Contact center software

Magkaroon ng magandang daloy ng service experience gamit ang contact center software

Ang mga digital-savvy na consumer ngayon ay gumagamit na ng maraming platform para makipag-ugnayan sa mga kompanya, at inaasahan nila ang isahang pagtugon sa lahat ng ito. Dahil dito, marami nang mga negosyo na diretsong humaharap sa customer ang gumagamit na ng contact center solutions para matugunan ang pangangailangang ito — ang pagkakaroon ng magandang daloy ng kanilang omni-channel experience.

Anumang channel ang gamit ng mga customer ninyo, matutulungan kayo ng LiveAgent contact center software para maging mas madali at mas epektibo ang pag-manage ng lahat ng interaksiyon ninyo sa mga customer sa iisang lugar na lang.

Ano ang contact center software?

Ang contact center software ay isang tool na tutulong sa mga kompanyang mag-streamline ng kanilang customer communications mula sa lahat ng potensiyal na touchpoints at channels. Kasama dito ang voice, VoIP, email, live chat, text, at social media platforms.

Dahil sa patuloy na pagdami ng mga business na gumagamit ng contact center solutions, ang kabuuang market size ng global contact center system ay inaasahang aabot na sa USD 47.76 bilyon pagdating ng 2025.

Bakit ninyo kailangan ng isang cloud contact center software

Tinatanggal na ng isang cloud-based contact center software ang pagkakaroong ng tradisyonal na on-site solution. Ibig sabihin, puwede nang mag-set up at magpatakbo ng maaasahang contact center system na matatag ang features pero di na kailangang ng  mamahaling hardware, infrastructure, at propesyonal na IT teams para paganahin ito.

Mas bagay ang cloud-based solutions para sa maliliit na negosyo at malalaking organisasyon dahil nagbibigay ito ng malaking scalability, flexibility, mas protektadong seguridad, at tunay na sulit sa presyo.

undraw maintenance cn7j

Ano ang maaasahan sa paggamit ng contact center software solutions

Mas mahusay na service management

Ang kapasidad para sa reporting at analytics ng contact center system tools ang makapagpapadali sa mga manager na mag-monitor at mamahala sa bawat aspekto ng kanilang service operations, pag-track ng mga kritikal na service metrics, at makakakuha sila ng ideya sa quality ng pagtatrabaho ng mga agent.

Mas maayos na data security

Ang mga contact center software solution ay nagbibigay ng advanced na security features tulad ng data encryption at data backup para protektahan ang sensitibong impormasyon ng mga customer. 

Mas mahusay ang pagiging produktibo

Ang contact center system platforms ay puno ng magagarang features na nagagamit ng mga agent sa pag-track ng impormasyon ng bawat customer para mas mabilis at mas propesyonal nilang naaayos ang anumang isyu habang napapanatili nilang mataas ang pagiging produktibo nila sa pagtatrabaho.

Karagdagang benepisyo ng mga contact center software

Mas nabawasang gastos sa support budget

Ang pag-streamline, pag-automate,  at pag-optimize ng mga proseso ng support ay magdudulot ng mas maikling oras ng pagtugon, mas mabilis na resolusyon, at nabawasan ang repeat calls – lahat ay nag-aambag sa pagtaas ng pagiging epektibo ng support at pati na rin sa pagpapababa ng operational cost.

Karagdagang oportunidad para sa sales

Dahil sa may instant access ang mga agent sa komprehensibong data ng bawat customer, mula sa personal nilang info hanggang sa history ng lahat ng binili nila at serbisyong natanggap, puwede ring mag-cross-sell at upsell ng mga kaakibat na produkto at serbisyo ang mga agent.

All-in-one na multichannel contact center software ng LiveAgent

Ang contact center system ng LiveAgent ay isang maraming features na multi-channel solution na gagawing mas epektibo ang support ninyo para mas maging masaya ang mga customer.

Fully functional na ticketing

May offer ang contact center software ng LiveAgent na malawakang ticketing features tulad ng smart ticket distribution, workflow automation, mas pinadaling management ng responsibilidad, canned responses at templates, SLA management, pag-split at pag-merge ng ticket, team collaboration tools, reporting, at marami pang iba para sa mas mabilis at mas epektibong ticket resolution.

Live chat support

Isa sa mga core functionality ng contact center platform ng LiveAgent ang live chat, na siyang nagbibigay ng inaasahang instant na support ng mga consumer mula sa mga brand.

Ang LiveAgent live chat ay may dose-dosenang pangkaraniwan at kakaibang features tulad ng maramihang chat routing option, proactive na chat invitation, pag-monitor ng online visitor, real-time typing view, at marami pa.

Dagdag na info

Voice at video calls

Ang cloud-based call center ay napakahalagang bahagi ng complex na contact center solution ng LiveAgent. Dahil dito, matatanggap ninyo ang mga tawag mula sa landline o sa website, makapagdidisenyo ng mga komplikado at personal na IVR trees, makakapag-set ng rules para automated na ang call routing at call transfers, gumawa ng unlimited na call recording, at marami pa.

