Sa pagsikat ng digital age, mas maraming tao ang pumipiling magtrabaho sa customer service. Simple pero maayos ang bayad dito at maraming benepisyo para sa mga bagong-sali sa workforce at mga lumilipat ng career. Narito ang paraan kung paano maging isang customer service worker na may magarang service resume.
Bakit kayo magsisimula ng inyong career sa customer service?
Hindi pa kayo desidido sa magiging kauna-unahang trabaho ninyo? Puwedeng maging magandang panimula ang customer service. Narito ang dahilan.
1. Ito’y entry-level job na maayos ang bayad
Walang taong magtatrabaho nang libre. Gayunman, mahirap makapasok sa mga career path na hindi dumadaan sa internship. Maraming kaso na kayo’y hindi mababayaran nang husto o hindi talaga mababayaran maski sa anong bahagi nito.
Ang customer service ay mainam na paraan para maitaguyod ninyo ang soft skills na kailangan sa kahit anong trabaho at mabayaran nang maayos sa trabaho.
2. Matututo kayo ng mga transferable skill
Habang kayo ay nasa customer service, matututo kayong magtrabaho sa isang team, lutasin ang mga problema, at tumulong sa tao. Mga essential skills itong inyong kakailanganin sa kahit anong linya ng trabaho. Maski mga entrepreneur ay kailangang nakakapag-asikaso ng mga kliyente.
3. Makakakuha kayo ng networking at job experience
Mahirap makakuha ng disenteng trabaho kung walang work experience. Ang customer service ang puwede ninyong starting point ng karamihan sa mga career sa digital world.
Kung nararamdaman ninyong meron na kayong sapat na mileage at kakayahan sa portfolio, puwede na kayong lumipat ng trabaho.
Ano ang isasama sa customer service resume?
Maaaring ang customer service resume ay mistulang deretsahan. Hindi man ito kasinghirap ng ibang IT position, hindi rin madaling matanggap sa trabahong ito.
Sa kapal at dami ng resume na tinitingnan ng mga HR, ibig sabihin ay kakaunti ang pag-asang makakuha kayo ng posisyon. Ito ang mga kailangan ninyong isama sa customer service CV para magkaroon kayo ng pagkakataon.
1. Mga communication skill
Ang mahusay na mga soft skill ay susi sa customer service resume. Sa linya ng trabahong ito, kailangang harapin ang dose-dosenang mga call o mensahe kada araw at matulungan ang mga taong humahagilap sa inyo.
Isali ang mga skill na ito sa listahan para mas bumagay kayo sa trabaho:
- Interpersonal skills
- Pasensiya
- Pag-aayos ng alitan
2. Mga software skill
Halos wala nang customer service representative na humahawak ng phone call ngayon. Maski kasama ang pagtanggap ng calls sa trabaho, kailangan din ninyong magtrabaho gamit ang software. Kung mas marami ang na-master ninyong software, mas kakaunting onboarding ang kailangang gawin ng inyong kompanya.
Isama ang mga ito para ipakita sa mga reviewer na karapat-dapat kayong ma-interview:
- Microsoft basics
- Live chat software
- Customer management systems
3. Kaalaman tungkol sa industriya
Ang mga customer service worker ay tumutulong sa mga tao sa maraming larangan, mula IT hanggang e-commerce. Kung wala kayong kaalaman tungkol sa market at gusto ninyong magtrabaho sa customer service ng isang financial company, mapipigilan ang inyong pag-usad.
Pero kung mababanggit ninyong marami kayong kaalaman sa industriya, sa pangkalahatan, madali kayong makakapag-onboarding. Makatutulong sa inyong banggitin na mabilis kayong matuto.
4. Cases imbes na work experience
Kung unang beses pa lang ninyong magsulat ng customer service CV, huwag ninyong problemahin kung kulang kayo ng work experience.
Pinakaimportante ang inyong mga skill, lalo na para sa mga entry-level position. Banggitin ninyo kung ano ang mga soft at hard skill na nakuha ninyo sa mga nakaraang trabaho, kahit pa ito’y trabahong boluntaryo.
