Ang customer experience software ay nag-aalok ng mga tool para mapabuti ang karanasan ng mga customer, mahalaga sa pagkuha ng loyalty at pagpapabuti ng negosyo. Mga halimbawa ay LiveAgent at Pipedrive.
Ngayong may convenience at accessibility nang nagmumula sa Internet, parang naisasantabi na ang customer service. Madalas, gusto lang ng mga user na makahanap ng simpleng sagot sa problema o merong makausap na tunay na tao. Kaso, maraming mga business ang hindi alam kung paano ito gagawin kaya ang kanilang mga customer (o mga potential na customer) ang nagdurusa.
Mabuti na lang at isang buong industriya ang lumitaw para makatulong: ang customer experience platforms. Narito ang maikling diskusyon tungkol sa ibig sabihin nito, at pasadahan natin ang listahan ng 20 sa mga pinakamahusay na customer experience software ng 2022.
Bago natin maintindihan ang customer experience software, kailangan munang matukoy kung ano ang CX. Ang customer experience (kilala rin bilang CX) ay ang kabuuang karanasan ng inyong mga customer kapag may interaksiyon sila sa inyong kompanya o brand. Ang matatagumpay na business ay nagpapahalaga sa customer experience dahil halos lahat ng mga customer ay umaasang magkaroon ng isang personal na relasyon sa mga brand na ka-interaksiyon nila.
Ang customer experience software ay ang mga SaaS platform na tumutulong sa mga customer na humanap ng customer service experience online na kapareho ng mga nakasanayan nila sa mga tindahan. Kung hindi man sila makalapit nang pisikal sa isang associate, makahahanap pa rin sila ng tulong gamit ang iba-ibang tools.
Ang pinakamahusay na customer experience program ay tutulong sa visitors sa sumusunod na paraan:
Binibigyan ng mga customer experience program ang mga business ng kakayahang makapili sila ng mahusay na tools para bumagay sa kanilang workflow at suportahan ang kanilang unique na audience. Ang mga platform ay madali ring ma-integrate at may kasama nang knowledge base para maituro ang setup process sa mga bagong user.
Ito ay mga platform na cloud-based, kaya hindi na kailangang bumili ng karagdagang hardware. Merong offer ang ibang mga platform na desktop at mobile clients pero accessible rin ang mga ito sa isang website browser.
Magkaka-access din dapat kayo sa measurement tools. Puwedeng maging analytics ang mga ito para masubaybayan ninyo kung paano ang interaksiyon ng customer sa inyong digital asset o tools na makatutulong sa pagsukat ng performance ng inyong mga agent. Sa huli, ito ang tutukoy ng ROI at susukat kung aling mga asset ang pinakamahusay ang performance.
Ang mga brand na nagtatagumpay ay ang mga bukod-tangi. Madali itong magagawa ng mga business sa pamamagitan ng pag-offer ng madaling access sa isang tunay na tao sa panahong sobrang umaasa ang mga website sa mga knowledge base, help article, at mga forum.
Simple lang ito: ang customer satisfaction at tagumpay ay nakukuha kapag masaya ang mga customer. Kung ang mga prospective customer ninyo ay bigong makahanap ng tulong sa pagbili o paggamit ng inyong produkto, hindi sila siguro bibili. Pero kung bibigyan ninyo sila ng tulong na kailangan nila at isang positibong customer experience na hindi maibibigay ng iba, may pagkakataong maging loyal customer ninyo sila.
Pero hindi doon nagtatapos ang customer experience platform. Gaya ng nasabi kanina, madalas ay nagbibigay sila ng karagdagang insights sa customer behavior. Halimbawa, matutukoy ninyo kung aling mga bahagi ng inyong marketing efforts ang gumagana, aling mga bahagi ang nakakalito sa inyong mga customer, at aling mga bahagi ang di talaga gumagana.
Ang insights na ito ay mahalaga sa pagkuha ng loyal customers. Ikinatutuwa ng mga customer kapag pinakikinggan sila at nae-engganyo sila sa mga interaksiyong digital sa web. Ang digital CX ang nasa sentro ng mga interaksiyong ito sa customer. Iyan ang paraan para mabigyan sila ng mahusay na customer experience.
