Ang customer service standards checklist ay gabay para sa mga kumpanya upang mapanatili ang mataas na antas ng serbisyo sa kliyente. Binibigyang-diin nito ang transparency, consistency, at responsiveness, habang sinisiguro ang propesyonal na pakikitungo at paggamit ng AI at automation.
Mahalaga ang customer support at service sa mga negosyong nakikipag-ugnayan sa mga kliyente araw-araw dahil kailangang tratuhin nang tama ang mga customer.
Hindi mahalaga kung anong uri ng produkto o serbisyo ang inyong binebenta: kung hindi ito sapat para sa inyong mga kliyente, hahanap sila ng ibang mabibilhan nito.
Pero kung nagpapanatili kayo ng mataas na customer service standard para makapagbigay ng pinakamahusay na posibleng serbisyo sa inyong mga kliyente, patuloy silang babalik.
Tingnan ang aming customer service standards checklist para makapag-setup ng malinaw na guidelines para sa inyong agents at mapanatiling nasa mataas na level ang inyong serbisyo.
Pagdating sa pagbibigay ng customer support, maraming business ang nahihirapan sa pagpapanatili ng consistency. Ang kadalasang dahilan ay ang kakulangan ng specific guidelines para sa customer support staff.
Maaari itong humantong sa hindi pagkakapare-pareho ng quality ng serbisyo, na puwedeng magresulta sa di magandang customer experience. Ang isang mabuting paraan para labanan ang isyung ito ay ang magpatupad ng isang standard checklist para sa inyong support staff, na makatutulong sa inyong mapanatili ang mataas na quality ng serbisyo, at puwede rin itong magamit kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa mga kliyente.
Customer service rep
Sa pagsunod sa mga guidelines na ito, maaaring makapagbigay ng isang serbiyong may mataas na quality ang customer service team sa kanilang mga kliyente. Ito ay mahalaga sa mga negosyong may maraming lokasyon, para mapanatili ang consistency ng provision sa bawat branch. Makatutulong rin itong mas mapahusay ang customer satisfaction, na maaaring magresulta sa kanilang muling pagbabalik.
Management team
Maaaring magamit ng management team ang standards ng service checklist bilang paraan ng pag-audit ng quality ng serbisyong ino-offer ng kanilang support staff. Makatutulong ito sa kanilang matukoy ang anumang parte ang nangangailangan ng improvement at makapagbibigay sa kanila ng ideya kung gaano kahusay ang performance ng kanilang business.
Tingnan natin kung aling service industry standards ng inyong negosyo ang dapat ma-cover para matiyak ang mataas na quality ng provision ng serbisyo.
Ito ang backbone ng inyong pangunahing customer service standards. Dapat nitong i-outline kung paano magbibigay ng suporta sa mga kliyente ang inyong kompanya. Maging malinaw sa mga procedure na kailangang sundin para maayos ang anumang reklamo o tanong.
Nagbibigay ito sa inyong staff ng malinaw na guidelines na susundin kapag may mga tinutulungang kliyente. Bilang resulta, makapagbibigay sila ng serbisyong may pare-parehong level ng quality at mas magiging madali para sa staff ang maayos ang anumang disputes na maaaring lumitaw.
Dapat kasama ang mga sumusunod na elemento sa inyong policy:
Maraming iba’t-ibang tools ang maaaring ninyong gamitin para makatulong sa pagma-manage ng inyong customer service policy, kasama ang sumusunod:
Importante ang malinaw na komunikasyon para sa mahusay na serbisyo sa inyong customers. Tinitiyak nitong walang miscommunication sa pagitan ng management at support staff pagdating sa pakikipag-ugnayan sa customers sa araw-araw.
Ang kakulangan ng kalinawan sa pagitan ng inyong support team at management ay puwedeng magresulta sa kawalan ng tiwala. Maaari nitong mahadlangan ang komunikasyon, at negatibong makaapekto sa inyong bottom line.
