Ano ang mga customer appreciation emails at bakit ipinapadala ang mga ito?
Ang customer appreciation emails ay strategic na ginagamit ng mga kompanya para mapagtibay ang personal na customer relationships at ma-humanize ang kanilang brand. Ang isang maayos at personalized na appreciation email (follow-up email) na ipinadala sa tamang panahon ay halos may epekto na kasinglakas ng pagpapasalamat nang personal sa customer. Malayo ang nararating ng paggawa ng positibong customer experience at brand perception.
Kailan magpapadala ng customer appreciation email?
Tunay na walang bad timing para pasalamatan ang mga customer at ipakita sa kanila ang pagpapahalaga ninyo. Pero may ilang pagkakataong mas akma para rito. Ang mga thank you email ay hindi naman kailangang ipadala lang kapag may customer na bumili sa inyo. Kung gumagamit kayo ng email marketing automation platform, ang mga appreciation email ay puwedeng ma-trigger batay sa iba’t ibang user actions.
Ang follow up email ay puwedeng ipadala:
- Tuwing seasonal holidays tulad ng Pasko, Valentine’s Day, o Thanksgiving Day
- Tuwing birthday ng customer
- Tuwing anibersaryo ng customer
- Sa loyal customers na nakakamit ng company milestones
- Kasunod ng unang pagbili o muling pagbili
- Kasunod ng pagbigay ng feedback, review, o testimonial
- Kapag magpapasalamat sa mga customer para sa referrals
- Kapag nag-sign up/sumali/naging member ang mga prospect
- Sa mga newsletter subscriber
- Sa mga dumalo ng isang event o webinar
Paano magsulat ng isang thank you email: 10 hakbang na kailangang sundin
Kapag magsusulat ng thank you email, isaalang-alang ang mga sumusunod na 10 hakbang para maging napapanahon at epektibo. Ang mga hakbang na ito ay puwede ring gamitin para sa follow up email.
1. Mag-isip ng pinakamainam na subject line
Ang mga subject line ay mahalaga dahil madalas nitong naiimpluwensiyahan ang recipient kung bubuksan nila ang email message. Napag-alaman mula sa report ng Retention Science na ang mga subject line na may 6 hanggang 10 salita ang may pinakamataas na open rate. Habang pinapanatili ang tamang haba, siguraduhing ang subject ay agaw-pansin at malikhain imbes na simpleng “Salamat” lang.
2. Magsimula gamit ang tamang pagbati
Ang tamang pagbati ang nagse-set ng tono ng buong message. Kung kilala ninyo ang recipient, puwede ninyong simulan sa “Hi …” o “Dear …”. Kung ang mensahe ay impormal, banggitin ang pangalan ng recipient. Kung hindi naman, gamitin ang “Mr.” o “Ms.” kasunod ang apelyido nila.
3. Ipahayag ang pagpapahalaga at magbigay ng detalye
Maging direkta at tiyak tungkol sa ipinagpapasalamat ninyo sa kanila. Ang mensahe ay tungkol lang dapat sa pagpapahalaga sa customer. Iwasang ibenta ang negosyo, maliban na lang kung magbibigay kayo ng educational content, special offer, o iba pang mahalagang bagay.
4. I-humanize ang mensahe
MGawing personal ang mensahe. Subukang i-address ang email mula sa isang totoong tao mula sa kompanya ninyo imbes sa generic at pangkaraniwan na “No reply” address. Ang isa pang paraan para ma-humanize ang mensahe ay ang paggamit ng emoji, kung nararapat.
5. Magdagdag ng personalization
Ang personalized emails ay may mas mataas na engagement rates. Sa katunayan, ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga email na may personalized subject lines ay may 26% na mas mataas na posibilidad na mabuksan kaysa sa mga walang personalized subject lines. Puwede ninyong i-personalize ang mensahe sa pamamagitan ng pagsali ng marami pang specifics na ipinagpapasalamat ninyo.
6. Panatilihin ang magiliw pero propesyonal na tono
Depende sa audience ninyo, habang puwedeng katanggap-tanggap na magsulat nang medyo impormal at may humor, mahalagang mapanatili ang kabuuang propesyonal na tono, ibig sabihin walang slang at salitang kalye.
7. Abangan ang hinaharap
Iwasan maging one-sided sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga customer ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag-uusap at ipagbigay-alam sa kanilang handa kayong tumulong sa ilang clicks lang:
“If you have any questions about using our product/ service in the future, please don’t hesitate to contact me via live chat or email.”