Integration sa social media

Mga 65% ng nasa edad 18-34 ay naniniwalang epektibo ang paggamit ng social media para sa customer service. Ang LiveAgent ay may integration sa pinaka-popular na mga social media channel tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram para matulungan kayong mag-monitor at sumagot sa lahat ng inyong social media message, comment, at brand mention mula sa iisang dashboard na lang. Sa LiveAgent, di na kailangang magpalipat-lipat pa sa iba’t ibang social media account o mag-monitor ng napakaraming device.

Dagdag na info

Kumpletong self-service na portal

Mas gusto nang gamitin ng mga 70% ng consumers ang website ng isang kompanya para makakuha ng mga sagot sa tanong nila kaysa sa gumamit ng phone o email para makipag-ugnayan sa kompanya. Sa LiveAgent, puwede ninyong palawakin pa ang kakayahan ng inyong support sa paggawa ng isang fully customizable na self-service portal na may kasamang knowledge base, FAQs, at mga customer forum na siyang makapagbibigay ng kumpiyansa sa mga customer na maghanap ng sagot sa sarili nilang tanong nang hindi na kumokontak sa mga agent.

LiveAgent Quick Help Desk Software Overview | Live AgentP0Y0M0DT0H0M320SYoutube video: LiveAgent  Quick Help Desk Software Overview
Live Agent

Kailangan ba ninyo ng isang contact center software?

Sa dami na ng mga contact center software provider ngayon sa market, naging mas komplikado na ang pagpili nito. Pero kung alam na ninyo ang gusto ninyong uri ng contact center software, makatutulong kung ililista ninyo ang mga must-have features na kakailanganin ng inyong customer support team. May offfer ang iba na mga basic contact center functionality, ang iba naman ay may mga advanced na kakayahan. Sa LiveAgent, gumawa kami ng multichannel contact center solution na may 179+ features na available sa kasalukuyan, at higit 40 integrations na kasama.

Bakit ang contact center solution ng LiveAgent ang bagay sa inyo

Cloud-based technology

Mag-enjoy sa mabilis at madaling paggamit, advanced na seguridad, at iba pang benepisyo ng cloud-based technology.

Pinagkakatiwalaan ng 30k na business

Higit sa 30,000 na business sa iba’t ibang industriya ang pumili ng LiveAgent bilang customer support tool nila.

Scalable at customizable

Ang software ay madaling ma-scale at ma-customize ayon sa partikular na mga requirement.

undraw Savings dwkw

Pumili ng plan na bagay sa inyong business

Ang pinakamahusay na contact center software ay iyong eksakto sa business goals ninyo, sa pangangailangan ng inyong customer support, at pasok sa budget.

May offer ang LiveAgent na 4 na iba’t ibang plan – kasama na ang isang libreng plan – na walang kaakibat na mga kontrata o hidden fees, na may malinaw at matinong pagpresyo, at  nagbi-bill lang ng kung ano ang nagamit kada buwan. Puwede ring mag-downgrade at upgrade ng plan, o magdagdag at magbawas ng mga agent anumang oras.

LiveAgent is a help desk solution that connects multiple channels in one interface. Find out more about LiveAgent and its business/industry benefits.

Suporta ng VIP

LiveAgent is a help desk solution that connects multiple channels in one interface. Find out more about LiveAgent and its business/industry benefits.

Inaasahan ng mga customer ang isinapersonal, mabilis, at may kaalamang serbisyo. Ang LiveAgent ay ccm software na makakatulong sa iyong ibigay iyon kaagad.

Software sa pamamahala ng mga komunikasyon ng kustomer

Discover LiveAgent's advanced customer communication management software, designed to unify multiple contact channels and enhance brand identity. Enjoy a seamless, personalized customer experience with a 14 or 30-day free trial—no credit card required. Ideal for industries like insurance, banking, and healthcare, LiveAgent integrates effortlessly with your existing systems to boost customer satisfaction and streamline interactions. Start your free trial today and revolutionize your communication strategy!

Tinutulungan ng hallo, ang mga negosyante sa kanilang business internet, telephony, at cloud services. Alamin ang detalye ng hallo, integration sa LiveAgent.

hallo,

Ikonekta ang hallo sa LiveAgent nang libre at pagbutihin ang iyong customer experience gamit ang kanilang VoIP integration. Subukan ang hallo kasama ang LiveAgent para sa seamless telephony at cloud services nang walang dagdag na bayad sa integration. Alamin kung paano simulan ang iyong libreng account at gamitin ang iba't-ibang device para sa mas epektibong serbisyo.

Ang mga call center ay mahalaga pa ring parte ng customer service. Alamin kung paano ninyo ito magagawang mas epektibo gamit ang call center automation features ng LiveAgent.

Call center automation

Discover the benefits of call center automation with LiveAgent! Enhance customer satisfaction, improve agent workflows, and increase revenue by automating repetitive processes. Explore features like IVR, automatic callback, and CRM integration. Try LiveAgent's powerful software with over 180 features for free and transform your customer service experience today!

Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.

Start Free Trial x