Kayo ba ay magsisimula ng isang bagong website? Kung oo, idaan muna ninyo rito sa Search Engine Optimization checklist. Kritikal ang pagiging isang well-optimized na website para makamit ang mataas na search engine rankings at maitaas din ang traffic. Sa checklist na ito, pag-uusapan natin ang mga pinakamahalagang hakbang na kailangan ninyong gawin para maging SEO-friendly ang inyong site sa unang araw pa lang.
Kung kayo ay magsisimula pa lang ng isang bagong website, mahalagang pagbuhusan ninyo ng panahong i-optimize ninyo ito para sa mga search engine at isipin ninyo ang ranking factor. Ang magandang balita ay ang SEO ng isang website ay hindi kailangang maging komplikado at kadalasan pa, puwedeng magawa ito nang mabilis.
Sa kaunting effort, puwede na ninyong gawing mas visible ang website sa mga search engine at simulan ninyong abangan ang mas mataas na organic traffic papunta sa inyo.
Ang SEO guide na ito ay dinisenyo para sa mga business at mga may-ari ng website na nagsisimula pa lang. Gayunman, kahit ilang taon pa lang ang inyong website, magandang ideyang balikan ang mga hakbang na ito para siguraduhing pinapakinabangan ninyo ang lahat ng pinakabagong techniques ng search engine optimization.
Ano ang pangunahing mga hakbang na kailangan ninyong gawin?
Nagsisimula ang search engine optimization sa keyword research.
Kung hindi ninyo ito gagawin, hindi kayo makakakuha ng ranking para sa mga tamang search term. Ang resulta, hindi makakakuha ng sapat na traffic ang inyong website, ibig sabihin, hindi kayo makaka-convert nang mahusay.
Una, tukuyin ninyo ang topic ng inyong website. Kapag meron na kayong nakuhang ideya kung tungkol saan ang inyong website, puwede na kayong magsimula sa pagtukoy ng mga target keyword na angkop sa inyong content.
Puwede rin ninyong gamitin ang mga search engine para makahanap ng mga keyword na ginagamit ng mga tao para makakuha ng impormasyon online. Halimbawa, kung gusto ninyong mahagip ang keyword na “pizza,” kailangan ninyong isulat ito sa Google para makita kung ano ang ibang mga parehas nitong keyword na lilitaw sa mga resulta.
Maari rin ninyong i-monitor ang mga brand mention at mga competition keyword para makakuha ng ideya kung ano ang nahahagip ng iba. Kapag nakakuha na kayo ng target keyword list, maari na kayong mag-umpisang mag-incorporate nito sa content at website architecture ninyo.
Isa ito sa pinakamahalagang hakbang sa optimization ng inyong website para sa mga search engine. Kapag namili kayo ng domain name, siguraduhin ninyong angkop ito sa inyong business o website.
Bawat pagrehistro ninyo ng inyong domain name, nakakakuha rin kayo ng kaakibat na IP address na kakambal ng inyong website habang kayo ang nagmamay-ari nito. Mahalaga ito dahil ginagamit ng mga search engine ang IP address para tukuyin kung saan hosted ang mga website.
Ang susunod na hakbang sa pag-optimize ng inyong website ay ang pagpili ng tamang web platform. Kapag nagdedesisyon, siguraduhing mamili ng search engine-friendly at bibigyan kayo ng kakayahang madaling mapaganda ang SEO ng website ninyo.
Ito ay isang tool na kakailanganin ninyo ng maraming taon – makakapag-edit kayo ng pages ninyo at magdadagdag kayo ng mga bago, lalo na kung meron kayong blog. Hindi dapat kayo limitahan ng platform.
Ang ilang popular na mga SEO-friendly web platform ay ang:
Kapag nagse-setup ng inyong website, mahalagang pumili ng themes at plugins nang maingat. Sa pagpili ng theme, siguruhing pumili ng isang well-coded at maayos na dinisenyo para sa SEO.