Pero siyempre, hindi pare-parehong mag-isip o may pare-parehong pangangailangan ang lahat ng customer. Samakatwid, makagagawa kayo ng customer segments ayon sa demographics at behavior patterns. Ang segments na ito ang magbibigay ng kakayahan sa mga business na mahatiran ang mga individual customer ng personalized na experience.
Mapabubuti din ng customer experience software ang employee engagement. Ang isang sentralisadong workflow ay mapadadali ang kakayahan ng mga empleyadong makipag-interaksiyon at makipagtulungan sa mga customer. Makatutulong din ito sa mas epektibong sabayang pagpapalit at pag-edit ng files.
Kapag ang mga expectation ay natugunan at nahigitan, matutulungang pagbutihin ang imahe ng buong industriya. Ang mga business na nasa mga industriya na hindi iisiping tech-savvy ay puwedeng magpakitang sila ay handa at may mga balak nang gumamit ng mga digital platform.
Sa panahong ito ng mga website, social media,, at mga mobile app, ang kakayahan ninyo sa pag-scale ng customer communications sa maraming digital channels ay sobrang halaga sa panahong ito. Kung sabagay, kailangan talaga ninyong hanapin ang inyong mga customer saanman sila naroon, hindi kung saan lang ninyo gustong mahanap sila.
Kadalasan, ang mga customer experience software package ay may kasamang code snippet sa backend ng website. Kapag installed na ito, lilitaw ang isang widget na bibigyan ng kakayahan ang mga bisitang makatawag o makapag-chat.
Puwede rin kayong mag-install ng isang plugin kung ang inyong website ay gumagamit ng isang CMS platform tulad ng WordPress o Drupal. Kapag ginawa ninyo ito, magiging maayos at mabilis ang inyong integration. Bukod dito, maiiwasan ang pangangailangang gawing manual ang inyong insert code o paggawa ng iba pang technical changes.
Makatutulong din ang plugins na bigyan kayo ng suporta kapag kailangan. Halimbawa, depende sa inyong piniling customer experience program, puwedeng mag-login ang mga support agent sa pamamagitan ng plugin at gumawa ng mga kailangang pagbabago sa inyong website.
Merong mga katulad na plugins at extensions para sa mga e-commerce platform tulad ng Shopify at Big Commerce (bukod sa iba pa), na may offer na bagong features na nagbibigay ng suportang nakatutok sa online retailers.
Isang dedicated na web page ang maaaring kailanganin para sa mga knowledge base, customer portal, at support ticket. Kasama sa mga web page na ito ang mga script na naka-integrate sa napiling customer experience platform.
Ang mga website owner ay puwedeng mag-login sa isang dashboard na nasa customer experience management software para makita nila ang customer issues at engagements. Puwede nilang makita kung kailan naipadala ang inquiries, at kadalasan, kung saan galing ang mga ito sa website. Puwede rin nilang maipaabot ang direct inquiries sa makatutulong na team member.
Bukod pa dito, ang impormasyong ito ay puwedeng magamit para matukoy kung aling bahagi ng kanilang website, social media presence, o iba pang aspekto ng customer engagement ang kulang. Halimbawa, kung pare-parehong mga tanong ang nanggagaling mula sa mga customer tungkol sa pare-parehong produkto, baka kailangang maging mas eksakto pa ang mga description nito.
Napadadali nang husto ang customer experience management ng cloud-based platforms nang higit pa sa dati. At ang pinakamaganda nito, magagawa nila ang lahat nang ito mula sa iisang lugar – o higit sa isang lugar! Karaniwang makaka-access sa mga experience platform sa mga website at mobile apps. Gayunman, gagana din ang mga ito sa mga desktop app.
Ang ibang mga platform ay gumagana hindi lang sa website. Halimbawa, ang social media integration ay isang karaniwang bahagi ng mga customer experience program. Kaya kapag ang isang bagong follower ay makahanap ng isang produkto o sale sa isang lumang post, puwede nila kayong padalhan ng isang message para malaman kung available pa rin ito.
Gamit ang lahat ng modernong channels na ito para mahanap ang mga customer, napakahalagang konsiderahin ang dashboard na nailalagay ang lahat ng ito sa iisang lugar. Kaysa subukang aktibong gumalaw sa lahat ng inyong mga social channel, pagsama-samahin sila sa isang customer experience platform at doon ninyo tutukan ang lahat ng inyong mga digital channel.
