Ang customer service audit checklist ay naglalaman ng mga hakbang para suriin at mapabuti ang kalidad ng customer service, kabilang ang feedback mula sa mga tauhan at kliyente, pag-audit ng reklamo, at pag-monitor ng KPIs.
May sistema ba kayo para ma-track ang customer service performance? Kayo ba ay may pananalig na ang inyong team ay nakapagbibigay ng magaling na customer care?
Kung hindi, kailangan ninyo magsimulang mag-conduct ng isang customer service audit. Narito ang step-by-step checklist para makatulong.
Gamit ang checklist na ito, kaya ninyong i-evaluate nang systematic ang inyong contact center operations at mapabuti ito araw-araw. Kaya nitong sagutin lahat ng inyong tanong at magbigay sa inyo ng mga ideya kung saan dapat i-focus ang inyong pagsisikap sa hinaharap.
Ang isang pag-audit ng customer service ay may kakayahang maglabas ng flaws na hindi ganoon kadaling madidiskubre. Ito ay isang napaka-importanteng hakbang para matiyak na ang inyong customers ay masaya sa inyong serbisyo.
Pagdating sa customer service, tinitiyak ng isang audit checklist na lahat ng stakeholders ay pare-pareho ang pagkakaintindi. Ang paggamit nito ay makatutulong na mapabuti ang komunikasyon at ang level ng serbisyo sa pangkalahatan.
Mabilis alamin ng mga business kung kailangan nilang gumawa ng mga pagbabago sa pamamagitan ng pag-review ng quality ng kanilang customer service.
Matututo ang mga business sa kanilang mga pagkakamali. Sa pag-review ng quality ng customer service, kaya nilang makita kung saan nila kailangan isagawa ang pagbabago at ayusin ang mga isyu.
Ang pinakamadaling paraan ay magtanong sa customers – i-survey sila tungkol sa kanilang mga karanasan at hikayatin silang magbigay ng feedback.
Parehong i-monitor ang mga reklamo at mga papuri, pati na rin ang customer service metrics. Ang ilang factors na dapat ninyong ikonsidera kapag nagre-review ng quality ng customer service ay:
Ang pagpapatakbo ng isang business ay nangangailangan ng goals na gusto ninyong makamit. Kapag magko-conduct ng isang audit, isa sa pinakapunto ay maikumpara ang inyong kasalukuyang quality sa inyong targets.
Sa pag-aaral ng data na ito, ang mga kompanya ay may mas malalim na pag-unawa sa kanilang performance at makakuha ng perspective.
Isang magandang simula ay ang pagtingin sa goals ng ibang business sa parehong industriya at customer service benchmarks. Para tumakbo nang maayos ang analysis, magtakda ng goals na malinaw at nasusukat para puwedeng matukoy ang tagumpay nito. I-track ang araw-araw, lingguhan, at buwanang progreso para makakuha ng kumpletong overview ng performance ng inyong team.
Ang pagkakaroon ng gap sa business ay isang lugar na kasalukuyang hindi napaglingkuran. Ito ang inyong pagkakataon para lumago.
Ang pagtukoy sa gaps ay nagbibigay ng pahintulot sa inyong mag-focus sa mga lugar na kailangan ng pansin. Makatutulong ito sa inyong mas mapahusay ang customer satisfaction at madagdagan ang profits.
Gumawa ng plano para masukat ang pag-unlad ng inyong business. Sukatin ang market penetration, mga kinikita, at bagong customer statistics.
Alamin kung nasaan na ang mga bagay-bagay ngayon at kung nasaan ito sa hinaharap. Tukuyin ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito.
Alinsunod sa nakaraang inilunsad na goals, isinama sa hakbang na ito ang pag-set up ng strategies, goals at pagtukoy sa mga kailangang gawin para makamit ito.
Nakatutulong itong makatipid ng oras at gastusin para ang supervisors at agents ay mas maka-concentrate sa kanilang tasks. Bilang resulta nito, malalaman ng team ninyo kung ano ang gagawin.
Magsimula sa pag-set ng goals kung ano ang gusto ninyong mapahusay. Puwede itong maiugnay sa customer satisfaction, employee satisfaction, o revenue growth.
Pagkatapos mag-set ng goals, gumawa ng isang plano kung paano ito ipatutupad. Kumpirmahin na ang plano ay puwedeng makamit at puwedeng sukatin.