Ang SEO-friendly themes ay dinisenyo para umayon sa mga search engine. Karaniwan silang merong built-in features na nakatutulong sa pagpapaganda ng ranking ng inyong site sa Search Engine Results Pages (SERPs) tulad ng optimized code at metadata.
Walang iisang theme na magtataas ng inyong rank o makasasama sa inyong SEO strategy. Sa halip, pag-isipan ang:
Magbasa ng mga review, opinyon, at success stories tungkol sa theme bago kayo gumawa ng desisyon.
Kapag nagpaplano ng website, mahalagang madali itong ma-navigate ng bumabasa at ng search engines.
Kapag nagplano kayo ng inyong site structure, kayo ay gumagawa ng isang mapa. Kapag isinama ninyo ang malinaw na hierarchy ng pages at gumamit kayo ng keyword-rich titles at descriptions, mapapataas ninyo ang ranking ng site ninyo sa SERPs.
Ang pagpaplano ng structure ng inyong website at pag-organisa ng mga nilalaman nito ay prosesong nakauubos ng oras, pero sulit naman. Simulan sa paggawa ng listahan ng pages na gusto ninyong makita sa site ninyo, at pagkatapos ay gawin ninyo ang inyong hierarchy simula sa home page at pababa sa mga indibidwal na pages.
Tip: Ang page ninyo ay kailangang hindi lalampas ng 3 clicks patungo sa inyong site.
Ang maayos na pag-organisa at ang intuitive navigation ay mahalaga sa SEO. Siguraduhing ang inyong mga menu item ay madaling buksan at makikita sa main menu. Gumamit ng malinaw na labels para sa navigation buttons para alam ng mga bisita ninyo kung saan sila pupunta.
Ang navigation menu items na nakikita at madaling gamitin ay ikatutuwa ng inyong bisitang gamitin sa pag-explore ng inyong website. Kapag hindi nila madaling nahanap ang kailangan nila doon, malamang ay hindi na sila bumalik.
Walang iisang sagot sa tanong na ito. Gayunman, merong ilang bagay na mailalagay ninyo para maging user-friendly ang navigation.
Tip: Isipin lagi ang behavior ng mga bisita (ano ang kanilang iki-click, paano sila makipag-interaksiyon), at huwag kalimutang idagdag ang, halimbawa, mga social profile para pataasin ang traffic papunta sa mga social media pages ninyo.
Ang pagkakaroon ng mga URL na maikli at keyword-rich ay magpapataas ng site-ranking sa SEO.
Ang paglalagay ng mga keyword sa inyong URL ay makatutulong sa Google at sa ibang mga search engine na maintindihan nang lubos kung tungkol saan ang pages ninyo. Ito ang makatutulong sa inyong website na tumaas ang ranking sa SERPs.
Magsimula kayo sa pagsusuri kung pinapayagan kayo ng Content Management System (CMS) ninyong magbago ng URL structure. Kung posible ito, siguraduhin ninyong i-set up ang 301 redirects mula sa inyong lumang URL papunta sa mga bago.
Kung hindi ninyo mababago ang URL structure sa inyong CMS, meron pang ilang bagay na magagawa:
Mula pa sa simula, kailangan ninyong tutukan ang responsiveness ng inyong site. Ang bilang ng mga taong nagba-browse sa web sa kanilang phones at tablets ay tumataas, kaya hindi ninyo gustong palagpasin ang kahit na sinong potential na mga kliyente at magkaroon ng isang website na hindi maganda sa maliit na screen.
Nagsabi ang Google na uunahin nila ang mga mobile-friendly site sa kanilang SERPs. Ibig sabihin, kung ang inyong website ay walang versatile na disenyo, puwede itong patawan ng penalty at mabigyan ng mas mababang ranking kaysa sa mga meron.
Una, gawin ninyong readable ito na hindi kailangang mag-zoom in sa mga content. Gumamit ng malalaking buttons at easy-to-navigate menus at iwasang gumamit ng flash o ibang plugins na hindi suportado ng maraming mobile devices. Ipasuri ang inyong site sa iba-ibang mga gadget para masiguradong gumagana ito at maganda itong tingnan.
