Tinatantiyang nasa $75 bilyon taon-taon ang ginagastos ng mga business dahil sa mahinang customer service. Para masabing matagumpay at kumikita sa ngayon ang mga highly competitive at oversaturated na marketplace, kailangang seryosohin ng mga business ang customer service at gawin itong top priority. Nasa ibaba ang koleksiyon ng customer service quotes at sayings mula sa mga sikat na business leader, eksperto sa industriya, at author na nagbibigay ng ilang mahahalagang pananaw at inspirasyon para sa mga business na magbabago ng kanilang pamamaraan sa pagbibigay ng serbisyo sa customers.
74 Inspirational customer service quotes mula sa mga eksperto
Pagliliwanag kung ano ang ibig sabihin ng customer service:
Ano ang customer service sa kasalukuyang panahon? Naniniwala ang mga business leader na higit pa ito sa pagbibigay ng suporta sa customers. Ito ay isang pilosopiya na dapat yakapin ng lahat ng nasa organisasyon, mula sa top management hanggang sa mga empleyado sa frontline.
Ang customer service ay hindi lang isang department. Ito ay dapat isang buong kompanya.
Tony Hsieh – CEO ng Zappos
Ang ibig sabihin ng customer service ay padaliin at pabilisin ang pagkuha ng tulong na kailangan ng mga customer – kung kailan at paano nila ito kailangan.
Steve Benson – Pulitzer prize-winning editorial cartoonist
Maraming tao ang may magarbong bagay na masasabi tungkol sa customer service, pero ito ay pang-araw-araw, tuloy-tuloy, walang katapusan, matiyaga, at mahabaging uri ng aktibidad.
Christopher McCormick – Dating CEO ng L.L. Bean
Sa mundo ng Internet Customer Service, mahalagang maalala na isang mouse click lang ang layo ng inyong kompetisyon.
Doug Warner – Senior Vice President sa Vonage
Ang customer service ay isang boluntaryong gawain na nagpapakita ng tunay na hangaring makatulong, kung di man mapasaya, ang customer.
Steve Curtin – Customer Enthusiast, isang empleyado sa Marriott International
Pasok ka sa kompetisyon kung kapantay ka sa presyo at quality. Serbisyo ang makakapagpapanalo sa iyo.
Tony Alessandra – Entrepreneur, business author, at hall-of-fame keynote speaker
Pasok ka sa kompetisyon kung kapantay ka sa presyo at quality. Serbisyo ang makakapagpapanalo sa iyo.
Jan Carlzon – CEO ng SAS Group
Kung hindi ninyo binibigyan ng serbisyo ang customer, ang trabaho mo ay ang bigyan ng serbisyo ang isang customer.
Jeff Bezos – CEO ng Amazon
Pag-alala kung sino ang customer
Ang customer ang pangunahing dahilan kung bakit may mga business ngayon. Kung walang customers, walang kita. Sila ang tunay na pinakamahalagang assets ng kompanya. Ang mga sumusunod na customer service quotes ang pinakamagandang pagpapaalala kung paano dapat nakikita ng customers ang mga business.
Hindi employer ang nagbabayad ng suweldo. Ang mga employer lang ang tagapangasiwa ng pera. Ang mga customer ang nagbabayad ng suweldo.
Henry Ford – Founder ng Ford Motor Company
Iisa lang ang boss: Ang Customer. At kaya nilang sisantehin ang lahat sa kompanya mula sa chairman pababa, sa simpleng paggastos nila ng pera sa iba.
Sam Walton – Founder ng Walmart at Sam’s Club
Ang mga customer ay mga asset na dapat alagaan at arugain.
Jeanne Bliss – Founder at Presidente ng CustomerBliss, at Co-Founder ng The Customer Experience Professionals Association
Ang pinakamagandang asset ng bawat kompanya ay ang customers nila, dahil kung walang customers, walang kompanya.
