Kung naghahanap kayo ng paraan para mapataas ang customer satisfaction at kabuuang karanasan nila, kinakailangang gumamit kayo ng CRM software sa inyong business. Pagdating sa sales, tunay na maaabot ninyo ang pinapangarap ninyo kung gagamit kayo nito.
Kung may-ari kayo ng business at di pa rin kayo gumagamit ng CRM technology pero gusto ninyong taasan ang sales sa tulong ng CRM, para sa inyo ang article na ito. Bukod sa pagtaas ng sales, ang paghahanap ng pinakamahusay na CRM software para sa business ninyo ay tutulong sa inyong kumonekta at mapanatili ang magandang relasyon sa inyong mga kliyente..
Ano ang CRM software?
Ang ibig sabihin ng CRM ay Customer Relationship Management, isang set ng strategies at programs na ginagamit sa pag-manage ng customer relationships. Ang CRM software ay isang uri ng customer data management tool na tutulong sa mga business na mangolekta, mag-organisa, at mag-access ng customer communications at profiles.
Dahil abot-kamay na ninyo ang organisadong detalye ng consumer, makapagbibigay na kayo ng pinakamagaling na experience sa inyong clients.
Bakit kailangang gumamit ng CRM software sa inyong business
Mas dumarami na ngayon ang mga business, at nagiging mainit na ang labanan ng kompetisyon araw-araw. Kaya di na makakaila na kailangan na ng business ninyo ng isang solid na strategy para makakuha ng mas maraming sales at mapanatili ang inyong contacts, di ba?
Dito papasok ang kahusayan ng CRM software.
Narito ang ilang pangunahing pakinabang sa paggamit ng maasahang CRM software:
1. Sinusuri ang nakolektang impormasyon sa mga produkto at serbisyo
Papadalas na ang paggamit sa online database systems na tumututok sa mga customer. Sa pangkalahatan, pinapakita nito na kritikal na ang pagkakaroon ng access sa customer insights sa paglago at tagumpay ng anumang business.
Itinatago ng CRM software ang detalyadong impormasyon sa kabuuang customer journey at nagbibigay ng actionable insights para sa pagrerepaso ng inyong business strategy. Sinusuri nito ang data ng mga mga produkto at serbisyong nakokolekta sa mga kliyente ng organisasyon.
Gamit ang naitagong data, malalaman ninyo ang pangangailangan at preferences ng inyong customers tungkol sa isang partikular na produkto o serbisyo. Gamit ang CRM software, nagagamit ng mga business ang customer insights para mapaganda ang kanilang mga produkto at serbisyo at hihikayatin pa ang sales team ninyo na tangkilikin ito bilang kapaki-pakinabang na tool.
Gamit ang real-time na analytics at detalyadong response rate data, nagbibigay ang CRM software ng actionable insights sa pagpapaganda ng inyong business offers habang natututukan pa rin ang kabuuang performance.
2. Pinadadali ang pagkakaroon ng mahusay na customer experience
Sinasabi ng mga pinakamagaling na customer management executives na ang positibong customer experience ay fundamental sa anumang business o organisasyon na nagnanais magtagumpay. Ang pinaka-focus ng bawat business ay mapasaya ang kanilang customers para bumalik at maging suki sila. Sisiguraduhin ng CRM na magaganap ito!
Dahil sa kumpletong detalye ng profile ng customer, mas madali nang mag-personalize at mapagaling ang interaksiyon sa customer para mapaganda ang kanilang experience. Nagbibigay ang CRM ng unified platform sa paggawa ng pinakamagaling na customer experience.
3. Nasusukat ninyo ang customer satisfaction
Gumagamit ang CRM software ng customer satisfaction scores para masukat ang pagkakuntento ng customers sa isang partikular na produkto o serbisyo.
Iba-iba ang pangangailangan ng mga kliyente ninyo, at tutulungan kayo ng CRM software database na ma-track ito. Mas maaayos agad ang requirements nila dahil makagagawa kayo agad ng optimal solutions para sa kanila. Bibigyan kayo nito ng overview at pagkakataong mapaganda ang mga proseso ninyo. Tataas ang customer satisfaction levels kapag ang pangangailangan ng mga customer ay natugunan.
4. Napapataas ang customer retention
Consumer loyalty statistics ang nagsasabing ang pagkuha ng panibagong customers ay mas magastos pa sa mga business ng limang beses kaysa sa pag-aalaga ng mga nariyan na. At may 5% na dagdag pa sa inyong retention rates na makaka-boost sa inyong profit margins ng halos 25%
Mga 18% lang ng mga business ang nagpa-prioritize sa customer retention, at ibig sabihin ay puwede ninyong pakinabangan ito para mapalago ang inyong business. Bilang isang relationship management tool, nagbibigay kadalasan ang CRMs ng lahat ng kinakailangang tools ng users sa pagpapahusay pa ng customer engagement.
Dagdag pa rito, nagkakalap sila ng importanteng data tungkol sa behavior at bibigyan kayo ng actionable insights sa pag-boost ng customer experience. Masisigurado ninyong masaya lagi ang mga kliyente ninyo at willing silang ituloy ang ugnayan sa inyo.
5. Napapaayos ang inyong mga produkto at serbisyo
Batay sa uri ng customer-actionable insights na kadalasang binibigay ng CRM software, malalaman ninyo ang mga gustong taste at preference na habol ng inyong customers.
Improve your services
LiveAgent helps you boost customer retention and measure their satisfaction, thus helping you to improve the customer service. Curious about all the opportunities?
Ano ang mga uri ng CRM software?
Nagbibigay ang CRM software systems ng basic functionalities tulad ng marketing at sales tools dashboard para sa pag-track ng consumer journeys at isang database ng customer profiles.
Pag-usapan natin ang limang pinaka-common na CRM software systems.
Operational CRM
Ang CRM ay isang system na ginagamit sa pag-clarify ng customer interactions. Sinusuportahan din ito ng sales at marketing functions at pati service automation sa loob ng inyong organisasyon. Kasama rin ang automating software tools na mapapakinabangan ng mga business para masiguradong nakatatanggap ang customer ng pinakamahusay na customer service.
Nakapokus ang operational CRM sa quality customer service at kadalasang nagbibigay ng kinakailangang support tools para sa iba’t ibang proseso ng business tulad ng sales at marketing para masiguradong lahat sila ay nagtatrabaho para mapahusay ang pagharap sa mga customer.
Collaborative CRM
Tulad ng pangalan nito, ang collaborative CRM ay kooperasyon sa pagitan ng maraming sangay ng isang business organization. Nagpa-facilitate ito ng komunikasyon sa iba’t ibang departments ng inyong organisasyon tulad ng finance department, marketing department, sales, at customer care services.
Sa paggamit ng collaborative CRM, mas maiintindihan ng kompanya ang mga ugali sa pagbili ng kanilang customers. Mas madali ninyong maibabahagi ang impormasyong ito ng customer sa mga department sa isang iglap lang.
Pinagsasama ng collaborative CRM ang data, clients, at strategies para makapagbibigay ang business ninyo ng pinakamahusay na serbisyo sa mga kliyente at para maging suki pa sila.
Nahahati pa sa dalawang aspekto ang collaborative CRM:
- Interaction management – tungkol ito sa pagdidisenyo ng communication channels para sa customer interactions. Ginagawa ang komunikasyon ayon sa preferences ng client.
- Channel management – pinagaganda pa ang mga paraan kung paano maaabot ng customers ang kompanya at vice versa.
Analytical CRM
Ang pangunahing pakay ng analytical CRM ay para suriin ang mahahalagang customer data. Puwedeng maging simple at madali ang data collection, pero ang tunay na challenge ay kung paano gamitin ang impormasyong ito para magbenepisyo ang inyong organisasyon, at dito na papasok ang CRM.
Binibigyan ng analytical CRMs ang mga organisasyon ng isang hands-on platform para sa data analytics at customer insights na iimpluwensiya sa sales rates. Ang ganitong CRM ay pinapaandar mula sa back office ng organisasyon at hindi diretsong kumokonekta sa kliyente. Gumagamit ang analytical CRM ng features o tools tulad ng data mining, optimization ng marketing at sales activities, online analytical processing, at mga bagong oportunidad sa sales.
Strategic CRM
Layunin naman ng strategic CRM ang magkalap at magpaganda ng kaalaman tungkol sa consumers. Inuuna ng ganitong uri ng CRM ang consumers. Kabilang sa strategic CRM ang halos lahat ng departments ng isang business tulad ng sales, marketing, at manufacturing. Kaya kritikal na makuha ang support at magamit ang kanilang feedback sa pagtukoy ng strategies.
Patuloy itong tumutuklas ng mga detalye ng kliyente para mabigyan sila ng pinakamataas na value at quality options ayon sa kanilang preferences.
Campaign management CRM
Ang campaign management CRM ay nasa sentro ng marketing strategy ng isang business. Ang pinaka-focus ng proseso ng campaign management nito ay ang customer requirements.
