Kasingtanda na ng forums ang internet mismo. Pero may isang bagay na nagbago: hindi na ninyo kailangang gawin ito mula sa wala. Puwede na kayong gumamit ng forum software para mabilis na makagawa ng forum nang di na kailangan ng kakaibang assistance o programming skills.
Kaya lang, may lampas sandaang forum tools na puwedeng magamit ngayon. Hindi kasi pare-pareho ang lahat ng forum software solutions.
Nakapokus lang ang iba sa forum-oriented features habang ang iba ay may offer na help desk functionalities. Ang iba ay libre habang mamahalin naman ang iba. Kaya kung alam ninyo ang pangunahing mga pagkakaiba sa kanila, makatutulong ito sa pagpili ng pinakamahusay na forum software para sa kompanya ninyo. Para mas matulungan kayo, nag-test kami ng 20 forum software solutions para maikumpara.
Bago natin silipin ang listahan namin ng 20 pinakamahusay na forum software solutions, mas alamin pa namin ang tungkol dito at bakit sila maaasahang solutions.
Ano ang forum software?
Ang pinaka-common na definition ng forum software ay ang sumusunod:
“Ang forum software ay isang solution na nakapagbibigay ng kakayahang gumawa ng online messaging platforms para makapag-usap ang users at makapagbahagi ng impormasyon.”
Pero patuloy ang software developers sa pagpapahusay pa ng kanilang solutions, gayundin sa internet forum software industry. Kaya ang mas nararapat na definition ng modernong forum software ay:
“Ang online forum solution ay itinaguyod para matulungan ang mga business na gumawa ng at suportahan ang malalaking communities na sumusuporta sa kanilang brands habang nagtataguyod ng communication sa business at customers, pati sa mga kapwa customer mismo.”
Pero ang pagbabasa lang ng mga depinisyon ay hindi sapat para mapalinaw ang ginagawa ng software solutions. Ang bawat popular na forum software ay may kanya-kanyang kakaibang features na ginagawa silang bukod-tangi sa kanilang kalaban.
Ang pinaka-powerful na forum software ay mabibigyan kayo ng mas maraming kakayahan kaysa sa paggawa lang at pag-manage ng online forum. Puwede rin kayong gumawa ng private forums, discussion forums, message boards, at community forums. Halimbawa, ang LiveAgent ay merong mga feature na inaasahan ninyong meron ang ganitong uri ng software, pero may offer din itong customer support-focused features.
Ang dahilan kung bakit patok ang forums para sa customer support ay dahil espasyo ito kung saan mailalahad ng customers ang mga isyu nila. Magandang paraan din ito sa pagtataguyod ng a community at pag-promote ng customer-to-customer na pag-aayos ng problema, na makatutulong sa pagbabawas ng gawain ng inyong customer support agents. Saka sa forums, walang isyu masyadong maliit para di pag-usapan, at wala ring rush sa paghahanap ng resolution.
May value ito sa kabuuan ng business ninyo, di lang para sa customers. Puwedeng may lumabas na bagong mga ideya at improvement mula sa usapan sa komunidad nang di na kailangang gumugol ng brand ng extra resources o effort para lang makakuha ng feedback.
Bakit kailangang gumamit ng forum software sa inyong business
Ang pagdagdag ng bagong software sa inyong workflow ay puwedeng maging challenging kahit anumang laki ng business ninyo. Pero kahit gaano kadali ang deployment, kailangang gugulan pa rin ng oras ng organisasyon ang onboarding para ihanda ang mga empleyado rito. Para mas matimbang ninyo ang pros at cons ng paggamit ng forum software sa inyong business, kailangang malaman ninyo ang mga benepisyo nito.
Mas pinahusay ang customer engagement at maka-attract ng panibagong customers
Kung ano-ano nang gimik ang ginagawa ng mga business para lang maka-attract ng bagong customers dahil sa volatile at oversaturated nang markets. Pero nauuwi pa rin ang lahat sa pagpapahusay ng customer engagement at pagbibigay ng bukod-tanging customer support.
Tumutulong ang mga forum sa pag-shift ng focus ng mga business sa user experience. Dahil lahat ng forum users ay may unique user profile, ang isang modernong forum software ay makakalap agad ang user data diretso papunta sa CRM software ng kompanya para makita ng support agents ang ginagawa ng user sa forum, mga nakaraang interactions nila sa kompanya, at ang history ng nakaraan nilang pinamili.
Ang forum ay puwedeng maging napakainam na resource ng impormasyon para sa potential customers. Makakakita sila rito ng importanteng impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo ng kompanya; puwede pa silang makipag-interact at mag-follow ng ibang consumers para mapataas ang customer engagement.
Magtaguyod ng online community
Gamit ang multi-purpose na forum platform, puwede kayong makipag-ugnayan sa customers, mag-ayos ng mga isyu, at tugunan ang concerns nila. Dahil din sa pagkakaroon ng community platform, nakapagtataguyod ng online community ang mga kompanya na loyal na nga sa brand nila, aktibo pang tumutulong sa pag-aayos ng mga isyu para sa kanila.
Habang nakapagtataguyod ang community ng consistent na interactions at nagsisimulang tumugon sa concerns, makakaasa ang kompanya ng ilang benepisyo mula sa forum ng kanilang brand:
- Tinutulungan nito ang user community na makitang inaaruga ng brand ang kanilang customers
- Tinutulungan ang bagong mga miyembro na maging bahagi ng community
- Napapangasiwaan ang pagtaguyod ng self-sustainable at matulunging community nang pangmatagalan
- Maka-attract ng mga potential customer
Ang mga modernong forum ay marami ring features na tutulungan ang brands na makipag-interact sa libo-libong users nang di na kailangan ang malaking team, kaya mas madaling maabot ang mga nabanggit na benepisyo. Halimbawa, mabibigyan ang users ng panibagong roles na may advanced na user options sa pag-implement ng isang ranking system para mabigyan ng mataas na rank ang mga pinaka-aktibo at matulunging users.
Consistent na branding message
Sa pagpili ng online software solutions, karamihan sa mga kompanya ay nag-aalala kung kaya ba nila itong i-customize. Ang pinakamahusay na forum solutions ay may offer na maraming options dapat para sa customization. Kritikal ito dahil matutulungan nitong makapag-deliver ng consistent na visual branding messages ang mga kompanya.
Ang isa sa pinakamahusay na solutions sa market ngayon ay ang LiveAgent na may offer na ready-made themes na customizable din. Sa customizable themes, mobile device optimization, at profile customization options, makagagawa kayo ng forum na sinasalamin ang 100% ng inyong strategy para sa visual branding.
