Ang Marketing Audit Checklist ay isang tool para masuri at mapabuti ang marketing efforts ng kompanya sa pamamagitan ng pag-alam ng target market, SWOT analysis, content development, at goal setting. Mahalaga ito para sa epektibong strategy at pagtukoy ng mga growth opportunities.
Ang pagsasagawa ng marketing audit ay isa sa pinaka-kritikal na gawain para sa anumang business. Hindi lang ito pag-check ng mga box, pero tungkol ito sa pag-unawa sa kompanya ninyo at sa pagtukoy kung ano ang mahusay ninyong ginagawa at kung saan kayo puwede pang mapahusay.
Kung di kayo sigurado kung paano simulan ito o kung may mga kritikal na aspektong kailangang tutukan muna, gagabayan kayo ng checklist na ito sa buong proseso.
Sa madaling salita: tutulong ang marketing audit sa pag-evaluate ng efficiency ng strategies, budgets, at iba pang investments sa mga marketing effort ninyo.
Gamit ang marketing audit checklist, makaka-evaluate kayo kung gaano ka-epektibo ang approach ninyo sa pagtugon sa pangangailangan ng market.
Kunwari’y di ninyo nami-meet ang customer demand o di nakukuntento ang kasalukuyang pangangailangan pagdating sa product benefits, quality, safety, o performance standards. Kung ganun, dapat nga talagang tingnang maigi kung saan may potential areas na kailangang mabago.
Sa pag-inventory, nakakapag-assess kayo kung gaano kalaking trabaho ang kailangan bago magdesisyong mag-reformulate o hindi ng mga produkto o kung kelang dadagdagan ang production para sa bagong product launch, halimbawa. Makakatipid kayo sa pera at oras sa paglaon kapag ginawa ninyo ito.
Depende ito lahat sa inyong pre-marketing objectives – kahit tungkol ito sa brand awareness o sa bilang ng mga order – kaya talagang kinakailangang magkaroon ng plano at measurable goals na mai-set nang advance.
Bibigyan kayo ng marketing audit ng guidelines sa pagpapatakbo ng mas epektibong strategy. Nababawasan ang nasasayang na oras sa mga problematic area at natututukan pa ang mga oportunidad sa paglago. Kaya mas epektibong makakatarget kayo ng mga pagbabago na may pinakamahusay na pagkakataong mapabuti ang tagumpay.
Tutulong ang marketing audits sa mga marketing team pagdating sa goal setting at pagsukat ng tagumpay. Kung maiintindihan ninyo kung paano natugunan ng mga ginawa ninyo dati ang pangangailangan ng customer at kung saan pa kayo dapat tumutok, makakapag-set kayo ng mas realistic at achievable na goals sa susunod ninyong marketing campaign at maiiwasang magawa ang dating mga pagkakamali.
Magbebenepisyo ang mga may-ari ng business sa isang marketing audit checklist. Tutulong ito sa pagtutok kung saan pa puwedeng mag-ayos at para pakinabangan ang mga bagong oportunidad. Kahit napapagana na ninyo nang maayos ang lahat, kailangan pa ring maging updated sa industry trends para di mabibigla ang kompanya ninyo kapag sinumulang i-target ng kompetisyon ninyo ang prospective clients ninyo nang mas epektibo kaysa sa ginagawa ninyo.
Ang unang hakbang sa anumang marketing audit ay alamin ang kasalukuyan ninyong market share. Kasama rito ang pag-intindi sa inyong ideal customer, alin sa pangangailangan nila ang kailangang tugunan, at paano sila maaabot.
Kung di kayo sigurado kung saan magsisimula, gumawa ng buyer persona, isang fictional representation ng target customer ninyo na kasama ang demographic information at behavioral traits nila.
Walang ibang paraan para masukat ang tagumpay o pagkatalo ng efforts ninyo kung wala kayong malinaw na ideya kung kanino ba nakatutok ang marketing ninyo.