Puwede rin kayong makatanggap ng mga alert sa inyong business o personal na email address. Bukod doon, malayong mangyari na laging nakabukas ang inyong dashboard, pero merong posibilidad na mabuksan ang inyong email kapag may phone kayong dala. Kung may offer kayong email marketing services, subukan ninyo kung makatutulong na isama ninyo ito sa inyong CES implementation. Ang platform namin ay compatible sa mga pangunahing email marketing platform, kabilang ang MailChimp.
May offer ang bawat platform na iba’t ibang tools at resources. Natural na magkakaiba-iba sila depende sa provider, pero ito ang pinaka-common.
Ang ilang components ay maaaring magtagal sa pag-set up at pag-train ng empleyado. Medyo frustrating ang proseso pero makakatipid din kayo sa oras sa paglaon.
Ang ibang customer issue ay mas matagal na naaayos kaysa sa iba. Bibigyang kakayahan ng ticketing software ang mga support agent na subaybayan ang mga isyu na hindi mabilis maaayos sa iba-ibang kadahilanan. Puwede rin silang maging mga paalala para siguraduhing walang support request na malilimutan.
Ang mga ticket ay maa-archive para sa ibang panahon pagkatapos silang maisara. Nagagamit ito bilang mga training tool para sa mga bagong empleyado. Maituturo ng mga ito ang pinakamabuting pagtugon sa iba-ibang mga client at masusuri nila ang pinakamahusay na solusyon.
Ang live chat software ay nagbibigay ng kakayahan sa mga customer na makipag-usap sa isang support agent nang real-time mula sa kahit anong page sa inyong website. Karaniwan, lumalabas ang live chats bilang widget na lumulutang sa kanto ng isang web page.
Kung ang lahat ng agent ay kasalukuyang busy, ang mga “chat bubbles” na ito ay magpapakita din ng isang queue number, na parang naka-on hold sila nang walang nakakainis na tugtog.
Ang live chat ay naisasama sa mga website, mobile app, at mga product catalog. Puwedeng ma-customize ang interface nito para bumagay sa inyong brand. Gayunman, ang feature na ito ay hindi laging available, o puwede itong maisama sa ilang mga package.
Ang mga live chat ay puwede ring magkaroon ng mga kapaki-pakinabang na features. Halimbawa, sa iba ay puwede ma-preview ng agent ang sagot ng customer habang sila’y nagta-type, para mapangunahan ng agent na malaman ang kailangan ng kausap bago pa maipadala ang message.
Kahit ganito, ang live chat ay hindi laging nakapagbibigay ng tugon sa mga customer, kaya ang mga agent ay makapipili ng kanilang mga detalyadong impormasyon bago magpatuloy. Ang mainam pa rito, ang response time ng customer ay nakapagbibigay ng karagdagang oras para sila makapag-isip.
Isipin ninyo ang kapangyarihan ng pagkakaroon ng isang full-fledged na call center na walang kayong gastos sa hardware. Iyan ang offer na customer experience platform ng mga call center program. Puwede itong ma-integrate sa mga computer na naka-set up na sa inyong opisina, at may offer na user interface na maraming features.
Kapag pinagsama ang mga channel sa iisang lugar, binibigyan ng kakayahan ng call center software na pagbutihin ang customer relations habang pinabababa ang abandonment. Bukod pa dito, ito ay nai-integrate sa buong platform para makapaghatid ng mas magandang daloy ng customer support.
Sa ngayon, ginagamit ng mga customer ang social media hindi lang para mag-follow sa mga paborito nilang brand. Ginagamit din nila ito para kontakin ang mga brand. Sa kasamaang palad, puwedeng magpatong-patong ang mga notification nang mabilis kapag nanggagaling mula sa iba-ibang social channel nang sabay-sabay.
Puwede ninyong gamitin ang customer experience software para gawing ticket ang bawat notification. Tulad ng napag-usapan, puwedeng masubaybayan at ma-assign mula sa iisang lugar ang mga ticket.
Ang ibang mga platform ay nagbibigay-kakayahan sa mga business na mag-schedule ng mga social media post. Nai-integrate ito sa pinakamalalaking mga platform at nagbibigay-kakayahan ito sa pag-schedule sa maraming site mula sa iisang lugar lang.