Maaari ninyong gawin ito sa pagdaraos ng regular na meetings sa pagitan ng management at staff. Nagbibigay-daan ito sa parehong partido na hayagang magbahagi nag anumang updates o isyu, at panatilihing bukas ang komunikasyon.
Kapag tumawag ang customers sa inyong kompanya, pare-pareho dapat ang level ng impormasyong io-offer sa kanila.
Nakatutulong ito para magtiwala ang customers sa inyo. Maaaring magkaroon ng kalituhan sa inyong mga kliyenteng nagtatangkang mag-access ng inyong suporta kung magkakaiba ang pagkakaintindi ng bawat miyembro ng staff sa policies ng kompanya.
Ang sumusunod na hakbang ay puwedeng makatulong na mapahusay ninyo ang consistency ng inyong customer service:
Maraming tools kayong magagamit, tulad ng:
Ang isang napaka-importanteng feature ay ang accessibility sa customer service standards checklist. Gagawin nitong maginhawa para sa inyong staff ang pagsangguni dito tuwing kailangan nila ito, pati na rin ang gawing mas madali para sa kanila ang sundin ang guidelines.
Kung hindi madaling makuha ang customer service standards, malamang na bihira itong gamitin ng staff, na maaaring humantong sa posibleng pagbaba sa quality ng serbisyo. Baka malito ang support staff.
Itago ito sa isang mainam na lugar, gaya ng isang shared folder sa network ng kompanya. Maaaring ninyo silang gawing available online, o kahit i-print out para merong physical copy ang staff na puwede nilang pagsanggunian.
Isa sa pangunahing goals ng customer service standards ay ang matiyak na ang response times, hangga’t maari, ay maiksi lang. Ipinapakita nitong nagmamalasakit ang inyong negosyo sa mga kliyente, na sila ay nirerespeto at pinahahalagahan.
Ang mabilis na average response time ay mahalaga para sa level ng customer satisfaction. Ipinapakita nitong nirerespeto ng inyong negosyo ang oras ng customers.
Magagawa ito sa pag-implement ng isang ticketing system o paggamit ng help desk software. Magbibigay-daan ito sa inyong masundan ang progreso ng bawat support request, at makatutulong sa pagbibigay ng mabilis na pagtugon sa lahat ng inquiry.
Kailangang maging magalang sa inyong customers sa lahat ng oras para matulungan ang inyong business na makapagtatag at makapagpanatili ng positibong reputasyon.
Dapat ninyong ikonsidera ang mga pangangailangan ng inyong mga kliyente kung gusto ninyong makita nila ang positibong imahe ng inyong business. Ang customer service ang kadalasang nagbibigay ng first impression sa tao ng kompanya, kaya mahalagang matiyak na ito ay maganda.
Maaari kayong magtalaga ng standards para sa behavior ng empleyado at magbigay ng training courses na nakatuon sa kagandahang loob at mabubuting asal. Maaari rin kayong gumamit ng customer service scripts.
Para magkaroon ng positibong customer experience ang inyong mga kliyente at maging paulit-ulit silang customers, mahahalagang factors ang accuracy at mapagbigay-pansin sa detalye.
Kapag mababait ang mga empleyado at nakapagpapakita ng pagiging maagap, mas magiging positibo ang pananaw ng customer sa inyong business.
Maaari kayong gumamit ng mga tools gaya ng LiveAgent helpdesk software para matutukan ang lahat ng pakikipag-ugnayan sa customer. Sa karagdagan, lahat ng customer inquiry ay accessible sa iisang universal inbox. Sa sistemang ito, walang hindi mapapansin. Makikinabang rin ang inyong staff sa customer service scripts at sa lahat ng detalyadong impormasyong kakailanganin nila.