Sa panahon ngayon, walang dahilan para hindi gumamit ng SSL certificate/HTTPS encryption para sa inyong website. Kung gumagamit pa rin kayo ng HTTP, panahon nang mag-upgrade.
Inuuna ng Google ang websites na gumagamit ng mga SSL certificate, kaya kailangan ninyong lumipat sa protocol na ito sa lalong madaling panahon. Bukod pa rito, kung lilipat kayo sa SSL ay makagagamit kayo ng Google Analytics sa inyong website at maprotektahan ito mula sa mga malware at mga hacker.
Kailangan ninyong bumili ng SSL certificate mula sa maaasahang provider, at pagkatapos ay ii-install ang certificate na ito sa inyong web server. Kailangan din ninyong mag-update ng lahat ng website links para magamit ninyo ang bagong protocol.
Ang search engine bots ay nakahahanap ng available web pages sa pag-iindex sa kanila. Nagtatago sila ng kopya ng lahat ng impormasyong nahahanap nila sa kanilang servers. Pagkatapos mag-perform ng user ng search, naidi-display ng engine ang relevant na resulta sa kanila.
Sa madaling salita, kung ang inyong website ay hindi crawled at indexed, hindi ito makikita sa search engine results pages.
Habang pinag-uusapan natin ang indexing, dapat kayong mag-submit ng site sa Google Search Console para payagan ang mga search engine crawlers na gawin ito.
Gamit ito, makikita ninyo ang performance ng inyong website sa Google search results at matutulungan kayong mag-diagnose at mag-ayos ng errors na pumipigil sa inyong website na magkaroon ng mataas na ranking. Bukod pa rito, nagkakaroon kayo ng mahalagang insights sa keywords na ginamit ng mga tao sa paghahanap sa inyong website.
Ang proseso ng paggawa ng inyong website sa inyong Google Search Console ay simple lang:
Sa panahon ngayon, hindi na isang optional feature ang Google My Business kundi isa na itong mahalagang bahagi ng kahit anong online presence.
Ang inyong website ay isa sa pinakamahalaga ninyong marketing tool. Sa pagpapalista nito sa Google My Business profile, pinadadali ninyo para sa inyong mga customer na mahanap kayo at bisitahin. Dagdag pa rito, ang pagkakaroon ng verified website sa profile ninyo ay makapagbibigay din siyempre ng mas mataas na ranking sa SERPs.
Para mapalista ang inyong website sa Google My Business profile ninyo, kailangan ninyong magbigay ng sumusunod:
Ang content strategy ay isa sa pinakamahalagang aspekto ng SEO. Kailangan ninyong madalas magdagdag ng relevant content sa inyong website.
Bukod sa paggawa ng professional image ng brand ninyo, ang mga high-quality content ay magpapataas ang inyong SEO. Mapananatili ng mga itong engaged ang mga bisita at interesado sa inyong business.
Iba-iba ang content ideas batay sa inyong business at audience, kaya walang standard na sagot dito. Ang sumusunod ay ilang general tips para matandaan kung kailan gagawin ang content:
Posibleng mag-engage ang inyong customer nang mas madalas at makatawag ito ng kanilang atensiyon. Puwede rin kayong magdagdag ng customer reviews, halimbawa, para lalong makumbinsi ninyo ang bisita na mag-convert.
Siguraduhing mag-target ng isang primary keyword para sa bawat page sa inyong website. Makatutulong itong mapabuti ang inyong SEO at gawing mas madali para sa mga customer na mahanap ang impormasyong hinahanap nila sa website ninyo.
Kapag na-target ninyo ang primary keyword para sa isang page, sinasabi nito sa Google na ang page ay tungkol sa topic na ‘yun. Sa ganitong paraan, mas maganda ang pagkakataong tumaas ang ranking ninyo sa search results.