Habang patuloy ang mga channel sa pag-streamline ng daloy ng impormasyon, nagbabago na ang customer expectations. Kung ang ilang isyu ay hindi maaayos kaagad, gusto nila ng mga update sa naging progreso nito. Ipinakikita ito sa real-time ng mga customer portal.
May offer din silang karagdagang impormasyon sa kasakukuyang customer na nakagawa na ng account. Karaniwang nakagagawa sila ng mga bagong support ticket, nakakapag-search ng knowledge base, at nakakakita ng mga nakalipas na mga support ticket.
Binibigyang kakayahan din ng mga customer portal ang mga customer na magtulungan. Halimbawa, puwedeng maghanap ng mga tanong na dating hinanap ng iba at sagutin iyong may mga parehong problema sa pamamagitan ng mga community forum. Magagabayan din ng mga empleyado ang mga usapan at makasasagot ng mga tanong na masasalubong kinalaunan.
Habang napabababa ng mga forum ang gastusin sa customer service, ang pag-monitor ng mga usappan ay mahalaga. Sa huli, ang mga tanong at topic ay kailangang suportahan ang inyong business, sa halip na pigilan. Dapat din ninyong ipatupad ang rules na magpapanatili ng mga friendly conversations na focused at kapaki-pakinabang sa lahat.
Minsan, mas mabuting payagan ang customers na hanapin ang impormasyong kailangan nila sa sarili nilang oras. Mapapaluwag ng knowledge bases ang mga personnel resources ninyo habang binibigyan ang mga customer ng mabilis na access sa mga kaakibat na impormasyon.
Bilang bonus, ang mga well-structured na knowledge base implementation minsan ang makapagpapahusay ng mga search engine ranking. Ito ang may offer ng pagkakataon para mahanap kayo ng bagong customer ayon sa inyong content, kahit hindi pa nila alam ang tungkol sa inyong business.
Puwede rin kayong gumamit ng mga customer ticket at interaksiyon para palawakin ang inyong knowledge base. Gumawa ng case studies at i-feature ninyo ang mga ito bilang halimbawa ng paglutas ng mga common (o hindi masyadong common) na mga isyu. Siyempre, mahalagang makuha ang permission ng mga customer bago ninyo gamitin ang kanilang mga pangalan.
Maraming mga customer experience program na pagpipilian pero hindi lahat ng mga ito ay nababagay para tumbasan ang bawat kakailanganin ng inyong business. Dito, tatalakayin natin ang pangunahing features na dapat ninyong ikonsidera bago kayo gumawa ng desisyon.
Karaniwan sa mga customer na mapagdaanan nila ang ilang bagay bago sila makipag-business sa inyo. Ipinakikita ng journey mapping ang customer journey na nagtuturo sa mga bisita na mag-convert o umalis. Ito rin ay nagbibigay ng karagdagang insights sa mga bumabalik na customer.
Merong pagkakataong pinupuntahan ang inyong website ng mga bisita mula sa iba-ibang background at sa iba’ibang kadahilanan. Matutulungan kayo ng 360-degree view na maintindihan ang perception, opinion, mga layunin, at motibasyon ng customer batay sa kung paano sila nakikipag-interaksiyon sa inyong website at business.
Ang isa sa pinakamahusay na paraan para magkaroon ng following ay ang pagkakaroon ng isang aktibong presensiya sa mga mahalagang social media channel. Matutulungan kayo ng social media analytics na maintindihan ang paraan ng interaksiyon ng mga customer sa inyong mga post at kung aling mga post ang nakakapag-drive ng traffic.
Ang pinakamahahalagang pinagmumulan ng impormasyon tungkol sa inyong mga customer ay, sa totoo lang, ang inyo ring mga customer. Mapapadali ng customer experience software para sa inyong mga customer na makipag-ugnayan sa inyo at bigyan kayo ng feedback.
Maraming factors na kailangang konsiderahin kapag namimili ng customer experience software. Sa dami ng mga customer experience management software solution sa market, napakadaling maguluhan. Ang sumusunod na pitong factors ay kailangang ikonsidera kapag namimili ng customer experience management software:
Ano ang inaasahan mula sa inyo ng customer experience platform? Maraming platform na may offer na libreng trial bago sila umasa mula sa inyo ng commitment; ang iba nga ay hindi man lang hihingi sa inyo ng credit card information!
