Ang Help Desk Quality Assurance Checklist ay mahalagang tool para mapanatili ang mataas na kalidad ng customer service. Saklaw nito ang pag-hire ng mga responsableng QA, pagbabago ng workflow, at pagtukoy ng mga tagumpay para mapabuti ang customer experience.
Tiyaking high-quality ang serbisyo ng help desk ninyo. Madaling sabihin, pero paano ninyo mapatutunayang lahat ng ticket ninyo ay pinangangasiwaan nang maayos? Paano matitiyak na ang customer satisfaction ang binibigyan ng mataas na pagpapahalaga? Sundin ang mga simpleng hakbang na ito para mapanatiling maayos ang takbo ng help desk ninyo at makapagbigay ng mahusay na customer service.
Sa pag-check sa lahat ng nasa listahang ito, puwedeng i-verify kung gumagana nang maayos o hindi ang help desk ninyo at nakapagbibigay ang business ninyo ng hindi pabago-bagong level ng serbisyo.
Daanan ang checklist para makatulong na maiwasan ang mga karaniwang pagkakamali tulad ng:
Sinumang may gustong magbigay ng mahusay na customer service at patuloy na pagbutihin ang performance ng contact center.
Ang unang gustong marinig ng mga caller kapag tumawag sila sa help desk ay ang boses ng tunay na tao. Ang live na boses ng tao ay laging mas gusto kaysa sa isang automated machine. Batiin ang caller ayon sa oras ng araw (tiyakin kung saang time zone sila tumatawag) o isang neutral na pagbati tulad ng “Hello.”
Napakahalaga ng unang impression, at ang pagbati sa user ninyo sa isang friendly na paraan ay magpapadama sa kanilang welcome sila. Ang pagsabi ng “Magandang umaga” o “Hello” ay mainam na paraan para makabuo ng rapport.
Pakinggan nang mabuti ang sinasabi ng customer at tiyaking komportable sila. Mainam kung nakuha ninyo ang pangalan nila. Kung hindi, hingin ninyo ulit ang pangalan nila bago magpatuloy sa iba pang tanong o komento.
Tip: Mag-ingat para huwag masyadong robotic kapag gumagamit ng mga salitang tulad ng “Paano ko kayo matutulungan?” Malaki ang magiging pagkakaiba ng isang simpleng pagbabago sa tono at inflection.
Karamihan sa customer ninyo ay tumatawag sa help desk dahil may problema sila. Samakatwid, mahalagang humingi ng paumanhin at mag-empathize sa problemang dinaranas nila.
Makabubuo kayo ng matibay na relasyon sa mga customer ninyo sa pagsabi ng “Ikinalulungkot kong nangyari ito sa inyo.” Kung alam ng customer na naintindihan ninyo ang isyu nila at pinahahalagahan ninyo sila bilang isang indibidwal, mas malamang na masisiyahan sila sa pangkalahatang serbisyo ninyo.
Palaging gamitin ang pangalan ng customer ninyo, maliban kung hiniling nilang huwag gawin ito. Maganda ang practice na ito sa lahat ng customer service interactions. Nakatutulong itong bumuo ng tiwala sa pagitan ng business at ng customer.
Gustong matiyak ng customer na napapakinggan sila, lalo na kung nagpapahayag sila ng sama ng loob. Sa paggamit ng pangalan nila, ipinaaalam ninyo na ang buong atensiyon ninyo ay nasa kanila.
Sa unang pagbati sa customer, hingin ang kanilang pangalan at gamitin ito habang kausap sila. Kapag binigay nila ang kanilang email address o social media handle, tiyaking gamitin din ang mga ito (kung kinakailangan).
Kailangan ng customer ng malinaw na paliwanag kung ano ang nangyayari at kung paano ito malulutas. Ilarawan ang isyu nang detalyado, i-outline ang mga posibleng solusyon, at magbigay ng estimate kung kailan ito malulutas.
Mas malamang na magtiwala sila sa kompanya ninyo kung mas maraming impormasyong maibibigay tungkol sa kung ano ang nangyayari.
Kapag kausap ninyo ang customer tungkol sa problema nila, baka kailangang gumamit ng mga teknikal na termino. Gayunman, huwag masyadong gamitin ito kasi kailangang lubos nilang maunawaan ang sinasabi ninyo.
Karamihan ng customer ay ayaw ng lecture kung paano gumagana ang mga produkto. Mas mahalaga sa kanilang maayos agad ang kanilang isyu. Gumamit ng mga teknikal na termino kapag kinakailangan lang para makatulong sa kanilang maka-focus sa isyu.