8. Muling magpasalamat
Pagkatapos ninyong mabuo ng pangunahing mensahe, puwedeng tapusin ito gamit ang isa pang pasasalamat:
“Thanks again for your feedback/for your support/for the purchase/for being a loyal customer for years.”
9. Gumamit ng tamang pagtatapos
Kapag pipili ng tamang pagtatapos, ang antas ng pormalidad ay depende sa recipient. Ang ilan sa mga karaniwang business-appropriate na pagtatapos ay: “Lubos na gumagalang…”, “Taos-pusong nagpapaalam…”, “Sumasainyo …”, “Regards/Best regards …”, “Nagpapasalamat”, “Magandang araw sa inyo…”.
10. Mag-proofread bago ipadala
Bago i-click ang “Send,” i-proofread ang buong mensahe para masiguradong tama ang daloy nito, naipapahiwatig ang pagpapahalaga at pasasalamat ninyo, at walang typo o nakakahiyang pagkakamali sa grammar na makasisira sa impression sa inyo.
Mga halimbawa ng thank you email
Pagpapasalamat sa customer sa pagbili
Dear ****,
Thank you for your order! We’d like to inform you that your payment has been confirmed and your order No. ******** has been successfully processed.
Once your items have been packed, they will be shipped to you immediately. Meanwhile you can check the current status of your order at any time by clicking this link.
If you have any queries regarding your order, please do not hesitate to contact us.
Thanks again for your purchase. Hope you enjoy shopping with us!
Sincerely,
****
Pagpapasalamat sa customer sa referral
Hi John,
****@gmail.com installed Dropbox after getting your invite. To thank you, we’ve awarded you 500 MB of bonus space. You now have 12,75 GB on Dropbox!
Thanks!
– The Dropbox Team
P.S. To get even more space, invite your friends or upgrade your Dropbox!
Pagpapasalamat sa customer sa kanilang feedback
Dear ****,
Thank you for your feedback! I’m delighted to hear that you had a great experience interacting with our customer support team. I completely understand how rewarding it can feel when your problem is solved within minutes, and I’m glad to hear that our support team was able to do just that.
Feedback like yours helps us deliver better customer experiences by knowing what we are doing right and where we can improve. So, I really appreciate you taking the time to send us your response.
If you have any more questions, comments, or concerns, don’t hesitate to reach out!
Regards,
****
Diskubrehin ninyo
Mahalaga ang kaalaman kung napapraktis ito. Kaya i-test na ang lahat ng natututuhan ninyo sa aming academy sa loob mismo ng LiveAgent.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Bakit kayo kailangang gumamit ng customer appreciation emails?
Ang customer appreciation emails ay strategic na ginagamit ng mga kompanya para mapagtibay ang personal na customer relationships at ma-humanize ang kanilang brand.
Paano magsulat ng propesyonal na thank you email?
Sa pagsusulat ng thank you email, simulan sa pagkakaroon ng tamang subject line at tamang pagbati. Pagkatapos, magpahayag ng pagpapahalaga at magbigay ng detalye. Siguraduhing personal at friendly ang message pero propesyonal din. Mag-follow-up ng muling pasasalamat at gumamit ng nararapat na closing. Huwag kalilimutang mag-proofread bago ito ipadala.
Kailan ipadadala ang customer appreciation email?
Tunay na walang bad timing para pasalamatan ang mga customer at ipakita sa kanila ang pagpapahalaga ninyo. Pero may ilang pagkakataong mas akma para rito. Halimbawa, kapag birthday ng customer, tuwing seasonal holidays, o ibigay sa newsletter subscribers.
Introduksiyon sa customer appreciation
Ang customer appreciation ay tungkol sa pagsukat ng pagsisikap ng kompanya para sa mga customer nito. Basahin kung paano mapahahalagahan ang mga kliyente ninyo.
Discover a variety of email templates at LiveAgent, designed to enhance customer engagement and satisfaction. From business campaigns to customer service responses, our templates are crafted to improve communication and efficiency. Boost your marketing efforts, onboard clients seamlessly, and maintain customer loyalty with our expertly curated templates. Visit now to transform your email strategy!
Help desk quality assurance checklist
Discover how the Help Desk Quality Assurance Checklist can enhance your customer service. Learn essential practices like hiring responsible QA, improving workflows, and ensuring customer satisfaction. Visit now to elevate your service quality!
Mga e-commerce thank you email template
Silipin ang mga e-commerce thank you email template na tutulong sa inyong magtataguyod ng tiwala sa mga bago at kasalukuyang customer. I-copy-paste lang nang libre!