Maraming platforms ang papayagan kayong mag-cancel kahit kailan nang walang multa. Kung kayo ay mag-cancel sa takdang panahon (karaniwan ito’y 30 hanggang 60 araw), puwede pa kayong bigyan ng refund.
Tukuyin ninyo ang level ng commitment ng platform bago kayo mag-sign up. Kailangan ninyong gawan ng oras at resources ang pagsasanay sa inyong mga empleyado at ang pag-integrate ng mga platform tool.
Hindi laging diretsahan ang mga presyo gaya ng nakasulat. Oo nga’t karaniwang merong listahan ng mga presyo, pero kapag tiningnan ninyo ito nang maigi, puwede kayong makakita ng text na nagsasabi ng katulad ng “bawt user.” At puwede rin kayong makakita ng buwanang charge, pagkatapos ay nakasulat din na taunan ang billing sa bandang ilalim.
At dahil ang mga customer experience ay mahalaga, ang mga presyo sa pinakamahuhusay na mga platform ay hindi laging mababa. Pero hindi rin ito dapat maging magulo. Siguraduhin lang ninyong ang presyong nakalagay ay ang mismong presyong babayaran ninyo.
Huwag ninyong kalilimutang isama ang startup costs. Ang ibang mga platform ay sumisingil ng fee para sa pag-setup ng account. Puwede rin namang hindi ito masamang bagay, pero kung gagastos ng mas malaki, siguraduhin ninyong napabubuti nito ang mga customer interaction.
Ginawa ang mga customer experience platform para serbisyuhan ang inyong mga customer, pero dapat nakasuporta din sa inyo ang business. Karamihan naman ng mga platform na ito ay merong ilang features, report, integration, at automation.
Ang suporta ay puwedeng maging iba-ibang klase. Kadalasan, ang mga tutorial ay kasama na at nagtuturo kung paano ginagamit ang tools at ang mga strategy na puwedeng makuha mula sa mga ito.
Siyempre, kailangan din ninyong mahagilap ang isang tao kapag kinakailangan. Iyon kasi ang mahalagang punto ng buong industriya. Kaya ang platform na inyong pipiliin ay kinakailangang mag-offer ng maraming paraan para makontak ninyo ang isang tunay na tao na tumutulong sa inyong mag-offer sa inyong mga customer.
At tungkol sa support, updated ba kayo lagi ng napili ninyong platform? Laging nagbabago ang mga bagay sa digital world habang nagiging mas powerful ang mga computer at natututo ang mga business ng mga bagong paraan para maglingkod sa mga customer. Mabuting paraan para makakuha ng impormasyon tungkol sa pinakabagong feature at mga enhancement ng isang customer experience software ang mga email newsletter.
Habang pinatatakbo ang mga upgrade, magkakaroon ng mga service outage. Puwede ring mangyari ang mga ito dahil sa ibang mga dahilan na madalas ay hindi predictable. Subukan ninyong alamin kung ang inyong customer experience software ay may offer na isang tool para mag-monitor ng system status.
Kung mangyari ang isang outage, alamin ninyo kung ang inyong desktop client software ay makapagbibigay pa ng limitadong functionality. Kung hindi, magkaroon kayo ng backup plan para magpatuloy ang mga customer interaction hanggang sa maibalik ang service ninyo. Ang maganda, madalang mangyari ang outages at karaniwang mabilis na naaayos.
Ang customer satisfaction ay magkakaiba ng anyo sa online. Halimbawa, baka merong tanong ang customer tungkol sa produkto sa inyong website, o iniisip nila kung ang discount na kanilang nakita sa social media ay valid pa rin.
Ang mahusay na customer interaction ay sumasalubong sa mga customer saanman sila natatagpuan. Pero maikli ang attention span sa online; kung hindi ninyo sila maasikaso kung kailan nila kailangan at kung paano nila gusto, malamang ay humanap sila ng iba. Kaya ang karamihan ng mga customer experience program ay dinisenyo para mag-integrate sa mga live chat, email, linya ng telepono, at social media.
Karamihan ng mga customer experience software ay may offer na maraming mga package na iba-iba ang presyo. Batay ito sa features, at ang iba naman sa bilang ng mga user o mga interaksiyon, at ang iba naman kinokonsidera ang magkahalong features at users.