Puwede ninyong ma-customize ang hitsura at dating ng inyong forum kahit na gumamit kayo ng matatag na plugin sa WordPress. Maluwag pa rin naman para mag-customize ang mga kompanya ng kanilang online visual presence para manatili silang recognizable kahit sa napaka-partikular na niche na online forum.
Mag-track, mag-record, magtago, at mag-share ng iba’t ibang uri ng content
Ang modernong forum software ay hindi lang user moderation features ang meron. Puwede ring makapag-track, mag-record, magtago, at mag-share ng maraming uri ng content. Mas importante, maisasaayos ng mga kompanya ang content batay sa maraming factors.
May benepisyo ang ganitong option sa internal teams tulad ng customer service at support departments, pati na sa consumers. Puwede rin kayong maglagay ng content sa iba’t ibang kategorya. Halimbawa, puwede kayong magkaroon ng user-generated content at technical knowledge content na mga kategorya.
Sa ganitong functionality, madidiskubre ninyo agad ang mga relevant na content, at gayundin ang consumers ninyo.
Magaling na scalability salamat sa iba’t ibang klase ng features
Ang mga forum software company ay laging nilalagyan ng napakaraming features ang kanilang solutions. Kabilang dito ang mga pagbabagong makagaganda ng buhay tulad ng in-depth user profiles, avatars, email notifications, at iba pang bagay na konektado sa user. Meron din silang in-depth na forum settings, plugins, at iba pang user management features nang mas mapadali ang buhay ng inyong admin team.
Isa pang importanteng bagay na dapat isaalang-alang ay ang option sa pag-upgrade o pag-downgrade ng forum software plan kung nanaisin. Halimbawa, ang essential o default na features ay laging bahagi ng karamihan sa mga abot-presyong plan. Ang dagdag na features tulad ng SEO features at advanced na moderation tools ay kadalasang kabilang na sa mas advanced na mga package.
Kapag may mahabang listahan ng features ang forum software, ibig sabihin ay kaya nilang mag-offer ng magaling na scalability. Makakalipat kayo mula sa isang package patungo sa iba, depende sa kasalukuyan ninyong pangangailangan at goals sa business.
Paabutin ang sakop ninyo sa social media platforms
Nagbibigay ang social media networks ng maraming oportunidad para sa mga business dahil sa sobra nilang kasikatan. Bilyon-bilyong katao na ang gumagamit ng social media platforms araw-araw. Sa paggamit ng forum software na tama ang mga kapasidad, mapapakinabangan ninyo ang malaking potensiyal nito.
Ang pinakamahusay na forum software tools ay tutulong sa inyong pakinabangan ang social media nang mapahusay ang functionality ng inyong forum. Halimbawa, puwedeng makapag-log in ang inyong consumers gamit ang kanilang social media accounts, makaka-monitor kayo ng social media mentions, at puwedeng ma-import ng users ang impormasyon nila mula sa kanilang mga social media profile.
Paligayahin ang consumers dahil sa magaling na customer support portal
Ang pinakabagong mga forum software ay tutulungan kayong makagawa ng self-service na platform para sa inyong customers. Sa advanced integrations, topic filtering, at content type tags, magagamit nila ang forum ninyo bilang bahagi ng inyong knowledge base at isang lugar para sa users na makapagtanong sa iba nang di na kumokontak sa support ninyo.
Puwedeng maging entry point ang inyong forum ng isang komprehensibong self-service na portal na magde-deliver ng 24/7 na customer support. Kapag may access ang customers sa self-service na option, maaasahan ninyo ang pagbawas sa bilang ng inquiries. Mas may oras na ang inyong support agents sa pagpokus sa mga mas komplikadong kaso.
Pinakamahusay na features ng forum software features na dapat hanapin
Tulad ng napag-usapan na, di lahat ng forum software solutions ay pare-pareho ang offer na features. Kung di pa ninyo nasusubukang gumamit ng ganitong software, mahihirapan kayong malaman kung alin ang essential features at alin ang magagamit para sa partikular na gawaing naiisip ninyo. Kaya ilalahad namin ang kasalukuyang itinuturing bilang industry standard.
Knowledge base
Ang knowledge base ay isang central repository ng kapaki-pakinabang na impormasyon. Kaya ang knowledge base management ay isang essential feature na dapat hanapin sa isang forum software solution. Tutulong ito sa pag-consolidate ng articles nang mailagay sila sa logical categories. Halimbawa, tutulong ang content management na maisaayos ang articles ayon sa produkto o serbisyong pinag-uusapan nila.
Puwede ring gumawa ng internal na knowledge base at external na knowledge base.
Ang internal knowledge base ay tutulong sa service at support staff ninyong mag-share ng impormasyon. Tutulong din ito sa pagiging updated nila sa best practices ng support dahil nga lagi silang naa-update. Napabibilis din nito ang proseso ng onboarding ng mga bagong agent.
Puwede kayong mag-publish ng external na database na maa-access ng inyong kasalukuyan at potential customers.
Gamit ang multiple-knowledge base solution at WYSIWYG editor, makagagawa na kayo ng magagarang help articles na puwedeng ma-share sa isang click lang. At dapat meron itong support para sa full-text search.
Mga feedback at suggestion
Dapat ang isang magandang forum software ay meron ding feedback at suggestions feature. Tutulong ang ganitong features sa pagkolekta ng mahalagang data mula sa inyong mga empleyado at customers, na siyang magagamit sa pagpapaunlad ng inyong produkto, serbisyo, at support.
Ang feedback at suggestions feature ay laging may voting system at search widgets. Nakatutulong ang features na ito sa pag-streamline ng mga prosesong nabanggit, pagpapadali ng paggamit, at bilang content filter. Halimbawa, salamat sa voting system, mas makikita na ng users ang pinakamahahalagang posts muna.
Ticketing management system
Isa sa magandang magagawa ng forum software para sa inyong support team ay ma-convert ang mga bagong forum o discussion board post bilang isang ticket para ma-import ito sa inyong centralized na ticket solution. Sa paggawa ng ganitong hybrid ticket stream lahat ng tickets ninyo ay mapupunta sa iisang a universal inbox.
Ang ibang features na kumukumpleto sa forum software package ay ang ticket history at ticket tracking. Matututukan na ng support agents ninyo ang kanilang tasks sa lahat ng pagkakataon habang may option ang kanilang supervisors na i-track ang kanilang performance.
Puwede rin kayong mag-set up ng custom rules para sa ticketing management tulad ng time rules, action rules at SLA. Madaling mag-set ng iba-ibang rules para sa mga department at mag-set ng individual na responsibility rules para sa mga agent.