Gumamit lang ng teknikal na termino kung talagang kailangan para maipaliwanag nang mas mabuti ang problema. Subukang magsalita sa paraang maiintindihan ng lahat para malinaw ang proseso sa caller.
Ang pakikinig ay isang mahalagang skill pagdating sa pagtulong sa customer. Hindi lang nito hinahayaang marinig ninyo kung ano ang sinasabi nila kundi ipinapakita ring sineseryoso at binibigyan ninyo ng pansin ang kanilang concerns.
Obligasyon ng mga nagbibigay ng serbisyo na makinig nang mabuti para maramdaman ng customer na naririnig at nauunawaan ninyo sila. Dagdag pa, nakatutulong ang aktibong pakikinig na ayusin nang mas madali ang problema dahil mas naiintindihan ng mga agent kung ano ang nangyayari.
Ang aktibong pakikinig ay may kasamang tatlong A: Attitude, Adjustment, at Attention:
Kapag buo ang pagkakaintindi ninyo sa problema, maipaliliwanag ninyo ang mga posibleng solusyon sa customer. Mahalaga na laging mag-suggest ng higit sa isang solusyon at papiliin ang customer kung ano sa tingin nila ang pinakamahusay para sa kanila.
Maipapakita nito sa customer na handa kayong humanap ng kompromiso para maging win-win ang sitwasyon para sa parehong panig.
Gumawa ng outline ng mga posibleng solusyon kasama ang pros at cons ng bawat isa para makatulong na makapagdesisyon ang customer kung ano ang mas bagay sa kanila ayon sa presyo at time frame, at iba pa. Ang bawat solusyon ay dapat tumugon sa isang partikular na pangangailangan para makapili ang customer ng nababagay sa kanila.
Ito ay mahalagang hakbang. Kung minsan, hindi nasisiyahan ang customer sa mga solusyon na minungkahi para sa problema nila. Kung mangyari ito, desisyon ninyo bilang mga help desk agent kung may offer kayong alternatibong opsiyon.
Ipinapakita nito sa mga customer na inaasikaso ninyo ang kanilang pangangailangan para maibigay ang pinakamahusay na customer experience.
Laging humingi ng permission sa isang supervisor bago magbigay ng alternatibong solusyon, kahit na magiging mas matagal sa karaniwan ang pagtatapos ng trabaho.
Kapag nag-suggest kayo ng solusyon, mahalagang sagutin ang anumang tanong ng customer tungkol dito para maintindihan nila kung ano ang nangyayari at makadama sila ng kumpiyansa sa kakayahan ninyong makahanap ng resolusyon.
Nakatutulong ito sa pagbuo ng tiwala ng customer at tinitiyak sa kanilang nariyan kayo para tumulong. Dagdag pa, nalulutas ninyo ang anumang potensiyal na hindi pagkakaunawaan bago lumaki ang problema.
Ang pinakamahusay na paraan para sagutin ang tanong ng customer ay nag-iiba depende sa sitwasyon, kaya walang iisang tamang sagot para rito. Gayunman, ang ilang tip para makatulong sa pagsagot nang epektibo sa mga tanong ay ang sumusunod:
Ang mabisang pagsagot sa lahat ng tanong ay isang mahalagang bahagi ng pagbibigay ng high-quality na suporta.
Kung gusto ninyong mag-suggest ng mga tamang solusyon sa customer ninyo, kailangan ng mahusay na pag-unawa sa mga produkto at serbisyong ino-offer ninyo. Kailangang maging pamilyar sa features at functionality ng bawat produkto, pati na rin sa policies at procedures ng kompanya.
Ito ay para makapagbigay kayo ng eksakto at napapanahong solusyon sa problema ng customer. Tumutulong din itong bumuo ng isang professional na imahe at magbigay ng pinakamataas na posibleng level ng customer service.
Sa sandaling maunawaan ninyo ang isyu ng isang kliyente, mahalagang tantiyahin kung gaano katagal bago ito malutas. Magagawa ito sa pagbigay sa kanila ng isang tiyak na petsa o time frame kung kailan dapat umasa ng tugon.
Para magkakumpiyansa ang mga customer na sineseryoso ninyo ang problema nila at ginagawa ang lahat para maibigay ang tulong na kailangan nila. Nakakapag-manage din kayo ng mga inaasahan ng customer sa takdang panahon.
Para makatanggap ng tulong ang customer, malinaw na tukuyin kung ano ang kailangang gawin. Kabilang dito ang pagbibigay ng karagdagang impormasyon o paghingi ng karagdagang detalye bago magpatuloy sa paglutas ng mga isyu nila.