Tingnan kung gaano ninyo naiintindihan ang potential clients ninyo at ang kanilang concerns na kaugnay ng ino-offer ninyong produkto o serbisyo.
Linawin kung ano ba ang ideal customer ninyo at paano sila kumikilos. Magsimula sa pagtingin sa kasalukuyan ninyong customers at mag-establish ng ideal customer batay sa kanila. Aralin ang feedback na nakukuha ninyo sa potential customers sa mga social media channel.
Anong tools ang magagamit sa hakbang na ito?
Siguraduhing lahat ng activities ninyo ay nakatutulong papunta sa common objective at nata-track ninyo ang progreso nito sa paglaon.
Kung di malinaw ang goals, mahirap matukoy kung matagumpay ba ang marketing ninyo. Dapat ayusin kung ano ang gusto ninyong marating ng inyong marketing at kung paano malalamang nagwagi kayo.
Ang goals ay dapat specific, measurable, attainable, relevant, at time-bound (SMART). Hati-hatiin sila sa short-term at long-term objectives para magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang gusto ninyong magawa at kailan.
Ngayong may magandang ideya na kayo sa inyong target market, suriin naman kung paano nila ginagamit ang mga serbisyo o produktong ino-offer ninyo. Makakuha ng insight kung ano ang nararamdaman ng mga tao sa industriya ninyo sa pag-monitor ng relevant keywords at phrases at social media channels kung saan pinag-uusapan ng customers ang kanilang kailangan at concerns.
Tutulungan kayong intindihin kung ano ang hinahanap ng customers ninyo, paano nila hinahanap ito, at pananalitang ginagamit nila para pag-usapan ang pangangailangan nila. Tutulong ang impormasyong ito sa paghubog ng marketing strategies at paggawa ng content na nakaka-relate.
Silipin ang lagay ng inyong industriya at kompetisyon. Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kompetisyon ninyo online? May bago bang mga serbisyo o produktong kailangan ninyong malaman? Maghanap ng paraang magiging bukod-tangi kayo hiwalay sa kompetisyon para maka-attract ng mas maraming customers.
Isa sa pinaka-epektibong paraan para matukoy kung ano dapat ang ginagawa ninyo sa marketing ay ang pag-conduct ng SWOT analysis. Ang Strengths, Weaknesses, Opportunities, at Threats ay factors na makaaapekto kung gaano kagaling ang pag-market ninyo ng business o product/service ninyong ino-offer.
Tutulong ito sa pagpokus ng efforts at pag-allocate ng resources nang mas epektibo. Ang pagtukoy sa mahina at malakas na areas at consequent threats at oportunidad ang gagawa ng mas realistic na pananaw ng inyong kasalukuyang sitwasyon. Nagsisilbi itong starting point sa pagdedesisyon kung ano ang dapat gawin dito.
Ilista ang lahat ng relevant factors na puwedeng makaapekto sa inyo at i-rate sila bilang strengths, weaknesses, opportunities, o threats.
Dapat ang SWOT analysis ay may kasamang detalyadong review ng bawat area, kasama kung paano sila magre-relate sa marketing strategy ninyo.
Dapat gumawa rin kayo ng strategies sa pagpapahusay ng mga kahinaan ng kompanya ninyo at pakinabangan ang lahat ng oportunidad. Halimbawa, baka gusto ninyong magpokus sa pag-develop ng bagong produkto para punan ang anumang kakulangan sa market.
Tukuyin kung paano ninyo kasalukuyang inaabot ang inyong target audience. Kasama rito ang pag-evaluate kung epektibo ba ang lahat ng kasalukuyan ninyong marketing efforts, mula sa website at online presence hanggang sa social media campaigns at email newsletters ninyo.
Tutulong itong matukoy kung alin ang epektibo at alin ang hindi para makapokus kayo sa activities na tunay na nagdadala ng magagandang resulta. Puwede rin ninyong matukoy kung may kailangan ba kayong baguhin sa kasalukuyang marketing strategy o tactics.