Kung may offer kayong mga produkto o serbisyo sa iba-ibang wika, mahalagang ihanda ninyo ang inyong website para sa iba-ibang versions ng mga wikang iyon.
Dahil pagkakataon ninyo itong ma-target ang foreign audiences na naghahanap ng impormasyon tungkol sa inyong mga produkto o serbisyo sa kanilang sariling wika. Ang pag-optimize ng inyong website para sa iba-ibang mga wika ay makatutulong din na pagbutihin ang ranking ninyo sa foreign search engines.
Sa pag-optimize ng inyong website para sa SEO, mahalaga ang maging updated sa Google. Ang magandang balita, karamihan ng mga kilalang web platforms ay may kasama nang features na makatutulong para manatili kayong updated sa trends.
Puwede kayong maka-experience ng pagbaba sa traffic sa inyong website kung hindi ito optimized para sa bagong version ng algorithm ng Google. Sa pag-check ninyo ng pinakabagong version ng Google updates, masisiguro ninyong ang website ay configured sa paraang makatutulong magpataas sa inyong SEO at mabawasan ang risk na mapatawan ng penalty ng Google.
Kailangan ninyong obserbahan ang pinakabagong Google updates sa pagbabasa ng blogs tulad ng MOZ, Search Engine Land, at iba pa. Bukod dito, kailangan ninyong i-monitor kung ano ang nakatutulong at hindi sa inyong website gamit ang Google Analytics o ibang analytical tool.
Regular ninyong icheck ang errors at ayusin ninyo ito agad.
Puwedeng pigilan ng mga technical SEO error ang inyong website na makamit ang mataas na ranking sa SERPs. Sa ilang pagkakataon, ang mga error na ganito ay puwede pang maging mitsa ng pag-ban ng Google, kaya mahalagang matukoy o maayos agad ang mga ito.
Napakahalagang aspekto sa SEO process ang well-optimized na meta descriptions at title tags. Para masulit ito, siguraduhing ang meta descriptions at title tags ninyo ay natatangi.
Ang custom title tags at meta descriptions ay makatutulong na tumaas ang inyong ranking sa search engines. Nakatutulong din ang mga ito sa pagpapaangat ng inyong click-through rates, na magreresulta sa pagtaas ng quality traffic at conversions.
Ang isa sa mga dahilan ng Google kapag ginagawan nila ng ranking ang mga website ay ang loading speed at server response time (kung gaano kabilis, matapos mag-request ng isang web client).
Ang mabagal na server response time ay maaaring magresulta sa negatibong epekto sa user experience at maaaring iwan ng bisita ang inyong website, at maaapektuhan din ang SEO website ranking ninyo.
Kapag natukoy na ninyo ang isyu sa inyong loading speed, merong ilang bagay kayong maaaring gawin para pahusayin ito.
Ang uptime ng inyong website ay ang availability at accessibility nito.
Ang downtime ay nangyayari minsan sa system maintenance. Walang bisita ng inyong domain ang makaka-access ng website kung down ito.
Puwede itong magresulta sa pagpataw ng penalties mula sa search engines, at kayo’y maglalaho sa inyong users. Malaking problema ito, pero maiiwasan ninyo ito.
May ilang bagay kayong magagawa para siguraduhin ang high uptime ng inyong site:
Kapag nag-link kayo ng isang page ng inyong website sa iba, gagawa kayo ng inbound links. Ang outbound links ay magdadala sa user sa ibang websites.
May ilang hakbang para mag-link sa ibang pages sa inyong website. Puwede kayong gumamit ng anchor o isang link (nakatago sa text) na magdadala sa ibang page. Isa ring paraan para gawin ito ay ang paggamit ng URL ng page na gusto ninyong i-link. Puwede naman din gumawa ng hyperlink, o isang espesyal na klase ng link na magbubukas sa bagong window.Paano mag-link sa ibang pages?
Aling tools ang gagamitin sa pag-link sa ibang pages?
Ang pagpapanatili sa kalusugan ng inyong website ay mahalaga para sa maganda ninyong search engine optimization.