Nakatutulong itong mapadali ang pagbibigay ng huling solusyon sa problema ng customer at para makapagbigay ng update tungkol sa progreso nito.
Ang pagkakaroon ng komprehensibong guide sa proseso ay magbibigay-linaw sa lahat ng stakeholder kung ano ang kasama sa bawat hakbang ng proseso, mula simula hanggang sa matapos ito . Dapat may kasama itong outline na nagpapakita ng bawat hakbang at kung gaano katagal ang kailangan para simulan ang susunod na hakbang.
Magagawa ito ng isang ticket management software. Makatutulong ito sa pag-track ng lahat ng bukas na ticket para malaman ang mga susunod na hakbang para ma-streamline ang workflow, tumaas ang productivity, at nagiging malinaw at madaling maintindihan ang proseso.
Kailangang alam ng customer kung ano ang maaasahan nila mula sa mga produkto o serbisyo ninyo. Ipakita sa kanila na kaya nilang i-empower ang sarili nila.
Nakatutulong ito para maging self-sufficient sila at nang makapag-focus kayo sa ibang aspekto ng customer support. Nagbibigay din ito sa kanila ng mas mahusay na pag-unawa kung paano masusulit ang mga produkto o serbisyo ninyo.
Bigyan sila ng articles at video tungkol sa topic o ipakita sa kanila kung paano nila magagamit ang ilang partikular na feature ng website ninyo para makakuha ng mas agarang tulong. Bumuo ng customized na educational materials na makatutulong sa mga customer na lubos na maunawaan ang mga produkto ninyo.
Ang tono ng boses ay lubos na mahalaga pagdating sa customer support, dahil puwede nitong pagandahin o sirain ang customer experience. Palaging gumamit ng positibong tono sa pakikipag-ugnayan sa customer ninyo, kahit na nakakaramdam na kayo ng dismaya sa problema nila.
Makatutulong itong pakalmahin kayo. Ang epekto nito sa kalaunan ay ang pagpapanatili ng magandang relasyon sa mga customer at paghikayat sa kanila na patuloy na irekomenda ang mga produkto o serbisyo ninyo sa iba.
Sa pagtatapos ng bawat interaksiyon, dapat itanong palagi kung meron pang mga tanong o concerns ang mga customer ninyo. Sa pagsasara ng anumang gaps sa komunikasyon sa pagitan ng agent at ng customer, tiyak na kasiya-siyang mareresolba ang kanilang isyu at maiiwasan itong maulit.
Para bigyan sila ng pagkakataong pag-isipan muli ang pinag-usapan. Baka kasi na-overwhelm sila sa impormasyon o nawala sa focus kaya baka kailangan pa nila ng ilang segundo para matiyak na talagang wala na silang katanungan.
Ang mga mainam na itanong ay kung kaya nilang lutasin ang isyu nang mag-isa, ano ang puwedeng mangyari kung maulit ang problema, at kung kailangan nila o hindi ng karagdagang tulong.
Laging pasalamatan ang customer para sa kanilang oras at pasensiya sa bawat pakikipag-ugnayan sa suporta.
Ito ay mabisang paraan para magpakita ng pagpapahalaga sa business at suporta nila. Malayo ang mararating ng maliit na gawaing ito para matiyak na meron silang positibong karanasan sa help desk ninyo at nang dahil dito, mas malamang na babalik sila para sa tulong ninyo sa hinaharap, kung kailangan.
Pasalamatan ang customer at malinaw na sabihin kung ano ang susunod na bahagi ng proseso. Padalhan sila ng pasasalamat..
Sa tuwing may isyung ire-report sa help desk ninyo, mahalagang lutasin ito sa lalong madaling panahon. Posible ito sa paggamit ng tamang tools at pagsunod sa best practices para sa customer support.
Ang paglutas ng isyu sa isang takdang panahon ay makatutulong para masiyahan ang customer sa suportang natatanggap nila.
Pinahihintulutan ng omnichannel inbox ng LiveAgent na madaling maresolbahan ng isang customer support representative ang mga isyu, at binabawasan ang average resolution time. Dagdag pa, may offer ang tool na advanced features gaya ng canned messages para magbigay ng mas mabilis na tugon na may maiikling sagot sa mga karaniwang tanong.
Tip: Sa paggamit ng libreng trial nito, makikita kung ano ang mao-offer ng LiveAgent kapag ginagamit.
Para pataasin ang productivity, huwag kalimutang tukuyin ang mga label at tag para sa bawat ticket para ma-streamline ang workflow.