Sinisigurado ng ganitong CRM na laging nakakakuha ang clients ng nababagay na impormasyong tina-target ang pangangailangan nila. Magagamit ninyo ang napakahusay nitong advertisement provisions nang mai-channel ito sa consumers gamit ang digital outlets tulad ng emails, telemarketing, posts, o kahit diretsong phone calls. Depende na ito sa gustong gamiting channel ng consumer. Ginagarantiya ng campaign management CRM ang pag-boost ng sales at hinihikayat ang paglapit ng bagong mga prospect sa business ninyo.
Paano pumili ng pinakamahusay na CRM software?
Sa dami ng CRM options, paano ninyo malalaman kung alin sa kanila ang pinakamahusay at alin ang dapat kalimutan na lang? Tunay ngang nakakalula at nakakabigla ang pagpili sa napakaraming impormasyong nagkalat sa mga software na ito.
Huwag mag-alala. Tutulungan kayo ng article na ito na makapili ng CRM solution na pinakabagay sa inyong business.
Bago kayo pumili ng gagamiting CRM software, ikonsidera ang sumusunod. Una, intindihin kung ano ang ginagawa ng CRM software at paano ito magbebenepisyo sa inyong business. Sunod, i-double-check ang tools at features ng bawat uri ng CRM solution. Habang ine-evaluate ninyo ang kailangang ng inyong business, dito ninyo malalaman kung aling features ang mapapakinabangan ninyo.
I-check din kung ang presyo ay sakto sa budget ninyo bago kayo gumawa ng pangmatagalang desisyon.
Ilan sa pangunahing features na dapat kasama sa magandang CRM software ay:
- Multichannel communications
Dahil digitized na lahat, mas maibabahagi ng customers ang kanilang mga karanasan sa isang tindahan, produkto, o serbisyo sa social media platforms, na tinatawag din bilang unsolicited feedback.
Ang mapipili ninyong CRM tool ay dapat nagbibigay ng solutions sa pag-monitor ng customer interactions at ng kanilang online activities. Nahihikayat din dapat nito ang consumers sa mga professional na live chat. Options din ang emails at phone calls.
- Contact management
Dapat madaling gamitin ang CRM interface at dapat kaya ng platform na magtago, mag-track, at mag-organisa ng contact information records at pati na prospect profiles para sa mas madaling contact management.
- Automation
Bilang productivity tool, ang magandang CRM software ay dapat kaya ang pag-automate ng karamihan sa paulit-ulit ninyong tasks. Makakatipid kayo sa oras nito at makakapokus pa sa pagbibigay ng quality services sa mga customer ninyo.
- Third-party integration
Ibig sabihin nito ay ang pagdagdag ng anumang kinakailangang external data sa project na tumatakbo na. Halimbawa, kung nagpapatakbo kayo ng online store, puwede kayong magdagdag ng WhatsApp platform kung saan kayo puwedeng diretsong makontak ng consumers.
Nakakatipid ang team ninyo ng oras para maharap ang ibang mas kritikal na projects.
- Reporting analysis
Kasama sa proseso ang pagkuha ng kasalukuyang impormasyon at pagpresenta nito sa isang paraang friendly at madaling maintindihan. Mas nakahihikayat din ang pagdagdag ng value sa data at ang presentation. Ito ay feature na dapat meron ang bawat CRM software.
- Customization
Dahil iba-iba ang ating preferences, ang magandang CRM software ay dapat fully customizable. Kung merong ganitong feature, ibig sabihin ay walang effort na babagay ang mapipili ninyong CRM sa inyong preferences.
Magkano ang aabutin ng CRM software sa average na halaga?
Nagbibigay ang CRM software ng malawak na pagpipiliang features at tools. Depende na sa laki ng inyong business at budget, dapat susulit ang presyo ng kapasidad ng software na mapipili ninyo.
Ang kadalasang naiisip sa ganitong uri ng metric ay ang pricing plans, pricing models, at kung ilang users kada buwan ang kasama.
Ang average na presyo ng CRM software ay mula $12 hanggang $50 kada buwan bawat user habang ang pinakamahal ay lampas $300. Bago kayo malito sa mahal bilang mataas ang quality, nirerekomenda muna naming tutukan ninyo ang iba-ibang pricing plans at tingnan ang babagay na custom pricing models sa inyo. Oo, napakaraming CRM systems at bawat isa ay may kanya-kanyang package depende sa supplier.
May bukod-tanging suppliers diyan na mababa ang singil pero pinakamahusay na CRM systems ang offer nila. Kung di rin naman kayo nagbabalak na mag-invest sa mamahaling CRM software at kuntento na kayo sa limitadong features, may libreng plans din para sa inyo.
Alalahanin lang na, bago kayo makapag-commit nang matagalan, dapat ang paborito ninyong CRM ay makapagbibigay ng magandang return on investment para sa business, makaka-boost ng sales, at gagarantiya ng paglago.
Top 25 Na CRM Software
1. LiveAgent
Ang LiveAgent ay ang top ticketing software na alternatibo na may built-in na CRM software platform na babagay sa mga maliit o medium-sized na eCommerce business. Bukod sa CRM, may offer ang LiveAgent na komprehensibong help desk features tulad ng ticketing, live chat, call center, at social media monitoring na magagamit nang hiwalay o kasabay. Ang kasamang core CRM applications ay ang sales force at marketing automation tools na maraming third-party integrations. Ang LiveAgent platform ay fully customizable, at bibigyan nito ang maliliit na business ng magandang oportunidad para mag-upscale ng kanilang customer base at mapalago ang kanilang online service. Ang kanilang ticketing management system ay mahusay na naka-streamline at madaling maitatago at makikita ang contact list records mula mismo sa panel ng ticket. Para mas madaling gamitin, binibigyan ng LiveAgent ang users ng option ng pagpili kung onsite o web-based ang software installation.
Kanino ito nababagay?
Maganda ito sa anumang laki ng kompanya na gustong kumonekta sa customers at mag-monitor ng team performance gamit ang parehong platform.
Mga pangunahing feature
- Fully automated na ticketing system na may custom domains
- Real-time na live chat features
- Inbound na call center
- Social media help desk integration
- Customer service reporting system
- 24 oras na bukas na customer portal
- Maraming apps para sa mobile help desk
- Extensive na seguridad ng help desk
Mga Pro
- Itinatago ang client data bilang tickets
- Nakaka-integrate sa maraming channels at software programs
- Fully customizable ang features
- Madaling ma-configure para bumagay sa iba-ibang departments ng malalaking kompanya
- Maraming suportadong wika
- 24/7/365 na support
- Flexible ang mga presyo
Mga Con
- Kailangan itong i-customize ayon sa pangangailangan ninyo
Presyo
Ang libreng version ay may 14-araw na trial period na di kailangan ng credit card. Ang may bayad na plans ay aabot sa $15, $29, an $39 bawat user kada buwan.
2. Hubspot
Ang Hubspot CRM ay isang cloud-based na CRM system na nangangakong tulungan ang mga business na mag-nurture ng leads at sumuri ng iba’t ibang metrics para sa kanilang business habang automatic na tina-track ang customer interactions sa maraming platforms. Bagay na bagay ito sa mga B2B at B2C business dahil sa kanilang visual dashboard kung saan makikita ninyo ang kabuuang sales funnel nang real-time. Sa paggamit nito, masusundan na ninyo ang lahat ng customer interactions at maitatago pa ang data sa isang lead-organized na timeline. Sa kabuuan, ang offer ng Hubspot CRM ay isang pinaghalong customer relationship management systems para sa contact management, lead generation, sales pipeline management, at email marketing automation.
Kanino ito nababagay?
Napakagaling na CRM software para sa maliliit na business na nasa B2B at B2C.
Mga pangunahing feature
- Bulk emails
- Document library
- Live chat
- User forums
- Integration sa Outlook, Gmail, at higit sa 300 na ibang tools
- Email tracking at notifications
- Pag-schedule ng meeting
- Automatic na sales activity log
- Deals, tasks, at contacts management features
- Reporting dashboard
Mga Pro
- Sobrang responsive at maganda ang user interface
- Nata-track ang posisyon ng kliyente sa pipeline pati na mga transaction
- Di na kailangang baguhin ang inyong workflow
- Hubspot Academy, na tutulong sa pagkuha ng leads
Mga Con
- Kailangan ng libreng version ng maraming add-on features
- Hindi ito all-in-one na tool para sa business
Presyo
Magagamit nang libre ang Hubspot pero may version ding may bayad. Para ma-access iyon at magamit ng iba’t ibang departments, magbabayad kayo ng $112.50 kada buwan.
Ang sales, service, at marketing versions ay $50 kada buwan. May offer din ang Hubspot na enterprise version sa buwanang bayad na $1,200 at marketing version na $3,200 kada buwan.