Michael LeBoeuf – Business author at dating management professor sa University of New Orleans
Pagtatrato sa customers nang tama
Ang mga kuntento at mabuting naalagaang customers ang pinakamahusay na brand ambassadors. Sa kabilang dako, ang pinakamadaling makasira ng reputasyon ng brand ay ang mga napabayaang customer na magreresulta sa pagkawala ng kita. Ang mga customer service quote na nakalista sa ibaba ay maliwanag na nagpapakita kung bakit mahalaga ang maalagaan at tratuhin ng tama ang mga customer.
13. “Rule 1: Laging tama ang customer. Rule 2: Kung sakaling nagkamali ang customer, basahin ulit ang Rule 1.” Stew Leonard – CEO ng Stew Leonard’s
14. “Alagaan ang mga customer at ang business na ang bahalang mag-alaga sa sarili nito.” Ray Kroc – Kilala sa pagbili, pagpapasikat, at “pagtatag” ng McDonald’s
15. “Sinasabi sa atin ng customer kung paano magtagal sa business, pinakamainam na makinig tayo.” Pamela Nelson – Artist
16. “Huwag subukang sabihin sa customer kung ano ang kanilang kailangan. Kung gusto ninyong maging matalino, maging matalino habang naliligo. Kaya paglabas, pumasok kayo sa trabaho, at pagsilbihan ang customer!” Gene Buckley – Senior Director ng Customer Success sa Microsoft
17. “Ang inyong pinakamahusay na customers ay mag-iiwan ng impression. Gayahin sila at sila ay hindi aalis.” SAP Ad
18. “Kahit na sinong customer ang umalis, hindi iginalang at natalo, nirerepresenta niya ang libo-libong dolyar palabas ng pinto, dagdag ito sa pagkabigong matupad ang ipinangako ng brand mula sa umpisa. Hindi ninyo ito nakikita pero ito’s nangyayari, araw-araw.” Seth Godin – Author at dating dot com business executive
19. “Kung hindi ninyo napasaya ang customers sa physical world, puwede nila itong sabihin sa anim na kaibigan. Kung hindi ninyo napasaya ang inyong customers sa internet, puwede nilang sabihin ito sa 6,000.” Jeff Bezos – CEO ng Amazon
20. “Kung naramdaman ng inyong customers na sila ay tagalabas, kalaunan ay makahahanap sila ng kompetensiya na magbibigay sa kanila ng mas magandang pakiramdam sa paggawa ng business sa kanila.” Shep Hyken – CSP, CPAE, at ang CAO (Chief Amazement Officer) ng Shepard Presentations
21. “Ang mga customer ay parang mga ngipin. Kapag hindi mo sila aalagaan, aalis sila isa-isa hanggang walang matira.” Jerry Flanagan – Army veteran, negosyante, founder at CEO ng Jdog brands
Mas marami pang quotes tungkol sa serbisyong tumatrato sa customers nang tama:
22. “Walang pakialam ang customers gaano man karami ang nalalaman ninyo maliban kung alam nila kung gaano kayo kaalaga.” Damon Richards – Eksperto sa customer care
23. “Tratuhin ang customer na parang kayo rin ang customer.” Gena Lorainne – Horticulturist at garden expert sa isang matatag na kompanya sa gardening
24. “Ang customer ay magiging naglalakad na advertisement dahil sa magalang na pagtrato sa kanila.” James Cash – Isang business academic na miyembro ng board of directors ng ilang korporasyon, kasama na ang General Electric, Microsoft, The Chubb Corporation, Phase Forward, Inc., Wal-Mart, at Veracode
25. “Kung wala kayong pakialam, wala ring pakialam ang customer.” Marlene Blaszczyk – Founder ng MotivateUs.com
26. “Tratuhin ang inyong customers na para bang pagmamay-ari ka nila dahil pagmamay-ari ka talaga nila.” Mark Cuban – Owner ng Dallas Mavericks sa National Basketball Association, co-owner ng 2929 Entertainment, at chairperson ng AXS TV
27. “Kapag hindi ninyo pinahalagahan ang inyong customers, iba ang gagawa nito sa kanila.” Jason Langella
28. “Lapitan ang bawat customer na ang layunin ay tulungan silangayusin ang problema o makamit ang goal nila, at hindi para bentahan sila ng produkto o serbisyo.” Brian Tracy – Motivational public speaker at self-development author
29. “Kung hindi ninyo aalagaan ang inyong customer, ang kompetensya ninyo ang gagawa nito.” Brian Tracy – Motivational public speaker at self-development author
30. “Walang halaga ng advertisement ang makakapag-ayos ng pinsalang nagawa ng hindi tamang pagtugon sa alalahanin ng customer.” Albert Schindler
31. “Aabutin ng buwan para makahanap ng isang customer at ilang segundo lang para mawalan ng isa.” Vince Lombardi – Executive sa National Football League
Pagbibigay ng pinakamahusay ng customer service
Ang pambihirang customer service ay higit pa sa pagsagot lamang ng mga tanong ng customers at paglutas na kanilang mga problema. Habang ang mga consumers ay lalong nagiging demanding, pinahahalagahan nila ang mga brand na nakapagbibigay ng tunay na di malilimutang serbisyo. Samakatwid, pumapayag silang magbahagi ng kanilang positibong karanasan sa iba.