Kung limitado ang inyong work experience, ituon ninyo ang focus sa ilang cases na ginamitan ninyo ng mga soft skill para makatulong sa mga tao.
Mga detalyeng isasama sa customer service manager resume
Mas mahirap gumawa ng isang CV para sa management position. Ito ang mga detalyeng isasama ninyo para makaangat sa inyong larangan.
1. Mga management skill
Naging leader na ba kayo ng isang team? sama ang lahat ng detalye tungkol dito. Banggitin kung ilan ang inyong tauhan, ilan ang inyong kliyenteng hinawakan, at inyong performance statistic.
Magpasikat kung anong HR software ang inyong alam at paano ninyo nagamit ito para itaas ang productivity ng team ninyo.
Kung hindi pa kayo naging leader, magpasikat tungkol sa inyong mga management skill at inisyatiba. Banggitin ang pagtulong ninyong mag-onboard ng bagong empleyado o pagtulong sa senior management.
2. Mga magagandang achievement
Interesado ang mga kompanyang malaman kung ano ang kaya ninyong gawin para makatipid sila. Siguraduhing banggitin ang achievements ninyo sa dating trabaho.
Puwedeng malaking bagay ito tulad ng pagtulong sa paghubog ng company policy. Puwedeng maliit na bagay tulad ng pagpansin sa inyong teammates kung sumablay sila at kung napahusay nila ang kanilang ginagawa, o ang pagpapabalik ng isang umalis na empleyado.
Paano man kayo nakatulong, ipakita ninyo sa resume para makaangat sa inyong kompetisyon.
3. Mga out of job skill
Meron ba kayong mga skill na hindi sakop ng posisyon ninyo bilang customer service worker at manager? Kung meron, malaking bagay ito sa resume.
Halimbawa, kung gusto mong makapasok sa isang posisyon sa IT company, ang kaalaman sa basic coding ay magiging kalamangan. Ipinapakita nito sa HR na hindi kayo magkakaroon ng problema sa pakikipag-usap sa development department.
Paano gawing kagila-gilalas ang resume para sa customer service position
Ang paglipat sa trabaho sa customer service ay mabisang paraan para maiangat ang inyong suweldo at makapagsimulang muli. Puwede ninyong mabago ang inyong resume para sakto ito sa mga entry-level customer service job.
1. Mag-focus sa transferable skills
Ang mga soft skill ay mahalaga sa customer service. Gayunman, hindi ninyo kailangang magtrabaho sa customer service para magkaroon nito.
Kung nagtrabaho na kayong kaharap ang kliyente, meron na kayong kakayahang magawa ang parehong trabaho online. Kailangan lang itong ilagay sa customer service representative resume.
2. Pakinabangan ninyo ang inyong volunteer work
Kung hindi pa kayo harapang nakapag-ugnayan sa mga kliyente, baka naman may karanasan kayo bilang volunteer. Kailangan sa mga volunteer-type jobs ang pagtatrabaho sa isang team at pagtulong sa mga tao.
Eksaktong pangangailangan ito sa customer service.
3. Magpakitang-gilas ng inyong achievements
Siguro ay wala kayong masyadong work experience sa larangang ito, pero puwedeng meron kayong mangilan-ngilang napakagaling na kuwentong customer service.
Kayo ba’y naging mekaniko at napabalik ang isang kliyenteng umayaw? Nakatulong ba kayong pamunuan ang grupo ng mga magulang sa klase ng inyong anak? Isama ang mga karanasang ito sa customer service representative resume.
Ano ang format ng customer service resume?
Minsan, ang format ay kasinghalaga ng nilalaman. Ganito sumulat ng customer service representative resume para inyong mapakinabangan nang todo.
1. Chronological format
Maipagmamalaki ba ninyo na kayo’y may nakabibilib na employment history sa industriya? Gamitin ninyo ang chronological formatting.
Banggitin muna ang work experience, at ilista ang mga job duty at mga achievement.
