Marami sa atin ang hindi na lang aaminin ang maraming pagkaabala at insidenteng madalas mangyari nang labag sa ating kalooban, lalo na sa pagtatrabaho — at sa maraming pagkakataon, imposibleng iwasan ang mga ito. Ngayon, ang problema ay hindi sa istorbo at insidenteng nangyayari (maliban na lang kung internal at paulit-ulit na mga error) – mas mahalaga kung paano ninyo ito hinaharap. Ang paggamit ng incident management software solutions ang pinakamahusay na paraan sa pagtugon.
Nagbibigay ang incident management software solutions ng perpektong setting para sa mga kompanyang nakararanas ng madalas na isyu at istorbo. Nata-track dito ang mga insidente sa kabuuang life cycle at resolution nito.
Ipaliliwanag namin sa ibaba kung paano naging vital ang incident management software sa mga modernong business. Magbibigay rin kami ng 25 bonggang incident management software solutions.
Ano ang incident management software?
Ang incident management software (IMS), na minsa’y tinatawag na call management o contact center software, ay napakahalagang magkaroon sa anumang IT ng kompanya. Ito ay tool na tutulong sa inyong muling makabangon at makaandar matapos makaharap ang anumang tech-related o wala sa planong mga istorbo.
Gamit ang software, maaayos ninyo ang mga isyu, makaka-log ng mga problema, at makaka-streamline ng “recovery process,” na kakaunti lang o halos walang epekto sa kung paano umaandar ang inyong kompanya. Kaya di na makakaharap ang mga customer ninyo ng anumang pagkahinto sa kanilang serbisyo.
Isipin ninyong ang incident management software ay isang centralized na repository para sa tools na nakaka-track, nakaka-log, at nakakaayos ng mga insidente habang nakapagtatago ng record ng nangyari. Kaya sa susunod na lumitaw muli ang problema, mas simple na ang magiging solution.
Sa unang tingin, ang incident management software ay magmumukhang problem tracking system lang. Pero hindi ito ganoon lang. Ang features, capabilities, at functionality ng incident management software ay kadalasang mas komprehensibo at sophisticated. Kaya maliban sa pagta-track at pag-aayos ng mga isyu ng kompanya, mapapahusay din nito ang kanilang IT framework at service management sa kabuuan.
Bakit kailangang gumamit ng incident management software?
Makakabenepisyo ang paggamit ng incident management software sa maraming paraan dahil nakapokus lahat iyon sa pagtulong sa mga kompanyang makabawi matapos makaantala ang isang insidente sa kanilang workflow.
Sa maraming mga business, ang goal ay ang makuntento ang mga customer nila. Ang pag-maximize ng customer satisfaction ay isang priority, at dito papasok ang IMS solutions. Dahil sa IMS solutions, puwede kayong mag-ayos ng maraming tickets sa mabilis na oras, na nakapagpapadali sa pagbibigay ng napakahusay na support, pakikipag-interact sa inyong customers, at makapag-ayos ng anumang tickets o issues sa napapanahon at epektibong paraan.
Salamat sa IMS solutions, puwede nang magsara ang customer support team ninyo ng mga major na insidente nang mas mabilisan at walang nasasayang na oras sa espekulasyon. Kahalintulad na halos ng komprehensibong incident management ang incident response platforms dahil ang ganitong platforms ay mga essential tool sa mainam na pamamahala ng incident responses.
Pangkaraniwan na ang Service requests sa anumang industriya, pero ang efficiency ng inyong incident management process ang magdidikta sa kabuuang tagumpay, bilis, at sophistication ng inyong workflow. Sa paggamit ng IMS, mapapahusay pa ninyo ang response time at resolution time gamit ang SaaS solutions.
Ilan sa mga benepisyo sa paggamit ng ganitong software ay:
Nababawasan ang overall downtime
Kung nagpapatakbo kayo ng isang business, napakahalagang napapatakbo ninyo ito nang walang kasabit-sabit, kahit na mukhang may mga isyu kayong kinakaharap. Sa paggamit ng isang top-tier na incident management platform, masisigurado ninyong kakaunti lang ang downtime sa inyong operations dahil ang mga problema ay naila-log, nata-track, at naaayos sa streamlined na paraan.
Mas magandang issue insight at tracking
Bukod sa pagbibigay ng insight sa unang kadahilanan ng issue, matutulungan kayo ng incident management solution providers na diskubrehin kung ano ang pinagsimulan ng issue. Dapat din itong pagtuunan ng pansin kapag nag-aayos ng isyu – napakahalaga ring maalis ang pagkakataong baka lumitaw muli ang parehong problema sa hinaharap. Isipin na lang ninyo kung muling lumitaw ang isyu. Kapag nangyari ito, may mas mahusay at mabilis na kayong insight kung paano ninyo malulutas agad ang insidente sa anumang customer queries at tickets.
Pinahusay na organisasyon ng issue
Ang tracking, logging issues, at records ng nakaraang resolutions ay mga fundamental na aspekto ng isang matatag na incident management software solution. Binibigyan nila ang kompanya ng eksaktong real-time na data na kinakailangan sa pag-aayos ng mga isyu. Kinokolekta ng incident command center ang impormasyon tungkol sa mga isyu — tulad ng kung kailan at bakit ito naganap at paano ninyo naayos — kaya natutulungan kayong mag-ayos ng mga isyu. Napakagaling din nito sa pagpapahusay ng kasalukuyan ninyong IT framework na sisiguraduhing magiging madalang na ang ganitong mga isyu.
Na-streamline ang efficiency
Napakahalaga ng kahusayan sa isang business, kaya kailangang maisaayos ang bawat problema sa partikular na paraan, lalo na kung nagpapatakbo kayo ng isang kompanyang madalas humarap sa mga kliyente. Sa paggamit ng incident management software solutions, magiging pare-pareho na ang paraan ng inyong service desk agents sa pagtugon sa mga isyu. Nakakatipid ito ng mahalagang oras, naaalis ang posibilidad ng anumang haka-haka, at nalulubos ang kahusayan ng pag-aayos ng problema ng inyong mga agent.
Buo ang transparency
Hindi lang ang trend ng real-time na data-driven decision-making ang nagiging industry standard dahil nagiging popular na rin ang pagkakaroon ng kabuuang transparency. Mas gugustuhin ng mga taong malaman ang status ng kanilang incident tickets, at sa paggamit ng nangungunang incident management software solutions, lagi nilang malalaman kung ano na ang nagaganap.