Tingnan ninyo ang website traffic, conversions, social media followers, email opens, at click-through rates ninyo.
Kung wala ang ganitong metrics, magiging challenging ang pagtukoy kung epektibo ba ang marketing ninyo o kung may kailangan kayong ibahin.
Kung nakapag-conduct na kayo ng detalyadong competitor analysis, dapat makapag-develop din kayo ng pang-unawa kung ano talaga ang unique selling point (USP) ninyo.
Ang unique selling point ninyo ang dahilan kung bakit kayo magiging bukod-tangi sa kompetisyon at makaka-attract pa ng customers na naghahanap ng isang bagay na hindi ino-offer ng iba. Sa marketing audit, suriin ninyo ang USP ninyo at gumawa ng plano kung paano ito malulubos (kung di pa ninyo ginagawa).
Ilista ang lahat ng bagay na ipinagkaiba ninyo sa kompetisyon at isipin kung paano ninyo iyon ipararating sa potential customers. Magagawa ito sa inyong website, social media posts, email newsletters, at kahit sa sales materials. Mag-develop ng malinaw at saktong statement na nagpapaliwanag ng unique selling points ninyo, at lagi silang balik-balikan.
Ngayong mas naiintindihan na ninyo ang inyong target market, USP, at kasalukuyang marketing efforts, dapat namang mag-verify ng inyong marketing budget. Sisiguraduhin nitong meron kayong funds na puwedeng ma-allocate sa activities na tunay na gumagana.
Dapat may realistic idea kayo kung magkakano ang gagastusin ninyo sa marketing para makuha ang gusto ninyong resulta.
Mag-review ng kasalukuyan ninyong budget at alamin kung paano ninyo maa-allocate ito sa marketing ng activities kada buwan o quarter. Dapat din kayong mag-develop ng plano sa pag-allocate ng marketing budgets batay sa mas priority ninyong approach. Halimbawa, kung social media marketing ang pinakamataas ninyong priority, dapat mag-allocate kayo ng funds sa activities na tulad ng pagbayad ng ads o pagpapalaki ng follower base.
Kinakailangan kayong mag-outline ng patikular na gagawin para maabot ang inyong business goals.
Tutulong ito sa pagpokus ng efforts, pag-allocate ng resources sa mas epektibong paraan, at ma-track ang progreso paglipas ng panahon.
Magsama ng detalyadong plano sa bawat hakbang na naka-outline sa guide na ito. Tukuyin kung gaano katagal ang oras na ilalaan sa bawat activity nang makapag-produce ng resulta at mag-set ng goals sa gusto ninyong makamtan.
Isa sa pinaka-epektibong paraan para mapahusay ang marketing ninyo ay ang pag-develop ng content strategy. Ito ang maglilista ng anong uri ng content ang ilalabas ninyo at gaano kadalas ninyong balak mag-publish.
Kinakailangan na sa ngayon ang quality content sa anumang matagumpay na marketing strategy. Nakaka-engganyo ito ng pagdedesisyon sa pagbili, tutulong na maituro sa potential customers ang tungkol sa inyong business, at nagtataguyod ng tiwala.
Simulan sa paggawa ng listahan ng mga uri ng content na nais ninyong i-produce, kasama na ang blog posts, social media updates, at videos. Mag-develop din ng editorial calendar para sa bawat platform para mas malinaw ang inyong schedule.
Siguraduhing madali kayong makokontak ng customers nang makakuha ng importanteng impormasyon nang walang hassle.
Tutulong kasi ito sa pagtaguyod ng mas magagandang relationship. Mas pagkakatiwalaan nila kayo kung alam nilang makakaasa sila sa inyo kung kakailanganin nila ang tulong ninyo.
Marami kayong magagamit na methods sa pag-streamline ng abilidad ng customers ninyong makakonekta sa inyo. Mula ito sa nakikita ng clients tulad ng live chat widgets hanggang sa mga tutulong sa agents ninyong mag-manage ng workload nila nang mas epektibo, na siyang dahilan ng pagtaas ng customer satisfaction.