Pinahihintulutan ng mga tag at label na i-track ang status ng ticket, priority, uri ng serbisyo, at iba pa. Mahalagang bahagi ito ng proseso ng pagkakategorya, na nagpapasimple sa pangkalahatang workflow.
Tukuyin ang mga label para sa bawat ticket. Magtanong ng:
Ilang halimbawa ng mga label na gagamitin:
Palaging subukang lutasin ang problema ng customer sa unang pagtugon.
Binubuo nito ang customer satisfaction at tiwala nila, at binabawasan ang bilang ng mga ticket na ine-escalate sa isang agent supervisor o engineer.
Mag-research sa isyu, maghanap ng solusyon, at panatilihing updated ang customer. Kung ang isang problema ay mas komplikado o nangangailangan ng dagdag pang research mula sa inyo, panatilihing updated ang customer sa pamamagitan ng pag-follow up sa kanila nang hindi bababa sa isang beses bawat 24 oras. Pagkatapos maresolba ng isyu, kumpirmahing nagawa na ninyo ang lahat ng hakbang para matugunan ang inaasahan ng customer.
Kung may maling nagyari at ang customer ang may kasalanan, madaling maging defensive at isisi sa kanila ang pagkakamali. Gayunman, palalalain lang nito ang sitwasyon at pahihirapang maresolba ang problema.
“Ang customer ay dapat palaging tama sa isip nila.” Lagi silang inuuna at kahit hindi kayo sumasang-ayon sa kanila, kailangang magkunwaring sumasang-ayon kayo.
Mag-abang ng palatandaan kung sinisisi ng organisasyon ninyo ang customer sa kanilang problema. Pasayahin ang customer sa pamamagitan ng paghahanap ng paraang magbebenepisyo kayo sa kanila sa halip na magreklamo tungkol sa kanila. Tandaan na mas mainam na meron kayong customer, kahit na mahirap silang pakibagayan, kaysa sa wala.
Kung minsan, kailangan ng customer ang dagdag na tulong para maresolba ang kanilang problema. Kung ito ang kaso, magbigay ng karagdagang resources para mahanap ito.
Makikita ng mga customer ang dedikasyon ninyo kung lagpas sa inaasahan nila ang gagawin ninyo para matugunan ang pangangailangan nila.
Ipaliwanag nang maayos ang mga hakbang ng solusyon sa customer o i-escalate ang ticket sa isang supervisor. Kapag ginawa ito, tiyak na masasagot ang lahat ng kanilang katanungan.
Ang productivity reports ay makatutulong para i-track ang performance, tingnan kung gaano katagal tinatrabaho ng inyong customer support team ang bawat uri ng ticket, at alamin kung aling serbisyo ang mas matagal gawin kaysa sa iba. Ang impormasyong ito ay magagamit para ayusin ang priorities at resources na inilalaan sa iba’t ibang serbisyo
Ito ay isang metric na sumusukat kung gaano kadalas maresolba ang problema ng mga customer sa unang ugnayan. Mahalagang mapanatiling mataas ang numerong it dahil binabawasan nito ang workload ng team ninyo, pati na rin ang pagbuo ng customer satisfaction at tiwala nila.
Ito ang tagal ng oras ng pagsagot sa ticket ng customer. Ang pagpapanatiling mababa ng bilang na ito ay kritikal dahil ang mahabang response times ay puwedeng humantong sa pagkadismaya ng mga kliyente, na nagreresulta sa mas mataas na ticket volumes.
Ito ang metric na sumusukat sa kung gaano nasisiyahan ang mga customer sa tulong na ibinibigay ng team ninyo. Ang customer loyalty ay nabubuo kapag nananatiling mataas ang rating ng agent, pati na rin ang dami ng referrals na gagawin nila.
Maganda itong indicator ng quality ng serbisyo. Puwedeng gumamit ng survey software para tanungin ang customer kung gaano sila kasaya sa response time ninyo, sa kaalaman ng agent, at pangkalahatang serbisyo. Kung mababa ang satisfaction score, dapat imbestigahan kung ano ang sanhi ng problema, mag-predict ng development, at gumawa ng mga pagbabago.
Ang NPS ay isang metric na nagsusukat ng client loyalty batay sa tanong na “Gaano kalaki ang posibilidad na irerekomenda mo ang kompanya namin sa kaibigan o katrabaho mo?” Puwedeng gamitin ang NPS para i-track ang progreso ng efforts sa pagpapabuti ng quality ng help desk ninyo.