Panghuli, sa automated ticket distribution mababago ninyo ang ticket priority, mata-transfer, mapo-postpone, maaayos, o madi-delete ang tickets nang naka-autopilot.
Live chat
Ang Live chat ay isang essential feature para sa anumang customer support team, at suwerte dahil ang mga cutting-edge na forum software tools ay meron nito kadalasan. Ang isang magaling na live chat feature ay merong customizable chat functions pero puwede rin ninyong ma-customize ang buttons, window, at style nito.
Ang dagdag na live chat capabilities ay ang offline messaging, post-chat surveys, at pre-chat forms.
Panghuli, dapat meron kayong access sa response templates. Mapadadali nito ang pag-aayos sa mga simpleng problema at, mas importante, ma-automate ito. Puwede kayong maghanda ng canned messages sa mga kadalasang tinatanong ng customer.
Gamit ang predefined answers, makararanas kayo ng mataas na ticket deflection rates. Dagdag na feature ang contact form na puwede ninyong gamitin para sa customers na mas gusto ang email para makipag-usap. Ang ilan sa pinakamahusay na forum software tools ay meron ding ibang features na kapareho ng live chat tulad ng call center at social media integration.
Pinadadali ng live chat ang pakikpag-usap sa inyong customers at nagiging mas enjoyable sa kanila at sa inyong agents ang proseso.
CRM
Ang CRM ay customer relationship management, isang software tool na popular sa maraming kompanya sa maraming industriya. Ang forum software tools na may CRM capabilities ay malaki ang ino-offer kaysa sa mga wala nito. Sa CRM makapagtatago kayo ng actionable information sa inyong forum users. Puwede itong ma-import bilang contacts at magawan ng contacts groups para maayos ninyo ang leads ninyo.
Ang pinakamahusay na forum software ay may CRM na automatic na makakakuha ng data mula sa forum user-profiles at mapupunan ang lahat ng contact fields. Sa CRM, maa-access din ng agents ang online ticket history nang mas mabilis at magkakaroon ng mas magandang insight sa partikular na pangangailangan at preferences ng customer habang namamahala sa collaboration.
Reporting
Ang Reporting ay nasa kategorya rin ng pinakamahusay na forum software features. Meron kasi itong offer na valuable at actionable na insights ukol sa serbisyong binigay ng support agents. Kasama sa kumpletong analytics overview ang sumusunod:
- Channel reports
- Time tracking reports
- Performance reports
- Department reports
- Agent reports (e.g., agent availability at agent ranking)
Kung nasa inyo ang ganitong data, mao-optimize ninyo ang workflow sa inyong service at support departments, mapapahusay ang quality ng serbisyo, at matutukoy ang bottlenecks sa inyong operations.
It doesn't end there
Discover all help-desk features that LiveAgent has to offer.
Magkano ang aabutin ng forum software?
Ang mga kompanya ng forum software ay may iba-ibang pricing models sa kanilang solutions. Kadalasan, ang makikita ninyo ay mga pricing plans bawat user kada buwan. Ang presyo kada buwan ay nag-iiba-iba rin para sa bawat forum software solution. May tools ding may custom pricing model na kailangan pang i-request.
Ang average na presyo ng forum software ay nasa $30 bawat user kada buwan. Napaka-importanteng factor ng presyo lalo na kung balak ninyong mag-scale up sa hinaharap. Dahil dito, dapat ninyong ikonsidera lagi ang presyuhan ng advanced plans kapag magdedesisyon na kayo.
Ang Top 20 na forum software solutions
1. LiveAgent
Ang LiveAgent ay isang solution na magagamit ninyo bilang forum software para magtaguyod ng online community at magbigay ng napakahusay na customer support. Ang LiveAgent ay komprehensibong cloud-based forum software solution na may dose-dosenang features. Uwede kayong automatic na mag-transform ng forum entries para maging ticket, mapa-post man ‘yan o sagot. May access ang agents ninyo sa tickets na ‘yan mula sa iisang central inbox.
Deretsahang proseso lang ang paggawa ng internal o public na customer forum sa LiveAgent. Kapag naka-log in na, makikita ang function na ito sa customer portal section ng inyong LiveAgent user interface. Bago i-set ang title at ma-activate ang forum, puwede ninyong ma-customize ang style, keyword, at SEO para ma-optimize ang content o piliin ang designated department na mangangasiwa ng inquiries.
Mga pangunahing feature
- Gumawa ng public at internal forums
- Internal at external na knowledge base
- Streamlined na user registration
- Forums na puwedeng ma-assign sa partikular na departments
- Pag-monitor ng reports at forum gamit ang real-time notifications
- Automatic ticket transformation para sa forum post at replies;
- Kumpletong pag-customize ng disenyo ng forum (kulay sa themes, header, footer, logo, at title)
Mga Pro
- Gumagana agad nang out-of-the-box (walang kailangang coding)
- Puwedeng mag-integrate sa ibang channels para makapagbigay ng support (Twitter, Facebook, Slack, Viber, email, live chat, calls, contact forms, video calls, at feedbacks)
- Sulit sa halaga
Mga Con
- Kakain sa oras sa pag-aayos ng settings at features
- Baka masyadong maraming aasikasuhin kung ang kailangan lang naman ninyo ay forum features
Presyo
Nagsisimula ang Pricing sa $9 kada user kada buwan.
Build a community
Try LiveAgent and enjoy the benefits of a comprehensive forum software.
2. WordPress
Ang WordPress ay isang libreng content management system (CMS). Matutulungan kayong makagawa at makapag-launch ng magagarang sites nang mabilis, pero puwede rin itong magsilbi bilang forum software. Dahil sa kanilang community forum plugins, puwede ninyong ma-extend ang functionality ng inyong website. Marami ritong options mula sa libre hanggang sa may bayad na plugins.
Mga pangunahing feature
- Madali ang pag-publish
- Simpleng gamitin at madaling masanay dito
- Magaling ang built-in na user management
- Media management
- Malaliman ang customizations
- Optimized para sa search engines
- Pinahusay ang flexibility
Mga Pro
- Malaki at supportive ang community
- Mobile-friendly noon pa man
- May access sa daan-daang themes na professional ang disenyo
Mga Con
- Medyo challenging para sa mga baguhan ang pag-navigate sa WordPress settings
- Kailangang magbayad ng users ng domain at hosting
- Baka kakailanganin ng professional ang pagkalikot sa ibang uri ng updates
Presyo
Libre ang WordPress pero kailangang isaalang-alang ninyo ang babayaran sa domain name, hosting, at premium community forum na plugin.