3. Keap
Ang Keap CRM ay dumodoble bilang marketing at sales automation tool na nangangakong tutulong sa maliliit na business sa pag-boost ng sales at mabawasan ang kaguluhan sa business. Isa itong cloud-based na CRM solution na bagay sa mga kompanyang nais pagandahin pa ang kanilang customer experience at gustong mag-streamline ng sales. Magagamit ito sa pag-segment ng contact lists, pag-track ng client interactions, pag-automate ng emails, at pagpapatakbo ng personalized na marketing campaigns. Meron din itong e-commerce functionalities para makapag-manage ng inventories, mag-track ng online storefront activities, at matugunan ang orders. Madali ring patakbuhin ang ROI data nang masuri ninyo ang performance ng mga email at marketing campaigns gamit ang Keap reporting at analytics system tools.
Kanino ito nababagay?
Sakto para sa SMBs at mga startup na kompanyang gustong dagdagan ang sales nila.
Mga pangunahing feature
- Makakabayad ang customers sa pag-click lang ng link.
- May access sa impormasyon ng kliyente gamit ang anumang gadget
- Konektado sa Gmail at Outlook
- Pag-schedule ng appointments
- Mga email template
- Personalized na communications
- Dashboard para sa pag-track ng sales campaign
- Napakahusay na forms sa pagkolekta ng detalye ng customer
Mga Pro
- May intelligent forms sa pagkolekta ng naibigay na impormasyon sa isang lead
- Automatic na emails
- Maganda para sa pag-assign ng tasks at pagpapahusay ng customer support
- 14 araw na libreng trial period
- Maraming suportadong wika
Mga Con
- Manual ang pag-save ng users sa trabaho
- Medyo challenging ang maraming features nito sa mga baguhan
Presyo
Magbabayad kayo ng $79 kada buwan para sa lite packages at $159 kada buwan para sa pro versions. Ang Max package ay $199 kada buwan.
4. Freshworks
Ang Freshworks ay isang sales force automation CRM na pine-personalize ang customer engagements at pinaiikli ang kabuuang proseso ng sales para mabilis lumago ang business. Bilang isang cloud-based na CRM solution provider, may offer ang Freshworks sa mga kompanya ng iba-ibang industry verticals na pinadali at epektibong paraan sa pag-manage ng lahat ng kanilang customer interactions. Ang top na desirable features nila ay sales lead tracking, one-click phone, event tracking, at ang kabuuang support sa pagpapadala at pagmo- monitor ng bulk emails.
SIne-segment ng Freshworks ang contacts batay sa kanilang general online behavior, nira-rank ang prospects batay sa kanilang lead scores, at automatic na naka-prioritize ang leads na may pinakamataas na scores. Ang 360° customer view feature nila ay nagbibigay rin ng detalyadong impormasyon tungkol sa anumang oportunidad sa inyong contact list.
Kanino ito nababagay?
Bagay ang CRM na ito sa mga negosyong iba-iba ang laki, at may benepisyo para sa sales teams. Mas gugustuhin ito ng maliliit at medium enterprises dahil madali itong i-set up at gamitin agad.
Mga pangunahing feature
- Lead scoring
- 360-Degree na view
- Automatic na pagpapaganda ng profiles
- Pagno-notes, paggawa ng appointments, at pagplano ng tasks
- Live chat
- 24/7 na support
- Reporting dashboard
- Pag-set ng goals
- SMS integration
- Deals at leads management
- Document library
Mga Pro
- Gumawa at makatanggap ng phone calls gamit ang inbuilt phone
- Customer support gamit ang FreshDesk
- Management tools
- Abot-kaya ang presyo kahit papaano
- Puwedeng magamit sa pagpapalago ng sales teams
- Smart na features para sa sales
- Maraming suportadong wika
Mga Con
- Hindi gaanong intuitive ang user interface
- Limitado ang bilang ng integrations
Presyo
Magbabayad kayo ng $29 kada buwan para sa bawat user. Nagsisimula ang Blossom version sa $19 kada buwan habang ang Garden version ay $35. Makukuha ang estate version sa $65 kada buwan habang ang forest version ay $79 kada buwan.
5. Zoho
Ang Zoho ay isang cloud-based na customer relationship management software na nakapokus sa pagtulong sa anumang laki ng business para madagdagan ang kanilang lead conversion, customer engagement, at paglago ng revenue. Ang CRM solution platform nila ay may marketing at sales automation systems at ibang importanteng functionalities para sa help desk services, customer support, at sa analytics. Sa madaling salita, binibigyan ng pagkakataon ng Zoho ang mga business na makapagbigay ng real-time na customer assistance sa maraming channels. Gamit ang Zia (ang AI-powered na conversational CRM assistant nila), epektibong mahuhulaan ng Zoho users ang pinakamainam na oras ng pag-initiate ng contact sa kanilang customers. Ang malawak na pagsama ng artificial intelligence sa kanilang functionalities ay tutulong sa platform na makapag-scan ng emails at mag-display ng relevant statistics para sa mabilisan at epektibong action.
Kanino ito nababagay?
Maganda ang Zoho CRM sa maliliit na business na kailangang mag-scale up ng operations.
Mga pangunahing feature
- Advanced na customization option para sa modules at buttons
- Naka-integrate sa Google Ads
- Inventory management
- SalesIQ na nagta-track ng visitors at nagma-manage ng inyong sales
- Fully customized na dashboard
- Madali ang pagpapatakbo ng social media campaigns
- Email integration na tutulong sa email marketing
- Lead scoring
- Lead management
- Email insights
- Email routing
- Real-time na notifications
- Naka-integrate sa maraming uri ng devices
- Suportado ang maraming uri ng pera
- 24/7 na user forums
- Document library
- Live chat
- Multi-user portals
Mga Pro
- Interactive
- Madaling gamitin
- May pagkamura bilang CRM pero maraming features
- Puwedeng makagawa ng complex na workflows
- Libre para sa tatlong users
- Madaling ma-integrate sa compatible na tools
Mga Con
- Di gaanong intuitive tulad ng ibang CRM software, at hindi madaling gamitin
- Kailangan ng maraming customization
- Hindi gaanong responsive ang support
Presyo
Merong libreng version pero kakaunti lang ang features nito. Puwede ninyong bilhin ang standard, professional, enterprise, o ultimate na version. Ang enterprise version ay $35 kada buwan habang ang standard version ay $12 kada buwan. Kung gusto ninyo ng professional version, magbabayad kayo ng $20 kada buwan. Ang ultimate ay nasa $45 kada buwan.
6. Agile
Ang Agile ay isa ring cloud-based na CRM tool na gustong tulungan ang maliliit at medium-sized enterprises na mag-automate ng sales, marketing, at customer services. May offer itong telephony apps, contact management software, appointment scheduling features, landing page builder, project management tools, at knowledge base management functionalities. Ang module para sa contact management ay tutulong sa users na mag-record, magtago, mag-access, at mag-manage ng essential customer data tulad ng client information at ng kanilang interaction records.
Tutulong din ang Agile CRM software na ma-track ang website visitors, masuri ang kanilang digital behavior, at automatic na ma-curate ang epektibong mga campaign sa tulong ng drag-and-drop na marketing automation interface. Meron itong fully customizable na task management functionality, suporta para sa social media integration, at nakapagpapadala ang users ng auto-reminders batay sa oras at client options.
Kanino ito nababagay?
Ideyal ang ganitong platform para sa sales at marketing teams sa maliliit at medium-sized na mga business.
Mga pangunahing feature
- Automation ng voicemail
- Puwedeng mag-attach ng dokumento
- Puwedeng tumawag ng maramihang customers sabay-sabay sa iisang click lang
- Advanced na analytics at reports
- Access sa customer data mula sa kanilang notes, conversations, at calls
- Sinusuri ang journey ng inyong lead bago sila bumili
- Contact management
- Pag-schedule ng appointment
Mga Pro
- Libre para sa hanggang sampung users
- Nasa iisang lugar na ang marketing, service, at sales
- Pag-share ng business calendar online
- Contact management
- Highly scalable ito
- Cloud-based kaya mabilis
- Malawakang integrations
Mga Con
- Nasa English lang ang support
- Bukas ang support sa weekdays lang
- Puwede pang ayusin ng developers ang user interface
Presyo
May libreng version sila habang ang may bayad na plans ay nagsisimula sa $8.99 (starters) hanggang $47.99 (enterprise) bawat buwan.
7. Salesforce
Powered ng customer 360, ang Salesforce ay isang growth-oriented na CRM na nagbibigay ng tailored solutions para sa maliliit na business nang mapabilis ang sales at support services nila. Bilang on-demand na CRM software, ang kapasidad nito ay nasa marketing automation, lead management, at contact management. Sa madaling salita, tutulong ang Salesforce sa pag-manage ng client accounts, pag-monitor ng inyong marketing campaigns, pag-track ng sales leads, at pagbigay ng post-sale services. Ang upgraded version nila, ang Lightning Experience – na tinagurian bilang ang future ng CRM sales – ay may offer na action-oriented environment para ma-streamline ng sales reps ang kanilang proseso ng sales. Kahit na available lang ito para sa SaaS deployment, maganda pa rin ang Salesforce CRM technology sa pag-track ng performance at pagkalap ng leads.
