Thank you email o thank you letter?
Batay sa laki at uri ng kompanyang pinapatakbo ninyo, pati na rin sa dami ng customer na gusto ninyong pasalamatan, puwede ang email or printout na thank you letters (pinadala bilang regular na sulat). Ang ilang factors na puwedeng isaalang-alang sa pagpili sa dalawa ay ang sumusunod:
- Timing ng pagpapadala: Ang pinakamabilis na araw na matatanggap ang isang tradisyonal na sulat ay isang araw pagkatapos itong ipadala. Kung ang timing ay hindi kritikal, puwede kayong magpadala ng sulat. Pero kung kailangan agad ng follow-up – tulad ng pagpapasalamat sa customer sa kanilang pagbili – email ang mas mainam.
- Antas ng pormalidad: Dahil ang mga email ay hindi pormal kumpara sa mga sulat sa mundo ng business, kung gusto ninyong panatilihin ang pormal na komunikasyon sa mga customer, piliin ang mga sulat.
- Nilalaman ng message: Puwedeng magdagdag sa email ng graphics, images, videos, links, o files – kung gusto ninyong maging mas malikhain ang thank you message ninyo kaysa maging plain printed text lang, mainam ang email.
- Budget restrictions: Ang pagpapadala ng email ay mas mura, at ang pagpapadala ng sulat ay may karagdagang gastos (papel, pag-print, postal service fee). Para sa isang global business na may mga customer sa buong mundo, ang email ang natatanging reasonable na option.
Paano magsulat ng customer thank you letter
Ang kahit anong customer appreciation letter ay dapat may structure na mas pormal kumpara sa email, at dapat palaging may mga basic na nilalaman ng thank you letter. Ang mga sumusunod ay ilang makatutulong na tips sa paggawa ng perpektong thank you letter sa mga customer ninyo:
1. Gumamit ng tamang pagbati
Ang pagpili ng tamang pagbati para sa appreciation letters ay depende sa relasyon ninyo sa customer. Mas mainam pa ring gumamit ng mga pormal na pagbati tulad ng “Dear Mr./Ms. Carter,” o “Dear John.” Ang mga impormal na pagbati tulad ng “Hello,” “Greetings,” o “Hi there” ay dapat iwasan. Siguraduhing i-double check ang spelling ng pangalan ng recipient, kung hindi, baka magkaroon ng hindi magandang impression sa una pa lang.
2. Tutukan ang pakay ng sulat
Ang tanging pakay ng isang thank you letter ay dapat ang pagpapakita ng pagpapahalaga at paghayag ng pasasalamat sa loyal customers. Pigilan ang sarili na mag-pitch ulit ng negosyo. Huwag banggitin ang kahit na anong paparating na sales, special offers, bagong produkto, o kahit ano pang puwedeng maging ad dahil ito ay puwedeng maka-distract sa customer mula sa unang pakay ninyo.
3. Magdagdag ng ilang follow-up lines
Pagkatapos magpasalamat sa customer, puwede ring magdagdag ng ilang follow-up statement na magpapakita na maasikaso kayo sa pangangailangan ng customer. Puwede itong pagbanggit na palagi kayong available kung may katanungan o concern sila tungkol sa mga produkto o serbisyo ninyo. O kaya naman, tanungin sila kung may puwede pa kayong magawa para sa kanila para tumaas ang kanilang pagkakontento.
4. Isama ang brand ninyo
Para maging mukhang propesyonal ang sulat, siguraduhing gumamit ng letterhead kasama ang company name, logo, o iba pang branding information. Ang isang maayos na letterhead ay nagagawang kakaiba ang sulat, nasisiguro ang brand visibility, nakatutulong na mapatunayan ang authenticity nito sa makatatanggap, at makagagawa ng pangkalahatang propesyonal na impression.
5. Gumamit ng tamang pagtatapos
Kapag magtatapos ng isang thank you letter, importanteng gumamit ng magalang at propesyonal na salita. Puwede ninyong piliin ang palaging ginagamit na “Taos-pusong nagpapaalam” o “Regards” o ang medyo mas personal na “Best regards”, “Lubos na gumagalang,” “Best wishes,” “With appreciation,” o “Nagpapasalamat.” Ang mga pagtatapos tulad ng “Always,” “Cheers,” “Nagmamahal,” o “Ingat” ay masyadong impormal para sa business letters at dapat iwasan.
6. Tapusin gamit ang pirma
Habang ang paggawa ng thank you letters ay personal at puwedeng mahirap para sa malalaking kompanya, ang pagdagdag ng pirma sa ibaba ng sulat ay makatutulong na makapagdagdag sa level ng personalization. Kahit na hindi palaging puwedeng makapagpirma sa mismong sulat, ang printed na pirma ay mas mainam kaysa sa naka-type lang na pangalan.
Mga halimbawa ng customer thank you letter:
1. Pagpapasalamat sa mga matatagal nang customer para sa kanilang loyalty
Dear Mr. ****,
We want you to know how much we appreciate your business since you have been our loyal customer for the last three years. We understand that you have many options in the marketplace, and are pleased that you have still made (Company Name) your premier choice.
It is customers like you that help keep our lights on, and we couldn’t be more grateful!
Your honest suggestions and feedback is a vital part of our growth. If there is anything we can do to make your experience with us better, please let us know.
Best regards,
****
2. Pagdiriwang ng isang company milestone
Dear ****,
This year (Company Name) is celebrating the 10th anniversary, and we would like to thank you for making this happened! The growth and success we’ve experienced over all these years are because of customers like you, who faithfully support our business.
Speaking on behalf of the company, we hope that you have enjoyed the enhanced quality of our services. We will continue our efforts to meet your requirements and expectations in the future as well.
We truly appreciate your trust, and we’ll do our best to continue to give you the kind of service you deserve.
Gratefully,
****
3. Pagpapasalamat sa pagtatapos ng taon
Dear Ms. ****,
As the year winds down, we would like to take this chance to say thank you for choosing our business! You are one of our most highly valued customers and it has been a sincere pleasure serving you this year.
We always strive to exceed our customers’ expectations and meet their requirements. Let us know if there is anything we can ever do to assist you further.
From all of us at (Company Name), we wish you and your loved ones a safe and happy New Year!
With appreciation,
****
Diskubrehin ninyo
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Customer complaint handling procedure checklist
Paano ba pangasiwaan ang mga isyu ng customer ninyo? Gamitin ang aming customer complaint handling procedure checklist para masiguradong maaasikaso ang lahat.
Paano simulan ang isang email (Tips + templates)
Alamin kung paano simulan ang mga propesyonal na email gamit ang mga tips at template mula sa LiveAgent. Tuklasin ang mga tamang pagbati, introduksyon, at pambungad na phrases para sa mas epektibong business communication. Mag-update sa email greetings na dapat gamitin at iwasan para mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan sa kliyente. Bisitahin ang aming page para sa libreng resources at simulan ang inyong email campaigns nang may kumpiyansa!
Mga call follow-up email template
Discover effective call follow-up email templates designed for sales professionals to maintain prospect engagement. Learn to craft impactful follow-up emails with expert tips and examples. Perfect your sales strategy with these templates and leverage the power of email marketing today! Visit for more insights.
Mga e-commerce thank you email template
Silipin ang mga e-commerce thank you email template na tutulong sa inyong magtataguyod ng tiwala sa mga bago at kasalukuyang customer. I-copy-paste lang nang libre!