Bakit ito mahalaga?
Tayo ay nabubuhay sa patuloy na nagbabagong mundo kung saan ang pagdami ng hiling ng tao ay katimbang ng bagong teknolohiya/oportunidad/option na inaalok. Mahalaga sa atin ang oras, samakatwid, umaasa tayong ganito din dapat ang ibang tao. Pagdating sa customer service staff, naghihintay tayo ng madalian at epektibong tugon ng representative. Hindi na ito napahahalagahan sa panahon ngayon. Samakatwid, dapat merong mahusay na edukadong support representative. Sa ibaba ay may iba-ibang tips para sa customer service education.
Pre-employment education
Ang posisyon ng customer support representative ay karaniwang isang temporary job kung saan hindi nangangailangan ng customer service education. Kaya mahusay na gawin ngayon ang “pagpapalago” ng potensiyal ng kandidato. Kung merong kakulangan ng tao sa market, madaling gumawa ng isang lupon ng mga kandidato para sa kompanya sa pamamagitan ng libreng workshop. Bukod dito, merong dapat diin sa kung ano ang kailangan para maging customer support representative.
Mga gawain para sa mga potensiyal na kandidato:
- “Dive in” training. Dito nagiging posibleng dagdagan ang kaalaman tungkol sa kompanya, ang kanilang mga produkto, corporate culture, mga,kliyente, at iba pa.
- Mag-organisa ng mga general lecture sa business communication, sales, emotional intelligence, stress resistance, time management, maski anong mahalaga at konektado sa realidad ng pagtatrabaho ng tao. Ang lectures na ito ay dapat merong bahaging praktikal at teorya para mas interactive at mas epektibo.
- Magtakda ng mga maliit na homework assignment at bigyan sila ng feedback para manatiling taimtim na nakikinig at nakikisali.
- Leaderboard. Gumawa ng isang sistema kung paano bibigyan ng score ang mga kasali, isa itong option para madagdagan ang pagnanais nilang dumalong customer service training. Tatatak sa isip nila kung merong munting regalo mula sa kompanya, pati mga magagandang alaala at pagkakataong mag-apply sa mga bakanteng posisyon.
Magtakda ng customer service training program para sa mga bagong empleyado
Ang mga aktibidad na ito ay dapat napag-isipang mabuti bago tanggapin ang kahuli-hulihang version nito. Kailangan ng kompanyang mag-eksperimento para mahanap ang pinakamahusay na solusyon. Ito ang mga posibleng disenyo ng customer service training:
- Teorya muna (nang buo), pagkatapos ay magpraktis sa mga grupo.
- Teorya muna (nang buo), pagkatapos ay indibidwal na customer training.
- Teorya (hiwa-hiwalay na parte) na may kahalong group practice customer training.
- Teorya (hiwa-hiwalay na parte) na may kahalong indibidwal na practice training.
Ayon sa CustomWriting client support, ang pinaka-epektibong paraan ay ang paglalagay sa mga grupo ng mga tao at pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa CRM system. Bukod dito, ipaliwanag ang company standard sa hiwa-hiwalay na parte imbes na sa kabuuan. Pagkatapos ay sundan agad ang theoretical information ng praktis, pero gawing individual approach para sa bawat miyembro ng grupo.
Tools na magagamit para ayusin at mamahala ng customer training para sa baguhan:
- Moodle. Tinutulungan nito na gawing mahusay ang daloy ng proseso at masubaybayan ng bagong empleyado ang kanilang tagumpay. Posibleng maghatak ng ibang tao para i-share ang customer service training materials, at bigyan sila ng marka sa kanilang gawain. Mahusay itong tool na mai-customize at maiingatan ang inyong customer service educational process para sa darating pang mga customer representative.
- Confluence. Ang support team ay grupo ng mga taong may kakayahang makalimot ng mga bagay, mapaghalo ang impormasyon, at gumawa ng pagkakamali. Kaya napakahalagang gumawa ng espasyo para sa mga representative kung saan agad nilang mahahanap ang kinakailangan nilang mga tip, guideline, algorithm, at procedure.
- Ang typing ay isang tool para gawing parang “bulag” ang mga rep. Para ito makaipon ng oras ang mga rep para makaisip kung ano ang kanilang isasagot imbes na kung paano sumagot. Merong iba-ibang level at award para sa mga dagdag na aktibidad. Dapat merong sariling batayan ng oras kada minuto para sa mga empleyado ang kompanya.
Newcomer – Mga customer service education tip:
- Dapat merong dalawang trainer na nasa customer service education day. Minsan puwede kasing sobrang daming tanong ng mga newcomer, na mas mabuti at normal lang para sa nagsisimula sa training.