Ang paggamit ng incident management software ay may mga nakakabilib na pakinabang, pero ang pinaka-importante ay ang pagbibigay sa inyo ng kinakailangang data para mapahusay pa ninyo ang inyong business. Halimbawa, kung nakararanas kayo ng disruptions at mga insidente mula sa isang klase ng device, mabibigyan na kayo ng kinakailangang insight sa pag-aayos ng partikular na isyung ito. Angkop din ang pilosopiyang ito sa lahat ng aspekto ng inyong business. Gamit ang incident management software, puwedeng ma-highlight ang pinaka-problemadong bahagi ng inyong negosyo at makakapag-implement kayo ng framework para sa mga insidenteng makababawas sa mga pang-iistorbo at sa posibleng gastos na kaakibat nito sa hinaharap.
Pinakamahusay na features ng incident management software
Ang mapipili ninyong IMS system ay dapat malawakan ang kasamang features para matugunan ninyo ang lahat ng uri ng tickets at ma-streamline ang tugon ninyo at pati ang inyong workflow. Ang ilan sa pinaka-importanteng features na dapat ninyong hanapin sa isang IMS ay ang sumusunod:
Ticketing
Ang ticketing system ay isa sa pangunahing features ng isang IMS solution. Kasama dapat sa isang magandang ticketing system ang sumusunod:
- Isang multi-channel na ticketing option na puwedeng makapag-streamline ng ticketing ninyo sa iisang lokasyon.
- Top-tier na storage para puwedeng ma-index ang lahat ng tickets.
- Isang CRM solution na tutulong sa pag-track ng customer interactions habang nagbibigay ng option sa pagpapadala ng mass ticket actions.
Dapat marami rin itong automation elements. Ang madalas hinahanap sa isang magandang IMS ay ang features tulad ng automated ticket distribution at escalation, macros at templated responses, at pati na rin ang deduping.
Live chat
May hangganan ang pagkakaroon ng automation samantalang ang AI solutions ay di pa gaanong sophisticated para maging one-stop solution para sa lahat ng customer queries. Kaya dapat ang top-tier na IMS ay may saklaw na live chat features tulad ng real-time communication, instant messages, chat indexing, interaction tracking, az automatic distribution. Tutulungan ng ganitong features ang inyong team na maalagaan ang inyong customers sa mabilis na paraan.
Call center
Mahalaga rin ang call centersa anumang matatag na incident management system. Dapat ay nagagamit ninyo ang inyong IMS call center para sa parehong inbound at outbound calls para matugunan ninyo ang concerns ng mga komplikadong kliyente. Makatutulong din ang IVR at automatic callbacks sa pag-notify ng customers tungkol sa status ng kanilang mga kaso.
Social media
Ang social media ay isa sa kinakailangang elemento ng isang modernong business. Ang IMS ay dapat may mahusay na daloy ng integrations sa social media networks at may offer na napakagaling na brand monitoring at reputation management para masiguradong laging masaya ang inyong visitors, clients, at customers.
Customer portal
Magandang magkaroon ng isang knowledge base lalo na kung nais ninyong magbigay ng maraming self-service na solutions. Sa paggawa ng isang knowledge base, mahahanap ng mga kliyente ninyo ang impormasyon tungkol sa mga produkto at serbisyo sa inyong FAQ pages o forums. Ang epektibong IMS ay dapat meron ding feedback at suggestion panel para makapagbigay ang inyong customers ng kritikal na insight kung paano mapapahusay pa ang inyong negosyo.
Seguridad
Magaling lang ang isang IMS kung magaling ang seguridad nito, kaya dapat kayong mag-research nang maigi bago pumili ng anumang uri. Ang kadalasang magandang seguridad na IMS solutions ay cloud-based at may offer na encryptions, 2-step verification, maraming data centers, at merong compliance sa GDPR.
Mga feature
Ano pa ang silbi ng isang IMS kung wala naman itong features na kailangan ninyo sa pag-aayos, pag-index, at pagkuha ng notification tungkol sa mga disruption o ticket? Depende na sa pokus ng inyong business, may inaasahan kayong partikular na features, siyempre. Pero ang pinaka-common ay ang sumusunod:
- Multi-channel communication
- Incident reporting
- Ticket management
- Workflow configuration
- SLA management
- Unlimited history
Magkano ang aabutin ng incident management software?
Kakaunti lang na IMS service providers ang may offer na dynamic pricing plans at custom na pricing models, pero maraming may pre-organized na pricing batay sa kanilang features.
Ang presyo ng isang IMS ay natutukoy din sa kung ilang users ang suportado nito. Kapag mas maraming agents ang gagamit ng IMS, mas mataas ang presyo nito. Pero hindi lahat ng sistema ay nakapresyo batay sa user dahil may magagaling na options na libreng-libreng gamitin kahit pang-commercial na pakay.
Ang Top 25 na incident management software solutions sa market
Nakalista sa ibaba ang 25 na nakakabilib na IMS solutions kasama ang kanilang features, pros, cons, at pinaka-importante, ang kanilang presyo. Tapos liliitan namin ang listahan para makita kung aling solutions ang pinakamahusay sa market (ayon sa opinyon namin).
1. LiveAgent
Ang LiveAgent ay isa sa pinaka-popular na customer management solutions sa market. Ang platform ay may nakakabilib na reputasyon, at binibigyan nito ang agents ng access sa maraming features sa rasonableng presyo. May offer ang LiveAgent na malawakang full-stack solutions tulad ng centralized location sa pagtatago ng mga ticket, customer service automation, incident management, at alerting.
Kilala ang software dahil madali itong gamitin at may mainam na daloy ng integration. Isa rin ito sa pinakamagandang option sa market pagdating sa presyo at functionality.
Dahil sa madali itong gamitin ay hindi ibig sabihin na hindi ito sophisticated. Kaya rin ng incident management tool na ito ang pinaka-komprehensibo at complex na ticketing at automation workflows.
Sa madaling salita, ito ang kinakailangang software solution kung ang hanap ninyo’y mapahusay ang inyong business, ang user experience, at ang madali at mabilis na paghawak sa mga support ticket at insidenteng kritikal sa negosyo ninyo.
Isa pang positibong aspekto ng software na ito ay ang kanyang customizable na front end, na ibig sabihin ay puwede ninyong ma-integrate ito sa kasakuluyan ninyong disenyo at IT framework.