Kanino ito nababagay?
Ang system ay para sa SMBs na gusto ng CRM na may offer na dagdag na flexibility.
Mga pangunahing feature
- Contact management
- Personalized ang feed
- Visual ang workflow
- Sales management
- Opportunity management
Mga Pro
- Madaling ma-customize
- Compatible sa Android, Windows, Linux, at Mac
- Multi-currency at maraming suportadong wika
- Inbuilt na lead scoring
- Mass emailing
- 24/7 na support
- Sobrang personalized at automated
- Integrations sa Zendesk, LeadExec, Zuora, at Ambassador
- Suportado ang sales, marketing, analytics, at marketing
Mga Con
- Medyo complex ang configuration
- Kailangang magdagdag ng add-ons
Presyo
Kasama sa mga version ay ang essentials plan, ang pinakamura ($25/buwan/user), at Pardot Growth na pinakamahal ($1,1250/buwan/user). Ang sales at professional versions ay $75/user/buwan bawat isa.
8. Pipedrive
Ang Pipedrive ay isang sales CRM at pipeline management tool na dinisenyo para talagang makatutok kayo sa paglago ng negosyo ninyo kaysa sa mag-aksaya kayo ng oras sa paggawa ng paulit-ulit na manual tasks. Ginawa na may activity-based na selling approach, natutulungan ng Pipedrive ang mga business na mag-streamline ng bawat isa sa kanilang sales conversion actions. Isa itong cloud-based na CRM platform na puwedeng ma-access anumang oras kahit saang gadget na may internet.
Binibigyan ng Pipedrive ang sales managers ng kakayahang makita ang kabuuan ng kanilang sales pipelines gamit ang matatag na CRM interface kung saan naka-display ang progreso ng deals at actionable steps para sa susunod na items. Para mas madalian kayo, gamitin ang Activity at Goal features para ma-track ang lahat ng pipeline activities na kasalukuyang naka-pending pa. Ang ibang magagaling na features nila ay ang mainam na daloy ng mailing system integrations at ang custom sales reporting.
Kanino ito nababagay?
Magaling ang CRM na ito kung nais ninyo ng madaling gamiting platform. Magbebenepisyo ang sales teams sa kanilang automation.
Mga pangunahing feature
- Lead management
- Nata-track ang communication
- Integration sa mobile phone
- Sales pipelines
Mga Pro
- Custom reports na nata-track ang revenue
- Performance tips para tumaas ang sales
- Nagre-report sa sources ng bagong leads
- Simple
Mga Con
- Limitado ang functionality
Presyo
Ang essential payment plan ay $12.50 kada buwan habang ang enterprise plan ay $99. Ang dalawang ibang methods ay ang professional ($49.90/buwan) at advanced ($24.90).
9. Scoro
Ang Scoro ay isang web-based na professional CRM system na tutulong sa mga business na mag-coordinate ng sales processes at mapapahusay pa ang team performance gamit ang kumpletong set ng kanilang productivity features para sa collaboration, sales pipeline management, billing, project management, at pagre-report. Ang mainam dito ay ang mga may permission lang ang makaka-access at makakatrabaho sa partikular na projects. Ang Scoro interface ay isang central hub na nagdi-display ng detalyadong account information, kasama ang key performance indicators at mga pagbabago sa task sa iisang screen lang. Gamit ang ganitong data, makikita ninyo ang kabuuang progreso ng inyong trabaho, at mapipili ang projects na gusto ninyong unahin o mag-set ng deadlines para walang magsasabay-sabay.
Kanino ito nababagay?
Isa itong all-in-one na customer relation management software na magagamit ng mga business sa anumang level. Kung malaki ang inyong korporasyon o maliit lang, Scoro ang bahala sa inyo.
Mga pangunahing feature
- Makikita ninyo ang income level at budget ng bawat project ninyo bawat buwan.
- Puwedeng ma-manage ang inyong business performance mula mismo sa software dashboard.
- Malalaman ninyo ang bilang ng mga invoice na meron ang business.
- Malalaman rin ninyo kung ilang quotes na ang na-convert na sa invoice at ilan ang hindi pa.
- Makikita ninyo ang kasalukuyang budget at makaka-monitor ng timeline ng inyong projects.
Mga Pro
- May magaling itong user interface at user experience.
- Compact ang platform nito
- Mabilis ito at informative
- Magaling ang invoicing at reminder systems nito
Mga Con
- Medyo matagal ang oras ng pag-set up ng sync gamit ang outlook
- Walang libreng version.
Presyo
May 14-araw na libreng trial, at pagkatapos, kailangan nang magbayad. Nag-iiba-iba ang mga presyo ng plan ayon sa babagay sa inyo, at ang pinakamura dito ay nagsisimula sa $22 bawat user kada buwan.
10. Microsoft Dynamic 365
Kung nais ninyong matuwa ang mga kliyente at masigurado ang relasyon sa kanila, narito ang tool na dapat ninyong ikonsidera. Tutulungan kayo ng Microsoft Dynamics 365 na magbigay ng virtual interaction sa pagsasama-sama sa inyong clients, staff, at data management. May offer itong fully independent na web-based CRM ecosystem na nakatutok sa sales, customer support, at field service habang may offer na matatag na native integrations sa ibang Office 365 applications. Sa ganitong paraan, gaganda ang daloy ng customer engagement kung ang hanap ninyo’y magandang project service automation o lead opportunity management tool. Ang kanilang SaaS deployment at on-site na installation options ay parehong may interactive na interface (para sa mobile at desktop), pulidong seguridad ng database, at meron ding matatag na API integrations.
Kanino ito nababagay?
Anumang level ng business, matutugunan ito ng Microsoft Dynamic. Meron silang plans na bagay sa mga nagsisimula pa lang at sa mga beterano na. Hindi rin kailangang maging tech expert para magamit ito.
Mga pangunahing feature
Pinapalakas nito ang digital sales pipeline at naglalabas ng automated na mga rekomendasyon. Mahusay itong gamitin kasabay ng maraming communication providers. Puwedeng mag-schedule ng calendars para patakbuhin ang inyong business activities. Dahil sa kanilang mobile responsiveness, puwedeng mag-log in at magbahagi ng impormasyon anumang oras.
Mga Pro
- Madali itong ma-customize.
- Mahusay ang integration ng Microsoft Dynamics 365 sa ibang software tulad ng Microsoft products at outlook para sa email at calendar.
- Simple lang ang report management.
Mga Con
- Mahirap pangasiwaan ang permissions dahil masyadong maraming customizations.
- Kung wala kayong karanasan sa paggamit ng sistema ng Microsoft, baka maging nakakapagod at nakakalito ito.
- Medyo mahirap i-navigate ang user interface para sa bagong users.
Presyo
May partikular na pricing sa bawat plan. Ang Business Central Essentials ay $70 bawat user kada buwan, ang Business Central Premium ay $100 bawat user kada buwan, ang Customer Service Professional ay mula $20 hanggang $50 bawat user kada buwan, at ang Sales Professional ay mula $20 hanggang $65 bawat user kada buwan.
Tired of searching?
Are you still looking for software that will help you improve your customer service? LiveAgent may be the solution for you!
11. Salesmate
Tinutugunan ng Salesmate ang pangangailangan sa customer relationship management ng mga maliliit at midsize enterprise sa maraming industriya. Isa itong cloud-based na CRM technology na may automation tools sa pag-manage ng contacts, sales pipelines, email marketing campaigns, phone integrations, at internal chats. Ang contact management module nila ay nagsisilbing central repository sa pag-import at pagtago ng contacts mula sa third-party storage points tulad ng Google Contacts, kaya mas madali nang mag-assign at mag-link ng lead contacts sa ilang partikular na sales representatives. Ang kanilang sales pipeline view ay maganda sa pag-manage, pag-prioritize, at pag-automate ng iba-ibang stage ng isang deal, at magagawa pa ito nang remote gamit ang Salesmate mobile app.
Kanino ito nababagay?
Ginawa ang Salesmate para magamit ng kahit anong laki na business. Promising ang features nito, at sadyang fulfilling ang mga resulta. Nakadepende ang plan ninyo sa inyong paggamit. Maraming plans para sa bawat laki na negosyo.
Mga pangunahing feature
- Merong integration features para maka-import at makuha ninyo ang contacts mula sa excel files, CSV, at mobile.
- Puwedeng mag-filter ng files batay sa gagawin ninyong criteria para mas mabilis silang hanapin sa susunod.
- Ino-automate ng salesmate sales workflows ang pagpapadala ng email.
- Puwedeng gumamit ng bulk actions sa pag-manage ng contacts, pag-merge, pag-delete, o pag-update ng anumang impormasyon.
Mga Pro
- Nagbibigay ng seguridad ang Salesmate sa pag-offer ng kumpletong data backup at protection.
