Ang LiveAgent call center security checklist ay nagbibigay ng mga hakbang para protektahan ang network at impormasyon laban sa unauthorized access at data breaches. Kasama rito ang access control, password changes, at data encryption para tiyakin ang kaligtasan ng call center.
May kumpiyansa ba kayo na ligtas ang inyong call center? Kung hindi, tingnan ang call center checklist na ito.
Tatalakayin namin ang mga pinaka-importanteng security measure na kailangan ninyong gawin para maprotektahan ang inyong business. Iko-cover namin lahat mula password protection hanggang data encryption. Sa pamamagitan ng pagsunod sa aming tips, makasisiguro kayong ang inyong call center ay magiging ligtas mula sa hackers at iba pang external threats.
Ang call center ay isang kritikal na bahagi ng anumang business. Ito ang lifeline na nagdudugtong sa inyo sa inyong mga customer at mga kliyente. At, katulad ng ibang importanteng asset, kailangan itong protektahan.
Kaya naman ginawa namin ang call center security checklist na ito. Makatutulong ito sa inyong matukoy ang mga kahinaan ng inyong contact center security, pati na rin ang pagbibigay ng call center security tips kung paano aayusin ang mga ito.
Makatutulong sa inyo ang checklist na ito na ma-assess ang seguridad ng inyong call center at matugunan ang mga pangangailangan ng inyong business.
Gamitin ang checklist na ito para i-evaluate ang seguridad ng inyong call center at tiyakin na ito ay top quality.
Kung kayo ay nagtatrabaho sa isang IT team, kailangan ninyo talagang basahin ang checklist na ito. Makatutulong ito sa inyong matukoy ang security risks sa isang call center at makahanap ng mga solusyon para maagapan ang mga ito.
Kinakailangan ang matatag na access control measures sa kahit na aling call center. Nakatutulong ito sa inyong maagapan ang unauthorized access sa inyong system at data. Ang multi-factor authentication, single sign-on, at role-based access control ay mahuhusay na options na puwedeng ikonsidera.
Ang multi-factor authentication ay nagdadagdag ng extra layer ng seguridad. Ginagawa nitong mas mahirap para sa mga hacker ang makakuha ng access sa inyong system.
Sa multi-factor authentication system, kailangang magbigay ng higit sa isang ebidensiya ang users para makumpirma ang identidad. Sa single sign-on, puwedeng mag-log in ang users gamit ang isang set ng credentials sa halip na maraming sets. Nililimitahan ng role-based access control ang users sa area at data lang na kailangan nilang ma-access.
May access ang customer service representatives sa mga sensitibong data ng customer. Kaya importanteng limitahan ang mga level ng access ng kanilang mga pribilehiyo.
Makatutulong ito sa inyong maagapan ang unauthorized access sa sensitibong data ng customer at maagapan ang mga ito bago mag-leak palabas sa kompanya.
Limitahan ang access sa ilang lugar ng call center. Limitahan ang oras na puwedeng gugulin ng isang agent sa isang area. I-monitor ang activity ng agent at i-flag ang anumang kaduda-dudang kaugalian.
Ang pagpipilit na palitan nang regular ang passwords ay isang pundamental na security measure.
Ang regular na pagpapalit ng passwords ay makatutulong na maagapan ang unauthorized access sa inyong system. Makatutulong din itong maprotektahan ang inyong data sakaling mai-leak o manakaw ang isang password.
Puwede kayong gumamit ng password management tool na gagawa at magtatago na passwords para sa inyo. Puwede rin kayong mag-set up ng inyong sariling password rotation schedule. Halimbawa, puwede ninyong i-require ang users na magpalit ng kanilang passwords tuwing ika-30 araw. Dapat din nilang palitan ang default passwords kaagad.
Gaano kadalas dapat palitan ang passwords? Nirerekomenda ng karamihan ng mga expert ang pagpapalit tuwing ika-3 hanggang 6 na buwan. Pero kung marami kayong sensitibong impormasyon, puwedeng kailanganin ninyong magpalit ng password nang mas madalas pa roon.
Sakaling magkaroon ng isang security breach, hindi ninyo gugustuhing mawalan ng access sa inyong logs o IP addresses.
Makatutulong ang pag-access ng logging at IP address sa inyo na masundan ang source ng problema at maagapang maulit ito.
Gumamit ng isang secure cloud-based service na nagtatago ng logs at IP addresses. Magbibigay ito ng permisong ma-access ang mga ito kahit saan at pananatilihing nakatago ang mga ito. Puwede rin kayong gumamit ng on-site solution, pero kadalasan mas mahal ang mga ito.
Isa sa mga pinakakaraniwang paraan para makapasok ang malware sa computer ay sa pamamagitan ng mga program na na-install nang hindi nalalaman ng users.
Hinahayaan kayo nitong agapan ang unauthorized access sa inyong system at data, at pinoprotektahan ang inyong kompanya mula sa pananagutan kung ang program na naka-install ay merong malware.
Bilang isang call center manager, dapat kayong maglunsad ng mahihigpit na rules para sa pag-install ng programs sa computers ng kompanya. Ang programs lang na kailangan sa kanilang trabaho ang dapat pahintulutang ma-install ng mga empleyado. Dapat ipagbawal ang ibang programs.
Dagdag pa, dapat ang IT department ang mag-install ng lahat ng programs para matiyak na authorized programs lang ang na-install sa mga computer ng kompanya. Gumamit din ng application whitelist, na nagbibigay ng permiso sa inyong tukuyin ang applications na puwedeng ma-install sa inyong system, at blacklist na tumutukoy sa mga na-block.
Isa sa pinakamahusay na paraan para maagapan ang security breaches ay ang panatilihing updated ang lahat ng systems.
Makatutulong ang regular na pag-update sa pagsasara ng anumang security loopholes sa kasalukuyan. Makatutulong din itong maprotektahan ang inyong system sa mga bagong security threat na puwedeng lumitaw mula sa huling update.
Gumamit ng automatic updates o puwede ninyong i-update nang manual ang inyong system. Sa ganitong kaso, mahalagang hindi makalimutang gawin ito nang regular – bigyang pansin ito.
Tandaan, ang inyong network rules ang foundation ng inyong security plan. Sa regular na pagre-review ng mga ito, makasisigurado kayong itutuloy nila ang pagprotekta sa inyong data.
Dahil habang lumalago ang inyong business, ganun din ang bilang ng devices at applications nakaka-access sa inyong network. Puwede itong gumawa ng bagong security risks na hindi ninyo namamalayan. Sa regular na pagre-review ng inyong network rules, makasisiguro kayong epektibo pa rin ang mga ito at pinoprotektahan ang inyong data.
Ang minimum na dapat ninyong i-review ang inyong network rules ay tuwing 6 na buwan. Gayunman, kung nakaranas kayo ng kahit na anong pagbabago sa inyong business (e.g. nagdagdag ng mga bagong empleyado o applications), dapat ninyong i-review ang inyong network rules nang mas madalas.
Kung malaman ninyong ang network rules ay hindi na epektibo, gawin ang mga kinakailangang pagbabago at ipatupad ang mga ito kaagad hangga’t maaari.
Dapat ang mga empleyado ninyo ay mahusay na na-train tungkol sa inyong company security policies at procedures (gayundin habang onboarding). Magbigay ng ongoing training, na tailored sa partikular na pangangailangan ng inyong call center.
Dahil ang inyong mga empleyado ang unang linya ng depensa laban sa security threats. Sa pagbibigay sa kanila ng dedicated training sa security protocols, makasisiguro kayong maayos silang nakapaghanda sa pagtukoy at pagtugon sa security risks.
Siguraduhing naiintindihan ng lahat ng mga empleyado ang importansiya ng seguridad at bakit kinakailangan ang pagsunod sa protocol. Magagawa ito sa pamamagitan ng regular na training at mga reminder.
Bigyan ng access sa security policy manual ng inyong kompanya ang lahat ng mga empleyado. Dagdag pa, dapat ang bagong hires ay makatatanggap ng tamang training sa security protocols mula sa unang araw para sila ay maging ganap na handa.
Isa sa mahuhusay na paraan ang simulations para i-train ang mga empleyado kung paano tukuyin at tumugon sa security risks. Isama sa inyong employee handbook ang impormasyon tungkol sa security policies at procedures ng kompanya at regular na i-review ang mga ito kasama ng lahat ng mga empleyado.
Ang gamification ay isang proseso ng pagsasama ng game elements sa ibang activities para mahikayat at ma-motivate ang tao. Ano ang mga epekto nito sa safety ng inyong call center?
Dahil ito ay nakaka-engage at nakaka-motivate ng mga empleyado. Sa pagsasama ng game elements sa training process, puwede ninyong gawin interactive na kasahayan ito. Ito ay makahihikayat ng maraming empleyado na patuloy na matuto kahit nakumpleto na nila ang kanilang unang training, na magpapahusay ng inyong call center safety.
Ang gamification features sa LiveAgent ang nakaka-engage sa inyong agents na paghusayin ang kanilang performance. Sa pamamagitan ng paglutas ng queries at pagpapahusay ng kanilang skills, makakamit ng mga agent ang levels sa paglipas ng panahon. Para mas ma-motivate pa ang inyong mga empleyado, puwede ninyong bigyan ng rewards at badges ang inyong pinakamasisipag na empleyado o gumamit ng benchmarks at leaderboards.
Sa paggamit ng features na ito ng customer service, mas nagiging engaged ang mga agent at natataguyod ang healthy competition. Bilang resulta, ang productivity at collaboration ay tataas.
Ang call center knowledge base ay isang centralized at cloud-based platform kung saan nakatago ang kaalaman sa anyo ng guides at documents. Accessible ito anumang oras at mula sa kahit na anong device.
Dahil ang inyong knowledge base ay mahalagang bahagi ng security procedures ng inyong call center. Isinasaayos nito ang operation ng inyong call center sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga agent ng mabilis at madaling access sa impormasyong kailangan nila.
Ang Payment Card Industry Data Security Standard (PCI DSS) ay isang set ng security standards na dinisenyo para protektahan ang transmission ng data ng cardholders.
Dahil kinakailangan ang PCI compliance para sa lahat ng kompanyang nagpoproseso, nagtatago, o nagta-transmit ng credit card information. Sa pagprotekta ng access sa data ng cardholder, puwede ninyong magawang compliant ang inyong kompanya sa PCI standards. Inaagapan nito ang data breaches at pinoprotektahan ang impormasyon ng inyong mga customer.
Isama ang data security sa inyong call center employee training session. I-encrypt lahat ng credit card information na tina-transmit sa phone at hindi isinusulat o tinatago ang credit card numbers. Kinakailangang gumamiit ng malalakas na passwords ang mga empleyado para maka-access sa system na nagpoproseso o nagtatago ng mga detalye ng credit card.
Importante ang pagpapanatiling updated ng inyong call center software sa pinakabagong security measures.
Dapat maging compliant ang call center software sa kasalukuyang security measures para maprotektahan ang data ng inyong call center.
Kapag pumili kayo ng call center software, magtanong sa software service provider kung meron silang compliance certification. Ang data security ang dapat na top priority para sa kompanya.
Magtanong sa mga industry expert kung nirerekomenda nila ang software na ito para sa call centers at magbasa ng online reviews para makita kung nagkaroon ng magagandang karanasan ang ibang call center professionals dito. Pero puwede naman laging makipag-ugnayan sa isang call center security consultant para makuha ang kanilang opinion sa pinakamahusay na paraan para makapag-verify ng compliance.
Makatutulong ang real-time alerts na mabilis na ma-detect at maimbestigahan ang kaduda-dudang activity at maagapan ang data leaks.
Sa pagiging alerto agad tungkol sa anumang unauthorized access, makagagawa kayo ng mga hakbang para maagapan ang breach na mangyayari.
I-check sa inyong call center software provider kung meron silang offer na anumang security features na may kasamang notifications tungkol sa unauthorized access. Puwede rin kayong mag-set up ng hiwalay na notification system gamit ang tool gaya ng IFTTT para sa pakay na ito, o magpa-set up sa inyong IT team ng alerts para ma-notify kayo tungkol sa anumang unauthorized access.
Isa sa mga pangunahing dahilan ng data breaches ay ang human error. Sa pag-automate ng mas maraming proseso ng inyong call center hangga’t maaari, makatutulong kayong ma-eliminate ang potensiyal na security risks.
Sa pag-automate ng call center tasks, napatataas ninyo ang chances na makumpleto ang mga ito nang tama at maingat. Nakatutulong din itong mabakante ang oras ng inyong mga empleyado para makapag-focus sila sa ibang tasks para mapahusay ang pagiging epektibo ng inyong call center.
Tukuyin kung aling tasks ng inyong call center agents ang nangangailangan ng mas maraming oras at kung puwede bang i-automate ang mga ito. Ang ilang tasks, tulad ng customer service o sales, ay hindi puwedeng ma-automate nang buo. Gayunman, puwede pa rin ninyong gamitin ang automation sa ilang bahagi ng proseso, katulad ng follow-ups o appointment scheduling.
Halimbawa, sa LiveAgent, puwede ninyong i-automate ang call routing ayon sa importansiya o gamitin ang automatic callback. Dagdag pa, puwede kayong mag-set up ng automation rules sa help desk para maglipat ng tickets sa mga partikular na department, magdagdag ng tags, magmarka ng tickets bilang spam, o lutasin ang mga ito.
Maraming security frameworks ang tinantanggap na katulad ng ISO 27001, NIST 800-53, at COBIT.
Hinahayaan kayo nitong sundan ang isang set ng security guidelines na subok na. Ginagawa rin nitong mas madali sa ibang mga business at maintindihan ang inyong security stance at para ma-assess ng auditors ang inyong compliance.
Ang unang hakbang ay ang pagtukoy kung aling framework ang pinaka-angkop sa inyong business. Kapag nagawa na ito, puwede na ninyong umpisahang gumawa ng mapa ng mahigpit na security controls na kinakailangan ng framework at maisagawa ang mga ito sa inyong call center.
Kung ang inyong call center ay nagbibigay ng international services, alam dapat ninyo ang iba’t ibang data at privacy standards na meron sa bawat bansa, e.g. GDPR.
Ang data at privacy standards ay iba-iba sa bawat bansa, kaya importanteng tiyakin na kayo ay sumusunod sa standards sa mga lugar kung saan kayo may operations para makaiwas sa anumang multa.
Ang isa sa pinakamahusay na paraan ay ang pagkonsulta sa abogado o compliance specialist na pamilyar sa standards ng mga bansa kung saan kayo may operations. Hindi kayo dapat umaasa sa general advice galing sa internet, dahil puwedeng magbago ang standards at ang makita ninyong impormasyon ay hindi updated.
Ang end-to-end encryption ay isang security measure na ine-encrypt ang data mula sa source (ang sender) at dini-decrypt ito sa destinasyon lang (ang receiver).
Tinitiyak ng paggawa nito na ang sender at receiver lang ang puwedeng maka-access ng data, at maiwasan ang intermediate parties na ma-decrypt o mabasa ang mga ito.
Kakailanganin ninyong pumili ng end-to-end encryption solution na compatible sa inyong call center software. Kapag nakapili na kayo, puwede na ninyong umpisahang mag-encrypt ng mga tawag na ginawa sa pamamagitan ng inyong call center.
Ang mga hacker ay patuloy sa paghahanap ng mga bagong paraan para i-exploit ang mg kahinaan ng security ng systems, at hindi naiiba ang mga call center. Sa katunayan, sila pa marahil ang mas mahina kaysa sa ibang business dahil sa uri ng kanilang trabaho.
Isa sa pinakamalaking banta sa seguridad ng call center ay ang data leakage. Maraming paraan para ito mangyari, katulad ng aksidenteng pagpapadala ng email na may sensitibong impormasyon ng isang empleyado sa maling tao, o pagkakaroon ng pisikal na access ang hackers sa system at pagnanakaw ng data. Paano ninyo mapoprotektahan ang inyong kompanya?
Turuan ang mga empleyado tungkol sa importansiya ng seguridad at tamang pag-aasikaso ng sensitibong impormasyon. Magsagawa ng mahigpit na policies at procedures para sa pag-aasikaso ng sensitbong data. Gumamit ng data encryption para protektahan ang impormasyon, sa parehong naka-transit at naka-rest. Regular na i-monitor ang systems para sa mga palatandaan ng unauthorized access.
Isa pang malaking banta sa seguridad ng call center ay ang mga network na hindi naka-segment, ibig sabihin ang ginagamit ng call center ay hindi nakahiwalay sa iba pang network ng kompanya. Puwede itong maging problema dahil ang security breach sa ibang bahagi ng network ay puwede ring makaapekto sa call center.
Sa kadahilanang ito, importanteng i-segment ang call center sa iba pang network ng kompanya sa pamamagitan ng firewalls o virtual private networks (VPNs).
Importante ring magkaroon ng security policies at procedures sa lugar na maglilimita ng access sa network na call center. Authorized personnel lang dapat ang may access, at puwede lang nila itong gawin sa mga aprobadong lugar.
Ang phishing ay isang uri ng cyber attack na kinasasangkutan ng mga hacker na nagpapadala ng nanlolokong emails o messages sa pagtatangka nilang makapanloko ng tao para magbigay sa kanila ng mga sensitibong impormasyon. Puwede itong maging problema para sa call centers dahil puwedeng maloko ang mga empleyado na magbigay sa hackers ng access sa kanilang system.
Para makatulong na maprotektahan laban sa phishing attacks, importanteng maturuan ang mga empleyado kung paano sila makikita. Magandang ideya rin ang maglunsad ng security measures katulad ng two-factor authentication, na ginagawang mas mahirap para sa hackers na magkaroon ng access sa systems.
Ang mga social engineering scheme ay nagiging mas sophisticated, at ang mga empleyado ng call center ang kadalasang unang linya ng depensa sa mga naturang pag-atake. Ini-exploit ng mga hacker ang social engineering schemes para maloko ang mga empleyado na ibunyag ang mga sensitibong impormasyon o bigyan sila ng access sa system.
Edukasyon ang pinakamahusay na paraan para maprotektahan laban sa social engineering attacks. Dapat malaman ng mga empleyado ang mga red flag katulad ng hindi inaasahang requests para sa impormasyon o tawag mula sa mga di kilalang numero.
Ang ransomware at malware ay parehong uri ng malicious software na puwedeng gamitin sa pag-atake sa mga call center. Puwedeng gamitin ang ransomware para mag-encrypt ng data at mag-demand ng ransom para sa decryption key, habang ang malware ay puwedeng gamitin para ma-disable ang systems o nakawin ang data. Ang paglulunsad ng security measures katulad ng encryption at regular backup ay puwedeng makatulong na maiwasan ang ganitong uri ng pag-atake. Maganda ring ideya ang magkaroon ng security policy na magre-require sa mga empleyadong i-report ang anumang kaduda-dudang emails o messages.
Kahit ang VoIP ay kinokonsiderang mas may seguridad kaysa sa tradisyonal na linya ng telepono, may ilan pa ring konektadong risks dito. Halimbawa, kung ang inyong VoIP system ay hindi tama ang pagkaka-configure, posibleng marinig ng hackers ang mga pag-uusap sa telepono. Pero kung gumagamit kayo ng call encryption at call center software na may seguridad at compatible sa lahat ng regulations at security standards, wala dapat kayong aalalahanin.
Ang encryption ay isang prosesong nagko-convert ng readable data sa format na hindi mababasa. Ito ang sisiguradong ang mga authorized na tao lang ang magkaka-access sa impormasyon. Ginagamit lagi ang encryption katambal sa ibang security measures tulad ng passwords o biometrics para mas ma-secure pa ang data. Kaya basta’t napapanatiling protektado ang encryption keys, magiging sobrang epektibong paraan ito sa pag-secure ng data.
Ang IVR ay isang tipo ng automated call system na nagbibigay-daan sa customers na makipag-interact sa isang kompanya gamit ang phone sa paglalagay ng tugon nila sa mga pre-recorded na tanong. Kadalasang itinuturing ang IVR systems bilang secure dahil di nila kailangan ng kontak sa tao at lahat ng calls ay kadalasang nire-record pa.
Pinoprotektahan ninyo dapat ang impormasyon ng customers para di ito ma-access ng mga di-awtorisadong tao. Dagdag pa, mapipigilan din nito ang fraud at ibang uri ng cybercrime. Ang pagpapatibay sa security ng inyong call center ay makatutulong ding madagdagan ang customer satisfaction at mapatatag ang tiwala sa brand ninyo.
Dapat silang gumamit ng secure na internet connection (hindi dapat public networks) para maprotektahan ang remote access, makagawa at mag-manage ng malalakas na password, maa-access lang ang work accounts nila mula sa pinagkakatiwalaang gadgets, at masiguradong mag-log out nang lubos mula sa kanilang accounts pagkatapos magtrabaho. Sa pagsunod ng simpleng security measures na ito, matutulungan ng work-from-home call center agents na protektahan ang kanilang work data at impormasyon.
Call center compliance checklist
Ang seguridad ang palaging dapat unahin ninyo. Tinitiyak ng call center compliance checklist naming ang mga call center ninyo ay protektado mula sa anumang threats at leaks.
Ang ultimate call center checklist
Interesado ba kayong magtayo ng isang call center pero walang kayong ideya kung saan magsisimula? Naglagay kami ng call center checklist na gagabay sa inyo sa bawat hakbang.
Call center requirements checklist
Kayo ba ay magsisimula ng call center? I-verify kung naabot ninyong lahat ang call center requirements mula sa listahan – huwag kaligtaan ang bawat hakbang at i-check ang boxes.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team