Tandaan na ayon sa kasabihan, “nothing happens overnight.” Malamang na mangangailangan ito ng panahon at pagsisikap para mapahusay ang inyong customer service, pero sa pagtukoy ng mga paraan para magawa ito, gumagawa kayo ng unang hakbang patungo sa pagkamit nito.
Ang isang customer service audit ay hindi kumpleto kung walang data. Para maintindihan ang kasalukuyang estado ng inyong business, kailangan ninyong makalap ang mahalagang impormasyon.
Ang pagtitipon ng data ay kinakailangan para maintindihan ang estado ng inyong customer service at gumawa ng improvements. Ang tamang data ay makatutulong sa inyong matukoy ang mga lugar na may problema, i-track ang pag-unlad, at gumawa ng mga tamang desisyon sa hinaharap.
Ang pag-aaral ng data na binigay ng help desk software ay ang pinakamabilis na paraan para gawin ito. Sa loob lang ng ilang minuto, kaya ninyo makalikha ng detalyadong report at makita ang data na napaka-importante para mapahusay ang inyong serbisyo.
Ang LiveAgent ay may offer na 11 reporting features, tulad ng:
Ito ang ilang halimbawa kung ano ang kayang gawin ng LiveAgent para sa inyo. Subukan ito para makita kung paano nito napapaganda ang customer success sa inyong business.
I-check kung ang inyong business ay nagbibigay ng parehong serbisyo sa lahat ng channels. Kasama rito ang phone, email, social media, WhatsApp, live chat, etc. Bawat channel ay dapat merong isang team ng dedicated customer service representatives na sinanay para asikasuhin ang issue at concerns ng clients.
Tinitiyak nitong isang hindi pabago-bagong level ng karanasan ay naibibigay at nakukuha ng clients ang tulong na kailangan nila, anuman ang channel na ginagamit nila.
Tukuyin kung aling channels ang ginagamit ninyo para sa komunikasyon sa customers. Tingnan kung gaano kahusay gumagana ang mga channel na ito at alin ang kapaki-pakinabang na ayusin. Kasama rito ang pagtingin sa response times, customer satisfaction rates, at ang tipo ng mga ginawang reklamo.
Tip: To improve your ability to manage inquiries from all channels and have them all under one roof, consider LiveAgent’s omnichannel inbox.
Ang inyong mga empleyado ang backbone ng inyong customer service. Sila ang nasa front line at may first-hand na karanasan sa pagharap sa customers. Alamin kung ano ang kanilang iniisip.
Ang pakikinig sa employees ay kinakailangan kung gusto ninyong mapahusay ang customer service. Makapagbibigay sila ng mahalagang insights.
Kunin ang mga opinyon ng customer service agents tungkol sa sumusunod:
Ang mga opinyon ng customers ay mahalaga sa strategy at operations ng business. Kailangan ng bawat kompanya ang customer feedback para maintindihan kung paano napapansin ang kanilang brand at nakikipag-ugnayan ang tao rito.
Sa pag-unawa sa gusto at ayaw ng customers, puwedeng gumawa ng pagbabago ang mga business na magpapahusay ng customer experience.
Magtanong nang may partikular na goals. Matukoy kung aling paraan ang mas gagana para sa inyong business, pagkatapos magsimula na.
Ang pagtaguyod ng relasyon sa customers ay kinakailangan para mapilitan silang mag-iwan ng feedback. Batiin ang customers gamit ang kanilang unang pangalan at gawing open-ended ang mga tanong. Mag-offer ng mga discount para sa customers na magbibigay ng kanilang opinion.
Kapag hindi kuntento ang customers, madalas nakikipag-ugnayan sila sa customer service department. Sa pakikinig/pagbabasa at pag-aaral sa mga reklamo, puwede ninyong matukoy ang mga problema.
Ang pakikinig sa reklamo ay hinahayaan ang mga business na matukoy ang kanilang root cause. Sa pag-intindi kung ano ang dahilan sa pagrereklamo ng customers, makagagawa ng hakbang ang mga business para maayos ang problema.
Gumamit ng quality call center software na may kasamang call recording features katulad ng LiveAgent. Pagkatapos, mag-review ng napiling mga reklamo para sa analysis.