- Mas fulfilling na pangangasiwa ng mahusay na komunikasyon at coordination ng teams at clients.
- Napakagaling na customer service.
Mga Con
- Kailangang medyo skilled kayo sa pag-set up ng automated workflows.
- Di puwedeng mag-type ng highlighted text sa search.
Presyo
Ang Starter plan ay $12 bawat user kada buwan, ang Growth plan ay nagsisimula sa $24 bawat user kada buwan, at ang Boost plan ay $40 bawat user kada buwan
12. Spiro
Kinikilala bilang isa sa pinaka-proactive na CRM software, ang Spiro ay isang AI-powered na single solution CRM sa pagpapahusay ng customer relationships, pagdagdag ng sales, at pagbigay ng telephony support. Native itong ginawa para sa sales teams at mga organisasyong may 100-1,500 na empleyado dahil maganda ito sa pag-evaluate ng sales data at pag-generate ng actionable recommendations. Gumagana ito na parang personal sales assistant, at may kasamang built-in na calling at texting features na nakaka-sync sa automated na sales reminders at activity trackers ng lahat ng naka-schedule na client meetings.
Kanino ito nababagay?
Para sa negosyanteng gustong mapaganda pa ang kanilang business, tamang desisyon ang pagkuha ng ganitong tool. Maiaangat nito ang inyong start-up business. Sa may established nang business, mas mapapalago pa ng tool ang negosyo ninyo.
Mga pangunahing feature
- Merong AI-generated na paalala, kaya di na kailangang mag-input pa ng data.
- Magbibigay din ito ng suggestion kung anong hakbang ang susunod ninyong gagawin kapag nakakita ng anomalya sa pipeline.
- May offer na email, contact, at calendar management.
Mga Pro
- Sobrang responsive ang Spiro customer support team.
- Napakagaling na user interface.
- Accessible sa mobile phones.
Mga Con
- Masyadong detalyado ang reporting section kaya medyo challenging itong gawin.
- Wala itong automated email na functionality.
Presyo
May offer ang Spiro na subscription pricing model, pero kailangan ninyong kontakin sila para makakuha ng quote. Alamin muna ang pangangailangan ninyo bago makipag-ugnayan.
13. Copper
Sawa na ba kayo sa nakakapagod at paulit-ulit na admin tasks o sa masyadong sophisticated na CRM tools? Pinupuri ang Copper bilang isa sa pinakamadaling gamiting CRM alternative para sa mga business na nangangailangan ng management solutions dahil sa lumalago nilang customer relationships at sa pag-alaga ng leads. Maganda ang integration nito sa lahat ng Google Apps kaya mahusay na nama-manage ng users ang lahat ng tasks at customer interactions. Para masigurado ang pagkakaroon ng mahalaga at magtatagal na relasyon, laging ipinapaalala ng Copper sa users na mag-reach out sa bagong contacts at mag-follow up sa mga naka-pending na deal.
Kanino ito nababagay?
Kung gusto ninyong magtaguyod ng relasyon at taasan ang revenue ng inyong kompanya, gumamit ng Copper. Sakop ng ilang plans ang anumang laki ng business.
Mga pangunahing feature
- Ino-automate nito ang paulit-ulit na tasks at puwede kayong magpadala ng emails nang automatic.
- Mahusay nitong inoorganisa ang lahat ng contacts at impormasyon ng kliyente.
- Bina-back up at bineberipika nito ang data para siguraduhing protektado ang inyong impormasyon.
- Tina-track at kina-capture nito ang conversations at leads mula mismo sa inbox.
- Matatag ang reporting feature nito na nagpapakita ng pangkalahatang business records ninyo.
Mga Pro
- Maganda ang user interface nito.
- Mahusay ang integration nito sa Google workspace.
- Maa-access ito mula sa inyong mobile phone.
- Napakahusay ng copper support team.
Mga Con
- Hindi puwedeng gumawa ng kalendaryo o email mula sa loob ng CRM tool mismo. Ididirekta pa kayo nito sa isang Gmail window na puwedeng maging nakakahiya.
- Kung wala pa kayong experience sa paggamit nito, medyo nakakalito ang paggawa ng reports.
Presyo
Sa Copper, merong 14-araw na trial bago kayo bumili o humindi. Maraming pagpipiliang plans, halimbawa may basic plan na $25 bawat user kada buwan, Professional plan na $59 bawat user kada buwan, at Business plan na $119 bwat user kada buwan
14. Nimble
Ang Nimble ay isang multi-functional na browser widget CRM solution na may offer na mobile-based na sales force automation functionalities para sa mga SME business. Naglalagay ito ng client profiles at interaction records mula sa iba’t ibang contact lists, customer conversations, at social media activities. Ang pinaka-popular nilang features ay ang deal tracking, pipeline management, task management, contact management, at integrated social listening para sa mas epektibong engagement sa ilang partikular na contacts habang gumagawa kayo ng outreach at follow-ups.
Ang built-in na Rules Engine ng Nimble ay naka-set para pag-aralan ang user behavior nang maka-generate ng actionable data batay sa social signals na naka-display sa Today Page bilang key priorities at oportunidad sa engagement.
Kanino ito nababagay?
Dinisenyo ang Nimble para mapabilisan ang mga proseso ng business at mabigyan kayo ng pagkakataong makahanap at maka-retain ng clients kahit anuman ang laki ng inyong business.
Mga pangunahing feature
- Puwedeng mag-filter ng contacts.
- Puwede itong magdagdag ng social profile links para sa inyong contacts nang makapaghanap kayo ng importanteng impormasyon.
- Puwede ritong mag-manage ng calendar events at tasks.
- Automatic nitong isi-sync ang staff email, calendars, Google Apps, Office 365 contacts, at lahat ng interactions para makapagbigay ng eksakto at kasalukuyang impormasyon.
Mga Pro
- Itinatago at inoorganisa nito ang lahat ng impormasyon ng kliyente sa iisang lugar para madali itong ma-access.
- Sa Nimble, puwede kayong gumawa, mag-edit, at tumingin ng records kahit saan sa internet.
- Automatic na nagbibigay ito ng impormasyon para tulungan kayong organisahin ang pangangailangan ninyo sa marketing.
- Friendly ang user interface nito.
Mga Con
- Makapagpapadala kayo nang sabay-sabay na 100 emails lang. Mas okey sana ito kung makapagpapadala kayo ng unli na bilang.
- Baka mas bumagal ito kapag isasabay ninyo sa paggamit ng ilang funnels.
Presyo
May offer ang Nimble na 14 araw na libreng trial (nang walang credit card) bago kayo magdesisyon kung bibili kayo. Para sa may bayad na subscription model, ang presyo ay nagsisimula sa $19 bawat user kada buwan kung taunan ang bayad, at $25 kapag kada buwan ang bayad
15. Creatio
Ang ginagawa ng Creatio CRM tool ay inaalis ang mga hassle sa pakikipag-ugnayan sa mga kliyente at inoorganisa pa ang trabaho para sa staff ninyo gamit ang isang unified interface. Sa madaling salita, intelihenteng gumagamit ang Creatio ng BPM system para mag-automate ng sales, marketing, at service provisions para sa mga midsize at malalaking business para makapagbigay ng tuloy-tuloy na customer support at ma-manage ang kabuuang customer lifecycle. Sa mas simpleng paliwanag, ang Creatio ay isang single CRM bundle na nagbibigay ng mabilis na solutions para makita ng users ang marketing performance, sales funnels, at service interactions.
Ang Creatio system ay kasalukuyang available sa deployment bilang cloud-based o on-site na installation, at fully compatible ito sa parehong Windows at iOS sa desktop at mobile gadget.
Kanino ito nababagay?
Di na kailangang magduda. Ang pagiging abot-presyo nito at ang performance ng tool ang nagpapahusay dito kahit sa anumang anggulo suriin. Di ninyo kailangan ng technical expertise sa tool na ito. Kaaya-aya ang presyo nito sa anumang laki ng kompanya.
Mga pangunahing feature
- Automatic na mina-manage nito ang inyong workflow at lahat ng proseso ng sales.
- Meron itong end-to-end sales management platform na tutulong sa pagpapabilis ng mga maliliit o komplikadong proseso ng sales.
- Pinabibilis nito ang performance ng mga kompanya sa pamamagitan ng kanilang predicting, goal setting, at analytics function para makita ninyo ang kasalukuyang sales metrics.
Mga Pro
- Pinapadali nito ang pag-generate ng statistical reports.
- Madali at masayang magdisenyo rito ng workspace.
- Maaasahan ito at madaling gamitin.
Mga Con
- Nakakalitong mag-set ng permissions dahil sa bilang ng levels.
- Kung nais ninyong gumamit ng marketing unit, kailangan pa ng hiwalay na license.
- Matagal itong mag-save minsan.
Presyo
May offer ang Creatio tool na 14-araw na libreng trial at puwede pang mag-request ng live demo. Nagbibigay sila kadalasan ng quotes matapos ang unang pagkontak.