Ino-offer itong lahat ng LiveAgent – magagamit ninyo ang built-in call center software, maka-capture ng mas maraming leads gamit ang pinakamabilis na live chat sa market, at mag-manage ng lahat ng chats, messages, emails, calls, etc. mula sa iisang inbox.
Ngayong may plano na kayo sa content, gumawa naman ng digital assets na kailangan para maganap ito.
Kailangang masigurado ninyong lahat ng social media profiles at website pages ninyo ay updated para maka-attract sila ng visitors at maging mas engaged sa inyong brand. Tutulong din itong magmukhang mas professional at credible ang business ninyo.
Simulan sa paggawa o pag-update ng your website at social media profiles. Kasama rito ang paglagay ng kaakibat na impormasyon tulad ng description ng inyong business, contact details, at mga imahe o logo. Siguraduhin ding lahat ng pages ninyo ay naka-link nang maayos para madali itong magagamit ng visitors.
Matapos ninyong maintindihan nang husto ang inyong business at ang market, gumawa na ng action plan sa pagpapahusay ng inyong marketing strategy. Mga partikular na hakbang ang ililista rito na kakailanganin ninyo sa pagpapahusay ng mga di epektibong aspekto ng marketing ninyo.
Tutulong ito sa pagtukoy kung saan kayo puwede pang mag-ayos at makapagplano ng nararapat na pagbabago.
Kasama dapat sa action plan ang detalyadong review ng bawat aspektong di epektibo sa inyong marketing strategy, kasama ang mga hakbang na gagawin ninyo para mapahusay sila.
Tukuyin ang pakay ng audit ninyo. Ang objectives ng marketing audit ay nag-iiba-iba pero kadalasang kasama ang sumusunod:
Kapag alam na ninyo ang goal, oras na para matukoy ang sakop ng audit ninyo. Magdesisyon kung alin ang isasama at hindi isasama. Tutulungan kayo nitong mapanatili sa tutok habang isinasagawa ang analysis. Ang ilang factors na puwedeng ikonsidera ay:
Kapag nalaman na ninyo kung ano ang titingnan ninyo, oras na para tukuyin ang pinakatamang paraan sa pagkuha ng impormasyon. May iba’t ibang method ng audit ang available. Pumili ng isa na gagana nang mahusay para sa pangangailangan ninyo.
Ang ilang standard na method ng audit methods ay:
Alamin kung nakamtan ang objectives ninyo at kung ano ang pagbabago, kung meron man, na kailangang gawin. Siguraduhing ipakita ang findings nang mas malinaw at eksakto para mas madaling maintindihan ng management.
Kasama sa ilang standard na analysis methods ay:
Pagdating sa mga rekomendasyon, gugustuhin ninyong magsama ng partikular na hakbang para matukoy ang mga isyung lilitaw sa audit. Sisiguraduhin nitong alam ninyo ang kailangang gawin at kung anong plano ang susundin. Siguraduhing ang mga rekomendasyon ay kayang matupad at realistic para ma-implement sila nang deretsahan.
Gumawa kayo ng implementation plan. Mag-outline kung sino ang magiging responsable sa bawat hakbang, anong resources ang kailangan, at isang timeline kung kailangan dapat makumpleto ang tasks. Isang maayos na implementation plan ang tutulong sa pagsisiguradong magagawa ang mga pagbabago sa tamang oras at paraan.
Kapag nagawa na ang mga pagbabago, oras na para mag-evaluate kung epektibo sila. Dito ninyo malalaman kung nakamtan ba o hindi ang objectives at kung may mga naging isyu sa proseso.
Conversion rates ang pinaka-accurate na pagsuri kung epektibo ang marketing campaign. Makakalkula ninyo ang conversion rates batay sa:
Ang bounce rate ay isang metric na ginagamit sa pag-track ng bilang ng taong bumibisita sa site at umaalis agad. Tutulong ito sa pag-intindi kung ang nakukuha ninyo ay ang tamang audience o hindi.