Mga Pro:
- Madaling gamitin
- Abot-kaya
- Customizable
- Full-stack na solution
- SaaS Cloud software
Mga Con:
- Walang LinkedIn integration
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng LiveAgent sa $9 bawat agent kada buwan na puwedeng tumaas sa $49 bawat agent kada buwan kung ang hanap ninyo’y ang kabuuang saklaw ng features tulad ng call center at social integrations. Pero meron itong 30-araw na libreng trial, at di kailangan ng credit card para makapag-test ng lahat ng available sa All-Inclusive plan.
All-In-One solution
Create a LiveAgent account and begin tracking, logging, and solving incidents immediately.
2. Opsgenie
Ang Opsgenie ay isang IMS solution na nakapokus sa pagpapanatili na maayos at tumatakbo ang lahat nang matagalan. Pangunahing choice ito kung ang hanap ninyo’y maging sentralisado ang mga ticket, incident report, at disruptions sa iisang lugar na lang para maayos sila, ma-index, at mas mainam na masundan.
Isa pang importanteng bagay na dapat mabanggit ay ang bukod-tangi nilang kapasidad sa filtering kaya nakaka-prioritize kayo ng mas kritikal na mga isyu. Ang users ng Opsgenie ay nakakakuha rin ng malalimang kritikal na pagsusuri ng mga lumilitaw na problema.
Ang Opsgenie ay di lang para sa pag-oorganisa at pag-aayos ng tickets; napipigilan pa nitong maganap muna ang isyu mula’t sapul. Dahil dito, napaka-flexible tuloy nito at kayang mag-integrate sa anumang system. Maiimbestigahan nito ang mga problema at mapapahusay ang kasalukuyan ninyong framework nang malakihan.
Mga Pro:
- Full-stack na solution
- May insight at investigation sa resolution features
- Dynamic ang alerting at reports
- May prioritization features
- Maraming notification channels
Mga Con:
- Di maganda ang administrator privileges
- Complex ang scheduling UI
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Opsgenie sa $9 bawat agent kada buwan. Kasama rito ang alerting at incident management. Pero sa $29 bawat agent kada buwan, makukuha ninyo ang lahat ng ino-offer nilang feature. May 14-araw na libreng trial, kasama ang basic alerting at on-call management hanggang sa limang katao.
3. Zendesk
Ang Zendesk ay isa sa pinakasikat na incident management software solutions sa market. Straightforward itong gamitin, saklaw ang malawak na features, at sa pangkalahatan ay isang sobrang well-reviewed na CMS, IMS, at ITSM.
Isa sa mga bagay kung bakit hinahabol lagi ang Zendesk ay dahil fully customizable ito at may offer na magaling na integration na dagdag pa sa pagiging madaling pag-implement sa lahat ng aspekto ng inyong business, kasama na ang IMS.
Ang Zendesk ay may malawakang features na nangunguna sa industriya pagdating sa ticketing, automation, at analytics para sa incident management software solutions. May offer ang Zendesk incident management software nang lahat ng tamang solutions sa napakadaling gamitin at customizable na paraan.
Mga Pro:
- Sobrang daling gamitin
- Fully customizable
- Powerful ang features
- Detalyado ang analytics
- Automated na pagsagot
Mga Con:
- Di flexible priang presyo
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Zendesk sa $49 bawat agent kada buwan para sa standard package ng features pero puwedeng tumaas sa $99 bawat agent kada buwan kung nais ninyong gamitin ang lahat ng kanilang features.
4. BigPanda
Ginawa ang BigPanda bilang IMS solution para sa IT Ops na gustong paghusayin ang kanilang IT framework. Kahit hindi nito pangunahing gawain ang ticketing, on-call management, at pag-aayos ng problema, nakasentro pa rin ito sa pagpapahusay ng inyong kasalukuyang sistema hangga’t maaari.
Ang BigPanda ay may kakaibang features tulad ng event correlation, detalyadong analytics, pagsusuri ng pinag-ugatan ng isyu, at automation ng tugon sa insidente. Ito ay isang full-stack na solution sa mga kompanyang mas mabigat ang workload para ma-maximize ang kahusayan sa paghawak ng mga insidente, ticket, at disruption.
Mga Pro:
- May alert centralization
- Automated ang alert clustering at algorithmic alert correlation
- Smart ticketing
- Custom na monitoring views
Mga Con:
- HIndi madaling gamitin
- Mas mahal kaysa sa ibang solutions sa market
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng BigPanda sa $149 bawat agent kada buwan para sa standard incident management package pero tataas ito sa $449 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y ang kabuuang features nilang ino-offer. Ang BigPanda ay may 90-araw na libreng trial para ma-test ninyo ang lahat ng components bago bilhin ang software.
5. OnPage
Ang OnPage ay isang incident management software na nakatutok sa alerting, safety performance reporting, incident reporting, at time-aware resolutions sa tickets na nakukuha ng mga business sa araw-araw. May offer itong top-of-the-line na ticketing system at prioritization features, pati announcing at notifications na sakop ang buong enterprise.
Kaya nagiging exciting ang OnPage bilang IMS solution ay dahil meron itong kakaibang UI na madaling gamitin pero elaborate at complex din naman.
Makaka-streamline kayo dito ng inyong response time at talagang bonggang maiiba ang paghawak ninyo sa inyong customer SLAs.
Mga Pro:
- Madaling gamitin
- Simpleng integration
- Bukod-tanging UI/UX
- Alerting at notifications
- May seguridad ang smartphone app
Mga Con:
- Nasa English lang ang support
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng OnPages sa $13.99 bawat agent kada buwan para sa standard package ng features, pero puwedeng tumaas sa $29.99 bawat agent kada buwan kung ang hanap ninyo’y ang kabuuang saklaw ng features na ino-offer ng OnPage. Meron silang 7-araw na libreng trial para ma-test ninyo ang features bago bilhin ang software at maraming add-ons.
6. AlertOps
Ang AlertOps ay isang software application na dinisenyo para sa mga enterprise at business para sa pag-manage ng mga insidente, pagtipid sa oras at pera, at sa pagpapahusay ng paghawak nila sa tickets. Ang incident management software solution ay nagbibigay sa agents ng access sa sophisticated na ticketing system na nakatago sa loob ng isang madaling gamiting UI/UX.