16. OnePageCRM
Ang OnePageCRM ay isa pang magaling na web-based na sales CRM software na dinisenyo para sa mga business na kailangang mag-automate ng iba’t ibang proseso tulad ng pag-schedule ng follow-up sa mga prospect, pag-generate ng actionable sales dashboards para sa sales teams, at iba pang admin tasks. Ang basic build nito ay may Next Action Sales Method at ang proprietary na GTD (Getting Things Done) principle sa kabuuang disenyo nito.
Ang OnePageCRM ay may sobrang epektibong customer relationship at sales marketing tools na binabawasan ang anumang business clutter at paulit-ulit na gawain ng admin para sa mga taga-sales. Madaling ma-access ang system gamit ang anumang web browser at available din ang native mobile app nito sa app stores. Bukod sa kanilang popular na contact management features na nagagamit ng users para mag-log ng calls at mag-monitor ng contact interactions at activities mula sa parehong scrollable page, ang CRM option ay meron ding automated na 1-click lead capturing tool at isang komprehensibong bulk email automation. Ang reporting at analytics tool nila ay nagbibigay pa ng mas malawakang actionable insights at API support para sa lead generation.
Kanino ito nababagay?
Hangad ba ninyong dalhin sa mas mataas na level ang inyong business? Sana’y oo ang sagot ninyo. Kung ganoon, huwag nang magdalawang-isip. Di tinitingnan ng OnePageCRM ang laki o technical skills ninuman o ng kompanya. Ginawa ito para magserbisyo at tumulong sa pagpapalago ng mga business.
Mga pangunahing feature
- Puwedeng mag-integrate sa maraming sales apps.
- Puwede ninyong ma-access ang tool gamit ang inyong mobile phone.
- Ang custom reports ay puwedeng ma-generate sa maikling oras lang.
- Puwedeng magpadala ng bulk na personalized emails.
Mga Pro
- Madaling ma-track at ma-access ang interactions sa iisang lugar.
- Ang panghuhula ng deals at paggawa ng detalyadong impormasyon ay madali gamit ang tool na ito.
- Madaling mag-import ng leads.
Mga Con
- Wala itong QuickBooks integration.
- Hindi madaling gamitin ang email integration. Kailangang may experience na kayo para epektibo itong magagawa.
Presyo
May offer ang OnePageCRM na 21-araw na libreng trial na di kakailanganin ng credit card, at ang payment plans ay nagkakahalagang 12 pounds bawat user kada buwan, 21.50 pounds bawat user kada buwan, at 54 pounds bawat user kada buwan
17. Less Annoying CRM
Tulad ng pangako ng pangalan nila, ang Less Annoying CRM ay isang business productivity tool na binibilisan ang business performance at binibigyan kayo ng kalayaang makapag-manage ng contacts, mag-track ng leads, at matutukan ang follow-ups nang hindi maiinis ang inyong contacts. Isa itong customer relationship management system na nakatutok sa pangangailangan ng maraming maliliit na enterprise at mga start-up.
Ang Less Annoying CRM system ay available para sa cloud-based deployment, at may offer na malawakang configuration options para ma-complement ang madaling gamitin at interactive nitong dashboard. May offer itong iba-ibang automation features sa pag-manage ng sales forces at contact profiles sa pamamagitan ng pag-consolidate ng contact records sa ilalim ng iisang platform na accessible sa lahat ng nasa sales team. Lahat ng configurations nito ay fully customizable, kaya maganda itong mag-align sa inyong mga proseso ng sales at leads na may partikular na business processes at operations.
Kanino ito nababagay?
Dinisenyo ang Less Annoying CRM para tulungang lumago ang maliliit na business. Tutulong ang software sa pagpapatatag ng inyong client relationships, at maaalis pa ang kahihiyan ng interaction na puwedeng magdulot ng pagkalugi.
Mga pangunahing feature
- Puwedeng mag-organisa ng tasks at events sa iisang kalendaryo.
- May abilidad sa pagtatago ng contact information sa iisang lugar lang
- May simpleng lead report na nagpapakita ng updated na account ng bawat sale sa inyong pipeline.
- Powerful ang kanilang customization feature.
Mga Pro
- Madaling gamitin ang kanilang contact at scheduling system.
- Maganda para sa mga maliliit na business.
- Madaling ma-customize at sobrang friendly para sa mga baguhan
- Puwedeng mag-integrate sa pinaka-popular na apps.
Mga Con
- Walang integration option para sa social media.
- Basic features lang ang meron.
Presyo
Nagsisimula ang presyuhan ng Less Annoying CRM sa $15 bawat user kada buwan, pero sa mga team na may higit 10 users ay kailangang kumontak muna sa Less Annoying team bago mag-sign up.
18. Zendesk
Ang Zendesk ay isa pang bukod-tanging cloud-based na help desk CRM software na tutulong sa mga business owner na ma-track ang kabuuang customer interactions gamit ang iisang platform habang mino-monitor din ang progreso ng kanilang team. May offer itong powerful na customizable tools sa paggawa ng functional na customer service portals, in-depth na knowledge base sections, at online communities para sa inyong mga kliyente. Kabilang sa pangunahing features nito ay ang customizable na front-end portal, malawakang third-party integrations, at interactive na live chat features.
Tinutulungan ng Zendesk online customer portal interface ang customer support agents na epektibong ma-track at ma-manage ang support tickets. Di tulad ng ibang competitor, nagdaragdag ang Zendesk ng customizable na branding tools para sa inyong support pages.
Kanino ito nababagay?
May B2B sales reps na nangangasiwa ng teams na may hanggang 250 empleyado.
Mga pangunahing feature
- May live chat na feature
- Automated na outreach interface
- Activity reporting system
- May feature sa paggawa ng listahan ng prospect
- Auto-dialer
Mga Pro
- Madaling gamitin
- Interactive at intuitive ang interface
- Sakto para sa sales automation
- May libreng trial
- May team tracking at napipigilan ang pagdodoble ng booking
Mga Con
- Ang libreng version ng customer service ay may pagkabagal
- Hindi friendly sa mga baguhan
Presyo
Nagsisimula ang Zendesk pricing plan modules sa $19.00 kada buwan, at may offer ding libreng trial.
19. EngageBay
Ang EngageBay ay isang CRM na madaling gamitin at maraming halagang tool na may komprehensibong stack ng sales, support service, at marketing automation features para mapalago ang inyong business. Isa itong unified na platform na nangangakong tumulong sa pag-capture, pag-aalaga, pag-interact, pag-convert, at pag-maintain ng leads na may magaling na customer experience.
Ang EngageBay ay isang cloud-based na CRM platform kung saan nakagagamit ang mga business ng marketing tools sa epektibong paggawa ng pangmatagalang customer relationships. Ang highlights dito ay ang malawak nilang features na sumusuporta ng email marketing, help desk services, landing pages marketing, telephony, contact management, at pag-schedule ng mga appointment. Ang built-in nilang CRM system ay nagagamit ng mga business sa pag-track at pag-manage ng lead at sales activities sa mga partikular na sales pipeline. Bukod dito, may offer din ang EngageBay na marketing functionalities para sa pag-generate ng mas maraming leads gamit ang social media engagements, automated email marketing templates, at customizable na pop-ups.
Kanino ito nababagay?
Para sa parehong maliit at midsize na business na ang hanap ay isang all-in-one na CRM tool.
Mga pangunahing feature
- AB Testing
- Mga Account Alert
- Pag-track Ng Analytics/ROI
- Pag-manage Ng Appointment
- Pag-target Ng Audience
- May Auto-Responders
- Automated Na Routing
- Call Center Management
Mga Pro
- Maganda para sa marketing at pag-aalaga ng leads
- Sobrang responsive ang customer support
- May offer na maraming integrations
- Tutulong sa pagdidisenyo ng epektibong email campaigns
Mga Con
- Limitado ang template options
- Walang SMS integration
Presyo
Iba-iba ang pricing plans ng EngageBay na may offer na pinaghalong option ng libreng trial, libreng version, at may bayad na plans na nagsisimula sa $99 kada buwan.
20. Nutshell
Ang Nutshell ay isang all-in-one na sales CRM software na nangangakong magpapalago ng inyong business intelligence sa pag-aalaga ng karamihan ng inyong admin tasks para makatutok kayo sa pagpapalago ng inyong sales leads. Ang malawakan nilang third-party integration ay napakahusay sa pagkonekta sa karamihan ng software programs na maaaring ginagamit na ng mga maliliit na business tulad ng G Suite programs, MailChimp, QuickBooks, etc. Ang maganda sa Nutshell ay nagbibigay sila ng unli resources sa pagtatago at pagma-manage ng inyong contact data, saka ang reporting tool nila ay fully customizable din.
