na gumawa ng mas tutok na marketing messages na nakasadya sa bawat partikular na segment. Ayon sa Mailchimp survey, ang mga campaign na pinagsama-sama batay sa interes ng customers ay may average na 74% na mas mataas na click rate. Ito ay kumpara sa di-segmented na mga campaign.
Pinahusay na mga offering
Magkaroon ng malinaw na ideya kung sino ang inyong mga customer at ano ang kanilang makukuha sa paggamit ng inyong produkto/serbisyo. Magbibigay-daan ito para mapino at maisaayos ang inyong offerings. Kaya’t matutugunan ang mga kailangan at inaasahan ng mga customer, na lalong magreresulta sa pinahusay na customer satisfaction.
Abilidad sa expansion
Pagsama-samahin ang mga potensiyal at kasalukuyang customers sa partikular na sub-groups. Bilang resulta, ang mga business ay puwedeng magkaroon ng mas malawak na pang-unawa sa mga bagay na puwedeng makakuha ng interes ng customers. Ito naman ay magtataguyod ng paglawak ng mga bagong produkto at serbisyo na angkop sa mga targeted audience.
Mas maraming customers ang nananatili
Puwedeng makatulong ang customer segmentation sa mga business sa paggawa ng strategies sa pagpapanatili ng targeted customer sa pamamagitan ng pagkilala sa mga top-paying customers ng kompanya. Samakatwid, nakagagawa ng personal na offer para sa kanila, o muling makipag-ugnayan sa mga matagal nang hindi bumibili.
Price optimization
Alamin ang social at financial status ng mga customer. Pinadadali nito para sa mga business ang pagtukoy sa tamang presyo ng kanilang produkto/serbisyo na makokonsiderang angkop kahit papaano sa mga customer.
Nadagdagan ang revenue
Gumugol ng mas kaunting oras, resources, at marketing efforts sa mga customer segment na maliit ang kikitain ninyo at mas tutukan ang mga pinakamatagumpay na customer segment. Bilang resulta, itataas nito ang revenue at profitability, at napapababa ang sales costs.
Paano mag-segment ng customers?
Sinusuri ng customer segmentation ang mga partikular na data tungkol sa customers para makita ang pattern at maigrupo sila sa segments. Gayunpaman, ang ibang mga data ay puwedeng makuha sa impormasyon kapag bibili sila (geography, kompanya, titulo sa trabaho, produktong binili, etc.). Puwede rin sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga customer ng evaluation form. Para sa mas advanced na data customer segmentation analysis, maraming tools na puwedeng gamitin. Halimbawa, Google Analytics, Kissmetrics, Segment, Piwik, Yandex, etc. Marami ring content marketing tools na may built-in segmentation at targeting features.
Minumungkahi ng mga eksperto na ang mga customer segment ay dapat:
- Madali at malinaw na makikilala
- Nasusukat
- Malaki at sapat na mahalaga para maging profitable
- Naa-access sa pamamagitan ng promotion, communication, at distribution channels
Kapag natukoy na ang mga segment, importanteng matantiya ang laki at halaga ng bawat segment. Ikumpara ang laki ng segment sa average revenue na nadadagdag sa bawat segment. Ito ang magsasabi kung aling customer groups ang mas kumikita para sa inyong business. Ikonsidera natin na ang 80% ng sales ng kompanya ay galing sa 20% ng customers. Mahalagang matukoy ang mga nasabing high-value segments. Samakatwid, mas mabibigyan ninyo ng priority ang inyong marketing efforts at maiaayos ang inyong produkto/serbisyo para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Gusto ninyo ng karagdagang detalye? Basahin ang aming detalyadong article tungkol saCustomer service theory.
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Paano nase-segment ang mga customer?
Sine-segment ang customers batay sa geographic, demographic, psychographic, behavioral, at iba pang katangian..
Ano ang mga hakbang sa market segmentation?
Ang unang hakbang ay mangolekta at magsuri ng customer data. Ikalawa ay tumukoy ng tamang criteria para sa customer segmentation. Sunod, pumili ng pinaka-attractive na segment. Ang panghuling hakbang ay gumawa ng marketing strategies na bukod-tangi sa bawat segment.
Bakit kailangang i-segment ang customers?
Ang benepisyo ng customer segmentation ay: mas mahuhusay na mga marketing campaign, abilidad sa expansion, customer retention, price optimization, at dagdag sa revenue.
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Basahin kung paano mapahahalagahan ang mga kliyente ninyo.
Introduksiyon sa customer interactions
Alamin ang kahalagahan ng customer interaction para sa tagumpay ng negosyo. Matutunan kung paano magpakita ng pasasalamat, empatiya, at pagiging malikhain upang mapabuti ang relasyon sa customer. Tuklasin ang mga kasanayang kailangan ng mga customer service representative at paano makakatulong ang LiveAgent sa pamamahala ng customer interactions. Bisitahin para sa karagdagang impormasyon at simulan ang iyong libreng account ngayon.
Nangungunang 20 Metric ng Kustomer Upang Sukatin
Nasa ibaba ang pangkalahatang ideya ng serbisyong kustomer at mga metric sa suporta na maaaring masubaybayan ang iyong organisasyon. Tingnan ang pangkalahatang ideya at matuto nang higit pa.