Maghanap ng patterns sa mga tipo ng reklamo. Baka merong isang partikular na problemang palaging lumalabas. Imbestigahan kung ano ang dahilan ng customers para makipag-ugnayan sa customer service at subukang lutasin ang mga problemang iyon.
Ang pag-offer ng customer service sa iba-ibang wika ay isang malaking pakinabang para sa mga business.
Hinahayaan kayong makipag-usap sa maraming leads at madagdagan ang pagkakataong mapanatili sila bilang customers.
Ang customer service representatives ay madalas may kakayahang magsalita ng maraming wika at puwedeng magruta ng calls ayon sa kanilang kakayahan sa wika. Gayunman, ito ay magastos na option, kaya kadalasan ay website at marketing materials lang ang isinasalin sa ibang wika ng mga business.
Ang customer service onboarding ay ang proseso kung saan ang mga bagong empleyado ay maayos na nakikilala ang inyong kompanya, policies, at procedures.
Isa sa pinaka-importanteng aspekto sa pagbigay ng magandang customer service ay siguraduhing nakilala nang tama ng mga empleyado ninyo ang kompanya. Sa tamang onboarding, magagawa nilang magsimula agad sa pagbibigay ng pinakamahusay na customer service simula sa umpisa.
Kausapin ang mga bagong empleyado tungkol sa kanilang karanasan. Tanungin sila kung gaano sila lubos na naging pamilyar sa procedures ng kompanya at kung nadadama ba nilang inihanda sila para makapagbigay ng quality customer service. Puwede rin kayong mag-review ng training manuals, i-test ang mga bagong empleyado sa kanilang product knowledge, at obserbahan ang kanilang interaksiyon sa customers.
Dapat merong kailangang qualifications ang customer service agents para makapagbigay ng quality service. Kasama rito ang pagkakaroon ng tamang skills, kaalaman, at karanasan.
Gamit ang tamang range ng skills, ang inyong agents ay makapagbigay ng pinakamahusay na customer service. Malalaman nila kung paano makitungo sa iba-ibang tipo ng customers, asikasuhin nang epektibo ang mga reklamo, at malutas nang mabilis ang mga problema.
Siyempre, puwede ninyong i-review ang mga resume ng agents para makita ang kanilang skills. Pero puwede ninyong higitan ito – i-check sila sa praktis.
Hilingin sa kanilang kumpletuhin ang skill tests, bigyan sila ng mga quiz sa policies at procedures ng kompanya, at hayaan silang sumali sa role-playing exercises. Doon ninyo malalaman kung sila ay qualified para magbigay sa inyong customers ng pinakamahusay na karanasan.
Dapat malaman ng lahat ng inyong customer service agents kung ano ang kailangan nilang gawin at paano sila makatutulong sa mga kliyente.
Kung hindi alam ng inyong customer service agents ang kanilang responsabilidad, puwedeng hindi nila matulungan ang customers. Ito ay puwedeng magresulta sa dismayadong customers at hindi magandang reputasyon para sa inyong business, pati na rin ang malungkot na agents dahil hindi nila naabot ang kanilang buong potensiyal.
I-check kung pamilyar ang lahat ng customer service agents sa kanilang job descriptions. Kasama dapat dito ang listahan ng kanilang responsabilidad. Puwede ninyo silang bigyan ng manuals, guidelines, at iba pang resources para makatulong sa kanilang trabaho.
Makipag-usap nang malinaw at concise, at magbigay ng regular na feedback para laging batid ng inyong agents ang kanilang kasalukuyang mga tungkulin.
Tip: Praktikal na gamitin dito ang internal tickets at notes ng LiveAgent. Gamitin ito bilang reminders, para sa task creation, o para gumawa ng notes para sa inyong mga katrabaho. Sa ganitong paraan, malalaman ng lahat kung ano ang kailangang gawin.
Sa pag-check ng inyong customer service standards sa pagtingin sa support at komunikasyon, nakatutulong sa inyong malaman kung kaya ng inyong team ang task.
Kapag hindi na-meet ng inyong customer service ang mga standard, makasisira ito sa inyong business. Mawawalan kayo ng customers, masisira ang inyong reputasyon, at makasisira sa morale ng inyong team.
I-review ang inyong policies at procedures para sa customer service standards gamit ang aming checklist. Sa ganitong paraan, makikita ninyo ang mga kailangang gawin para maibigay ang hindi nagbabagong serbisyo sa inyong customers.
