Maraming paraan para makakolekta ang isang kompanya ng mga review mula sa kanilang mga customer, pero hindi lahat ay palaging madaling gawin sa bawat pagkakataon. Narito ang ilan sa mga paraang makatutulong sa inyong makapag-request ng feedback mula sa mga customer ninyo at alamin ang tungkol sa pagperpekto ng mga produkto at serbisyo kasabay nito.
1. Maglagay ng reviews section sa website ninyo
Ang pinakaunang bagay na dapat ninyong gawin para makapagkolekta kayo ng reviews na inaasam ninyo ay ang paglalagay ng section o form sa website kung saan puwede at madaling magbigay ang mga tao ng kanilang review. Maliban sa pagpapakita ng mga user review sa ilalim ng mga produkto at serbisyo ninyo, dapat ring siguraduhing ang mga customer ay puwede ring makapaglagay ng mas malawak na review tungkol sa inyong brand at pangkalahatang serbisyo.
Ito ang eksaktong dahilan kung bakit mainam na may espesyal na lugar ito sa website ninyo, dahil makukuha ninyo ang lahat ng user reviews sa iisang lugar lang. Dagdag pa, ang mga user review na mas nakatuon sa brand ninyo at customer service imbes na sa partikular na produkto/serbisyo ay makatutulong sa inyo para makakuha ng mas mainam na detalye sa kung paano nag-iisip ang mga customer.
2. Isapubliko ang kasalukuyang review ninyo
Isa pang bagay na kailangan ninyong gawin ay siguraduhing palaging available ang kahit anong review na makukuha ninyo para makita at mabasa ng mga customer. Ibig sabihin nito ay lahat ng customer service reviews na makukuha ninyo ay dapat automatic na maililipat sa iisang review section sa ilalim ng mga produkto/serbisyo ninyo sa website, puwede rin sa isang user feedback section.
Mahihikayat nito ang iba pang customer na mag-iwan din ng review, lalo na kung nakikita nilang nagbibigay kayo ng oras para sumagot at tulungan ang mg tao sa anumang paraang kaya ninyo. Kahit na positibo o negatibo man ang review, makatutulong pa rin ito sa pagpahusay at pagpapaunlad ng mga serbisyo ninyo, kaya huwag matakot na mag-post nito online.
3. Gumamit ng customer feedback survey
Ang paggawa ng mainam na customer survey ay puwedeng maging mahirap na bagay dahil maraming factors ang kailangan ninyong ikonsidera. Una sa lahat, maraming iba’t ibang katanungan ang puwede ninyong itanong sa mga customer ninyo at mga sagot na puwede ninyong asahan. Pero sa kahit anong pagkakataon, kailangan ninyong pag-isipan nang mabuti kung ano ang mga itatanong ninyo.
Ang mga survey ninyo ay dapat mas mahaba imbes na nasa ilang pop-up windows sa website. Sa ganitong paraan, puwede kayong makapagtanong ng mas tutok na tanong at makakuha ng mas mainam at mas pantay na kasagutan.
Depende sa kung ang saklaw ng negosyo ninyo ay buong mundo man o hindi, dapat ninyong siguraduhing palaging i-track ang mga ganitong data mula sa lahat ng customer ninyo. Hindi lang kayo dapat gumawa ng isang localized na survey para sa bawat bansa kung nasaan ang kompanya ninyo; kailangan ninyo ring i-translate ang mga review na makukuha sa buong mundo sa wika na pipiliin ninyo. Ang pinakamainam na paraan para sa dalawang bagay na ito ay ang pakikipagtrabaho sa isang propesyonal na translator o isang propesyonal na translating service tulad ng PickWriters, na makatutulong sa inyo na i-localize ang content ng survey nang walang mali o iba pang isyu.
4. Mag-follow up sa email
Pagkatapos makumpleto ng customer ang order, kailangan ninyong palaging mag-reach out sa kanila gamit ang email; pasalamatan sila sa kanilang binili at ipaalam sa kanilang nariyan kayo para tulungan sila sa lahat ng kakailanganin nila. Ang automation ng mga emails ninyo sa ganitong sitwasyon ay isang napakainam na paraan para palaging makapagkolekta ng reviews pagkatapos makumpleto ang isang sale. Makatutulong ito sa inyong agad na ma-track ang lahat ng ginagawa ng customer ninyo.
Hindi lang mapapatunayan ng email na ito ang pagbili nila, mapapagtibay pa nito ang tiwala sa brand ninyo at magiging bukas sa pagbigay ng feedback pagkatapos nilang makuha ang kanilang order.
Para matulungan kayong mas maintindihan kung paano makakapagsulat ng feedback email na mas magalang, magiliw, at nakatutulong, narito ang isang halimbawang template:
Hi {Name},
Thanks for shopping at our {store name} online store. You have got a terrific flair for beauty, and your choice of products reflects that. The products in your shopping cart impressed us. We would love to know your opinion about the products you picked from our store as we are trying to learn from our customer’s experience.