3. Joomla!
Ang Joomla! ay isang CMS platform na para ring WordPress. Pero mas matatag ito at mas kakailanganin ng malalimang technical knowledge kaysa sa WordPress. Maraming libre at may bayad na forum plugins sa Joomla! na makatutulong sa paggawa at pag-launch ng forum. Di tulad ng WordPress, baka kailanganin ninyong mag-hire ng developer na may experience na sa paggamit ng Joomla!
Mga pangunahing feature
- Magaling na support sa maraming wika
- Built-in na updater para sa madaling updates ng core platform
- In-app na contextual help system
- User management na may user privilege access rights
- Content management
- Support para sa iba’t ibang extensions
- Support para sa iba’t ibang extensions
Mga Pro
- Support para sa iba’t ibang extensions
- Kumpletong customizations ng forum
- Powerful ang extensibility
Mga Con
- Kakailanganin ang sapat na technical knowledge
- Kakaunting extensions lang ang ino-offer kumpara sa ibang CMS
- Masyadong mahal ang premium forum plugins
Presyo
Libre ang Joomla! pero kailangang isaalang-alang ninyo ang babayaran sa domain name, hosting, at premium forum na plugin, tulad sa WordPress. Saka mukhang kakailangin din ninyong mag-hire ng Joomla developer, at hindi sila mumurahin.
4. phpBB
Ang phpBB ay isang libreng bulletin board software at isa sa mga pioneer ng software category na ito. Makagagawa kayo ng forums kung saan puwedeng mag-log in ang users para makapag-post ng messages. Gamit ang phpBB extensions, puwedeng ma-expand pa ang forum functionality. Halimbawa, puwedeng magdagdag ng internal messaging, i-customize ang hitsura at dating ng forums, at puwedeng i-customize ng users ang kanilang profiles kung gusto nila.
Mga pangunahing feature
- Pag-track ng mga di pa nababasang message
- Preferences ng mga user
- Pribadong message board system
- Forum moderation tools
- Fully customizable ang mga registration form
- May standardization sa structure ng mga paksa
- Natatabas ang forum
Mga Pro
- Madaling i-modify ang forum functionality dahil sa phpBB MOD
- Komprehensibo ang forum hierarchy capabilities
- Madaling mag-customize ng templates at styles
Mga Con
- Wala itong ibang ino-offer maliban sa forum
- Mukhang luma na ang hitsura
- Masyadong mahirap itong pag-aralan
Presyo
libreng gamitin ang phpBB.
5. Drupal
Ang Drupal ay isa pang CMS sa aming listahan na may offer na magaling na functionality at features pagdating sa mga forum. Gumawa at mag-launch agad ng forum, at mas importante, i-streamline ang user at forum moderation. Gamit ang Drupal themes at modules, puwedeng magdagdag ng functionalities sa inyong forum at website at mag-offer sa inyong forum users ng mas magandang visual experience. Di tulad ng WordPress at Joomla!, ang Drupal ay may built-in na forum capabilities.
Mga pangunahing feature
- Built-in ang support para sa threaded discussion boards
- Unique ang URL para sa bawat forum topic
- May user permissions
- May hot topic threshold
- May topics bawat page
- Default ang order ng topic
- Flexible at may bagong theme engine – Twig
Mga Pro
- May offer na forum features sa simula pa lang
- Maraming modules at themes para mapahusay pa ang forum functionality at hitsura
- Customizable nang husto
Mga Con
- Mahirap pag-aralan
- Mas kakaunti ang modules kaysa sa WordPress
- Kailangan sa Drupal management ang technical knowledge at expertise
Presyo
Libre ang Drupal pero may kamahalan ang karamihan sa modules at puro premium pa. Kailangan ding isaalang-alang ninyo ang babayaran sa domain name at hosting.
6. MyBB
May pagkatulad ang MyBB sa phpBB pagdating sa features na offer nito. Isa rin itong open-source forum software at libreng gamitin. Makagagawa kayo rito ng forum, makakapag-set up ng message boards, mas madali ang moderation, at mai-streamline ang user registration. Ang MyBB ay may komprehensibong control panel na magagamit sa pag-moderate ng forum habang mobile kayo at mache-check din ang usage statistics na ina-update nang real-time.
Mga pangunahing feature
- Malawak ang selection ng MyBB forum themes;
- May plugins na naka-tailor talaga sa pag-boost ng user engagement;
- Built-in ang templates at theme editor
- May user reputation system;
- May mga kalendaryo para sa pag-schedule ng events;
- May templates para sa registration ng user;
- May toolbox para sa forum moderation;
- Reporting.
Mga Pro
- Madaling gamitin kahit sa mga baguhan;
- Magaling ang gamification features para ma-engage ang forum users;
- Nasa iisang screen na lang ang forum moderation.
Mga Con
- Mas kakaunti ang features kumpara sa ibang forum software tools sa aming listahan;
- May mga isyu sa seguridad;
- Kakaunti ang mobile-friendly na themes.
Presyo
Libreng gamitin ang MyBB pero gagastos kayo sa domain name at hosting plan.
7. Vanilla Forums
Ang Vanilla Forums ay isa sa pinakamagaling na forum software solutions ngayon. May offer itong libre at premium na version. Sa libreng version, matutugunan ang pangangailangan ng mga maliliit at medium-sized na business. Ang premium version naman ay para sa mga enterprise-level na business. Gamit ang add-on at theme systems, maku-customize ninyo ang hitsura at dating ng forum habang ine-extend ang functionality nito.
Mga pangunahing feature
- Support para sa iba’t ibang uri ng diskusyon (e.g., standard na mga diskusyon, polls, mga tanong)
- Maraming nilalaman
- Nababanggit ang user
- May avatars at user profiles
- Private messaging
- Knowledge base
- May forum groups
Mga Pro
- Moderno ang hitsura ng themes
- Maraming add-ons para sa extension ng forum functionality
- Knowledge base support para sa mas mainam na customer experience
Mga Con
- Hindi gaanong marami ang mapagpipiliang add-ons at themes
- Medyo matagal bago matutuhan ang tamang paggamit nito
- Ang presyo ng premium version ay mas mataas pa sa average na presyo sa industriya
Presyo
Libre ang open-source edition ng Vanilla Forums. Pero ang premium version ay nagsisimula sa $689 kada buwan.
8. Flarum
Ang Flarum ay isa sa mga bagong player sa larangan ng forum software. Ang magandang balita ay libreng-libre ito. Dinisenyo ang platform para sa lahat ng laki ng screen at naka-optimize para mag-deliver ng bukod-tanging performance kahit mababa ang bandwidth connections. Parehong may essential at advanced features ang Flarum pero kakailanganin dito ng malalimang technical knowledge para ma-install, ma-update, at ma-maintain.