32. “Ang mahusay ng customer service ay isang kritikal na competitive advantage para sa isang business.” Steve Benson – Pulitzer Prize-winning editorial cartoonist
33. “Ang mahusay na customer service ay nagsisimula sa itaas. Kung hindi iyon nakuha ng mga taong nauna sa inyo, kahit na ang pinkamalakas na link sa baba ng linya ay puwedeng makompromiso.” Richard Branson – Founder ng Virgin group
34. “Kung mas matagal kayong maghihintay, mas mahirap gawin ang bukod-tanging serbisyo.” William H. Davidow – General partner sa Mohr Davidow Ventures
35. “Ang pinakamahusay na customer service ay hindi nangangahulugang laging tama ang customer; ibig sabihin nito ay ang customer ay laging tinatrato nang may dangal.” Chris LoCurto – Leadership at Business Coach
36. “Para makapagbigay ng tunay na serbisyo dapat ninyong magdagdag nang di mabibili o masusukat ng pera, at iyon ay sinseridad at integridad.” Don Alden Adams – Presidente ng The Watch Tower Bible
37. “Kapag napagsilbihan ninyo nang mas maayos ang customer, lagi nilang naibabalik ang inyong investment.” Kara Parlin – Writer, editor, at content strategist
38. “Mas mahalaga pa kaysa sa $10,000 halaga ng advertisement ang isang customer na naalagaang mabuti.” Jim Rohn – Entrepreneur, author, at motivational speaker
39. “Ang layunin bilang kompanya ay magkaroon ng customer service na hindi lamang mahusay pero legendary rin.” Sam Walton – Founder ng Walmart at Sam’s Club
40. “Laging isaisip ang lumang kasabihan sa retail: Mas matagal naaalala ng mga customer ang serbisyo kaysa sa presyo.” Lauren Freedman – real estate agent
41. “Ang susi ay kapag umalis na ang customer at naiisip niyang, “Wow, gustong-gusto kong mag-business sa kanila, at gusto kong sabihin sa kanila ang aking karanasan.” Shep Hyken – CSP, CPAE, at ang CAO (Chief Amazement Officer) ng Shepard Presentations
Mga quote tungkol sa serbisyong nakatugon sa pangangailangan ng mga customer at nakahigit sa kanilang inaasahan
Para makapagbigay ng pinakamahusay na serbisyo, kailangang malaman ng mga business kung ano ang lahat-lahat ng mga inaasahan ng kanilang customer at kagustuhan. Kaya ang pag-alam kung ano ang matunog sa customers ay hindi lamang makatutugon sa kanilang pangangailangan pero makapagpapahigit sa kanilang inaasahan sa pamamagitan ng paggawa ng karagdagang effort.