Gusto ng mga kliyente na maserbisyuhan agad kapag hiniling nila. Ang pinakamabuting solusyon ay ang magkaroon ng accessible na tao 24/7 sa live chat para sumagot sa mga customer inquiries agad-agad pero hindi ito laging posible. Gayundin, ang Knowledge Base ay isa ring magandang paraan para mabigyan ng kakayahan ang customers na masolusyunan nila ang kanilang sariling mga isyu.
Kung kayo ang magbibigay ng responsive service, makakatiyak kayong matutugunan agad ang anumang tanong na lumitaw. Kapag ang customer ay hindi nakatanggap ng tugon, maaari nilang isipin na sila ay hindi pinapansin o hindi imporante sa kompanya.
Magbigay ng madaling paraan para maabot kayo ng mga user (gaya ng isang email address) at matiyak na merong laging nagmo-monitor na channel na iyon. Ang pagkakaroon ng omnichannel support ang pinakamaganda, dahil hinahayaan nitong magkaroon ng interaksiyon ang customer sa help desk sa iba’t ibang communication channels. Mas gusto ng maraming customers ang tumawag sa isang call center o live chat para mabilis maayos ang kanilang mga isyu.
Ang isa pang kahulugan ng responsiveness ay pagsagot sa lahat ng reklamo ng customer.
Siguraduhing meron kayon sistemang nasusundan ang mga tanong at reklamo ng customer. Puwede ninyong masundan ang kahit anong problema o progreso ng indibidwal na customer. Ang software gaya ng LiveAgent helpdesk ang pinakamahusay para riyan.
Sa nakaraang mga taon, naging kilalang solusyon ang AI.
Ito ay may offer na maraming benepisyo, kasama ang abilidad na makahawak ng maraming inquiries nang sabay-sabay at ang abilidad na makapagbigay ng isang human-like experience para sa customers.
Maaari kayong magpatupad ng artificial intelligence sa inyong customer support department sa paggamit ng virtual assistants at iba’t ibang integrations na may machine learning capabilities. Hinahayaan kayo nitong magbigay ng bukod-tanging level ng customer support, at makatutulong din itong mabawasan ang workload ng support staff.
Mahalagang bahagi ng pagbibigay ng high-quality support ang customer service automation. Pinagbubuti nito ang pagiging epektibo sa trabaho ng staff. Ang paulit-ulit na tasks na puwedeng tukuyin ng criteria ang puwedeng gawing automatic na lang.
Makatutulong ang paggamit ng automation tools sa mas epektibong pagma-manage ng interaksiyon sa inyong customer. Gagawin din nitong mas maiksi ang oras na magugugol sa proseso ninyo at ng customer. Ang paggamit ng automation rules ay kapaki-pakinabang sa mataas na ticket volumes. Nakababawas ito sa human error at mapapabuti pa ang response times.
Puwede kayong gumamit ng automation tools para makatulong sa sumusunod na tasks:
Laging mataas ang customer expectations, pero maaari itong mapanatiling kontrolado sa tulong na management practice.
Mas matutugunan ninyo ang pangangailangan ng customers kung napapanatili ninyo ang kanilang expectations. Kung hindi ninyo natugunan ang expectations ng customers, maaari silang hindi masiyahan. Laging sikaping makapagbigay ng pinakamagandang posibleng serbisyo, pero huwag mangangako ng hindi ninyo kayang tuparin.
Makinig sa pangangailangan ng inyong customers at pagkatapos ay i-outline kung ano ang kasama at hindi kasama sa inyong service standards. Maging prangka at tapat kaysa magyabang lang ng makakaya. Kung posible, maging flexible, pero siguraduhing kayang asikasuhin ng inyong customer service team ang kanilang request.
Isaisip na ang customer support standards ng isang busoness ay kadalasang nasusukat sa behavior ng mga empleyado sa customers.
It helps your staff build strong relationships with clients.
Nakatutulong ito sa pagbuo ng matibay na relasyon sa mga kliyente. Mapahuhusay ang customer satisfaction sa pamamagitan ng employee training program na nakapokus sa customer-centric communication at behavior.