Meron silang prioritization systems, company-wide na notifications, at napakagaling na flexibility. Kaya magaling na IMS solution ang AlertOps ay dahil may offer itong di matutularang contextualization kaya kayo nakakapagpresenta ng mga isyu sa on-call specialists sa mas diretsong paraan at nalulubos ang kanilang efficiency.
Meron din itong no-code Open API para sa mainam na daloy ng integration sa anumang kasalukuyang IT infrastructure.
Mga Pro:
- Sobrang daling gamitin
- Prioritization
- Monitoring ng KPI
- Bukod-tanging ticketing system
- May disaster recovery
- Abot-kaya
Mga Con:
- Limitadong kapasidad ng basic plan
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng AlertOps sa $5 bawat agent kada buwan para sa basic package pero puwedeng tumaas hanggang $23 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y ang kabuuang features na offer nila. Ang AlertOps ay meron ding libreng 14-araw na trial at custom packages/pricing kapag nag-inquire kayo.
7. ServiceNow
Ang ServiceNow ay isang napakahusay na IMS software na ginawa para sa mga enterprise na naghahanap ng protektadong workflow na puwedeng ma-streamline at maperpekto. Bukod sa ticketing, reporting, indexing, at resolution, pinapaganda ng software na ito ang inyong kasalukuyang business practices para mabasawan ang downtime, financial losses dahil sa kakulangan sa IT, at pinapahusay pa ang inyong customer service experience.
Ilan sa mga kritikal nitong pakinabang ay ang napakadaling gamiting UI na maganda ang disenyo at madaling ma-implement. Ang ServiceNow ay meron ding one-stop-shop na IT management platform na nakakapag-centralize ng inyong service operations, nakakatipid sa pera at oras, at napapahusay nang malaki ang issue management.
Mga Pro:
- Cloud-hosted
- Magaling ang reporting
- Madaling paganahin
- Top-tier na ticketing system
- Maganda ang support
Mga Con:
- Mataas ang upfront cost
- Walang onsite na option
Presyo:
Iba-iba na ang presyo ngayon ng ServiceNow. Depende kung gaano kakomplikado ang gusto ninyong sistema, puwedeng tumaas o bumaba ang presyo nito.
Bagama’t nag-aalok ang ServiceNow ng iba’t ibang mga pakinabang, mahalagang isaalang-alang pa rin ang ilang alternatibong posibleng tumuklas ng mga solusyon na mas nakaayon sa iyong mga partikular na pangangailangan. Tingnan ang iba pang ServiceNow competitor upang matiyak na makakapili ka ng solusyon na magiging pinakaangkop para sa iyong negosyo.
8. Spiceworks
Ang Spiceworks ay hindi talaga isang IMS solution dahil mas technology management software solution ito. Pero meron ding magandang incident management system ang software na ito na nakapagpapahusay pa rin ng customer satisfaction at nakaka-streamline ng operasyon ng inyong help desk.
Kasama sa standard features nilang reporting, analytics, announcements, notifications, at prioritization, kasama rin sa Spiceworks ang malawak na kakaibang features tulad ng expert advice, market insights, at trend research.
May offer itong ticketing, email management, reporting, workflow configuration, at maraming features na kaakibat sa IMS.
Ang online na alternatibo ng Spiceworks ay accessible mula sa anumang lokasyon, pero kulang ang features nito na nasa self-hosted na version.
Mga Pro:
- Full-stack na solution
- Maraming kakaibang features
- Optimized ang IMS solutions
- Magaling ang basic na monitoring
- Madali ang setup at training
Mga Con:
- Medyo nakakainis ang ads
- Limitado ang scaling options
Presyo:
Libre ang lahat ng packages para sa commercial na paggamit kaya ito ideyal na tool sa mga kompanyang naghahanap ng abot-presyong IMS solutions.
9. Rundeck
Ang Rundeck ay isang kakaiba, open-source, at DevOps-friendly na incident management system. Patuloy itong itinuturing na pinakamagandang option para sa small-scale operations at mas maliliit na response teams. Ang Rundeck ay hindi talaga isang IMS pero isang platform na nakagagawa ng IMS solutions.
Nakatutok ito sa automation kaya nakaka-streamline kayo ng lahat ng gawain mula sa customer support, ticketing, at incident responses. Sa Rundeck, puwedeng mag-automate ng mga repair, notification, at diagnostics, na sadyang magpapagaling ng efficiency ng inyong workflow.
Meron din itong kakaibang features tulad ng event triggers, load balancing, at automatic na resource-based scheduling.
Mga Pro:
- DevOps friendly
- Libre ang Community Licensing at Demo
- Maganda ang automation
- May visualization ng lifecycle
Mga Con:
- Hindi user-friendly
- Kailangan silang kontakin para sa Enterprise Licensing
- May pagka-komplikado
Presyo:
Ang Rundeck ay may Community License na libre at open-source pero ang support ay nakukuha lang sa community forums. Kailangan ng subscription ang kanilang Enterprise License, pero kailangan silang kontakin para makakuha ng quote. Kahit medyo komplikado ito kumpara sa ibang IMS solutions, ideyal ito sa maliliit na IT-heavy na kompanya dahil sa walang katulad nilang DevOps team support.
10. NinjaRMM
Ang NinjaRMM ay isang IMS solution na tutulong sa pag-track, pag-aayos, pag-index ng lahat ng papasok na tickets, at pag-minimize ng oras na kailangang gugulin sa pagtugon sa disruptions.
Dahil sa napakasimpleng implementation process nito, marami silang features. Meron din itong magaling na security features kaya protektado ang inyong business interests habang nagpapatakbo ng remote management at monitoring. Nababawasan din nito ang downtime ng IT professionals at ang posibleng pag-crash dahil DevOps-friendly nga ito.
Mga Pro:
- Madali ang integration
- Napaka-user-friendly ng UI/UX
- Remote na management tools
- Bukod-tanging seguridad
Mga Con:
- Medyo nakakalula ang options para sa baguhang users.
Presyo:
Flexible ang mga presyo ng NinjaRMM at custom ang pagprepresyo. Depende sa hanap ninyo at kung gaano ito kakomplikado, puwedeng tumaas ito o bumaba.
Have any questions about the software you should use?
Schedule a demo with one of our customer success experts.