Mga pangunahing feature
- Support sa maraming wika (kasalukuyang may 16 translation packs)
- Intuitive ang UI
- May user progression system
- Huling oras na naka-online
- Nababangit ang user
- Puwedeng ma-scroll ang threads
- Isang beses lang ang pag-sign-in
- May control panel na may advanced forum moderation
Mga Pro
- May live chat support dahil sa Pusher integration
- Naku-customize ng users ang forum dahil sa extensions
- Maganda ang user interface
Mga Con
- Kasalukuyan pa rin itong dine-develop
- Kakailanganin ang pinakabagong Apache/Nginx, PHP, at MySQL para gumana nang tama
- Kailangang professional ang gagawa ng installation at pag-update
Presyo
Libreng forum software ang Flarum.
9. Simple Machines Forum
Ang Simple Machines Forum ay isang magaling na software sa paggawa, pag-publish, at pag-manage ng online forums. May offer itong kaparehong set ng features na makikita sa phpBB. Pero may ilang bagay na ginagawa itong bukod-tangi – ang theme at module systems. Dahil sa dalawang systems na ito, nakakapag-offer ang Simple Machines Forum ng napakagaling na flexibility. Kahit na open-source solution ito, puwede pa ring ma-tweak para makuha ang pangangailangan ninyo kung alam ninyo kung paano gawin iyon.
Mga pangunahing feature
- Madali ang customizations dahil sa bagong template system
- Advanced na user management at permissions
- SEO ready
- Madaling gamiting package manager
- Reporting at analytics
- Reporting at analytics
- Naka-streamline ang forum management
Mga Pro
- Premium-grade na themes at modules
- Magaling na support sa maraming wika
- Support para sa premium subscription
Mga Con
- Mukhang luma na ang themes
- Hindi suportado ang user profile customization
- Masyadong marami ang settings na puwedeng makalula sa mga baguhan
Presyo
Libre at open-source na forum solution ang Simple Machines Forum.
10. Discourse
Kung gusto ninyong gumawa at mag-publish ng forums nang mabilis at mura lang, Discourse ang magandang solution diyan. Walang ibang offer ang software kundi forum features, pero ang binibigay naman nito ay isang modernong user interface at mobile optimization. Suportado rin nito ang login integration para sa magandang user experience. Puwedeng mag-log in ang users gamit ang kanilang Twitter, Instagram, at Facebook accounts.
Mga pangunahing feature
- Nalilipat ang mga pag-uusap mula sa single page patungo sa mga scrollable page
- Instant ang notifications
- Automatic na link expansion
- Dinisenyo para sa iba’t ibang laki ng screens
- May user trust system
- Support para sa pag-moderate ng community
- Isang beses lang ang pag-sign-in
- Reporting at analytics
Mga Pro
- Natutulungan ang users ng real-time notifications sa pagtutok sa lahat ng kritikal na mentions;
- Dahil sa mailing list mode, nata-track ng users ang paborito nilang threads;
- Magaling na scalability.
Mga Con
- Mas may kamahalan ito kaysa sa ibang premium solutions;
- Kakailanganin ng mga baguhan na gumugol ng oras para mapag-aralan ang paggamit ng advanced features;
- Nababawasan ang linaw ng readability ng scrolling system kapag dose-dosena na ang replies.
Presyo
Nagsisimila ang presyo ng discourse plans sa $100 sa bawat 5 staff users kada buwan.
11. Codoforum
Ang Codoforum ay isang freemium na community forum software. Kahit na libre ito, may offer itong features na makikita rin ninyo sa isang forum software toolkit. Ang Codoforum ang tila pinakamagaling na forum software sa kategorya na malinis na user interface. Mobile-friendly ito sa simula pa lang, na maganda kung laging mobile ang users ninyo.
Mga pangunahing feature
- Daily at weekly digest (ini-email ang pinakahuling updates sa users)
- Fresh at minimalist ang user interface
- May support para sa lahat ng uri ng mobile gadget
- WYSIWYG editor
- May support para sa mga existing nang website integration
- User mentions at tagging
- Notifications at subscriptions
Mga Pro
- Suportado ng notification system ang notification level na settings
- Nagde-deliver ang tagging system ng napakagaling na user experience
- Detalyado ang guides at documentation
Mga Con
- Ang premium versions lang ang may support sa automatic na pag-upgrade at security patches
- Ag freemium version ay may hindi naaalis na watermark
- Medyo bibihira ang updates
Presyo
Ang libreng version ng Codoforum ay may kasamang watermark na nakasaad ang “Powered by Codoforum.” Nagsisimula ang presyo ng white-label premium plans sa $49 (isang beses lang babayaran).
Still with us?
Forum is an effective platform for encouraging self-service resolution and customer-to-customer cooperation. With LiveAgent you can delight and nurture your relationship with customers.
12. FluxBB
Kahit mas simple itong forum solution kaysa sa ibang software sa aming listahan, naisama rito ang FluxBB dahil sa kanyang performance. Isa itong lightweight community forum solution na kasama ang lahat ng essential features. May access kayo sa key forum moderation options, themes, at plugins. Sa FluxBB, makaka-set up at makaka-launch kayo agad ng forums ninyo nang walang masyadong komplikasyon.
Mga pangunahing feature
- Mag pag-rank ng topic
- Forum at topic subscription
- Galawin, hatiin, at pagsamahin ang topics
- Natatabas ang forum
- Support para sa RSS feed
- Di paganahin/paganahin ang registration ng user
- May user permissions
Mga Pro
- Ginawa para makapagbigay ng mataas na performance
- May user ranking system
- Support para sa advanced customizations ng profile
Mga Con
- Kulang sa plugins
- Mukhang luma na ang themes
Presyo
Libreng gamitin ang FluxBB.
13. Invision Community
Ninuno ng Invision Community ang IP board, na isa sa pinaka-popular na forum software solutions noon. Ang platform ay may offer na maraming features at pinapadali ang forum moderation. Puwede pang gumawa rito ang inyong users ng sarili nilang mga grupo na ang tawag ay “Clubs” sa loob mismo ng forum. Ang presyo ng platform ay kakaiba dahil ang parehong data storage at bilang ng online visitors ay naka-lock sa likod ng iba-ibang paywalls.