42. “Ang unang hakbang para malampasan ang expectations ng inyong customers ay ang alamin kung anu-ano ang mga expectations na iyon.” Roy H. Williams – Bestselling author at marketing consultant na mas kilala sa kanyang Wizard of Ads trilogy
43. “Mas maging malapit pa sa inyong customers. Napakalapit na masasabi mo sa kanila kung ano ang kailangan nila bago pa man nila maisip iyon.” Steve Jobs – Co-founder at dating CEO ng Apple
44. “Kung mas nakikipag-ugnayan kayo sa inyong customers, mas nagiging malinaw ang mga bagay-bagay at nagiging mas madaling matukoy kung ano pa ang dapat ninyong gawin.” John Russell – Dating Vice President ng Harley-Davidson
45. “Hindi inaasahan ng customers na maging perfect kayo. Pero inaasahan nila kayong mag-ayos ng mga bagay-bagay kapag nagkaproblema.” Donald Porter – Vice President ng British Airways
46. “Ang susi ay magtakda ng mga makatotohanang expectation, at hindi lang ito maaabot, pero malalampasan pa – mas mainam kung sa hindi inaasahan at nakatutulong na mga paraan.” Richard Branson – Founder ng Virgin Group
47. “Alamin kung ano ang kailangan ng inyong customers at kung saan magaling ang inyong kompanya. Mag-focus kung saan magtatagpo ang dalawa.” Kevin Stirtz – Author ng More Loyal Customers
48. “Kasama sa paggawa ng lahat-lahat ay ang iparamdam sa customers na sila ay espesyal at tulungan sila kahit na minsan ito ay walang kahulugan.” Neil Patel – New York Times best selling author at top influencer sa web ayon sa Forbes
49. “Walang trapik sa karagdagang milya.” Roger Staubach – Quarterback ng Dallas Cowboys
Pag-unawa sa halaga ng customer experience
Sa mga nagdaang taon, ang customer service ang naging kritikal na kadahilanan ng pagkakaiba ng mga brand sa lahat ng industriya. Kaya hindi dapat maliitin ang kahalagahan nito. Ang patuloy na paggawa ng magagandang customer experiences ay nagpapatibay ng customer loyalty, mapahusay ang retention, at maghikayat ng positibong referrals.
50. “Ang customer experience ang susunod na competitive battleground.” Jerry Gregoire – Chief information officer sa Dell
51. “Nakikita natin ang ating customers bilang mga inimbitahang bisita sa isang party, at tayong lahat ay ang hosts. Trabaho nating gawing mas maganda ang bawat mahalagang aspekto ng customer experience.” Jeff Bezos – Founder at CEO ng Amazon
52. “Kailangan ninyong magsimula sa customer experience at magtrabaho paatras papunta sa teknolohiya, hindi ang kabaligtaran nito.” Steve Job – Co-founder at dating CEO ng Apple
53. “Ang customer experience ay hindi isang gastos. Ang pag-manage ng customer exeprience ang nagpapatibay ng inyong brand.” Stan Phelps – Experience Architect sa 9 INCH
54. “Kapag gumawa kayo ng napakagandang karanasan, sasabihin ito ng mga customer sa isa’t isa. Napakalakas ang pagpapakalat sa word-of-mouth.” Jeff Bezos – Founder at CEO ng Amazon
55. “Ang bawat pakikipag-ugnayan natin sa customer ay nakakaimpluwensiya kung sila ay babalik pa o hindi na. Kailangan nating laging maging magaling para hindi sila mawala.” Kevin Stirtz – Author ng More Loyal Customers
56. “Makalilimutan ng tao anuman ang sinabi ninyo. Makalilimutan nila anuman ang ginawa ninyo. Pero hindi nila makalilimutan kung ano ang pinaramdam ninyo sa kanila.” Maya Angelou – Poet, singer, memoirist, at civil rights activist
57. “Ang pang-unawa ng inyong customer ang inyong realidad.” Kate Zabriskie – Presidente sa Business Training Works
Pagtataguyod ng customer centric culture
Ang paggamit ng isang customer-centric na pamamaraan at pagpiling unahin ang mga customer sa sentro ng lahat ng desisyon at operations ng business ay makatutulong na makakuha ng matibay na lamang sa kalaban. Ano ang ibig sabihin ng pagiging customer-centric para sa business? Narito ang mga gustong sabihin ng mga eksperto sa industriya tungkol sa customer-centricity:
58. “Sa panahon ng customer, hindi na executives ang nagdedesisyong kung gaano ka-customer-centric ang mga kompanya, customers na.” Kate Leggett – Eksperto sa customer relationship management at customer service strategies, maturity, benchmarking, governance, at ROI
59. “Sino mang kompanya ang gustong unahin muna ang customers… ay nag-iisip na nang pangmatagalan.” Jeff Bezos – Founder at CEO ng Amazon
60. “Hindi na kayo muling magkakaroon ng lamang sa produkto o presyo. Madali itong magagaya. Pero ang malakas na kultura ng customer service ay hindi nagagaya.” Jerry Fritz – Owner ng Jerry Fritz Garden Design
61. “Ang customer-centric model ay hindi lang batay sa expertise ng mundo ng product development, pero ito ay nasa malalim na pag-unawa sa tunay na gusto ng customers, kailan at paano nila ito gusto, at ano ang kaya nilang ibigay sa inyo bilang kapalit.” Peter Fader – Professor ng Marketing sa Wharton School ng University of Pennsylvania
62. “Kung nagtatrabaho kayo para lang sa pera, hindi kayo magtatagumpay. Pero kung mahal ninyo ang inyong ginagawa at lagi ninyong inuuna ang inyong customer, ang tagumpay ay mapapasainyo.” Ray Kroc – American entrepreneur, mas kilala dahil sa ginawang paglawak ng McDonald’s mula sa isang local chain hanggang sa pinakamalaking profitable na restaurant franchise operation sa mundo
Pagtugon sa customer feedback
Ayon sa mga eksperto, ang customer feedback at reklamo ay dapat tanggapin at tingnan bilang sources ng impormasyon na magbibigay ng nakatutulong na pananaw. Kaya, magagamit ng mga business ang mga pananaw na ito para matutuhan kung saan at paano nila mapahuhusay ang kanilang produkto at serbisyo. Kung kaya napakahalaga ng mga nagrereklamong customer.
63. “Ang inyong pinakamalungkot na customers ang pinakamagandang resources ng pagkatuto.” Bill Gates – Co-founder ng Microsoft
64. “Ang consumer feedback ang patuloy na pinaka-importanteng drive para sa ating business.” Howard Shultz – Dating CEO ng Starbucks
65. “Madalas na mas alam ng customers ang tungkol sa inyong mga produkto kaysa sa inyo. Gamitin natin sila bilang mapagkukuhanan ng inspirasyon at ideya para sa product development.” David J. Greer – Co-owner at presidente ng Robelle
66. “Iminumungkahi ng statistics na kapag nagreklamo ang customers, dapat maging excited ang mga business owner at manager dito.” Zig Ziglar – author, negosyante, at motivational speaker
67. “Huwag aksayahin ang oras ng mga customer sa pagtatanong kung hindi kayo handang kumilos ayon sa sinasabi nila.” Bruce Temkin – Head ng XM Institute
68. “Tanungin ang inyong customers na maging bahagi ng solusyon, at huwag silang tingnan bilang bahagi ng problema.” Alan Weiss – Consultant, speaker, at author
Ang engaged na empleyado ang mas nakapagbibigay ng mahusay na serbisyo
Ang pinakamahusay na customer service ay nagsisimula sa pagkakaroon ng masasayang empleyado sa trabaho. Kaya ang mga agent na lubos ang pakikipag-ugnayan, may motibasyon, may kakayahan, at naaalagaan ay mas malamang na magmalasakit sa customers at magbigay ng mas mahusay na customer service sa kanila. Ang mga sumusunod na customer service quotes ay nagpapatunay lang na:
69. “Ang pakiramdam ng inyong mga empleyado ay pakiramdam din ng inyong customers. At kung hindi nararamdaman ng inyong mga empleyado na sila ay pinahahalagahan, ganun din ang inyong customers.” Sybil F. Stershic – Author at respetadong thought leader sa pag-engage ng mga empleyado gamit ang internal marketing
70. “Alagaan ang inyong mga empleyado at aalagaan din nila ang inyong customers, at babalik ang inyong customers.” J.W. Marriott – Founder ng Marriott Corporation
