Ano ang customer service conferences
Sa madaling salita, ang mga customer service conference ay mga event kung saan nagsasama-sama ang mga eksperto at mga propesyonal mula sa customer service at CX. Dumadalo sila para mag-share ng kaalaman nila at magsalita tungkol sa pinakabagong advancements sa larangang ito. Puwede itong gawin bilang local event pati na rin sa buong mundo o international na may daan-daang propesyonal na nagsasama-sama.
Bakit mahalaga ang customer service conferences?
“Nagpupunta ang aming team sa mga customer service at CX conference kada taon. Ito ay laging magandang pagkakataon para may mga bagong makilala at makasama ulit ang mga dating kaibigan at kasamahan. Sa tingin ko, ang events na gaya nito ay kinakailangan ng bawat customer service professional na gustong makahanap ng bagong oportunidad sa kanilang larangan,”
Diana Adjadj – Manunulat sa Best Essay Education.
Marami kayong benepisyong puwedeng makuha sa pagdalo sa mga customer service at CX conference. Hindi napagtatanto ng lahat kung gaano kahalaga ang mga ito para sa ilang propesyonal.
Mga dahilan kung bakit mainam dumalo sa mga customer service conference
- Edukasyon: Marahil ang pinaka-importanteng pakinabang ng kahit anong customer service conference ay ang edukasyon, na nananatiling sentro ng atensiyon. Ang mga kalahok ay nabibigyan ng oportunidad na may matutuhang bago sa pamamagitan ng pakikinig sa sikat na speakers, pagbabahagi ng kanilang karanasan sa mga kasamahan, at marami pang iba.
- Networking: Ang isa pang pakinabang ng mga customer service conference ay ang networking. Madali kayong makakakita ng mga kahalintulad ninyong tao at kumonekta sa kanila para makapagtaguyod ng napakahalagang relasyon. Malay ninyo, baka sila ang maging masuwerteng ticket ninyo sa hinaharap.
- Alamin Ang Mga Trend: Kinakailangang malaman kung ano ang pinag-uusapan sa ngayon o anong klase ng mga praktis ang isinasagawa ng customer service experts para maging perpekto ang customer service ng inyong kompanya. Ang mga nasabing conference ay mainam para masundan ang pinakabagong balita at mga kaganapan.
- Promo ng Produkto: Ang mga customer service conference ay angkop para makakuha ng dagdag na product exposure. Kadalasan, ang mga kompanya ay may oportunidad na magpresenta kung ano ang pinagkakaabalahan nila kamakailan. Dagdag pa, makaka-promote sila ng kanilang produkto sa pamamagitan ng paggawa ng sarili bilang halimbawa kung paano nagiging mas mahusay ang customer service sa tulong nila.
- Mag-inspire at Mag-motivate: Ito ay maaaring hindi gaanong mahalaga, pero ang mga customer service conference ay puwedeng positibong magpasigla sa inyo at magpabuti sa inyong emosyonal na kapasidad. Kapag umalis na ang mga kalahok, karamihan sa kanila ay nag-uuwi ng inspirasyon sa kanilang mga puso at ganado pang makagawa ng marami.
Paano naiimpluwensiyahan ng mga customer service conference ang edukasyon?
“Hindi tayo humihinto sa pag-aaral sa ating buong buhay. Tutal, wala namang nakaaalam ng lahat lahat agad-agad. Kung kaya sa tingin ko, ang customer service conference ay maganda dahil nagbibigay ito sa inyo ng oportunidad para mapahusay ang inyong kaalaman, magawang perpekto ang inyong kakayahan, at laging maging aware sa mga pinakabagong trend sa industriya,”
Jessica Waterford – Writer sa WOWgrade
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang edukasyon ang isa sa key components ng kahit na anong customer service conference. Ang mga propesyonal ay nakikinig sa mga ibinibigay na mahahalagang payo ng mga eksperto tungkol sa mga bagay-bagay. Ang mga ganitong kaalaman ay nakatutulong sa mga espesyalista na mas maging magaling pa sa kanilang pagtanda. Bukod dito, meron ding mga regular na workshop at sessions na ginagawa sa ganitong event.
Pinakamahusay na customer service conference ng 2019
Ngayon ay alam na ninyo ang lahat tungkol sa customer service/CX conferences, kasama ang kanilang mga benepisyo. Tingnan ang listahan ng pinakamagagandang customer service conferences noong 2019 na nilista namin sa ibaba.
5 Pinakamahusay na customer service conference ng 2019
Customer Contact Week (CCW)
Ito ang pinakamalaking customer contact event ng CCW Digital bilang isa sa pinakamalaking online communities para sa mga customer service professional. Noong 2019, nagdiwang ito ng ika-20 anibersaryo (nag-rebrand ito noong 2018 at ginawang Customer Contact Week ang dating Call Center Week). Taon-taon, tinitipon nito ang pinakamahuhusay na CX, CS, at customer care leaders sa buong mundo. Makahahanap kayo ng workshops, site tours, at sessions sa ganitong event. Noong 2019, may speakers mula sa Verizon, HBO, Lyft, Hilton, at iba pang mga kilalang kompanya.