Tip: Narito ang isang checklist ng customer service standards na ibinigay ng LiveAgent.
Isang challenge makitungo sa mga pasaway na kliyente, kaya lahat ng inyong customer service representatives ay dapat tinuruan kung paano ito gawin.
Kapag ang inyong mga empleyado ay hindi maayos ang training, baka hindi nila matulungan ang customers. Kapag ang reklamo ay mishandled, puwede itong umabot sa negatibong word-of-mouth advertising at mawalan ng kliyente.
Merong training program na sumasakop ng lahat ng aspekto ng customer interactions. Titiyakin nitong ang inyong customer service representatives ay puwedeng asikasuhin ang kahit na anong sitwasyon.
I-update ang training nang regular at mag-cover ng bagong topics.
Para matiyak ang suwabe at mas magandang daloy na 24/7 customer support, i-check ito nang regular.
Kapag ang inyong customer support ay hindi gumagana nang maayos, baka mawalan kayo ng customers. Ang inyong reputasyon at bottom line ay puwedeng magdusa.
Subukan ang serbisyo sa pamamagitan ng pagtawag o pag-email sa iba’t ibang oras ng araw at gabi. Tingnan kung gaano katagal bago may sumagot sa tawag ninyo o sumagot sa inyong email.
Tumingin sa logs para makita kung ilang chats ang naasikaso at ano ang kanilang response time. Siguraduhing i-check na meron kayong bakanteng chatbot sa labas ng oras ng business.
Isa pang mahalagang aspektong iche-check ay kung gaano kahusay naililipat ang calls. Bawat call ba ay nakakaabot sa nararapat na agent?
Kapag ang calls ay hindi nailipat nang maayos, baka mainis ang customers at sumukong makipag-ugnayan sa inyong business.
Gamitin ang features tulad ng automatic call distribution at intelligent call routing. May epekto ito sa pamamaraan kung paano inaasikaso ng customer service ang calls, nakatutulong mabawasan ang oras ng paghihintay at nagbibigay ng mainam na customer experience.
Ang evaluation ay ang susi sa tagumpay, kaya siguraduhing gagawin ninyo ito nang regular. Kailangan ninyong malaman kung ang ginawa ninyong pagbabago ay gumagana.
Para malaman kung ang pagbabagong ginawa ninyo ay epektibo o kung kailangan pa ng higit na aksiyon.
Tumingin sa quantitative data – feedback ng customer, mga sagot sa survey, o iba pang impormasyong tumutulong sa inyong maintindihan kung paano nakikita ng mga tao ang mga pagbabago.
Look at qualitative data – customer feedback, survey responses, or other information that can help you understand how people are perceiving these changes.
I-analyze ang business metrics – ang profit, gastos, at iba pang mga panukat na nagpapahiwatig kung gaano katagumpay ang inyong ginawang pagbabago mula sa isang business perspective.
Lahat ng paraang ito ay makapagbibigay sa inyo ng mahalagang insights kung naibibigay o hindi ang nais na resulta ng ginawang pagbabago.
Ang pag-analyze ng performance ng customer service ng inyong kompetisyon ay magbibigay sa inyo ng magandang ideya kung nasaan ang inyong katayuan.
Sa pag-intindi sa performance ng inyong kompetisyon, mauuna kayo sa laban. Ang kaalamang ito ang makatutulong sa inyong makakuha ng bagong customers at mapaganda ang customer loyalty.
Tumingin sa kanilang websites – magbibigay ito ng isang pangkalahatang pag-intindi kung paano sila nakaka-perform.
Tumingin sa kanilang social media – makapagbibigay ito sa inyo ng dagdag na detalye, tulad ng anong tipo ng reklamo ang natatanggap nila at paano sila sumasagot dito.
Mag-sign up sa kanilang customer service – ito ang makapagbibigay sa inyo ng malapitang pagtingin kung paano nila tinatrato ang kanilang customer.
Ang customer service KPIs, tulad ng customer satisfaction o first contact resolution rate, ay magandang metrics sa pagsukat kung gaano kagaling ang pag-perform ng team ninyo.
Ang customer service ay madalas ang unang point of contact sa pagitan ng isang kompanya at kliyente nito. Puwede itong maging punto ng desisyon kung makikipag-business sa inyo o hindi ang isang customer.