Mga pangunahing feature
- Mga community club
- Automatic na pina-publish ang forum posts sa inyong social media accounts
- User reputation at leaderboards
- Mga group promo
- May bayad ang subscription
- Advanced na moderation tools
- May mobile support
- May remote commenting application para sa mas madaling pagpapakalat ng news at articles
Mga Pro
- May remote commenting application para sa mas madaling pagpapakalat ng news at articles
- Magaling ang user interface
- Nakaka-engage ang social media followers dahil sa magagandang forum posts
Mga Con
- Kulang sa SEO features
- Kailangan pa ng gamification options
- Puwede tumaas bigla ang presyo dahil sa pagdadag ng kakailanganing forum data
Presyo
Nagsisimula ang Invision Community sa $45 kada buwan na limitado lang sa hanggang 65 online visitors.
14. XenForo
Ang XenForo ay isang cutting-edge na community platform at premium forum software solution na ginawa para sa mga kompanyang interesado sa paggamit ng self-hosted na solutions. Ang XenForo ay may nakakabilib na listahan ng features at magaling na social media integration. Dahil sa higit na 2,000 add-ons, makagagawa kayo ng custom forum na may kakaibang functions batay sa user activity feed. Optimized din ang platform para sa mga search engine.
Mga pangunahing feature
- Support para sa structured na threads ng tanong at sagot
- Malaman ang article authoring system
- Built-in ang search functionality
- May staff privileges
- Support para sa inline moderation
- May user achievement system
- May dedicated na mobile app
- Reports at analytics
Mga Pro
- SEO optimized ang online forum
- Madaling gamiting forum moderation tools
- XenForo mobile app
Mga Con
- Ang onsite installation ay dapat gawin ng isang experienced na staff
- Kakailanganin ang ilang PHP extensions at ang pinakabagong version ng PHP at MySQL
- Aabutin nang extra na $300 ang pagtanggal sae XenForo copyright notice
Presyo
Nagsisimula ang XenForo license sa $160.
15. Wix
Ang Wix ay isang online website builder, at kasama sa package nila ang Wix Forum software. Isa ito sa pinakamadaling gamiting community forum tools dahil meron itong drag-and-drop editor. Ibig sabihin ay makagagawa kayo at makakapag-launch ng inyong forum nang walang sinusulat na anumang code. Makagagawa kayo ng standalone forum o mag-integrate nito sa website. Pagdating sa features, di pahuhuli sa kalaban ang Wix Forum.
Mga pangunahing feature
- Support para sa classic at cards na forum layout
- Built-in na SEO tool
- Mobile-friendly ang forum
- Forum moderation tools
- May forum users permissions
- May page ang mga miyembro
- Mga forum template
- Mga forum template
- Real-time ang notifications
Mga Pro
- Sobrang daling gamitin
- Cloud-based na forum software
- Magagada ang templates
Mga Con
- Sa libreng plan, kasama ang Wix branding
- Kailangan ninyo ng may bayad na plan para ma-access ang tracking at analytics
- Halos lahat ng mahahalagang add-ons ay nasa premium
Presyo
Nagsisimula ang Wix sa $8.50 kada buwan.
16. vBulletin
Napaka-powerful na forum software ng vBulletin. Popular itong solution na gamit ng malalaking organisasyon tulad ng Sony Pictures at NASA, at meron itong mga kakailanganin ninyong feature sa paggawa ng bonggang forums nang mabilisan. Ginawa rin ang vBulletin para sa mobile users at may SEO support pa. Puwedeng mag-set ng forums bilang private o public, mag-edit ng kanilang hierarchy, magbukas ng private messaging, at marami pa.
Mga pangunahing feature
- Unli na hierarchy sa mga forum
- Pribado/Pampublikong mga forum
- Forum moderation tools
- Thread at forum subscription
- Unli na mga moderator
- Customizable na permission system
- Private messaging
- Templates, add-ons, at skins
Mga Pro
- Gumawa, mag-publish, at mag-moderate ng online community gamit ang iisang platform
- Sobrang dami ng options
- Parehong may self-hosted at cloud version
Mga Con
- Kakailanganin ng technical knowledge ang self-hosted na solution
- Ang plans ay limitado ang bandwidth
- Limitado ang support para sa self-hosted na version
Presyo
Ang vBulletin 5 Connect na ginawa para sa self-hosting ay nagsisimula sa $249.00. Ang vBulletin Cloud ay nagsisimula sa $19.95 kada buwan.
17. inSided
Ang inSided ay isang kumpletong forum software solution. Magagamit ito sa paggawa ng online community at pag-facilitate ng communication sa inyong brand at customers. Wala itong bukod-tanging bagay kumpara sa ibang options pero solid pa ring option ito.
Mga pangunahing feature
- Knowledge base
- Support para sa boards na question-and-answer ang style
- Search engine optimized ang content
- May content prioritization
- Built-in na smart content search
- Intelligent at context-specific na content
- Advanced na reports
- Ina-update ang users batay sa kanilang mga interes
Mga Pro
- Magaling na flexibility dahil sa marami nitong features
- Madaling gamitin kahit wala pang karanasan dito
- May bagong features na regular na nilalabas
Mga Con
- Medyo mas mataas nang konti sa average ng industriya ang presyo
- Kulang sa customization options
- Ang reporting at analytics ay di gaanong kadetalyado tulad sa ibang solutions
Presyo
Malalaman lang ang presyo ng inSided kapag ni-request.
18. NodeBB
Ang NodeBB ay isa sa pinakabagong dagdag sa pamilya ng forum software. Popular ito dahil sa flexibility at intuitive na user interface design – may access ang forum moderators sa lahat ng moderation tools na nasa iisang screen. Mahusay din ito pagdating sa integration sa iba’t ibang platforms, mula sa social media hanggang sa project management software. Puwede ring ma-extend ng users ang default functionality nito gamit ang plugins.
Mga pangunahing feature
- Mobile-ready
- May localization support
- Instant ang notifications
- Analytics at reporting
- SEO ready
- Puwede ang social media sharing
- Support para sa self-hosted at cloud-based na solutions
- Built-in na instant messaging
Mga Pro
- Maayos na nakaka-integrate sa mga popular na cloud-based service
- Madaling i-set up at gamitin
- Moderno at fresh ang hitsura
Mga Con
- Mas mahal kaysa sa ibang forum software
- Nilalampasan ng plugins at widgets ang basic functionality
- Kulang ang themes para sa mga forum
Presyo
Nagsisimula ang presyo ng NodeBB price sa $250 kada buwan.
19. Forem
Ilalabas pa lang ang Forem. Pero dahil galing ito sa balwarte ng Dev.to, tiyak magaling ito. Moderno ang hitsura nito, may intuitive na user interface, at madali ang deployment. Open-source software solution ito na magagamit sa madaling paggawa ng communities, at puwede pang makagawa ang inyong visitors ng profiles, makabasa/magsulat ng posts, makasunod sa ilang tags, o maghanap ng content.