ICMI
Expo at Conference – Walang katapusan ang oportunidad na matuto sa ICMI. Merong higit sa 1,500 na kalahok taon-taon sa higit 75 na sessions. Ang conference na ito ay inorganisa ng UBM (noong 2018, pinagsama na ang UBM at Informa PLC). Kilala ang ICMI sa kanilang dedicated team ng trainers, speakers, industry insiders, at consultants. Sila ay nagtutulungan para matulungan kayong matukoy ang pagiging epektibo ng inyong contact center, masuri ang inyong mga operation, makilala ang inyong omnichannel strategy, at magbigay ng mga tool para matulungan kayong mapasigla at ma-manage ang inyong customer service team.
Northeast Contact Center Forum (NECCF)
Ang NECCF Annual Conference at Expo ay nag-focus sa pagpapakita ng pinakabagong technology at mga pagbabago sa larangan ng customer service. Ang Northeast Contact Center Forum, na tinatag noon 2001, ay kilala sa kanilang mga expert-led workshops, roundtable discussions, at walang katapusang oportunidad sa networking. Tulad ng kahulugan ng pangalan nito, ang event ay pangunahing ginaganap sa Northeast region ng USA kasama ang mga estado gaya ng Rhode Island, Massachusetts, Connecticut, Maine, Vermont, at New Hampshire.
Customer experience strategies summit
Tinitipon ng event na ito ang mga CX professionals mula sa buong North America. Noong 2019, maraming speakers ang galing sa mga kilalang kompanya gaya ng Toyota, Uber, Wal-Mart, at iba pa. Nag-focus ang Customer Experience Strategies Summit sa paggawa ng frictionless CX 360 vision sa tulong ng game-changing CX technologies at paggamit ng KPIs para mabawasan ang mga gastos. Nangako din ang event na tutulong sa mga customer service professional na mailabas nila ang buong lakas ng social media nila, makabisado ang digital CX na labanan, at mapahusay pa ang loyalty kasama na iba pang mga bagay.
Chief Experience Officer (CXO) exchange
Sa CXO Exchange, makakakilala kayo ng mga top-tier customer at mga patient experience na executives. Ang event na ito ay naka-focus sa tao, strategy, pagbabago, disenyo, at mas malawak na kaalaman para matulungan ang mga propesyonal na makapagbigay ng mga pinakamahuhusay na customer experience. Noong 2019, may speakers na galing sa Microsoft, Johnson & Johnson, Walgreens, Lenovo, Headspace, at iba pa. Ang Chief Experience Officer Exchange ay bahagi rin ng Customer Contact Week bilang isang premium, invitation-only event para sa karamihan ng senior CXO leaders.
Panghuling salita
Panghuli, ang customer service at CX conferences ang mga event na dapat bisitahin ng bawat customer service professional. Marami silang benepisyo maliban sa mga positibo at pangmatagalan na epekto sa edukasyon.
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Ano ang customer service conferences?
Ang customer service conferences ay mga event na dinadaluhan ng experts at professionals ng customer service at CX. Pumupunta sila para magbahagi ng kaalaman at pag-usapan ang pinakabagong advancements sa larangang ito.
Ano ang mga dahilan kung bakit magandang dumalo sa mga customer service conference?
Ang ilang dahilang isasaalang-alang sa pagdalo ng customer service conference ay ang karagdagang edukasyon, networking, kaalaman sa trends, product exposure, at makakuha ng inspirasyon.
Paano naiimpluwensiyahan ng customer service conferences ang edukasyon?
Ang customer service conference ay magandang oportunidad para mapabuti ang inyong kaalaman, mapaghusay ang skills, at maging maalam sa pinakabagong trends sa industriya.
Soft skills ng customer service
Kailangan ng customer service rep na magkaroon ng parehong mahusay na hard at soft skills. Pero anong soft skills ba ang pinakamahalaga?
Tuklasin ang mga karaniwang tanong at payo para magtagumpay sa customer service interview. Alamin ang kahalagahan ng pasensya, kaalaman, at empatiya sa customer service. I-explore ang mga tanong tungkol sa customer service, behavioral questions, situational questions, at marami pa. Gamitin ang LiveAgent upang mapahusay ang iyong customer service skills at communication channels.
Introduksiyon sa customer interactions
Alamin ang kahalagahan ng customer interaction para sa tagumpay ng negosyo. Matutunan kung paano magpakita ng pasasalamat, empatiya, at pagiging malikhain upang mapabuti ang relasyon sa customer. Tuklasin ang mga kasanayang kailangan ng mga customer service representative at paano makakatulong ang LiveAgent sa pamamahala ng customer interactions. Bisitahin para sa karagdagang impormasyon at simulan ang iyong libreng account ngayon.