Isama ang mga empleyado sa pagdisenyo ng customer service standards process ninyo at bigyan sila ng professional training.
Ang pagpapanatili ng isang periodic performance plan para sa inyong customer support team ang magtitiyak na natutugunan ang standards na inyong nai-set.
Naihahayag ng performance plans ang mga strategy at objectives ng kompanya. Nakatutulong rin itong mapahusay pa ang employee productivity at motivation, pati na rin ang matiyak na sila ay pamilyar sa goals ng kompanya.
Magtakda ng goals at objectives na may kaugnayan sa work performance ng inyong staff. Maaari kayong gumamit ng scorecards para masundan ang kanilang progress at matukoy kung ano ang nangangailangan ng pagbabago.
Mahalaga na magkaroon ng isang training plan para sa inyong service agents para manatili silang up-to-date sa mga pinakabagong pagbabago.
Alam dapat ng inyong agents ang mga pinakabagong development. Mahalaga ang isang training program para sa inyong agents para makapagbigay ng maaasahan at updated na serbisyo.
Tukuyin kung anong bahagi ang kailangan ng pagbabago at gumawa ng training plan batay dito. Puwede rin kayong gumawa ng goals at objectives na makapagpapahusay ng performance ng inyong agents pati na rin ang mapanatili silang ganado.
Makatutulong ang pagsusuri ng inyong mga resulta para makita kung aling campaigns ang tumatakbo nang maayos, alin ang kailangang baguhin, at ang lagay ng bawat marketing campaign.
Para makagawa ng matalinong desisyon, mahalagang malaman kung alin sa mga marketing methods ang epektibo.
Siguraduhing lahat ng feedback ay maayos na nai-record (magaling ang (CRM software dito) para masuri ninyo sa ibang pagkakaton.
Bantayan ang analytics ng inyong website para makita kung ilang tao ang bumibisita, at anong pages ang kanilang tinitingnan. Makatutulong ito sa inyong maintindihan kung anong content ang sikat at ano ang kailangang ayusin.
Ikumpara ang mga resulta ninyo sa resulta ng inyong kompetisyon – ano ang ginagawa nilang hindi ninyo ginagawa?
1. Courtesy: being polite and courteous to your customers at all times will help to create a positive image of your business. 2. Efficiency: customer support is often the first impression that people have of your company, so it's important to make sure that it's a good one. Customer satisfaction: provide your customers with a service that they are happy and satisfied with.
Self-serve: customers resolve issues themselves. Live: customer service transactions are performed by a live agent. Web-based: customers interact with the company via the website or a chatbot. Community: customer service is delivered through e.g. social media channels.
Provide your employees with effective training and support and set high standards for their behavior and interactions with clients. Use performance plans to help motivate your staff and to keep them up-to-date with the latest changes and developments. Improve your agents’ knowledge and skills. Make sure they understand your organization's goals and objectives.
It is a tool that can be used to measure the effectiveness of your customer service department. It consists of three elements: customer satisfaction, customer loyalty, and customer retention.
They are a set of guidelines to be followed by all employees when providing support to clients. Customer service agents should be polite, helpful, and professional at all times. They should also make every effort to resolve any complaints or queries that customers may have.
Due to lower turnover rates, customer loyalty and retention rates increase, resulting in lower costs.
Gaining a loyal client base that you can utilize later on in many ways. Improved customer satisfaction, which will lead to greater profits for your company. Having excellent customer service will differentiate your company from the competition.
Due to lower turnover rates, customer loyalty and retention rates increase, resulting in lower costs. Gaining a loyal client base that you can utilize later on in many ways. Improved customer satisfaction, which will lead to greater profits for your company. Having excellent customer service will differentiate your company from the competition.
Help desk quality assurance checklist
Discover how the Help Desk Quality Assurance Checklist can enhance your customer service. Learn essential practices like hiring responsible QA, improving workflows, and ensuring customer satisfaction. Visit now to elevate your service quality!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team