Gumawa ng isang listahan ng KPIs na gusto ninyong i-track. Ito ay magbabago depende sa inyong business goals, pero ang ilang common na kasama ay customer satisfaction rate, first contact resolution rate, at average handle time. Mas marami kayong mahahanap sa “customer service KPI examples” sa ibaba.
Sa sandaling meron na kayong listahan ng KPIs, hanapin ang tamang tools para i-track sila. Maraming makukuhang options, mula sa simpleng surveys hanggang sa mas sophisticated na software na puwedeng i-track ang customer interactions sa real-time at makapagbigay ng ready-made na reports.
Gumawa ng proseso para sa regular na pag-monitor ng inyong KPIs. Puwede itong maging kasingsimple ng pag-set up ng regular na reports at i-review ito kasama ng inyong team.
Ayaw ng customers na naghihintay, kaya mahalagang gawin ninyo ang lahat para mabawasan ang oras na kailangan nilang maghintay para matulungan.
Ang mga tao ay mas nakikipag-business sa mga kompanyang may offer na mabilis at mahusay na customer service. Nalaman sa isang pag-aaral ng HubSpot na pakiramdam ng halos 60% ng customers na ang mahabang wait times ang pinaka-nakakainis na bahagi ng isang service experience.
Ang customer service ay dapat isang team effort, at lahat ng tao sa kompanya ay dapat alam kung gaano kahusay (o gaano kahina) ang kanilang performance.
Sa pagbahagi ng mga resulta sa buong team at sa buong kompanya, lahat ng tao ay pare-pareho ang pagkakaintindi at nagtatrabaho patungo sa parehong goal.
Para ibahagi ang reports, puwede ninyong:
Ang CSAT ay isang panukat kung gaano kasaya ang kliyente sa isang produkto o serbisyo. Ang karaniwang paraan sa pagkalkula ay magtanong sa customers tungkol sa kanilang karanasan sa inyong kompanya. Puwede ninyong gawin ito nang direkta o gumamit ng survey tools para puwedeng automatic na makuha ang inyong CSAT score.
Karamihan ng kompanya ay gumagamit ng customer feedback (kasama ang CSAT scores) para gumawa ng desisyon kung anong produkto at serbisyo ang puwedeng i-offer, paano ma-improve ang customer support, at ano ang focus ng kanilang marketing efforts.
Ang first response time sa isang contact center ay kung gaano katagal sagutin ng unang customer service representative ang phone call o message ng isang customer.
Isa itong mahalagang metric dahil nakaaaapekto ito sa pangkalahatang karanasan ng customer sa kompanya. Ang mabagal na response ay magbibigay sa customer ng pakiramdam na hindi sila priority at puwedeng umabot sa mas mahabang paghihintay para sa iba.
Para ma-improve ang inyong first response time, sanayin ang inyong staff kung paano asikasuhin ang customer inquiries, gumamit ng isang call routing system na inuuna ang high-priority calls, at i-verify na ang inyong contact center ay may sapat na staff para asikasuhin ang dami ng calls o message na kadalasang natatanggap.
Ang Net Promoter Score ay isang metric na dinisenyo para i-track ang customer loyalty at satisfaction. Ang score ay batay sa tanong na “Gaano kalaki ang posibilidad na irerekomenda ninyo ang aming kompanya/produkto/serbisyo sa kaibigan o katrabaho?”
Ang respondents ay hiniling na i-rate ito sa scale na 0-10. Ang mga nag-respond ng 9 o 10 ay kinokonsiderang promoters, 7 o 8 ay passives, at anuman sa ibaba ng 6 ay kinokonsiderang isang detractor.
Ang NPS ay kinalkula sa pamamagitan ng pagbawas ng percentage ng detractors mula sa percentage ng promoters.
Ang ART ay ang average na oras na kailangan ng kompanya para malutas ang isang customer service ticket. Ang resolution time ay sinusukat mula sa oras na ang isang customer ay nagbigay ng ticket hanggang ito ay markahang nalutas na.
Ang pagiging komplikado ng problema, staffing levels, at gaano kahusay ang mga sistema ng kompanya ay factors na nakaaapekto sa ART. Pero sa pangkalahatan, karamihan ng mga kompanya ay may aim na malutas ang tickets sa loob ng 24-48 oras.