- Meron dapat matanggap ang mga empleyadong mga puna tungkol sa kanilang trabaho, homework assignment, kaugalian, at iba pa.
- Ang proseso ng customer service education ay klaro at madali lang dapat sundan. Ang mga chart at customer service training material ang magpapabatid at magiging motibasyon ng mga trainee.
- Hindi dapat kalimutan ng kompanya na kumuha ng feedback at dagdag-kaalaman mula sa mga bagong empleyado. Ang mga ito’y may fresh perspective sa sistema at sa mga proseso.
Experienced support education
Ang experienced support education ay isang prosesong tuloy-tuloy lang. Kailangang matuto at magturo ng mga bagong mga proseso at pamamaraan ang mga kompanya sa kanilang mga empleyado araw-araw. Ano ang dapat gawin ng kompanya ninyo?
I-test ang kasalukuyang customer support
Mahalaga ang pagbibigay ng pagsubok sa kasalukuyang support staff mga dalawang beses kada taon. Ito’y para mabigyan ang kompanya ng ideya kung ang lahat ay nasa iisang direksiyon.
Gumamit ng classmarker
Pinadadali ng Classmarker na bigyan ng pagsubok sa kaalaman ang bawat representative. Paano? Ito’y gumagawa ng iba-ibang mga katanungan (multiple-choice, matching, open question, at iba pa.)
Gumamit ng karagdagang training para mapanatili ang mga soft skill
Halimbawa: “Pakikipag-usap sa iba-ibang klase ng mga customer,” “Upsale,” “Conflict Resolution.” Sa gitna ng mga learning session, kailangang pag-usapan ang mga sitwasyong mas totoo para makapagbigay ang support team ng feedback sa isa’t isa o kahit maturuan ang isa’t isa sa pagbabahagi ng pang-araw-araw nilang karanasan sa mga kliyente. Mapupunta ang lahat ng ito sa tagumpay nila.
Sumali sa mga event na may knowledge sharing
- Puwedeng bigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng team na gumawa ng mga presentation sa mga paksang meron silang kaalaman. Makabubuti ang presentation na katulad ng TedTalks.
- Puwedeng gumawa ang mga kompanya ng sariling customer service educational system para sa bawat representative sa loob ng dalawang taon.
- Mas makabubuti kung gagawa ng training program at educational plan na bagay sa mga objective at plano ng kompanya.
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Anong uri ng edukasyon ang kailangan para sa customer service?
Ang position ay karaniwang temporary job na di kinakailangan ng anumang uri ng edukasyon.
Paano itinuturo ang mahusay na customer service?
Ang pinakamahusay na paraan sa pagtuturo ng magaling na customer service ay paghaluin ang impormasyong theoretical sa praktikal agad-agad. Mas mainam kung paisa-isa ang approach sa bawat miyembro ng grupo kung posible.
Bakit mahalaga ang customer service education?
Mahalaga sa atin ang oras, samakatwid, umaasa tayong ganito din dapat ang ibang tao. Pagdating sa customer service staff, naghihintay tayo ng madalian at epektibong tugon ng representative. Hindi na ito napahahalagahan sa panahon ngayon. Samakatwid, dapat merong mahusay na edukadong support representative.
Mga customer service conference at ang epekto nito sa edukasyon
Alamin kung paano makakaapekto ang mga customer service conference sa inyong edukasyon at karera! Dumalo sa mga pangunahing event tulad ng Customer Contact Week at ICMI Expo upang matutunan ang mga pinakabagong trend, makipag-network sa mga propesyonal, at makakuha ng inspirasyon. Huwag palampasin ang pagkakataon na mapabuti ang inyong kaalaman at kasanayan sa industriya!
Customer service standards checklist
Discover the ultimate Customer Service Standards Checklist to elevate your client interactions and ensure exceptional service. This comprehensive list guides companies on maintaining transparency, consistency, accessibility, and responsiveness while fostering a professional approach. Perfect for businesses aiming to standardize quality across multiple locations, this checklist is essential for delivering a remarkable customer experience. Visit now to set up clear guidelines for your team and keep your service at its peak!
Introduksiyon sa customer service academy
Alamin ang kahalagahan ng customer service sa negosyo at paano ito makakaapekto sa tagumpay nito sa Customer Service Academy. Matutunan ang mga pangunahing kaalaman, modernong depinisyon, at benepisyo ng quality service. Tuklasin kung paano mapapabuti ang iyong customer service sa pamamagitan ng training at investment sa mga kakayahan ng iyong team. Bisitahin ang aming webpage para sa libreng training resources at practical advice na makatutulong sa iyong negosyo.