11. Issuetrak
Ang Issuetrak ay isang madaling gamiting issue tracking software. Ang simple, secure, at slick software solution na ito ay nagagamit para sa pag-manage ng inquiries, pagtulong sa customers, at pag-streamline ng workflow habang nakakatipid hangga’t maaari sa downtime at mga crash.
Ito ay pangunahing platform sa pag-boost ng productivity at pagpapahusay ng inyong IT framework gamit ang napaka-user-friendly na interface. May offer itong mainam na daloy ng integrations, gumagana sa anumang third-party apps, at sobrang customizable.
Mga Pro:
- Customizable ang branding
- Corrective and preventive actions (CAPA)
- Multi-channel ang communication
- Regular ang updates
Mga Con:
- Medyo mahirap ang installation
Presyo:
Nakabatay ang presyo ng Issuetrak sa custom quotes. Depende sa uri ng software at sa level ng sophistication na hanap ninyo, puwedeng tumaas o bumaba ang presyo nito.
12. Jira Service Management
Ang Jira Service Management software, na kilala dati bilang Jira Service Desk, ay napakagaling na IMS solution para sa maliit hanggang mid-sized na teams para sa streamlining ng notification, ticketing, at company-wide na communication. DevOps-friendly ito at nakatutok sa pagbabawas ng mga posibleng disruptions at insidente sa pagbibigay ng napakagaling na indexing system, detalyadong insights, at analytics.
Bukod sa madali itong gamitin, simple, at magaang na service management software, may offer din ang Jira Service Management na libreng help desk features.
Mga Pro:
- Sobrang daling gamitin
- Magaan
- User-friendly ang UI
- Notifications sa buong kompanya
Mga Con:
- Kulang sa features na dapat ay basic na bahagi ayon sa industry standards
- Medyo may pagkamahal
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Jira sa $20 bawat agent kada buwan para sa standard plans pero puwedeng tumaas hanggang $40 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y ang kabuuang features o mas maraming agent seats (hanggang 15 agents). May offer silang libreng version na kasama ang help desk solutions at isang basic na IMS din.
13. xMatters
Ang xMatters ay isang ITSM at IMS platform na nakatutok sa automation ng workflow, pag-streamline ng internal processes, pagre-report, at pag-aayos ng queries, tickets, at disruptions. Sa xMatters, protektado ang inyong business mula sa service issues sa pagbibigay ng detalyadong insight sa bawat ticket kaya nakapaglalagay na kayo ng solusyon bago pa man lumitaw ang anumang problema.
Ang IMS platform ay meron ding all-embracing workflow automation, na nakababawas ng downtime at nakakatipid ng pera kada taon. Meron itong on-call management, magaling na incident management features, at sobrang bilis na response times.
Mga Pro:
- Sophisticated
- Ino-automate ang workflow
- Bukod-tangi ang scheduling features
Mga Con:
- Mahirap i-set up ang integrations
- Complex ang UI
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng xMatters sa $9 bawat agent kada buwan pero puwedeng tumaas sa $39 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y ang kabuuan ng kanilang features. Ang xMatters ay meron ding libreng version at custom quote kung may partikular kayong requirements.
14. AlloyNavigator
Ang AlloyNavigator ay isang IT asset management at IMS system. Kumpara sa ibang nasa listahang ito, complex itong tool na maraming kasamang features. Kahit hindi gaanong accessible itong gamitin bilang tool, sobrang customizable at adjustable naman nito. Ibig sabihin, kung meron kayong large-scale operation, puwede ninyong iayon ang AlloyNavigator sa partikular ninyong pangangailangan.
May offer itong full-fledged na tech support, fully adjustable na nodes, modules, pati na rin napakahusay na customer service. Pero kahit complex ito, manageable pa rin, depende sa paggamit na ninyo. Magandang option ito para sa small-scale at large-scale applications ng IMS dahil sa walang kapantay nilang scalability.
Mga Pro:
- Bukod-tanging asset management
- Scalable
- Modifiable ang modules
- Software customization
- Customer at Tech support
Mga Con:
- Walang person-to-person na support
- Medyo nakakabigla ang documentation
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng AlloyNavigator sa $19 bawat agent kada buwan para sa hanggang tatlong agents, pero puwedeng tumaas sa $79 bawat agent kada buwan kung interesado kayo sa enterprise features nila. May offer din ang AlloyNavigator na libreng version at libreng demo ng premium version.
15. Derdack Alert
Ang Derdack ay isang simple at madaling gamiting magaan na IMS solution para sa maliliit at midsize na kompanya. May offer itong simpleng paraan sa pag-index, pag-aayos, at pag-notify sa mga tao tungkol sa anumang mga isyu, insidente, o disruptions. Napaka-straightforward nitong SaaS na magaling sa pag-optimize ng inyong response time, tipid pa sa downtime, at nami-minimize ang mga insidente at mga abala.
Simple ang UI nito, may drag-and-drop system para mapangasiwaan ang queries, at highly optimized na mobile app para sa pag-monitor at pag-manage ng mga insidente habang nasa labas kayo.
Mga Pro:
- Sobrang daling gamitin
- High-end na mobile app
- Napaka-straightforward ng UI
- May announcing sabuong kompanya
- Magandang daloy ng integration
Mga Con:
- Kakaunting bilang ng IMS features
- Di ideyal ang set-up ng updates
Presyo:
Nag-iiba-iba ang presyo ng Derdack Alert. Kontakin ang kanilang support staff at ipaliwanag kung paano ninyo balak gamitin ang kanilang software para mabigyan nila kayo ng quote.
16. Squadcast
Ang Squadcast ay isang detalyado at complex na incident management software na nabibigyang kakayahan ang mga enterprise na madaling mahawakan ang malalaking bilang ng incidents at disruptions. Meron itong intricate backend na may seamless frontend, kaya ito powerful pero madali pa ring gamitin.
Talagang ginawa ito para sa larger-scale applications at optimized din para sa pagbabawas ng downtime at mga SLO breach, mapahusay ang delivery at efficiency, at mabawasan ang maraming isyu, insidente, at disruptions hangga’t maaari.
Mga Pro:
- Madali ang integration
- Top-tier na mobile app
- Sobrang sophisticated
- May SLO tracking
- Alerts para sa buong kompanya
- Abot-kaya
- Rerouting capabilities
Mga Con:
- Kulang ng features at integrations kumpara sa ibang options
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Squadcast sa $9 bawat agent kada buwan para sa hanggang tatlong agents, pero puwedeng tumaas pa sa $19 bawat agent kada buwan. Pero may offer din ang Squadcast na libreng IMS solution na fully operational na para sa mga mid-range hanggang malalaking business.
