Sa pag-access, pakikisali, o pakikipag-ugnayan sa affiliate program, pinatutunayan ninyong:

1. Lubusan ninyong nabasa, naunawaan, at sinasang-ayunan ang Affiliate Partner Agreement (“Agreement”) na ito.
2. May legal kayong kapasidad na bumuo ng isang binding contract sa: QualityUnity s.r.o., Vajnorska 100/A, 83104, Bratislava, Slovakia (European Union), OIN: 35908301 (“QualityUnit”).
3. May awtoridad kayong pumasok sa Agreement na ito sa inyong ngalan o sa ngalan ng inyong kinakatawan. Kung hindi kayo sumasang-ayong sumailalim sa Agreement na ito, kayo ay pinagbabawalan sa pag-access o sa pag-signup sa affiliate program.

Mga Depinisyon

LiveAgent: Isang produkto, trademark, at copyright ng QualityUnit s.r.o.
Qualified Referral: Isang referral na nakatutugon sa criteria na nakalista sa Agreement na ito. Magiging karapat-dapat lang na makatanggap ng referral commission ang isang Affiliate Partner kung makakapagsumite sila ng referral sa QualityUnit na tumutugon sa criteria na nakasaad sa Agreement na ito (“Qualified Referral”). Tanging QualityUnit lang ang makakapagsabi kung ang isang referral ay pupuwede bilang isang Qualified Referral.
Karapatan sa Pagnenegosasyon: Sumasang-ayon ang Affiliate Partner na hindi sila makikipagnegosasyon ng mga termino o gagawa ng mga pangako sa ngalan ng QualityUnit. Ang QualityUnit lang ang mangongolekta ng naaayong bayad sa subscription para sa QualityUnit Products mula sa Customer.
Referral Link: Isang URL ng QualityUnit na ginagamit sa pagsusumite ng mga referral.
Aktibong Pag-promote: Pakikilahok sa marketing activities tulad ng pag-aasikaso ng microsite, paggamit sa social media platforms, pamamahagi ng mga newsletter, at iba pang gawaing pang-promo para mai-advertise ang LiveAgent, nang walang maling representasyon o nagkukunwaring mula sa LiveAgent o QualityUnit.
Partner: Sinumang indibidwal na nakikibahagi sa LiveAgent Partnership Program.
Basic Partner: Ang partner na pasok sa requirements ng Basic level.
Advanced Partner: Ang partner na pasok sa requirements ng Advanced level.
Professional Partner: Ang partner na pasok sa requirements ng Professional level.
Taunang Commission: Ang pinagsama-samang komisyong naipon mula sa mga kasalukuyang sales sa isang partikular na taon.
Minimal Account Na Nabenta: Ang pinakamababang bilang ng account (hindi agent) na nabenta ng bawat affiliate account sa isang taon.
Limitasyon ng Provision: Ang pagbabayad ng komisyon ay binibilang mula sa unang bayad; ang komisyon ay binibigay lang mula sa binayaran at nagamit na halaga.
Limitasyon Kapag Di Aktibo: Ang panahon mula sa huling aktibidad, pagkatapos ang affiliate account ay madi-deactivate na. Pinahihintulutan ang muling pag-activate, pero hindi na maibabalik ang mga komisyon.
Fixed Cost: May 8% na average fixed cost na ipinapataw ng aming payment processor sa bawat transaksiyon. Ang mga komisyon ay kinakalkula mula sa natitirang 92% ng kabuuang presyo ng order.
Referral Commission: Komisyong binibigay sa isang indibidwal na nagpakilala ng mga bagong kliyente o customer sa LiveAgent.
Sponsored Demo Accounts: Mga account na pinagkakalooban ng pinakabagong features na inilabas para gamitin sa internal testing ng mga partner.