May mga paraan para masundan ang kalusugan ng inyong website sa performance nito, pero ang isa sa pinakamabuting paraan ay gamit ang Google Analytics. Ito ay libreng serbisyo na makapagbibigay sa inyo ng maraming pagkukunan ng impormasyon tungkol sa inyong website performance, kasama na ang:
Ang Google Analytics ay isang mahusay na tool na mahalaga ninyong gamitin kung gusto ninyong ma-monitor ang performance ng inyong site. Siguraduhing mag-set up ng account at maglagay ng tracking code sa website ninyo para masimulang mag-monitor ng site performance.
Mahalaga ang social media pagdating sa SEO at puwede itong magkaroon ng malaking impact, lalo na sa bagong websites.
Ang interaksiyon kasama ng users at ang pag-publish ng regular content sa social media ay makatutulong sa inyong magkaroon ng brand trust (na nakatutulong sa SEO). Mapapataas din ng social media ang SEO sa pagkuha ng natural links.
Mag-share ng mga interesanteng content sa inyong social media. Puwede ipasa ang mga ito sa iba at magresulta sa paglabas nito sa external sources, tulad ng mga forum.
Ang link building ay mahalagang aspekto ng effective positioning, kaya ang pagkuha ng links sa ganitong paraan ay magpapataas sa SEO. Gamitin ninyo ito at subukan ninyong magbigay ng maraming oportunidad para kayo magka-interaksiyon sa followers ninyo (mag-post kayo ng engaging content, gumamit ng video, maaliw kayo sa malikhaing proseso).
Laging sagutin ang kanilang mga tanong, komento, at mga opinyon – makatutulong ang LiveAgent dito. Suriin ninyo ang social media support software na iyan na nangongolekta ng lahat ng interaksiyon at ilalagak sa iisang inbox para ma-manage ninyo ito sa iisang lugar. Ang resulta, nakatututok kayo sa inyong mga customer nang mas madali.
It can be used as a guide to help you optimize your website for search engines. It includes key steps that you need to take into account, such as optimizing your domain name, web platform, checking for Google updates, and setting up SSL certificates. Use our checklist, adjust it to your needs, and enjoy an SEO-friendly site.
In most cases, it's fairly easy and can be done in a short amount of time. Here is a list of the most important things to do: make sure your website is registered with Google Search Console and submit your XML sitemap; add keywords to your title tags, meta descriptions, and header tags; optimize your images for search engines; include links to other websites and blog posts; use keyword-rich anchor text for your links and create a blog and add new content regularly.
There are a number of different tools that you can use to find relevant keywords for your website. The Google Adwords Keyword Planner is a good place to start. You can also use Google Search Console to identify keywords that people are using to find your website. These tools are very popular so you will have no problems finding tutorials on how to use them.
You can use a number of different tools to assess your website's SEO, but the most popular one is Google PageSpeed Insights. This tool will give you a score for both mobile and desktop devices, as well as tips on how to improve your rating.
Discover essential tips on managing your remote team effectively with our comprehensive remote work checklist. Perfect for business owners, HR departments, remote workers, and non-exempt employees, this guide offers the right tools and procedures to boost communication and productivity. Learn how to set working hours, define responsibilities, plan meetings, and maintain company culture, ensuring a seamless remote work experience. Visit us to enhance your remote team's efficiency and overcome common challenges.
Checklist sa pagsisimula ng bagong trabaho
Simulan ang bagong trabaho nang bongga gamit ang aming ultimate checklist! Tuklasin ang mga hakbang para mag-set up ng daily schedule, makilala ang mga katrabaho, at magtagumpay sa bagong posisyon. Iwasan ang mga problema at tutukan ang progreso sa pamamagitan ng pagkuha ng importanteng impormasyon ng kompanya, pag-research sa commute, at pagkilala sa team mo. Perfect para sa mga bagong graduate, naghahanap ng trabaho, o nagpapalit ng kompanya. Bisitahin ang aming site para simulan ang iyong tagumpay!
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.