17. StatusCast
Ang StatusCast ay isang top-tier na platform para sa pagma-manage ng mga insidente, pagre-report sa IT department, pag-maximize ng client satisfaction, at pagpapahusay ng inyong IT network functionality. Nakakapag-allocate pa kayo ng lahat ng inquiries at mga insidente habang may offer pang napakagaling na analytics features.
Isa sa nagpapagaling sa Statuscast bilang IMS ay nababawasan na nito ang gastusin ninyo sa IT dahil sa pag-streamline ng communication, pagbibigay ng detalyadong reports, at pag-offer ng napakagaling na management at monitoring capabilities. Puwede rin kayong maglagay ng proactive measures para maagapan ang anumang mga isyu bago pa man ito maganap.
Mga Pro:
- Magaan
- Comprehensive ang UI
- Powerful ang analytics
- Proactive na measures
- Magandang komunikasyon
Mga Con:
- May isyu sa flexibility at scalability
- Mahal
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Statuscast sa $39 bawat buwan hanggang sa 100 agents at 1 administrator, pero puwedeng tumaas sa $299 kada buwan para sa 5,000 subscribers at 10 administrators. May offer itong 14-araw na libreng trial para masubukan muna ninyo ang tool bago bumili (kakailanganin ng credit card).
18. C2Atom
Ang C2Atom ay isang magaling na ITSM na nagiging one-stop solution para sa incident, service, at workflow management. Nakakapag-set up kayo ng workflow management mula sa napakadaling scheduling at rescheduling dahil sa kanilang straightforward na UI.
Ang ibang perks sa paggamit ng C2Atom ay ang bukod-tanging security features sa pagprotekta ng data sa ITSM at ang dami ng features sa pagharap sa customers at anumang problemang makaharap ninyo sa inyong serbisyo. Puno rin ito ng service automation, AI, item reports, analytics, at asset management features.
Mga Pro:
- Cloud-based na incident management solution o onsite
- Maraming features
- Interactive ang GUI
- Training forums, documents, at webinars
Mga Con:
- Kulang ng customization para sa ibang features
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng C2Atom sa $50 bawat agent kada buwan para sa simpleng features tulad ng ticketing, pero puwedeng tumaas sa $65 bawat agent kada buwan kung ang hanap ninyo’y pinakabagong version. Meron silang demo trial at custom quotes at pagpepresyo batay sa inyong requirements.
19. Amixr
Ang Amixr ay isang simple at straightforward na lightweight ITSM software. Puwede ninyong ma-index ang mga insidente, magpadala ng reports, mag-prioritize nito, at panghawakan sila nang sobrang dali. Hindi man ito ang pinaka-sophisticated na tool sa listahan, ito naman ang pinakamahusay na option para sa mga business owner na gusto ng mas abot-presyo at madaling gamiting tool.
May offer itong mainam na integration sa third-party apps, magaling para sa on-call rotation, at may offer na disenteng pagsusuri at insight sa nakukuha ninyong queries para malaman ninyo kung ano pa ang puwede ninyong paghusayin sa paglaon. Meron itong ilang automation features at cloud-based ito, pero puwede ring maging on-site kung magsu-subscribe kayo sa mas mahal na version.
Mga Pro:
- Simple at straightforward
- Sakto lang sa reporting at analytics
- Buong kompanya ang abot ng notification at announcements
Mga Con:
- Di babagay sa malalaking organisasyon
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Amixr sa $9 kada buwan para sa SMS at phone calls pero puwedeng tumaas hanggang $19 kung hanap ninyo’y automation features. Meron din silang libreng version na disente na rin para sa basic alerting at on-call management.
20. Zenduty
Ang Zenduty ay sobrang scalable na IMS solution na ideyal sa lahat ng uri ng business operations. Basta’t namamahala kayo ng customers, incidents, disruptions, at queries, tutulong ang Zenduty bilang one-stop solution sa mga gawaing ito.
Meron itong basic na IMS features tulad ng alerting, prioritization, at on-call management, pero nagde-deliver din ng ilang exciting functionality tulad ng asset tracking at monitoring. Ito ay isang napakagaling na tool para sa centralization at frictionless incident response na workflow. Ito rin ay customizable kaya puwede ninyong madaling mahulma ang tool ayon sa partikular ninyong pangangailangan.
Mga Pro:
- DevOps friendly
- Customizable
- Scalable
- Maraming features
- May contextualization
Mga Con:
- Walang knowledge base
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Zenduty sa $19 bawat agent kada buwan para sa SSO at basic incident response solutions. Puwede ring tumaas hanggang $39 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y unli data at full-scale na administrator features.
21. Cortex XSOAR
Ang Cortex XSOAR ay isang top-tier na security-oriented na ITSM na maraming makabagong features na halos lahat ay tutok sa pag-automate ng IMS processes hangga’t maaari. Kilala ang tool dahil sa kanilang bullet-proof security, maraming magaling na integrations sa lahat ng apps, at nababawasan ang downtime ng inyong servers at mga serbisyo.
Ang ilang bagay na nakapagpapabongga sa Cortex XSOAR sa market ay ang kanilang management at monitoring features. Puwede kayong makapag-oversee, makapag-orchestrate, at makipag-interact sa maraming bagay na nagaganap sa cloud. Tutok sila sa cybersecurity.
Mga Pro:
- May seguridad
- Napakagaling na integration
- Madali ang customization
- Madali ang operation
Mga Con:
- Mahal pero flexible ang pagpresyo
- Kailangan ng vendor assistance sa pag-install
Presyo:
May offer ang Cortex XSOAR na custom pricing plans. Kontakin ang kanilang support staff para sa karagdagang impormasyon.
22. PagerDuty
Ang PagerDuty ay isang bukod-tanging IMS at CMS. Dahil dito, makararami kayo ng trabaho sa pag-automate nito mula sa help desk. Meron itong standard IMS features at tutok talaga sa pagtaas ng productivity, pagbawas ng downtime, at paglubos ng profits sa pagbibigay ng napakahusay na detalyadong communication at issue contextualization.
Kakaiba ang PagerDuty dahil bukod sa kanilang standard na IMS features, may kasama pa itong advanced na AI algorithms at gumagamit ng machine learning sa patuloy na pagpapahusay ng kanilang serbisyo at para mahulma ito ayon sa pangangailanan ninyo.
Mga Pro:
- AI at ML operated
- Lahat ng standard na IMS features
- On-call ang management
- Call re-routing
- Napakagaling ng seguridad
Mga Con:
- Complex
- Baka maging problema ang pricing rigidity sa iba
Presyo:
Ang PagerDuty ay may libreng option para sa maliliit na teams. Ang professional package ay $19 bawat user kada buwan para sa SSO, ticketing integrations, email, at chat support. Ang halaga nito ay $39 bawat agent kada buwan kung ang hanap ninyo’y unli na data access at advanced na ITSM integrations.
23. Splunk On-Call
Ang Splunk ay isa sa pinakamatagal nang IMS na well-established na sa market. Ginagamit at pinagkakatiwalaan ito ng mga kompanyang iba-iba ang laki, at kilala sa pagbibigay ng basic IMS features sa streamlined at madaling paraan.
Ito ay isang cloud-based platform na magaling ang pag-detect sa mga threats sa seguridad at mga anomalya habang may napaka-user-friendly na front end at GUI. Bukod sa IMS features tulad ng calls, rerouting, notifications, at reporting, may offer ang Splunk na cloud migration features at IT management pati na rin monitoring service tools.
Mga Pro:
- Well-established
- Laging ina-update
- Madaling gamitin
- May automation features
Mga Con:
- Exclusive sa cloud lang
Presyo:
May offer ang Splunk na custom pricing. Meron din itong libreng demo trial para masubukan muna ninyo ang kanilang features bago bumili.
24. Freshservice
Ang Freshservice ay isang full-stack na ITSM ecosystem na tutulong sa pamamahala, pagtingin, at pag-interact sa anumang insidenteng magaganap sa operasyon ng inyong negosyo. Mapapangasiwaan ninyo rito ang customer queries, index incidents, at mapapabilis ang delivery ng serbisyo sa nakamamanghang bilis.
Ang incident management capabilities ng Freshservice ay may offer na AI solutions na tutulong sa pagiging effortless ng pamamahala ng tickets, pag-announce ng issues, at pagreremedyo sa kanila sa record rate na may resultang record ROI.
Mga Pro:
- Napakahusay na scalability
- Napakahusay na sgeguridad
- Full-stack na solution
- Malaki ang resource base
- Team-oriented
Mga Con:
- Nakapokus lang sa internal customer base
- Kulang sa social media integrations
Presyo:
Nagsisimula ang presyo ng Freshservice sa $19 bawat agent kada buwan para sa full-scale na incident management pero puwedeng tumaas sa $109 bawat agent kada buwan kung hanap ninyo’y exclusive features.
25. SolarWinds Service Desk
Ang SolarWinds Service Desk software ay sa pang full-stack na solution para sa Incident at IT service management at monitoring. Gumagamit ito ng artificial intelligence sa pagkolekta, pag-index, pag-consolidate, pag-contextualize, at pag-prioritize ng incoming tickets. Maaayos ang anumang isyu bago pa man ito dumalas mangyari.
Interesante ang deduping system nila na napipigilan ang pag-overflow ng inbox sa dami ng pare-parehong requests. May offer din itong standardization ng service request management. Ideyal ito dahil sa two-end nature ng ITSM systems, dahil puwede ang optimal management, monitoring, at interaction sa lahat ng parties.
May kasama ring employee service portal kung saan makikita ng agents ang sagot sa mga common na isyung puwedeng mapagkamalan bilang mas seryosong insidente.
Mga Pro:
- Full-stack na solution
- Deduping system
- Contextualization
- Magandang komunikasyon
- May risk detection features
- May prioritization at announcements
Mga Con:
- Nakakalito ang UI
- Hindi bongga ang search function
Presyo:
Ang mga presyo ng SolarWinds ay nakabatay sa inquiries lang dahil ang bawat inquiry ay may custom quote. Depende sa klase ng software at level ng sophistication na hanap ninyo, puwedeng abot-presyo ito o sobrang mahal.
Ang top 5 na incident management software ikinumpara
LiveAgent
May magandang dahilan kung bakit LiveAgent ang nasa itaas ng aming listahan. May offer kasi itong magandang halo ng features sa abot-presyong halaga. Bukod sa consistent nitong paglampas sa kalaban, rasonable ang presyo, at madaling gamitin, nagde-deliver pa ng scalable na incident management solution.
May offer din itong real-time messaging, reporting, analytics, napakalawak na knowledge base, at isang aself-service na customer portal. Mahusay ito sa customization, integration, at meron pang omnichannel communication. Nagsisimula ang presyo ng LiveAgent sa $9.
Discover new features each time you login
LiveAgent is a multi-channel help desk software that offers numerous advanced features. Learn about them all.
Freshdesk
Isa pang matatag na kalaban ang Freshdesk sa korona ng pinakamagaling na IMS sa market. May offer itong maraming features na ang pinaka-importante ay ang kanilang sophisticated na incident management at ticketing system.
Tulad ng LiveAgent, suportado nito ang real-time na instant messaging, analytics, at reporting, at meron pang modernong knowledge base. Customizable ito kaya puwedeng mag-match ito sa kasalukuyan ninyong website design. Suportado rin ang omnichannel na communication.
Zendesk
Nangunguna ang Zendesk sa ibang mga listahan dahil isa ito sa pinakamahusay na IMS solutions sa market. Suportado nito ang maraming apps, may knowledge base, may offer na multi-channel na communication, at isa rin ito sa mas abot-presyo sa market.
Kahit abot-presyo man, may mga kakulangan pa rin. Di gaanong maganda ang phone app nila dahil madalas nagka-crash, at magulo rin ang UI sa dami ng options.
Spiceworks
Ang Spiceworks help desk ay ang IMS solution na may pinakamahusay na pagpepresyo dahil libreng-libre itong gamitin kahit pang-commercial use. Madali pang gamitin, pero di gaanong marami ang features. Kulang din ito sa ilang simpleng integrations, customization options, at omnichannel na communication.
Komplikado rin ang pag-set up nito at walang mobile support, kaya mahihirapan sa real-time na monitoring.
Splunk On-Call
Hindi maikokonsidera ang Splunk On-Call bilang purong IMS lang dahil meron din itong maraming features na labas sa kategoryang ito. Kabilang sa features ay ang messaging, omnichannel na communication, prioritization, at contextualization.
Sa huli, masasabing ang user interface ay medyo complex, at eksklusibo itong cloud-based, na hindi babagay para sa ibang enterprise applications.
Email support system | Capterra Rating | Libreng version | Libreng trial | Simulang presyo |
LiveAgent | 4.7/5 (mga halos 1K reviews) | OO | OO | $9 bawat agent/buwan |
Freshdesk | 4.5/5 (mga halos 2.3K reviews ) | OO | OO | $18 /buwan |
Zendesk | 4.4/5 (mga halos 2.6K reviews ) | HINDI | OO | $19 /buwan |
Spiceworks | 4.4/5 (493 reviews) | OO | OO | N/A |
Splunk On-Call | 4.5/5 (30 reviews) | HINDI | OO | $19 /buwan |
Panghuling pananalita
Kahit saan mang industriya kayo, basta’t makakaharap kayo ng mga insidente, disruptions, o gagamit ng ticketing system, makakabenepisyo ang paggamit ng isang IMS. Di lang tutulong ang IMS sa pag-streamline ng workflow ninyo para makatipid sa pera dahil nabawasan ang downtime, mapapahusay pa nito ang inyong internal na IT framework, masisiguradong karamihan ng mga isyu at disruption ay di na magaganap pa. Tutulong ito sa pagpapanatili sa inyong pakay at magtataguyod ng magandang pakikipagpalitan sa customers.
Maximize your chances of success
LiveAgent streamlines your workflows, manages multiple communication channels, and ultimately improves your relationship with customers.
Frequently Asked Questions
Paano maipapaliwanag ang software sa pamamahala ng insidente?
Ang isang software para sa pamamahala ng insidente ay isang solusyon na nagbibigay-daan sa iyo na malutas, mag-index, at mag-file ng iyong mga tiket at reklamo sa maayos na paraan, upang mapabilis pa ang iyong pagiging epektibo at daloy ng trabaho.
Bakit kailangan ng software para sa pamamahala ng insidente?
Taun-taon, nasasayang ng mga kumpanya ang mga halagang nasa 700 bilyong dolyar dahil sa downtime. Ang mga IMS na solusyon ay nakakatulong upang maibsan ang mga pagkawala sa pamamagitan ng pag-aasahan, magagandang tala, at pagiging nakikita sa mga kaganapan.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng software sa pamamahala ng insidente at help desk?
Ang software sa pamamahala ng insidente ay para lamang sa paglutas at pag-index ng mga insidente at pagkagambala, habang ang help desk ay para sa lahat ng mga query ng customer.
Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng cloud-based at on-premises na software sa pamamahala ng insidente?
Ang mga solusyon sa Cloud-based na IMS ay kadalasang mas mabilis, mas mura, at mas mahusay para sa maliliit hanggang sa katamtamang laki ng mga negosyo, at hindi sila nangangailangan ng maraming maintenance mula sa user. Ang mga solusyon sa software na nasa lugar ay karaniwang nakalaan para sa malakihang pagpapatakbo na may mga on-site na IT department.
Ano ang isang omnichannel incident management software solution?
Ang isang solusyon sa software sa pamamahala ng insidente ng omnichannel ay nangangahulugan lamang na ito ay gumagana sa buong enterprise, na nagbibigay-daan sa iyong ipahayag, abisuhan, at pangasiwaan ang mga custom na ulat at tiket sa malawak na saklaw.
Ano ang mga pakinabang ng paggamit ng software sa pamamahala ng insidente?
Ang mga solusyon sa IMS ay tumutulong sa mga kumpanya na makatipid ng pera, mapabuti ang pagiging maaasahan ng serbisyo, i-streamline ang kanilang daloy ng trabaho, at magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa kanilang mga customer.
Paano pumili ng pinakamahusay na software sa pamamahala ng insidente?
Bago ka pumili, kailangan mong malaman kung ano ang kailangan mo. Magtipon ng listahan ng lahat ng feature na gusto mong magkaroon ng iyong IMS, ang iyong badyet, at ang iyong mga kakayahan, at pumili ng IMS nang naaayon.
Magkano ang halaga ng software sa pamamahala ng insidente?
Karaniwang nakadepende iyon sa ilang kategorya: ang pagiging sopistikado ng software, ang bilang ng mga ahente na nagtatrabaho sa IMS, ang mismong provider. Ang ilang mga solusyon sa IMS ay walang bayad.
Paano gumagana ang software sa pamamahala ng insidente?
Isipin ang software sa pamamahala ng insidente bilang isang sentralisadong tool para sa pag-abiso, pagsusuri, at pag-automate ng ticketing, pagkaantala, at mga ulat upang makapagbigay ng mas mabilis na mga resolusyon, mas kaunting downtime, at makatipid ng pera.
Bakit mahalaga ang katiyakan ng kalidad para sa mga solusyon sa software sa pamamahala ng insidente?
Ang katiyakan ng kalidad ay isang pangunahing bahagi ng mga negosyo sa buong mundo, at dahil ang mga solusyon sa IMS ay humahawak ng mga tiket, ulat, at mga katanungan, palagi mong gugustuhin na piliin ang pinakamahusay na magagamit.
I-share ang article na ito
Bawasan ang gastos sa paggamit ng customer portal software
Discover LiveAgent's top customer portal software of 2021, designed to reduce costs and enhance customer self-service. Effortlessly set up a comprehensive portal with a knowledge base, community forum, and FAQs, empowering customers to resolve queries independently. Enjoy a free trial and improve response times while boosting customer satisfaction. Sign up today and transform your support experience!
Discover the top 20 ticketing software of 2024 with comprehensive price comparisons. Experience seamless customer care across all channels with LiveAgent's intuitive ticketing system, offering 24/7 support and no setup fees. Start a free trial without a credit card and empower your support team with advanced tools and features. Elevate customer satisfaction with faster support, live chat, and more. Explore how LiveAgent can transform your customer service experience today!
Software ng serbisyong kustomer
Tuklasin ang 20 pinakamahusay na software ng serbisyong kustomer ng 2022 sa LiveAgent! Alamin ang benepisyo at pangunahing tampok ng mga kasangkapang ito tulad ng LiveAgent, Freshdesk, at Zoom upang mapalakas ang ugnayan sa kustomer, mapabilis ang paglutas ng isyu, at mapahusay ang kasiyahan ng kustomer.