Ang Nutshell CRM system ay mobile-ready na, at meron itong real-time na synchronization para sa mas magandang daloy ng remote working experience para sa isang global na sales team. Bukod sa paggawa ng magagandang emails diretso mula sa Nutshell, ina-access ng Nutshell Marketing feature ang naka-save na CRM data para automatic na makagawa ng custom audience. Tulad ng nakikita na ninyo, ang Nutshell ay isang all-in-one na CRM tool para sa outreach marketing.
Kanino ito nababagay?
Para sa maliit hanggang medium-size na business at sales leaders na naghahanap ng CRM na makatutulong sa task management.
Mga pangunahing feature
- May Salesforce automation features
- May customer support features
- May marketing automation features
- CRM project management at reporting
- Sales forecasting at analytics
- May customization features
- Social media integration
Mga Pro
- Maganda para sa pag-prioritize ng business tasks
- Puwedeng ma-access mula sa anumang gadget na may internet
- Friendly para sa mga baguhan
- Customizable
Mga Con
- Di available sa mobile app ang lahat ng features
- Di suportado ang maramihang email attachments
Presyo
Ang Nutshell ay may 14-araw na libreng trial period pero ang may bayad na plan ay nagsisimula sa $19 bawat user kada buwan (kung taunan ang bayaran) o $22 bawat user kada buwan (kung buwanan ang bayaran).
21. Apptivo
Ang Apptivo ay isang cloud-based na customer relationship management system na may malawakang third-party integrations para sa anumang laki ng business. Ang ilan sa pangunahing native integration features nito ay isang set ng powerful tools mula sa sales automation hanggang sa marketing tools at lahat ng nasa gitna nito. Nagbibigay ang customer relationship management software na ito sa mga business ng partikular na modules sa pag-manage ng customer contacts, leads, engagement opportunities, at tickets.
Dine-deliver ng Apptivo ang lahat ng essential tools sa pag-manage ng campaigns, pag-segment ng leads, at pag-maintain ng loyalty sa bahagi ng marketing. Ilang karagdagang apps na puwede ninyong isama sa package ay ang apps sa pag-generate ng expense reports, pag-manage ng cash flow, at pag-track ng inyong mga license at insurance.
Kanino ito nababagay?
Anumang business na gusto ng multi-functional na CRM software na fully customizable at suportado ang email marketing sa pagpapalago ng leads.
Mga pangunahing feature
- Customizable ang layout
- Customer data tracker sa kabuuang life cycle ng customer
- Customizable ang fields
- PDF invoice generator
- Native integration sa G Suite.
- Detection system sa nadobleng impormasyon ng isang lead
Mga Pro
- Madaling ma-customize
- Napakahusay na mobile interface
- Granular na security features
- Pinakamainam para sa management ng customer relationship life cycle
Mga Con
- Medyo bumabagal ang kabuuang performance sa paglipas ng panahon
- Walang extended APIs
Presyo
Ang Apptivo pricing plan model ay may kasamang libreng trial na plan at iba’t ibang uri ng may bayad na plan na nagsisimula sa $10 kada buwan.
22. Capsule
Natutulungan ng Capsule CRM ang mga may-ari ng maliliit na business na mag-organisa ng customer data at mag-manage ng customer profiles. Di tulad ng ibang competitors, nagdaragdag ang Capsule ng ilang collaboration innovations para masiguradong pare-pareho ang pagkakaintindi ng lahat sa inyong customer service team. Ang CRM functionality nito ay pawang cloud-based, at magaling ang ticket management module nila sa mabilisang pag-aayos ng support inquiries sa sales pipeline. Ang naka-assign na tasks at notifications ay tumutulong sa users na matutukan ang mga bagay-bagay at napapangasiwaan kung ano ang dapat unahin.
Ang Capsule ay may fully customizable na features, na ibig sabihin ay puwede ninyong iayon ang system alinsunod sa pangangailangan at preferences ng inyong business. Puwede ring i-set sa CRM system ang ilang configurable milestones para sa iba’t ibang projects sa kanilang pipeline at matukoy ang mga proseso ng sales na isusunod.
Kanino ito nababagay?
Mga maliliit na business at start-ups na nakatutok sa pagtataguyod ng quality relationships sa kanilang customers.
Mga pangunahing feature
- Madaling gamiting contact management features
- May audience segmentation na feature
- Malawakang third-party integration
- May sales summary reports
- May advanced features para sa paghihigpit sa ilang users
- Visual na pag-track ng performance
Mga Pro
- Nagpapaalala na tutukan ang customers
- Nakakabilib na note-taking features
- Malawakang integration para sa paglago ng SMB
Mga Con
- Limitado ang features para sa mas malalaking business
Presyo
Ang kasalukuyang pagpepresyo ng Capsule ay napakabait. May kasama itong 30-araw na libreng trial sa lahat ng plans, may libreng version hanggang sa 2 users, at may bayad na plans na nagsisimula sa $18 bawat user kada buwan.
23. InfoFlo
Ang InfoFlo ay isa sa pinakamahusay na CRM software sa pagma- manage ng customer records at pag-maintain ng magandang relasyon sa customers. Isa itong integrated na CRM software na kasalukuyang available sa online deployment at on-site installation.
Ang pangunahing features ng InfoFlo ay ang automation tools para sa email marketing, pag-schedule ng appointment, project management, native integrations, at real-time na task management. Nagbibigay ang CRM system nito ng basic computer telephony integrations, isang contact management interface, customer support functionality, at marketing/sales automation.
Kanino ito nababagay?
Parehong maliit at medium-sized na mga B2B business na nagnanais makahanap ng contact info management solutions para sa customers sa iba’t ibang industriya tulad ng real estate, accounting, healthcare, at iba pa.
Mga pangunahing feature
- May custom fields
- Email marketing at document sharing
- Napakabilis na search feature
- Task management
- Panghabangbuhay na libreng upgrades
- Mobile-friendly
Mga Pro
- Magandang daloy ng third-party integrations
- Pinahusay ang data security
- Sinisimplehan ang task management
- Tunay na mobile-ready
Mga Con
- Hindi suportado ang reporting sa basic package
Presyo
Ang InfoFlo ay may 30-araw na libreng trial package at dalawang may bayad na plans na nagsisimula sa $99 bawat user.
24. OroCRM
Ang OroCRM ay isang open-source na CRM help desk software na may matatag na tools sa pag-manage, pagsusuri, at pag-report ng customer data na nais matulungan ang kabuuang sales strategy ninyo. Maganda ang sistemang ito sa pag-set up ng multi-channel na eCommerce business dahil may iba-iba itong modules para sa account management, rule-based na workflows, user authorization, content management, at marami pa. Nagbibigay ang OroCRM sa users ng sentral na admin panel na nakakakontrol sa pangkalahatang customer interactions.
Kanino ito nababagay?
Lahat ng laki ng business na may kapasidad sa pag-scale mula 5 hanggang 1,001 empleyado.
Mga pangunahing feature
- Calendar system na may reminder
- Email marketing
- Integration para sa internal chats
- Marketing automation tools
- Mobile-ready na access
- Audience segmentation
- Social media integration
- Territory management
Mga Pro
- Madaling ma-configure
- Suportado ang malaking customer service representative teams
- Sobrang dami ng integrations
- Puwedeng ma-access kahit nasa labas
Mga Con
- Medyo mahirap pag-aralan
Presyo
Ang OroCRM ay walang custom na pricing plans tulad ng ibang CRM providers. Pero buong tapang silang naglabas ng offer ng live demo bago kayo makapagdesisyong kumuha ng may bayad na version.
25. Insightly
Ang Insightly ay isa pang compact at unified na CRM platform na nangangakong tutulong sa paglago ng mga business mula sa iba’t ibang industriya sa pamamagitan ng paggawa ng nagtatagal na relasyon sa customer sa kabuuan ng customer journey. May offer itong SaaS-based na customer relationship management solutions para sa midsize na organisasyong gusto ng protektadong pamamahala ng lahat ng impormasyon ng kanilang customer mula sa iisang platform habang napapabilis ang sales at sabay na nakakapag-deliver din.
Ang Insightly ay automatic na may plugins para sa Gmail at Outlook kasama ng ilang functional integration tools para sa ibang sistema. Sa mas praktikal na pananaw, maraming business ang gumagamit ng Insightly para sa contact management, relationship linking, email tracking, workflow automation, lead management, quote generation, advanced reporting, at iba pa. Isa itong mobile-ready na system na naninigurado sa mga business ng napapanahong updates, lalo na kapag may katrabahong remote sales team.
Kanino ito nababagay?
SMBs na gustong i-model at i-automate ang mga proseso ng kanilang CRM business sa iisang customer information.
Mga pangunahing feature
- May sales force automation features
- Marketing tools
- May CRM project management features
- May visualization at pag-report ng sales pipeline
- Custom fields at objects
- Role-based na user permissions
- 3rd-party software integration
Mga Pro
- Maraming dagdag na features tulad ng audit logs
- Ang disenyo ng interface ay parehong fluid at dynamic
- Powerful ang saklaw ng kanilang project management functionality
- May offers na maraming options ng integration
Mga Con
- May price concerns sa SMBs
Presyo
Ang Insightly ay may libreng plan na suportado ang hanggang 2 users lang, at hanggang tatlong may bayad na plans na ang pinaka-basic na plan ay nagkakahalagang $29 kada buwan bawat user.