Ang bounce rate ay natutukoy sa pagkuha ng kabuuang bilang ng visitors na umaalis sa site ninyo matapos makita ang isang page at hatiin sa kabuuang bilang ng visits. Kung mataas ang percentage na ito, baka merong bagay sa website na nakaka-turn off sa mga tao o nagpapaalis sa kanila bago pa man sila makatingin nang todo. Para mabawasan ang bounce rates, subukan ito:
Ang click-through rate (CTR) ay isang metric na nagagamit para sukatin ang bilang ng clicks sa inyong ads at kung ilang tao ang bumibisita sa website ninyo bilang resulta. Ang pag-track nito ay tutulong sa inyong matukoy kung anong ad formats, placements, o networks ang mas magtataas ng traffic sa inyong site. Para mapahusay ang CTR, gawin ito:
Ang social media ay isang powerful tool para sa marketing ng inyong business. Tutulong ito sa pag-abot ng bagong customers, pagtaguyod ng mga relasyon sa kasalukuyang customers, at sa pag-generate ng leads. Para mas mapakinabangan ang social media, gawin ito:
Sales ang ultimate goal lagi ng anumang marketing efforts. Ang pag-track ng sales metrics ang tutulong kung ang campaigns ninyo ang magdadala ng bagong customers at magtataas ng customer retention rates. Magagawa ang pag-track ng sales metrics sa sumusunod:
Ang pag-improve ng brand awareness ay isang nagpapatuloy na proseso na nangangailangan ng oras at consistent na effort para makita ang mga resulta. Para ma-track ang progreso ninyo:
A marketing audit ought to cover all aspects of your marketing activity, from brand awareness to sales process. It should also include a review of your website, eCommerce platform, and social media presence. As you can see, there are many aspects to cover and working with teams is recommended, including your finance and accounting departments. Our checklist summarises all of the key points you need to cover in your audit.
If you're not achieving the desired results from your current campaigns, try A/B testing different ad formats and placements (e.g, text vs. image ads). In addition, monitor website traffic for spikes in inactivity and look for trends to determine which ads bring in new customers. It may also be a good idea to review your website's design, content strategy, or SEO keywords to see where you can improve.
The best way to prepare for a marketing audit is to gather all of the relevant data and have it ready for review. This includes analytics from your website, eCommerce platform, social media accounts, and email marketing tools. You should also have any branding or design assets ready for review, as well as an overview of your current campaigns and their results. You can download our free marketing audit checklist PDF, which includes a summary of all the key points you need to cover in your audit.
There is no one-size-fits-all answer to this question, as the format of a marketing audit will vary depending on the size and complexity of your business. However, most audits will include: Executive summary - a brief overview of the key points from your audit, including any recommendations or next steps. Current marketing activity - an outline of all ongoing and completed marketing campaigns, as well as how successful they were in driving sales. Marketing goals - details about your business objectives for each type of campaign you run to give a clear understanding of what you're trying to achieve. Marketing activities review - an assessment of e.g. your website's design, user experience, content, SEO, social media, and email marketing strategy. Financial review - an examination of how much you're spending on marketing and whether or not this is generating a good return on investment (ROI). Next steps - recommendations for ways to improve your marketing activity based on the findings from your audit.
Again, there is no definitive answer to this question. However, you should allow enough time to review all the data and make recommendations for improvement. By using our digital marketing audit checklist, you can reduce this time to a minimum because you won't need to make any additional changes nor miss anything crucial.
Email marketing is one of the most important channels in digital marketing. It's a great way to connect with customers and keep them updated on your latest products and services. Auditing your email marketing is an essential part of maintaining a successful campaign.
Social media management checklist
Gusto mo bang mag-manage ng social media na parang pro? Sa tulong ng social media management checklist na ito, tiyak lilipad ang mga account ninyo.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.