Would you be willing to share your advice? Here is a link to share your thoughts as a quick review.
Appreciate your honesty!
{Customer agent’s name}
Ang email feedback ay isang kapaki-pakinabang na taktika at ang review request ay isang mainam na follow-up. Ito ay isang paraang talagang makatutulong para ma-track ninyo ang mga pangangailangan ng customer at maipakita sa kanila na available kayo sa bawat parte ng kanilang karanasan sa brand ninyo.
5. Gumawa ng polls sa social media accounts ninyo
Ang mga social media platform ay maraming kakayahan at tunay na makatutulong sa inyo para mapasimple ang proseso ng pagtanggap ng feedback. Ang mga platform tulad ng Facebook at Twitter ay nagbibigay sa users ng option na mag-host ng timed polls kung saan puwede silang magtanong at madaling makakuha ng mga sagot.
Ang polls ay makatutulong sa inyong mangalap ng feedback sa mga katanungan o problemang maaari ninyong maranasan tungkol sa kahit anong topic ng business activities. Halimbawa, puwede kayong magtanong tungkol sa kahit ano mula sa “Paano ninyo mahahanap ang aming shipping process?” hanggang sa “Ano pa ang ibang produktong gusto ninyong gawin namin sa susunod?” Ang parehong tanong na ito ay madaling masasagot sa social media pages ninyo at makatutulong sa inyong mapahusay ang mga serbisyong maibibigay sa mga customer.
6. Gamitin ang usability tests
Ang mga usability test ay puwedeng akalaing komplikado at mahirap pero sa totoo lang, parte ito ng isang napakasimpleng paraan ng pangongolekta ng feedback sa mga serbisyo/produkto ninyo. Para mas madaling maintindihan, ang mga usability test ay mga libreng trial o mga produkto at serbisyo ninyong ibibigay sa mga potensiyal na customer at pangkalahatang target audience.
Sa paggamit ng produkto/serbisyo ninyo nang libre (sa loob ng partikular na panahon), ang mga tao ay mas malilinawan kung natuwa ba sila o hindi. Ang isang bagay lang na aasahan ninyo sa kanila, sa kabilang banda, ay ang tapat na customer product review. Sa ganitong paraan ay puwede ninyong kolektahin ang mga review sa kompanya ninyo nang mas madali at mas mabilis.
Sa kadalasan, ang mga tao ay kontento sa mga libreng trial na ito at mas may posibilidad na gugustuhin nilang magpatuloy sa paggamit ng mga produkto ninyo sa mahabang panahon. Kasabay nito, mas may posibilidad ding i-share nila ang karanasan nila sa kanilang social media accounts, na makapagdadala ng mas marami pang interesadong tao papunta sa inyo.
Huwag suhulan ang mga tao para magbigay ng positibong review
Ang pangongolekta ng mabuting review mula sa followers ninyo ay dapat tapat at hindi pinilit. Ang punto ng pagkuha ng feedback ay para maging bukas sa kritisismo at tanggapin na hindi lahat ay magiging masaya sa ihahandog ninyo sa kanila. Ang pagsuhol sa mga tao para sa positibong review ay hindi kailanman makatutulong sa inyo para lutasin ang mga tunay na isyu sa produkto/serbisyo ninyo. Kaya ang kalalabasan nito ay mas kaunting sales at maraming hindi kapaki-pakinabang pero positibong review.
Ang mga mabuting customer service review ay dapat ibinibigay nang natural at hindi kayo dapat magmalabis para lang makakuha ng online reviews, lalo na kung bayad ang mga ito. Kahit pa makakita kayo ng negatibong review sa Yelp o sa website ninyo, kailangan ninyong gamitin ang mga ito sa positibong paraan.
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Feedback request email template
Gamitin ang aming feedback request email templates mula sa LiveAgent upang makuha ang opinyon ng mga kustomer at mapabuti ang inyong produkto o serbisyo. Palakihin ang sales at customer loyalty sa pamamagitan ng personalized video feedback requests. Subukan ito nang libre at gawing partner ang inyong kustomer sa tagumpay ng inyong negosyo!
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Basahin kung paano mapahahalagahan ang mga kliyente ninyo.
Paano Gumawa ng Feedback at Suggestions Board
Discover the benefits of creating a Feedback and Suggestions Board for your business. Learn how customer feedback can enhance your products and services, improve customer retention, and build loyalty. Explore effective strategies to gather valuable insights and make your business customer-centric. Visit now to unlock the potential of a feedback board for your growth!
Paano pangasiwaan ang mga reklamo ng customer
Alamin kung paano maayos na pangasiwaan ang mga reklamo ng customer gamit ang mga epektibong tips tulad ng pagpapanatiling kalmado, pakikinig nang mabuti, at pag-unawa sa kanilang perspektibo. Tuklasin din ang LiveAgent bilang tool para sa mahusay na customer service. Subukan nang libre ang mga solusyon para gawing masaya ang inyong mga customer!