71. “Kung wala kayong magagaling na mga empleyado, wala kayong magaling na customer service.” Richard F. Gerson – Author, marketer
72. “Kung lagi nating hinihigitan ang expectations ng mga empleyado, lagi din nilang hihigitan ang expectations ng ating mga customer.” Shep Hyken – Customer service expert, keynote speaker, CSP, CPAE, at ang CAO (Chief Amazement Officer) ng Shepard Presentations
73. “Malaki man kayo o maliit, hindi kayo makapagbibigay ng magandang customer service kung hindi maganda ang pakiramdam ng inyong mga empleyado sa pagpunta sa trabaho.” Martin Oliver – Executive sa Kwik-Fit Financial Service
74. “Tratuhin ang inyong mga empleyado pareho ng gusto ninyong pagtrato nila sa inyong pinakamahusay na customer.” Stephen R. Covey – Educator, author, negosyante, at keynote speaker
Mga catchy na service slogans at taglines
Maliban sa mga quote tungkol sa serbisyo, gusto namin kayong bigyan ng mga kaakit-akit na ideya ng slogans at tagline. Ito ay malalakas ng marketing tools na puwedeng maging di malilimutang pagkakaiba na makatutulong gumawa ng emotional connections sa mga potensiyal na customers at mabigyan sila ng motibasyon na suportahan ang isang brand.
Bukod dito, nasa ibaba ang listahan ng ilan sa pinaka-sikat at compelling na customer service slogans, taglines, mottos, at sayings na maaaring makatulong na gamitin sa advertising campaigns para maakit ang interes ng potensiyal na customers o para ma-inspire ang support teams sa customer service training.
Listahan ng customer service slogans, taglines, at mottos
- Pinaka-nakikinabang ang may pinakamahusay na serbisyo.
- Ito ay tungkol sa mga customer.
- Gumawa ng customer, hindi ng benta.
- Gawing bayani ang customer sa inyong kuwento.
- Malayo ang nararating ng kagandahang asal, at hindi ito magastos.
- Unahin muna ang mga customer.
- Ang mga kuntentong customer ang pinakamagandang ads natin.
- Laging tama ang customer.
- Ang pang-unawa ng customer ang ating realidad.
- Tratuhin ang bawat kliyente na parang pamilya.
- Ang magandang serbisyo ay magandang business.
- Ang customer service ay trabaho ng lahat.
- Hindi pangkaraniwang serbisyo para sa hindi pangkaraniwang customers.
- Ang magandang customer service ay as mura kaysa sa masamang customer service.
- Ang customer service ay hindi isang department, ito ay isang attitude.
- Hindi pangkaraniwang serbisyo para sa hindi pangkaraniwang customers.
- Ang customer service ay ang bagong marketing.
- Ang magandang customer service ay mas mura kaysa sa masamang customer service.
- Sulit ang customer service.
- Hindi mabibili ang customer loyalty.
Diskubrehin ninyo
Ipraktis na ang kaalaman sa pag-test ng lahat ng natutuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Basahin kung paano mapahahalagahan ang mga kliyente ninyo.
Tuklasin ang mga karaniwang tanong at payo para magtagumpay sa customer service interview. Alamin ang kahalagahan ng pasensya, kaalaman, at empatiya sa customer service. I-explore ang mga tanong tungkol sa customer service, behavioral questions, situational questions, at marami pa. Gamitin ang LiveAgent upang mapahusay ang iyong customer service skills at communication channels.
Introduksiyon sa customer service academy
Alamin ang kahalagahan ng customer service sa negosyo at paano ito makakaapekto sa tagumpay nito sa Customer Service Academy. Matutunan ang mga pangunahing kaalaman, modernong depinisyon, at benepisyo ng quality service. Tuklasin kung paano mapapabuti ang iyong customer service sa pamamagitan ng training at investment sa mga kakayahan ng iyong team. Bisitahin ang aming webpage para sa libreng training resources at practical advice na makatutulong sa iyong negosyo.