Ito ang porsiyento ng customer na tumugon sa survey ninyo na may rating na 1 o 2 (sa total na 10). Ang mataas na negative response rate ay karaniwang nagsasaad na may kailangan pang pagbutihin sa help desk ninyo. Ang pag-imbestiga at pagtugon sa mga problemang ito ay magpapabuti sa customer satisfaction at tutulong bawasan ang bilang ng tickets na natatanggap ninyo.
Ito ang porsiyento ng mga ticket na nalutas. Puwedeng gamitin ang metric na ito para i-track ang progreso ng team ninyo at para tukuyin kung ano ang kailangan para i-motivate ang mga agent, kung kailangan ng dagdag na training, o kung kailangan ng dagdag na resources.
Ito ang porsiyento ng mga customer na nakipag-ugnayan sa inyo nang higit sa isang beses. Puwedeng suriin ang metric na ito para tukuyin ang mga customer na nagkakaroon ng mga problemang hindi pa nareresolba at nangangailangan ng karagdagang tulong.
Ang metric na nagsusukat kung gaano karaming tugon ang kinakailangan para malutas ang isang ticket. Mahalaga ang numerong ito dahil nakatutulong itong tukuyin ang mga ticket na mas tumatagal kaysa sa nararapat. Ang pag-imbestiga at pagtugon sa mga problemang ito ay magpapahusay sa productivity ng team ninyo.
Ang metric ng mga nalutas na isyu ay ang bilang kung ilan ang ticket na nalutas na. Puwede ring i-track ang progreso ng team ninyo at tukuyin ang level ng serbisyo.
Ito ang kabuuang bilang ng mga chat o tawag na ipinapasa sa ibang team. Ang pag-alam sa numerong ito ay magbibigay-daan sa pagtukoy kung saan kailangang paghusayin ang call distribution methods. Puwede ring awtomatikong gawin ang chat distribution.
Puwede ring tingnan ang mga review para i-check ang quality ng help desk performance ninyo. Mag-react sa lahat ng opinyon at sagutin ang lahat ng tanong na makikita ninyo. Tiyaking palagi kayong nagche-check, nagre-react, sumasagot, at nagre-resolve.
Ito ay isang napakahalagang tool sa pagsusuri ng customer experience ninyo. Ang mga mystery call ay nagbibigay-daan para suriin ng mga kompanya kung paano nila binabati at tinutulungan ang customer kapag tumatawag sila sa business. Magagamit ang data na ito para paghusayin ang serbisyo sa frontline, i-train ang mga agent na wala pang karanasan, at mag-follow up sa mga karagdagang improvement.
Start by checking for proper ticket documentation and resolving tickets in a timely manner. Train your staff to provide the best solution for customers’ issues while complying with company procedures and policies. Don’t forget to monitor your agents’ performance and review help desk tickets.
Yes, you can download our help desk quality assurance checklist PDF.
We recommend using the help desk quality assurance checklist at least monthly. However, you may find that certain items on the list need to be checked more or less often depending on your business needs.
Some methods of customer service quality assurance include: quality assurance audits, mystery calls, surveys and employee self-assessments.
A help desk quality assurance agent assists with evaluating the performance of others. They may also perform tasks such as training new employees, performing audits as well as providing feedback to employees about their performance.
The most essential are communication and conversational skills to get your point across effectively. Other than those, knowledgeable about a products and services offered by the company analytical skills, and soft skills are among the most important ones to have.
To measure the impact of help desk quality assurance, you can use metrics such as productivity, first call resolution, average response time and customer satisfaction. For more, check out the second part of the checklist: ‘How to manage the performance of your help desk’.
Checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho
Simulan ang bagong trabaho nang bongga gamit ang aming ultimate checklist! Tuklasin ang mga hakbang para mag-set up ng daily schedule, makilala ang mga katrabaho, at magtagumpay sa bagong posisyon. Iwasan ang mga problema at tutukan ang progreso sa pamamagitan ng pagkuha ng importanteng impormasyon ng kompanya, pag-research sa commute, at pagkilala sa team mo. Perfect para sa mga bagong graduate, naghahanap ng trabaho, o nagpapalit ng kompanya. Bisitahin ang aming site para simulan ang iyong tagumpay!
Customer service standards checklist
Discover the ultimate Customer Service Standards Checklist to elevate your client interactions and ensure exceptional service. This comprehensive list guides companies on maintaining transparency, consistency, accessibility, and responsiveness while fostering a professional approach. Perfect for businesses aiming to standardize quality across multiple locations, this checklist is essential for delivering a remarkable customer experience. Visit now to set up clear guidelines for your team and keep your service at its peak!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.