Mga pangunahing feature
- Support para sa RSS feed
- Moderation tools
- Puwedeng mag-follow ng ibang users
- Puwedeng mag-follow ng post tags
- Direct messaging
- Group chats
- Integration sa ibang apps
- Achievement badges
Mga Pro
- Magaling ang flexibility
- Madaling gamitin ang moderation tools
- Parehong may group chat at direct messaging
Mga Con
- Limitado ang support dahil sa pagiging open-source
- Kakailanganin ng sapat na kaalaman para makapag-self-host
- Istriktong nakareserba para sa forum ang use case
Presyo
Ang Forem ay isang libreng solution.
20. bbPress
Ang bbPress ay isang forum software na nilabas ng mga gumawa ng WordPress, at halata ito sa platform, lalo na sa dali ng paggamit. Medyo mukhang luma lang ang disenyo pero naroon ang pinakamagagaling na features. Bilang isang WordPress plugin din, mae-extend ninyo ang functionality nito gamit ang ibang plugins para makagawa ng gusto ninyong forum. Open-source project din ito kaya libre itong gamitin.
Mga pangunahing feature
- One-click na pag-install
- Support para sa themes
- Mga forum template
- May user permissions
- May activity logging
- Mga notification
- Support para sa iba’t ibang extensions
- May pribadong mga grupo
Mga Pro
- Madali ang pag-install at pag-setup
- Puwede pang maayos ang functionality gamit ang plugins
- Compatible sa modernong WordPress themes
Mga Con
- Mukhang luma na ang default theme
- Nakaasa ang advanced features sa mga plugin
- Madalang ang paglabas ng mga panibagong release
Presyo
Ang bbPress ay libre.
Top 5 na forum software ikinumpara
Ikumpara natin nang mabilisan ang top 5 na forum software options.
1. LiveAgent
Ang LiveAgent ang numero uno naming choice para sa cloud-based na forum software solutions para sa mga business. Marami itong kasamang features, at napapakinabangan pa ninyo ang forum para mapahusay pa ang inyong serbisyo, produkto, at napapasaya pa ang customers.
Dahil sa LiveAgent, nakakapagdesisyon din ang mga business para magsama ng pinaka-relevant na forum content sa kanilang internal o external na knowledge base. Ang convenience nito ay nanggagaling sa paggamit ng iisang screen na lang.
Post and share useful content
With LiveAgent you can allow customers to access knowledge base articles, ticket status, interaction history or in-depth product and service information.
2. vBulletin
Kulang ang vBulletin sa help desk functionality, automatic forum post, at reply to ticket transformation na features. Pero kung gusto ninyong magpatakbo at mag-moderate ng forum sa subok nang platform na may seguridad, ikalawang mahusay na option ang vBulletin dahil kasama nito ang lahat ng kakailanganin ninyong features.
Madaling gamitin ang vBulletin na importanteng malaman kung wala pa kayong karanasan sa paggawa o pag-moderate ng forums.
3. Discourse
Ang Discourse ay isang premium na forum software solution tulad ng LiveAgent at vBulletin. Katulad ito ng LiveAgent pagdating sa integrations, at magagamit ito kasabay ng social media o mai-integrate sa help desk tools.
May offer itong support para sa WordPress, pero di lumalampas sa basic forum features at medyo mahal pa. Nagsisimula ang Discourse hosting plans sa $100.
4. phpBB
Kung gusto ninyong gumawa at mag-moderate ng forum pero maliit ang budget, baka phpBB ang dapat sa inyo. Libre itong forum software platform. Meron itong basic at advanced na forum features.
Sa kabilang banda, mukhang luma na ang hitsura ng phpBB at baka ito ang makaapekto sa pananaw ng forum users ninyo. Self-hosted na solution lang ito kaya kailangan pang humanap ng hosting provider na dadagdag pa sa gastos ninyo.
5. Simple Machines Forum
Ang panghuli ay isa ring open-source na solution – Simple Machines Forum. Mukha itong luma at forum-specific lang ang tools. Pero di tulad ng phpBB, mas marami itong offer na customization options dahil sa kanyang advanced na package manager.
Magagamit ito sa pag-install ng karagdagang modules na magpapaganda pa sa hitsura at kapasidad ng inyong forum. Pero mas babagay ito sa mas malalaking communities.
Top 5 na forum software systems ikinumpara
Email support system | Capterra Rating | Libreng version | Libreng trial | Simulang presyo |
LiveAgent | 4.7/5 (mga halos 1K reviews) | OO | OO | $9 bawat agent/buwan |
vBulletin | 4.0/5 (13 reviews) | HINDI | OO | $249 kada buwan |
Discourse | N/A | OO | OO | $100 kada user/buwan |
phpBB | N/A | OO | OO | Libreng gamitin |
Simple Machines Forum | N/A | OO | OO | Libreng gamitin |
Kongklusyon
Kritikal ang pagpili ng tamang forum software solution para sa inyong business para sa pangmatagalang tagumpay nito. Matutulungan kayong ma-streamline ang implementation at onboarding pero tutulong din sa pagkamit ng ibang goals. Para mas makapagdesisyon kayo nang mainam, naglista kami ng maikling Q&A. Spoiler alert – LiveAgent ang tunay na champion sa anim na categories.
Mula sa editor: Kung may hindi tama sa anumang impormasyong nakadetalye sa review article, makipag-ugnayan lang sa amin anumang oras para maitama namin ito.
Ang pinakamahusay na all-in-one na forum software solution
LiveAgent ang pinakamahusay na all-in-one forum software solution. May offers itong functionality ng kumpletong help desk na may mainam na daloy ng forum integration, na napapakinabangan ng mga kompanya sa pag-maintain ng online forum.
Dahil sa post and reply to ticket conversion, matututukan ng mga kompanya ang pinakabagong developments at matutulungan nang mas epektibo ang kanilang customers sa pag-aayos ng issues. Sa LiveAgent, makagagawa rin ang mga kompanya ng kapaki-pakinabang na internal at external na knowledge bases at mag-share ng pinaka-importanteng content nang walang hassle.
Ang pinakamahusay na forum software na may built-in na live chat, call center, social media, at customer portal
LiveAgent ang pinakamagaling na forum software na may built-in na live chat, call center, social media, at customer portal. May offer kasi ang platform na lahat ng features na ito mula sa iisang centralized solution. Di na magpapalipat-lipat ng tools ang agents at service providers. Ang kabuuang tech stack na ito ay nasa iisang user interface lang.