2. Functional format
Kung ang inyong resume ay kulang sa karanasan sa trabaho, ituon ang atensiyon sa skills. Magpakitang-gilas at isulat ang halimbawa ng inyong nagampanan para mapabilib ang HR.
Siguraduhing may mga halimbawa ng inyong mga nagampanan sa halip na ililista lang ang pawang mga skill.
3. One page resume
Karamihan ng mga customer service job ay nangangailangan ng mahabang listahan ng mga skill at work experience para kayo matanggap. Puwede ninyong mapadali ang trabaho ng HR na tumitingin sa resume sa pamamagitan ng pagpapaikli nito at gawing diretso lang.
Subukang gumamit ng ibang mga resume template para mapagkasya ninyo sa kakaunting pahina lahat, isang pahina lang kung puwede.
4. Ang photo ninyo sa resume
Puwede ninyong maisip na mas magiging personal kung kayo’y maglalagay ng photo sa resume, pero baka hindi ito mabuting ideya. Baka lang ma-ban ang resume dahil sa mga dahilang legal.
Huwag kayong maglagay ng photo puwera na lang kung hingan kayo ng employer.
5. Iklian
Gawing maikli ang inyong resume. Punuin ito ng mga maiikli at kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa inyong sarili. Ireserba ang mabubulaklak na salita para sa interview.
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Anong skills ang dapat ilagay sa resume para sa customer service?
Ang magaling na customer service resume ay kasama ang skills na nagpapakita ng kaalaman sa industriya, technical at communication skills. Kung wala pang karanasan sa larangang ito, mas mainam ipakita ang halimbawa kung saan dating naipakita ang partikular na soft o hard skills para makatulong sa ibang tao/customer.
Paano ginagawa ang customer service resume?
Para maayos ang pagkakagawa ng customer service resume, gamitin ang chronological formatting. Dapat ay madali lang itong basahin. Kaya gumawa ng detalyadong resume sa iisang pahina lang. Gumamit din ng templates para magmukha itong malinis at professional. Kung kulang sa experience, ikuwento ang mga kasong ginamitan ninyo ng skills.
Ano ang matututuhan sa pagtatrabaho sa customer service?
Sa pagtatrabaho sa customer service, matututo kayong makipagtrabaho sa iisang team, mag-ayos ng problema, at tumulong ng tao. Kinakailangang skills ito sa anumang larangan ng trabaho. Kahit ang negosyante ay kailangang marunong humarap sa kliyente.
Mga customer service conference at ang epekto nito sa edukasyon
Alamin kung paano makakaapekto ang mga customer service conference sa inyong edukasyon at karera! Dumalo sa mga pangunahing event tulad ng Customer Contact Week at ICMI Expo upang matutunan ang mga pinakabagong trend, makipag-network sa mga propesyonal, at makakuha ng inspirasyon. Huwag palampasin ang pagkakataon na mapabuti ang inyong kaalaman at kasanayan sa industriya!
Soft skills ng customer service
Kailangan ng customer service rep na magkaroon ng parehong mahusay na hard at soft skills. Pero anong soft skills ba ang pinakamahalaga?
Tuklasin ang mga karaniwang tanong at payo para magtagumpay sa customer service interview. Alamin ang kahalagahan ng pasensya, kaalaman, at empatiya sa customer service. I-explore ang mga tanong tungkol sa customer service, behavioral questions, situational questions, at marami pa. Gamitin ang LiveAgent upang mapahusay ang iyong customer service skills at communication channels.
Introduksiyon sa customer interactions
Alamin ang kahalagahan ng customer interaction para sa tagumpay ng negosyo. Matutunan kung paano magpakita ng pasasalamat, empatiya, at pagiging malikhain upang mapabuti ang relasyon sa customer. Tuklasin ang mga kasanayang kailangan ng mga customer service representative at paano makakatulong ang LiveAgent sa pamamahala ng customer interactions. Bisitahin para sa karagdagang impormasyon at simulan ang iyong libreng account ngayon.