Mga Address:

QualityUnit s.r.o.:
Vajnorska 100/A, 83104, Bratislava, Slovakia(European Union)
OIN: 35908301, TIN: 2021910891, VAT IN: SK2021910891

Mga Responsibilidad ng Affiliate Partner

Ang Affiliate Partner ay nagrerepresenta, naggagarantiya, at nagpapatunay na:
• Dapat ninyong ibigay ang inyong buong legal na pangalan, isang gumaganang email address, at anumang karagdagang impormasyong hihilingin para makumpleto ang proseso ng pag-signup.
• Kayo ang may-ari ng kompanya at walang legal na hadlang na pipigil sa inyong pumasok sa isang di-mababawing kasunduan.
• Pagmamay-ari ninyo o kayo ang lisensiyadong gumamit ng lahat ng content ng inyong website.
• Ang inyong website at/o newsletter ay hindi sumasalungat sa anumang mga naaangkop na batas o regulasyon.
• Ang inyong website at/o newsletter ay walang mga maling representasyon o content na mapanirang-puri o lumalabag sa anumang karapatang pribado o pang-publicity.
• Ang inyong website at/o newsletter ay hindi lumalabag sa anumang copyright, trademark, patent, o iba pang mga karapatan sa pagmamay-ari.
• Ilalagay ninyo ang aming mga banner sa inyong site na sa tingin ninyo ay naaangkop o sa mga email na hindi spam.
• Kayo mismo ang magiging responsable sa pamamahala ng seguridad ng inyong account at password. Ang Quality Unit ay hindi mananagot sa anumang uri ng pagkawala o pagkasirang bungad ng inyong hindi pagsunod sa obligasyong ito ng seguridad.
IPINAGBABAWAL: Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga banner o link sa mga newsgroup, chat room, message board, banner network, counter, o guestbook.
IPINAGBABAWAL: Mahigpit na ipinagbabawal ang lahat ng mga PPC campaign, kasama ang bidding sa loob ng mga PPC system gaya ng Google Ads o Microsoft Ads at anumang kahina-hinalang traffic.
• Hindi ninyo puwedeng gamitin ang Program para sa anumang ilegal o di awtorisadong pakay. Sa paggamit ninyo ng Affiliate account o Program, hindi kayo puwedeng lumabag ng anumang batas na nasa inyong hurisdiksiyon (kasama na pero hindi limitado sa mga batas ng copyright).
• Hindi kayo magpapadala ng unsolicited communications, junk email, spam, o iba pang mga uri ng panloloko o di hinihinging message sa mga lead. 
• Ang bawat legal na kinatawan ay puwede lang magkontrol ng hindi hihigit sa isang Program account puwera lang kung tahasan itong awtorisado.
• Mga materyales lang na ibinigay ng QualityUnit para sa sales at marketing ng Affiliate Partner ang inyong gagamitin.
• Hindi kayo sosobra sa paggawa ng telemarketing para mag-promote ng QualityUnit Products.
• Hindi ninyo ipo-promote ang QualityUnit sa mga site na may content na labag sa batas, may galit, may dahas, may pang-aabuso, o may pornograpikong nilalaman.
• Hindi kayo magpapanggap bilang mula sa LiveAgent o QualityUnit.
• Susunod kayo sa lahat ng naaangkop na batas.
• Kinikilala ninyong ang QualityUnit ay may unilateral na karapatang mag-withdraw sa kontrata sakaling magkaroon ng paglabag o unethical na pag-uugali, sa assessment at natatanging panghuhusga ng QualityUnit.
• Kung ang Affiliate Partner ay napatunayang lumabag sa mga termino at kondisyong ito, ang anumang natitirang payout ay mawawalan ng bisa, at ang kasunduan ay tatapusin kaagad.
• Sumasang-ayon kayong magbayad-pinsala, depensahan, at pananatilihing walang sala ang QualityUnit, s.r.o. mula sa anumang mga paghahabol, pinsala, pananagutan, at gastusin (kasama ang pambayad sa abogado) na magmumula sa inyong paglabag sa Kasunduang ito, inyong website, at/o ang inyong pakikilahok sa affiliate program.