Ang pinakamahusay na online forum software pagdating sa features
Pagdating sa features, nangunguna talaga ang LiveAgent. Merong higit sa 200 features itong offer sa users, at patuloy ang kompanya sa paggawa at pagpapahusay pa ng kasalukuyang features, at naglalabas pa ng mga bago.
Ang pinaka-sulit sa presyong forum software
Sa presyong $15.00 bawat staff user kada buwan, napakaraming features, at madaling gamitin, ang LiveAgent ang pinakamagaling na forum software pagdating sa sulit na presyo.
Ang highest-rated na forum software
Ayon sa pinaka-pinagkakatiwalaang software review platform online na Capterra, LiveAgent ang highest-rated na forum software na may average rating na 4.7 at higit 1,000 na unique reviews.
Ang forum software na pinakamadaling i-setup, gamitin, at i-integrate
Dahil meron itong halos 200 features, LiveAgent ang pinaka-accessible na forum software sa listahang ito pagdating sa integration. Intuitive din ang features at user interface kaya mas napadadali ang setup at paggamit nito.
A satisfied customer is a happy customer
Take our product tour and explore LiveAgent, the omnichannel help desk solution, today.
Frequently Asked Questions
Ano ang software ng forum?
Ang mga solusyon sa software ng forum ay mga espesyalisadong platform na nagbibigay-daan sa iyo upang lumikha at maglathala ng mga community forum na ginagamit para sa iba’t ibang bagay. Mayroon silang ilang mga pangunahing mga tampok na tumutulong sa iyo na pamahalaan ang forum, nagbibigay ng kakayahang mag-edit ng kanilang mga profile ng mga user, magdagdag ng direktang channel ng pagmemensahe, at iba pa.
Ano ang mga benepisyo ng mga open-source at premium na bersyon ng software ng forum?
May dalawang natatanging mga benepisyo na nag-aalok ng open-source na software ng forum – ito ay ganap na libre at maaari mong i-customize kung paano mo gusto. Gayunpaman, kailangan itong ilunsad sa mga server ng kumpanya at kailangan mong magkaroon ng mga tauhan na mahusay sa pagko-code upang i-customize ito. Ang mga benepisyo ng premium na mga bersyon ng software ng forum ay kinabibilangan ng madaling paglunsad, walang mga gastos sa pagpapanatili, at access sa mga premium na mga tampok na karaniwang hindi magagamit sa mga open-source na solusyon.
Ano ang omnichannel forum software solution?
Ang omnichannel forum software solution ay tumutukoy sa mga plataporma na maaaring mag-integrate ng iba’t ibang mga channel ng komunikasyon. Mahalaga ito para sa mga kumpanya na nais gamitin ang forum bilang isa pang channel para magbigay ng suporta. Sa omnichannel forum software, ang isang kumpanya ay maaaring gamitin ang forum bilang isang channel ng komunikasyon at isama ang mga social media, messaging platform, email, at iba pang mga channel..
Ano ang mga tampok na dapat mag-alok ng pinakamahusay na forum software?
Ilan sa mga pangunahing tampok na dapat magkaroon sa anumang solido na pakete ng forum software ay kasama ang mga tool sa pagpapamahala ng forum, suporta sa multiple-knowledge base, mga search widget, sistema ng pagboto, pagre-report, at sistema ng pamamahala ng tiket.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng forum software?
Nag-aalok ang forum software ng maraming mga benepisyo sa mga negosyo ng lahat ng laki. Kasama na rito ang mas mahusay na pakikipag-ugnayan sa mga customer, pag-akit ng mga bagong customer, pagpapatayo ng isang online community, pagpapabuti ng branding efforts, pagpapadali sa paglago at pagpapalawak ng negosyo, at magandang mga rates ng ticket deflection.
Ano ang pinakamahusay na forum software?
Ang pinakamahusay na forum software ay ang LiveAgent. Nag-aalok ito ng pinakamahusay na halaga para sa pera, na binibigyan ang user ng maraming mga tampok at kakayahan. Ang LiveAgent forum software solution ay nagbibigay-daan sa mga kumpanya na magtatag ng mga internal at pampublikong forum at awtomatikong mag-convert ng mga bagong paksa at tugon sa mga tiket na maaaring ma-access ng mga ahente sa pamamagitan ng isang solong user interface.
Bakit mahalaga ang forum software?
Mahalaga ang forum software dahil nakakatulong ito sa pagpapabilis at pagpapadali ng karamihan sa mga prosesong may kinalaman sa paglikha at pagpapamahala ng forum. Sa halip na gawin ang lahat ng mga bagay nang manual at simulan ang mga ito mula sa simula, maaari mong gamitin ito upang lumikha ng mga forum at simulan ang paggamit ng mga ito kahit walang kaalaman sa teknolohiya.
Paano i-customize ang forum software?
Walang tuwirang sagot sa tanong na ito dahil bawat forum software ay magkaiba. Ang mga pag-customize ng premium forum software ay madalas na madali at maaaring gawin sa pamamagitan ng isang intuitive user interface. Sa mga open-source na solusyon, kadalasan ay kailangan mong i-code ang mga pag-customize upang makamit ang hitsura at mga kakayahan na nais mo.
Paano gumagana ang forum software?
Ang forum software ay ginawa upang tumulong sa paglikha ng isang online discussion site at palawigin ang kanyang kakayahan. Ang mga gumagamit na bumibisita sa online discussion site ay maaaring lumikha ng mga post, tumugon sa mga post ng ibang gumagamit, at direktang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga mensahe.
Magkano ang halaga ng forum software?
Ang halaga ng premium forum software ay nag-iiba mula sa solusyon hanggang sa solusyon. Karamihan sa mga planong presyo ay nakabase sa “bawat user bawat buwan” na modelo. Ang average na halaga bawat user bawat buwan ay halos $30. Dapat mong palawakin ang iyong pag-aaral upang mahanap ang solusyon na may pinakamahusay na halaga para sa iyong pera at magandang potential para sa scalability.
I-share ang article na ito
Mga customer service conference at ang epekto nito sa edukasyon
Alamin kung paano makakaapekto ang mga customer service conference sa inyong edukasyon at karera! Dumalo sa mga pangunahing event tulad ng Customer Contact Week at ICMI Expo upang matutunan ang mga pinakabagong trend, makipag-network sa mga propesyonal, at makakuha ng inspirasyon. Huwag palampasin ang pagkakataon na mapabuti ang inyong kaalaman at kasanayan sa industriya!
Discover the powerful customer forum feature of LiveAgent, an online space for customers to discuss products, services, and company preferences. Enhance customer satisfaction and sales performance by creating public or internal forums effortlessly. Try it for free and build a community that fosters collaboration and customer loyalty.