Top 5 na CRM software ikinumpara
1. LiveAgent
Popular at kilala bilang pinakamahusay na alternatibo sa ticketing sa market, halos itinutumba ng LiveAgent ang lahat ng competitor sa pag-offer sa users ng serbisyong walang anumang hidden cost, 24/7 na customer support, unli na storage, higit 190 na integrations, libreng 14-araw na trial, at ang option na magkansela anumang oras. May offer itong help desk CRM solutions na tutulong sa mga business na mag-integrate ng personalization sa kanilang customer interactions. Ipinagmamalaki ng LiveAgent ang kanilang higit sa 170 help desk features, kasama na ang isa sa pinakamabilis na live chat widgets sa market ngayon. Ang built-in nitong CRM ay nagbibigay sa mga business ng powerful na omnichannel universal inbox, built-in na call center, real-time na live chat, at isang matatag na customer service portal.
2. Hubspot
Nagiging bukod-tangi ang Hubspot CRM dahil sa kanilang 100% na freemium plan na may email tracker, prospect tracker, live chat, at meetings scheduler. Pero ang mga may bayad nilang versions ay sobrang mahal para sa mga maliliit na business. Sa kabuuan, ginawa ang Hubspot CRM para mag-optimize ng customer relationships, mag-unify ng sales team strategies, at makarami ng conversions. Kasalukuyan nitong kinokonekta ang users sa higit na 875 third-party integrations para sa mas streamlined at customizable na paggamit. Ang CRM system nila ay may automation tools para sa sales engagement, sales analytics, at configuring-price-quote functionality para sa lumalagong teams. Nagbibigay sa users ang Hubspot platform ng malawakang CRM ecosystem na nangangakong mag-generate ng hitik sa impormasyong insights, mga materyal na magdudulot ng sales, at mas posibleng leads para sa maximum na business operations.
3. Keap
Tulad ng LiveAgent, ang Keap ay may offer ding 14-araw na libreng trial na demo plan. Pero mas mahal ng halos limang beses pa ang kanilang may bayad na plans, kahit na limitado ang features nila sa email marketing at core CRM automation tools. Nakatutok ang Keap CRM sa pagpapalago ng business, at perpekto ito para sa mga enterprise na gustong bawasan ang paulit-ulit na admin tasks, gustong mag-organisa ng client database, madaling makapag-implement ng automation, at may maraming app integration habang sinusulit ang regular na oras ng trabaho.
4. Freshworks
Walang duda na ang Freshworks CRM ay isa sa pinaka-mabentang CRM software ngayon. Kumpara sa iba, ang CRM service provider na ito ay may set ng napakahusay na tools sa pag-generate ng leads, pagdagdag ng sales, at pagpapalago ng inyong revenue. Ang pinakamainam na bahagi ay puwede ninyong ma-personalize ang user account para sumakto sa pangangailangan ninyo, pero wala silang offer na unli quantities tulad ng LiveAgent. Ito ay isang ganap na sales CRM tool na may kasamang intuitive na user interface, auto-profile enrichment, 360-degree na customer view, at contact activity tracking functionalities. Ang AI-powered nilang lead scoring feature ay ginagawa silang bukod-tangi sa siksikang CRM market. Nakakapokus ang sales rep sa high-scoring leads habang nakikipag- engage sa contextual conversations na didiretso sa conversions at magtataguyod ng nagtatagal na relasyon sa mga kliyente.
5. Zoho
Ang Zoho ay isang highly adaptable na CRM software para sa halos anumang pangangailangan sa business sales. Meron itong malawakang omnichannel capabilities, integrated na Canvas design studio, at custom na automation para sa team collaborations at remote work. Ang di lang okey dito ay karamihan sa kanilang plans ay limitado ang kasamang features, at maaayos lang ito kapag nag-upgrade kayo sa mas mataas na plan. Ang okey naman sa kanila ay may offer ang Zoho na integrated na customer relationship management solutions kasabay ng kanilang AI-based na sales assistance. Ang Zoho CRM ay may kasama ring kakaibang set ng features na may built-in na gamification, real-time na notifications, workflow automation, at lead scoring tools para tambalan ang customer experience, mga proseso ng sales, at kahit inventory management.
Kongklusyon
Ang nakalistang CRM software sa itaas ay tutulong sa inyong makapag-generate ng mas maraming leads at maalagaan sila hanggang maging suking kliyente na sila. Ang bawat CRM software ay may kanya-kanyang silbi sa iba-ibang uri ng business o empleyado. Halimbawa, ang Freshworks ay mas bagay sa sales teams. Ang Hubspot ay ang pinakamahusay na kabuuang CRM pagdating sa presyo at functionality. Ang LiveAgent ay magaling para sa omnichannel na help desk ticketing habang ang software naman ng Pipedrive ang pinakamadaling gamitin.
Looking for the right CRM software?
LiveAgent offers wide range of features and integrations so everyone can find what they need. Wanna see it for yourself?
Frequently Asked Questions
What is CRM software?
CRM software is a system that helps manage your interactions with clients by improving sales communication, marketing, and lead management. For example, you can store client details like address, name, and phone number while monitoring website visits.
What is an omnichannel CRM software solution?
Omnichannel CRM software is a system that unifies all the platforms that a client uses to interact with brands. By bringing together all these channels, you can track a customer's movement from identifying a brand to the point of purchase. Analysis of this behavior helps to target, acquire, retain, understand, and ultimately collaborate with your clients. It is also crucial in the adoption of newer strategies when there are changes in an industry.
What are the benefits of using CRM software?
CRM software will help you increase sales by allowing you to automate your sales process and analyze results. You can also improve efficiency since there is better workflow and collaboration in your teams. The use of CRM software also enhances your relationship with clients and ultimately ensures customer retention. This improvement is a result of having all customer information in one central location. You also have a way of improving your messages by automation and producing accurate reports about your clients.
Can you integrate with other CRM software?
CRM software connects to Email, social media, calendar, and communication channels. Although you could enjoy as many features as possible, different CRM software connects to varying channels. Some tracks are inbuilt for CRM software, but others need to be customized, especially third-party platforms. You will thus find one CRM software connected to Shopify or other to other E-commerce sites. A developer would also integrate a system with Automate.io.
How much does CRM software cost?
The cost of CRM varies widely. There are those like Hubspot that you can use for free. A small business would pay around $ 12 per month for the basic versions. Enterprise versions and those with more advanced features would be about $50 to $ 150 each month. The most expensive CRM software is around $300 a month for each user. You will pay less when you opt into annual payments. Annual payments also vary but are approximately $5,000 to about $ 40,000.
How does CRM software work?
CRM software provides a central place to store prospect and client data. The data is then analyzed to improve sales with a business. In addition, you can track all interactions with a customer and share this information with other team members.
Why is quality assurance necessary for CRM software solutions?
Quality assurance is essential if CRM software is to deliver as expected. Where there are bugs, there could be data loss, which could cripple your sales campaign or even the whole business. When you are sure that your CRM software is working correctly, you can plan your work and team without worries, increasing productivity. In addition, CRM software exists to improve customer relationships. Where you are sure that your system is working, you will accurately determine your clients' needs.
What is the best CRM software?
The best CRM software should meet your needs in terms of functionality and cost. You will also have to consider your team’s size and whether it integrates with your virtual communication channels with clients. Other issues that will impact your decision are your business's processes and the nature of your business. Customization and ease of using CRM software are also essential factors. Hubspot would be a great pick. It has free versions and a lot of modules.
I-share ang article na ito
Bawasan ang gastos sa paggamit ng customer portal software
Discover LiveAgent's top customer portal software of 2021, designed to reduce costs and enhance customer self-service. Effortlessly set up a comprehensive portal with a knowledge base, community forum, and FAQs, empowering customers to resolve queries independently. Enjoy a free trial and improve response times while boosting customer satisfaction. Sign up today and transform your support experience!
Panatilihin itong malinaw sa software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer
Alamin kung paano makakapagbigay ng isinapersonal at walang patid na suporta gamit ang LiveAgent, ang pinakamahusay na software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer para sa 2024. Walang bayad sa pag-setup, serbisyong kustomer 24/7, at libreng trial na walang kailangan na credit card. Maging isa sa mga kumpanyang gumagamit ng multi-channel na suporta at makuha ang mga benepisyo ng isang virtual na call center, live chat, at social media integration. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon at pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer!
Alamin ang 20 pinakamahusay na trouble ticket systems para sa 2023! Tuklasin kung paano ang mga tool na ito, na may mga features tulad ng universal inbox at CRM reporting, ay makakatulong sa pag-organisa ng customer requests at pagpapanatili ng tiwala sa inyong negosyo. Bisitahin ang LiveAgent para sa kumpletong gabay!