Mga Partnership Level at Requirement

BasicAdvancedProfessional

Mga Inaasahan

Taunang commission

hanggang 1,000

hanggang 5,000

higit pa sa 5,000

Minimal accounts na nabebenta taon-taon

235

Minimal account na kailangan sa panghabambuhay / mga buwan

333

Limitasyon ng provision

12 buwan12 buwan12 buwan

Aktibong pag-promote sa LiveAgent

hindi mandatoryOOOO

Partner at sales training

hindi mandatoryOOOO

Limitasyon ng di pagiging aktibo

12 buwan12 buwan12 buwan

Fixed cost

8%8%8%

Mga Benepisyo

Referral commission

10%20%30%

LiveAgent partner logo

LiveAgent Basic partnerLiveAgent Advanced partnerLiveAgent Pro partner

Sponsored Demo accounts

013

Dedikadong customer support contact

HINDIHINDIOO

Access sa pre-release list

HINDIHINDIOO

Mga aktibidad ng marketing

HINDIOOOO

Basic Partner

Commission: Hanggang 1,000 EUR taon-taon.
Sales Requirement: Minimum na 2 account na naibebenta taon-taon.
Account Activity: Dapat aktibo ang bawat account nang hindi bababa sa 3 buwan.
Commission Rate: 10%.

Dagdag Na Features:

• Walang mandatory promo ng LiveAgent.
• Walang sponsored na demo account.
• May pangkalahatang customer service na makukuha.
• Walang access sa pre-release na mga listahan o mga gawaing pang-marketing.

Advanced Partner

Commission: Hanggang 5,000 EUR taon-taon.
Sales Requirement: Minimum na 3 account na naibebenta taon-taon.
Account Activity: Dapat aktibo ang bawat account nang hindi bababa sa 3 buwan.
Commission Rate: 20%.

Dagdag Na Features:

• May mantadory promo gamit ang microsite, social media, o newsletter.
• Kinakailangan ang paggamit ng logo ng LiveAgent Advanced Partner.
• May isang demo account para sa pag-test ng mga update.
• May pangkalahatang customer service na makukuha.
• May impormasyon sa mga bagong release mula sa email nang isang linggong maaga.
• Pagsali sa mga gawaing pang-marketing.

Professional Partner

Commission: Lalampas sa 10,000 EUR taon-taon.
Sales Requirement: Minimum na 5 account na naibebenta taon-taon.
Account Activity: Dapat aktibo ang bawat account nang 3 buwan man lang.
Commission Rate: 30%.

Dagdag Na Features:

• May mandatory promo gamit ang microsite, social media, o newsletter.
• Kinakailangan ang paggamit ng LiveAgent Pro Partner logo.
• May tatlong demo account para sa pagpapakita ng features.
• May dedikadong customer support contact.
• Maagang access sa paparating na features.
• Pagsali sa mga gawaing pang-marketing.

General Terms

Pagsunod: Dapat sumunod ang partner sa lahat ng mga naaayong batas at regulasyon.
Di-puwedeng Paglipat: Ang mga benepisyo at obligasyon ng mga partner ay hindi naililipat kahit kanino.
Pagbabago: May karapatan ang QualityUnit na baguhin ang mga termino at kondisyon, kasama ang mga benepisyo at requirement, ayon sa kanilang natatanging paghusga. Ang mga partner ay makatatanggap ng notification tungkol sa mga pagbabago.
Paghinto: May karapatan ang QualityUnit na putulin ang partisipasyon ng anumang partner na hindi sumusunod sa mga termino at kondisyon o para sa kawalan ng aktibidad na lampas sa tinukoy na limitasyon.
Pagiging confidential: Ang ibinabahaging impormasyon sa pagitan ng QualityUnity at Partner bilang bahagi ng program ay confidential at hindi dapat ipinagbibigay-alam sa sinumang third party.
Umiiral na Batas: Ang mga termino at kondisyong ito ay pinamamahalaan ng mga batas at hurisdiksiyon kung saan nag-oopisina ang QualityUnit.
Pagresolba ng Di-pagkakaunawaan: Ang anumang hindi pagkakaunawaang magmumumula sa mga terminong ito ay susubukan munang lutasin sa pamamagitan ng mapayapang negosasyon. Kung hindi ito matagumpay, ang hindi pagkakaunawaan ay lulutasin sa pamamagitan ng arbitration sa namamahalang hurisdiksiyon.
Limitasyon ng Liability: Ang pananagutan ng QualityUnit na nagmumula o may kinalaman sa Kasunduang ito ay hindi hihigit sa kabuuang binayarang komisyon o babayaran sa Affiliate Partner.
Walang Warranty: Ang QualityUnit ay hindi gagawa o magpapahiwatig ng mga warranty o representasyon pagdating sa affiliate program o anumang binebentang produkto sa programa.
Exchange Rate at Payouts: Ang QualityUnit ay hindi responsable sa anumang pagbabago sa exchange rate na makakaapekto sa halaga ng payout sa mga partner. Lahat ng payout ay susunod sa napagkasunduang currency, at anumang conversion sa ibang currency ay responsibilidad na ng partner. Ang QualityUnit ay may karapatang mag-adjust ng halaga ng payout batay sa malaking pagbabago sa exchange rate o iba pang konsiderasyong pinansiyal.

Privacy Policy:

Sa QualityUnit, itinataguyod namin ang pinakamataas na pamantayan ng privacy at nakatuon kami sa pangangalaga ng impormasyon ng mga user, personal man o sa business. Hindi namin ipagbibigay-alam ang anumang impormasyon sa mga third party nang walang tahasang pahintulot mula sa inyo at sa inyong kompanya. Tinitiyak naming ang inyong pangalan, email address, phone number, at anumang personal na impormasyon ay mananatiling confidential, at hindi ito ibebenta sa kahit sinong tagalabas. Mahigpit naming panghahawakan ang pagiging confidential ng impormasyong ito. Kung meron man kayong tanong tungkol sa privacy rights, makipag-ugnayan sa amin sa support@QualityUnit.com.

Affiliate Payment

• Inaako ng QualityUnit ang responsibilidad sa pagbabayad ng mga komisyon ng affiliate at lahat ng transaksiyong pinansiyal na may kaugnayan sa QualityUnit Affiliate Program.
• Ang mga komisyon ay ibinibigay sa nagawang awtorisadong sales gamit ang inyong mga referral link. Bago maglagay ng mga naturang link, kailangan munang maaprubahan ng QualityUnit ang inyong application para maging affiliate.
• Ang mga payout ay ibinibigay tuwing ika-labinlimang (15th) araw ng buwan, sa kondisyong natutugunan ng inyong account balance ang minimum payout threshold na 250 EUR.
• Ang pondong pumapasok sa inyong account ay hindi nagkakaroon ng interes.
• Kung pipiliin ninyo ang payout gamit ang wire transfer, ang affiliates ang mananagot sa lahat ng konektadong banking fee.
• Ang mga affiliate ay responsable sa pagbibigay ng eksaktong impormasyon ng bank account. Ang QualityUnit, s.r.o. ay hindi mananagot sa anumang pinsalang magmumula sa anumang mali o kulang na detalye ng bank account na bigay ng affiliate.
• Ang affiliate program ay nagpapahintulot ng self-purchase. Pero para makakuha ng commission, kailangan ninyong mag-refer ng minimum na dalawang magkaibang customer na may magkahiwalay na order.

Mga Refund, Chargeback, at Kakulangan sa Pondo

• Kung sakaling ang isang order ay ni-refund, uumpisahan ng customer ang isang chargeback, o isinoli ang tseke ng customer dahil sa kakulangan ng pondo, ang kaukulang referral commission at anumang angkop na Affiliate chargeback fee ay ibabawas sa mga susunod na buwanang bayad na ibinibigay sa Affiliate.

Pagpapakilala ng sarili ninyo bilang isang LiveAgent affiliate

Puwede kayong mag-post o mag-advertise ng inyong partisipasyon sa Program. Gayunman, hindi ninyo puwedeng lokohin ang pagrepresenta sa anumang paraan o imbentuhin ang inyong relasyon sa LiveAgent (at/o sa QualityUnit), kasama rito, pero hindi limitado, sa pagsasabi o pagpapahaging na dinedevelop ninyo ang binibigay na serbisyo ng LiveAgent, na nagsasabi o nagpapahaging na bahagi kayo ng LiveAgent sa anumang paraan, o nagsasabi o nagpapahaging na may relasyon o koneksiyon kayo sa LiveAgent maliban sa tahasang pinahihintulutan nitong Agreement (kasama na rito, pero hindi limitado, sa pagsasabi o pagpapahaging na ang LiveAgent ay sumusuporta, isang sponsor, nag-eendorso, o nagbibigay ng pera sa anumang charity o iba pang kawanggawa).

Relasyon ng mga Party

Kayo ay isang independent contractor, at walang nakasaad sa Agreement na ito na maglilikha ng anumang partnership, joint venture, agency, franchise, sales representative, o relasyon bilang empleyado sa pagitan ninyo at ng LiveAgent. Wala kayong awtoridad na gumawa o tumanggap ng anumang offer o representasyon sa ngalan namin. Hindi kayo gagawa ng anumang pahayag, sa inyong site man o saanman, na malinaw na kokontra sa anumang nakasaad sa Agreement na ito, kasama pero hindi limitado sa relasyon sa pagintan ninyo at ng LiveAgent.

Related na mga article
Ang webinar ng serbisyong kustomer ng LiveAgent ay nakatuon sa multi-channel na solusyong help desk. Live na chat, software sa pagtitiket, live chat, naka-built in na call center at marami pa ang kasama. Ang libreng pagsubok ng LiveAgent ay magagamit para sa limitadong oras.

Matuto nang lahat ng tungkol sa LiveAgent gamit ang mga webinar

Ang webinar ng serbisyong kustomer ng LiveAgent ay nakatuon sa multi-channel na solusyong help desk. Live na chat, software sa pagtitiket, live chat, naka-built in na call center at marami pa ang kasama. Ang libreng pagsubok ng LiveAgent ay magagamit para sa limitadong oras.

Ang LiveAgent affiliate program ay may offer na mga real-time report ng inyong sales, traffic, account balance, at ang pangkalahatang performance. Sumali sa aming affiliate program ngayon.

Welcome sa aming affiliate program!

Join the LiveAgent Affiliate Program and enjoy real-time reports on sales, traffic, and performance. Boost your earnings with a trusted partner in customer service solutions. Sign up today!

Alamin kung paano ang LiveAgent, ang orihinal na help desk software mula 2004, ay nagbigay ng makabagong solusyon sa customer support na may live chat at ticketing. Sumali sa 150 milyong gumagamit at 40,000 negosyo sa buong mundo. Tuklasin ang aming misyon na gawing abot-kaya at kapaki-pakinabang ang customer service. Mag-sign up para sa aming 14-day free trial at magbigay ng mahusay na serbisyo sa kustomer!

Tungkol sa LiveAgent

Alamin kung paano ang LiveAgent, ang orihinal na help desk software mula 2004, ay nagbigay ng makabagong solusyon sa customer support na may live chat at ticketing. Sumali sa 150 milyong gumagamit at 40,000 negosyo sa buong mundo. Tuklasin ang aming misyon na gawing abot-kaya at kapaki-pakinabang ang customer service. Mag-sign up para sa aming 14-day free trial at magbigay ng mahusay na serbisyo sa kustomer!

Gawing awtomatiko at ayusin ang iyong daloy ng trabaho gamit ang mga panuntunan. Ang mga panuntunan ay pinapayagan kang ayusin ang iyong mga tiket, magpadala ng mga awtomatikong tugon at marami pa.

Mga panuntunan

Gawing awtomatiko at ayusin ang iyong daloy ng trabaho gamit ang mga panuntunan. Ang mga panuntunan ay pinapayagan kang ayusin ang iyong mga tiket, magpadala ng mga awtomatikong tugon at marami pa.

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

Start Free Trial x