Kapag ginagamit ang mga customer suggestion at feedback board, nagtataguyod ang mga business ng mga customer-centric na produktong mas nagbibigay ng mahusay na serbisyo at nalulutas ang kanilang mga problema. Ito ang nagpapataas ng customer retention at loyalty, na magagamit para makabuo ng social proof, na makakaakit naman ng bagong customer.
Literal itong win-win. Pero paano kayong makakabuo ng nagagamit na customer feedback? Sa pamamagitan ng feedback at suggestion board. Tingnan natin kung paano gumagawa nito.
Bakit hindi gumagana ang mas popular na paraan ng pangongolekta ng feedback?
Maraming paraan ang mga business para makabuo ng mas maraming customer feedback, pero karamihan dito ay hindi epektibo.
Halimbawa, ang email marketing. Sa email, maaabot ng isang business ang kasalukuyang customer at hihilingin silang sagutan ang ilang tanong tungkol sa kanilang brand at produkto. Pero ilang mga customer ang talagang may oras – o lakas at pagnanais – na gawin iyon? Kapag walang incentive, konti lang.
Pareho ito sa mga feedback form sa inyong website. Meron mang potensiyal ang mga form para makabuo ng mas kapaki-pakinabang na customer feedback, puwede itong maging abala para sa mga customer na gusto lang bumili.
Ang ibang mga business ay nauuwi sa aktuwal na pagtawag sa kanilang customer. Ang paraang ito ay ubos-effort sa inyong bahagi. Puwede namang ikatuwa ang 1:1 interaksiyong ito nang bahagya, pero baka malaman ninyong sa kalaunan ay naaabala kayo sa pag-aasikaso ng core aspect ng business na kailangan ninyong tutukan. Samakatwid, baka mabuting ideya na tutukan na lang ang organic reach sa tulong ng SEO tracker. Baka mas magbunga ito sa kalaunan.
Pareho ito sa inyong pagsubaybay sa mga social channel. Maaaring magandang subaybayan ang mga pag-uusap tungkol sa inyong brand at malaman ang iniisip ng mga tao tungkol dito, pero makain ito ng oras sa inyong panig. Totoong sa social listening, kailangan ninyo ng tutok na resources sa monitoring at pagtugon sa feedback.
Hindi lang ito, kapag nagpatupad kayo ng maraming mga customer feedback strategy, nagsasayang kayo ng maraming oras.
Mga benepisyo ng isang Feedback at Suggestion Board
Ipinapakilala ang feedback at suggestion box, ang mas matinong paraan para makabuo ng mas nagagamit na customer feedback. Hindi demanding masyado sa inyo at sa customer, ang pagkakaroon ng feedback at suggestion box ay masaya, interactive, at may aktibong forum na nagbibigay ng kakayahan sa inyong matutuhan ang mga gusto at hindi gusto ng inyong customer sa inyong brand at produkto.
Sa pagdagdag ng feedback button sa website, makakapag-iwan doon ang inyong mga customer ng feedback at mga mungkahi. Puwede rin silang bumoto sa mga kasalukuyang feedback sa pamamagitan ng pag-click ng button para makapag-ugnayan din sila sa isa’t isa. Iba ito sa survey kung saan walang nagkakaalaman ng mga opinyon.
Sa tuwing magbibigay ng feedback ang isang customer, kayo’y nano-notify ng isang ticket. Nasa inyo na ang desisyon kung tutugon kayo o hindi.
Sa pag-iipon ng lahat ng inyong feedback sa iisang lugar tulad nito, dinadala nito ang lahat ng elemento ng buong proseso. Hindi na kailangang isagawa ang iba-ibang feedback strategy – mula sa mga survey hanggang sa mga tawag at social listening – ibig sabihin ay nakakatipid kayo ng maraming oras. Nasa posisyon kayong palaguin ang inyong business nang mas mabilis. Ang kailangan lang ninyo ay isang feedback at suggestion box.
At ang pinakamaganda dito ay puwede ninyong gawin ang inyong feedback at suggestion board na bahagi ng inyong brand sa pag-customize ng mga button. Puwede rin ninyong i-upload ang sarili ninyong imahe o isulat ang sarili ninyong HTML code.
Narito ang ilang features:
Universal inbox
Iniipon ang lahat ng inyong mga ticket sa iisang lugar sa mas matinong version ng email inbox.
Ticketing
Ang isang ticket ay nagtataglay ng bawat mensahe tungkol sa partikular na insidente na ni-report ng customer. Pinadadali nito ang pagtukoy at pag-aayos sa mga problema nang higit pa sa dati.
Automated ticket distribution
Desisyunan kung sino ang mamamahala ng aling mga ticket, at ilan ang bilang ng ticket na kayang hawakan ng bawat agent. Kapag kailangan ng agent ng pahinga, pagbigyan ninyo. Kung ang pamamahala ng ticket ay kailangan ninyong palitan, madali rin itong magagawa.
Time tracking
Alamin ang kabuuan ng oras para malutas ang pangkaraniwang isyu gamit ang time tracking feature.
Mga Tag
Kakambal ng mga problema ang mga support topic. Gumamit ng mga tag para makilala ang mga mahalagang customer.
Alamin ang karagdagang impormasyon sa feature na ito sa LiveAgent – Feedback at Suggestions board.
Kongklusyon
Alam ninyo kung gaano kahalaga ang feedback sa pagtatagumpay ng inyong kompanya. Sa pag-install at pag-set up ng isang feedback at suggestion board, maitatawid ninyo ang inyong business sa susunod na level nang mas mabilis kaysa dati. Alamin ang tungkol sa inyong mga customer, hanapin kung ano ang pinakamalaking mga problema – pagkatapos ay ayusin ninyo ang mga ito.
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Feedback request email template
Gamitin ang aming feedback request email templates mula sa LiveAgent upang makuha ang opinyon ng mga kustomer at mapabuti ang inyong produkto o serbisyo. Palakihin ang sales at customer loyalty sa pamamagitan ng personalized video feedback requests. Subukan ito nang libre at gawing partner ang inyong kustomer sa tagumpay ng inyong negosyo!
Paano humingi ng tawad sa isang customer
Alamin kung paano humingi ng tawad sa mga customer nang epektibo gamit ang aming gabay. Matutunan ang tamang hakbang sa paghingi ng tawad, pagsasaayos ng problema, at paggamit ng angkop na wika upang mapanatili ang tiwala ng mga customer. May bonus tips para gawing personal at hindi generic ang paghingi ng tawad. Palakasin ang inyong customer service skills ngayon!
Tuklasin ang mga mabisang paraan para tumanggi nang magalang sa iba't ibang sitwasyon, mula sa pagtanggi sa mga imbitasyon hanggang sa alok sa negosyo. Basahin ang aming gabay na puno ng praktikal na halimbawa at tip sa customer communication. Subukan din ang LiveAgent - ang software na nagbibigay-solusyon sa lahat ng customer queries mula sa isang interface. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon!