Ang pinakamainam na paraan para mapaamo ang galit o nabuwisit na customer ay ang pagbibigay sa kanila ng empathy at pagtanggap sa responsabilidad sa nangyari sa kanila. At ano ang magpapakita sa kanilang pinahahalagahan ninyo sila maliban sa paghingi ng tawad? Narito ang ilang mahalagang customer service communication guidelines sa paghingi ng tawad sa isang customer, na makatutulong sa pagkahusay ninyo sa larangan ng customer support.
Mga Guideline
Ang isang mabuting simula ay ang pagsabi ng “Sorry”
Wala nang mas diretso pang paraan ng paghingi ng tawad sa isang customer maliban sa pagsabi ng humihingi ako/kami ng tawad. Kung kailangan ninyong humingi ng tawad nang ilang beses para sa iisang bagay, gawin lang ninyo.
Huwag mainis o magalit. Ngumiti at kahit pa gusto ninyong sumigaw, sabihin ang “Sorry” at gawin ang trabaho ninyo.
Solusyonan ito kahit ano ang mangyari
Pero paano kung ang pagkakamali ay hindi nangyari sa panig ninyo? Sa customer service, sadyang tunay ang kasabihang tama ang customer lagi. Kaya huwag gumawa ng akusasyon at huwag hayaang lutasin ng customer mismo ang problema nila.
Imbes ay magbigay ng tulong at humanap ng solusyon. Kahit ano pa ang mangyari, ang customer ang nagbabayad para sa pagsisikap ninyo (o magdedesisyon kung may halaga ba ang tulong ninyo).
Kilalanin at angkinin ang isyu
Bigyan ang customer ng pagpapatunay sa pamamagitan ng pagbibigay-alam sa kanilang naintindihan ninyo na totoo ang problema. Pero mag-ingat kung paano ninyo bubuuin ang paghingi ng tawad. Imbes na sabihing “Patawad kung ganyan ang nararamdaman ninyo”, kilalanin ang problema (at ang responsabilidad) gaya ng “Patawad sa di magandang naidulot namin sa inyo.”
Medyo mahirap itong sabihin. Mabuti na lang at maraming mainam na librong makatutulong sa inyo. Basahin ang The Art of Apology o ang The Customer Rules.
Keep loyalty high despite bad service
One bad customer experience can be negated by superior customer service. Provide it starting today, with the help of LiveAgent helpdesk software.
Ipaliwanag nang mabuti ang problema
Katulad ng pag-ako sa problema, dapat kayong magbigay ng paliwanag kung paano o bakit ito nangyari. Ipinapakita nila sa customer na binibigyan ninyo ng oras na maintindihan kung anong nangyari sa kanila.
Ang pagbibigay ng paliwanag ay nagpapakita na kayo at ang kompanya ninyo ay mapagkakatiwalaan at malinaw. Ang pagbibigay ng oras para magpaliwanag ay nagpapakita ring pinahahalagahan ninyo sila at ginagawa ang lahat para malutas ang problema.
Palaging gumamit ng tamang pananalita
May kaibigan kaming nagsabi dati na ang pagiging negosyante ay parang pagiging aktor, tech guru, at tagapangalaga ng mabangis na hayop nang sabay-sabay. Hindi ninyo malalaman kung anong klase ng tao ang makakaharap ninyo kaya mas mainam na paghandaan ang pagiging pabago-bago.
Baguhin ang tono ng boses ninyo alinsunod sa mood ng customer, at laging piliin ang mga gagamitin ninyong salita. Ang paggamit ng tamang pananalita, galaw ng katawan, at facial expressions ay mahahalagang factors.
Solusyonan na ninyo
Nakilala na ninyo na may problema. Nagbigay na kayo ng oras para magpaliwanag. Ngayon ay panahon na para solusyonan ito.
At habang ginagawa ninyo ito, subukang bumawi sa customer ninyo. Magbigay ng extra na bagay. Librang inumin sa isang restaurant, o mas personal na atensiyon pagkatapos malutas ang problema. Mag-follow up sa pamamagitan ng pagtawag para siguraduhing maayos ang lahat. O magdagdag ng simpleng pagtatapos tulad ng “Narito kami para sa inyo kung kailangan pa ninyo ng tulong.”
Maraming paraan para malagpasan ang ganitong sitwasyon. Nasa ibaba ang isang bonus na tip mula sa amin para magawang mas epektibo ang paghingi ninyo ng tawad:
Bonus na tip:
Huwag gumamit ng mga salitang ginagamit na ng iba. Iwasan ang mga paumanhin tulad ng: “Paumanhin sa sagabal” o kahit ang “Paumanhin sa abala.” I-personalize ang paghingi ninyo ng tawad sa partikular na sitwasyon at ipakita sa customer kung gaano sila kahalaga sa inyo. Isama ang kanilang “buhay” sa mga sasabihin ninyo tulad ng “Patawad kung na-miss ninyo ang flight ninyo” o kahit ang “Humihingi kami ng tawad sa pagkawala ng data ninyo dahil sa software namin.”
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Discover effective apology email templates from LiveAgent to help businesses maintain customer relationships by acknowledging mistakes and offering solutions. Get inspired with 10 customizable templates to reduce churn and retain customer trust. Perfect for handling product issues, billing errors, and more. Visit now to improve your customer service communication!
Lilipat mula sa Tawk papuntang LiveAgent?
Ang LiveAgent ay ang #1 na na-rate na software sa help desk para sa SMB noong 2019 at 2020. Sumali sa mga kumpanya tulad ng Huawei, BMW, Yamaha, upang makapagbigay ng pinakamahusay sa mundong suportang kustomer.
Pamahalaan ang iyong call center nang epektibo at produktibo gamit ang tamang estratehiya. Matutunan ang pag-iiskedyul ng mga ahente, paggamit ng flexible na modelo sa trabaho, at pag-aalaga sa kanilang kagustuhan. Alamin ang mga kritikal na metric at KPI para sa matagumpay na operasyon. Bisitahin ang aming page para sa mga tip at trick sa pamamahala ng call center at simulan ang iyong libreng LiveAgent account ngayon!
Discover LiveAgent's flexible pricing plans starting at just $9 per month! Enjoy a 14 or 30-day free trial with no credit card needed. Choose from Small, Medium, Large, or Enterprise plans, each offering unique features like live chat, email ticketing, and AI assistance. Get 2 months free on annual billing and cancel anytime. Perfect for businesses of any size looking to enhance customer support. Explore our plans and find the right fit for your team today!