Ang average conversion rate ay ang percentage ng mga tao na ginawa ang desired na aksiyon, katulad ng pagbili o paggamit ng isang form. Ang average conversion rate ay iba-iba depende sa variables tulad ng industriya at produkto, etc.
Para madagdagan ang inyong conversion rate, kailangan ninyong mag-focus sa pag-improve ng inyong customer service, pag-target ng tamang tao para sa inyong marketing campaigns, at paggamit ng epektibong call-to-action buttons sa inyong website.
Tanungin ang clients ninyo kung ano ang pakiramdam nila sa experience nila sa kompanya ninyo. Magagawa ito sa tulong ng customer surveys, interviews, o focus groups. Isa pang paraan ng pag-evaluate ng customer satisfaction ay tingnan ang feedback sa social media, review sites, at ibang online platforms. Mabibigyan kayo nito ng ideya kung gaano kahusay ninyong natutugunan ang customer expectations. Mata-track din ninyo kung gaano kadalas bumabalik ang customers sa inyo at magkano ang average nilang ginagasta. Tutulong ang metrics na itong maintindihan kung masaya ang customers sa inyong mga produkto at serbisyo at kung irerekomenda ba nila kayo o hindi sa iba.
Ang customer service audit ay isang review kung gaano kahusay magbigay ang kompanya ninyo ng support sa customers. Puwede itong gawin nang internal o external at masasakop ang anumang aspekto ng customer service process. Ang goal ng customer service audit ay matukoy kung saan puwedeng mag-improve ang kompanya ninyo ng binibigay ninyong experience at maka-develop ng plan para maayos ang mga ito. Ang resulta ng customer service audit ay puwedeng magamit para ma-improve ang training programs para sa empleyado, irebisa ang policies at procedures, baguhin ang pag-handle ng mga reklamo, at iba pa.
Puwede kayong mag-audit ng customer service sa iba’t ibang paraan, tulad ng pag-survey ng customers tungkol sa kanilang satisfaction sa natanggap na serbisyo, pag-interview ng mga empleyado para makuha ang kanilang perspective, o mag-review ng call recordings para makita kung gaano kagaling hina-handle ng kompanya ang bawat interaction. Anumang method ang piliin ninyo, ang pag-audit ng customer service ay tutulong na masiguradong masaya ang clients ninyo at ang kompanya ay nagde-deliver ng pinakamahusay na posibleng customer experience.
Ang magandang audit checklist ay kasama ang lahat ng hakbang na kailangan ninyo para makapag-conduct ng epektibong audit. Kasama rin ang listahan ng mga dokumento at record na kailangang i-review, na dapat naka-tailor sa partikular ninyong industriya at accounting procedures. Magandang paraan ang paggamit ng checklist para masiguradong komprehensibo at eksakto ang audit ninyo. Tutulong ito para maiwasan ang mga napalampas na oportunidad at anumang potensiyal na problemang puwedeng lumitaw.
May ilang hakbang para makapaghanda kayo. Ang pinakamagandang paraan para paghandaan ang customer audit ay isaayos ang lahat ng inyong records para meron kayong sapat na documentation. Dapat pamilyar din kayo sa policies at procedures kung paano pinangangasiwaan ng kompanya ang mga audit. Dapat din kayong magkaroon ng magandang customer service practices at paghandaan ang mga tanong ng auditor. Maging magalang at professional lagi, at manatiling kalmado lang. Kung kailangan ng tulong sa paghahanda sa audit, konsultahin ang supervisor ninyo.
Bibigyan kayo nito ng komprehensibong listahan ng mga kailangang i-review para sa susunod na audit. Para gamitin itong checklist, i-check lang ang nakalista batay sa impormasyon tungkol sa customer service operations ng kompanya ninyo. Tutulong itong maka-track kung naaabot ba o hindi ng team ninyo ang inyong customer service goals.
Customer service evaluation checklist
Ang customer service evaluation checklist ay ang inyong pagkakataong malaman kung ano ang areas na dapat paghusayin. Bigyang pansin ang mga suhestiyon ng customers.
Help desk quality assurance checklist
Discover how the Help Desk Quality Assurance Checklist can enhance your customer service. Learn essential practices like hiring responsible QA, improving workflows, and ensuring customer satisfaction. Visit now to elevate your service quality!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team