Kailangan ninyong mamili ng software na matutulungang lumago ang inyong business (kung hindi, hindi sulit ang inyong investment). Habang lumalago, kailangan ninyong makapag-upgrade ng inyong account para maibigay ninyo ang mga pangangailangan ng isang mas mahusay na customer experience.
Minsan, mas mapapahusay pa ninyo ang mga customer interaction na puwede ninyong bawasan ang inyong effort. Dapat madaling makasunod sa inyong mga pangangailangan ang mga customer experience platform.
Ang mga CES platform ay kailangang mag-adapt sa mga pagbabago ng inyong business needs. Sa nakaraang taon, nakita ang matulin na pagtaas na bilang ng mga empleyadong work-from-home. Kahit na nagbago na ang mundo, nananatiling pareho ang customer expectation. Kailangang suporthan ng inyong CES implementation ang mga pagbabagong ito.
Naging sobrang powerful nga ang mga SaaS platform, pero may limitasyon ang mga ito. Kaya madalas kayong makakakita ng maximum na bilang ng mga campaign, user, customer, o mga interaksiyon sa iba-ibang mga platform. Konsiderahin ninyo ang mga limitasyong ito nang maigi at ikumpara ninyo sila sa inyong website traffic ngayon.
Puwedeng matukso kayo na piliin ang unli plan, hindi ang tunay na kailangan ng inyong business. At sa maraming sitwasyon, ang mga plan na iyon ay ginawa para sa mga malalaking enterprise, hindi sa isang chain ng local restaurant. Tandaan, kung pipili kayo ng tamang platform, puwede naman kayong mag-scale up kung kailangan na.
Kailangan ng isang team para magtagumpay sa business. Pero hindi bawat empleyado ay kayang sumagot sa lahat ng tanong. Kaya ang mga collaboration tool ay mahalaga sa mga customer experience platform.
Ang mga ticketing system ay kasali sa mas common na collaboration tools. Ang mga customer issue ay puwedeng ma-assign nang mabilis sa angkop na team o member. Puwede ring mag-iwan ng mga relevant notes habang nangyayari ang collaboration.
Siyempre, ang ibang mga katanungan ay mas urgent at nangangailangan ng mas mabilis na response time. Ang mga shared inbox ay iba pang uri ng collaboration tool. Ang iba-ibang mga team member ay makababasa ng parehong mga email at makatutugon nang mabilis.
Ang file sharing ay isa pang mahalagang collaboration tool. Minsan, ang mga team member ay puwedeng mag-edit at mag-share ng parehong mga document o records na makatutulong sa mga customer. Ang proseso ng sharing at storing ng mga dokumento sa iisang lugar ay kailangang maging maayos.
Depende sa kung paano ang implementation ng isang platform, hindi kailangan na laging nakikipag-ugnayan nang diretso ang mga agent sa customer. Halimbawa, ang mga ticket tungkol sa mga accounting issue ay puwedeng i-share sa mga accountant lang. Kapag naayos ang isyu, puwedeng kontakin na ng customer service agent ang customer.
Ang bawat customer experience platform ay iba-iba, at ang iba ay makapagbibigay ng inyong mga pangangailangan nang mas maayos kaysa sa iba. Samakatwid, kailangan ninyo itong i-test bago kayo mag-invest dito.
Ang mga demo version ay makapagbibigay ng pagkakataon para makita kung ang isang partikular na platform ay maayos na makaka-integrate sa inyong business at mga customer. At ang trial period ay sapat dapat para matukoy kung mapapahusay nito ang efficiency o mapapatunayan ninyong mas pahirap ito.
Ang mga demo version ay limitado kaya tumutok muna kayo sa mga pinakamahalagang feature. Gamitin ninyo ang knowledge base guides ng platform para matutunan ninyo ang mga features nang mas mabilis at makita ninyo kung paano gumana ang mga ito sa maliit na bilang ng mga customer.
Kailangan din ninyong subukan ang ilang mga demo bago kayo gumawa ng huling pasya. Libre ito (bukod sa inyong commitment sa oras), at puwede kayong gumawa ng sarili ninyong kongklusyon batay sa first-hand experience.
Aling option ang pinakamaganda? Ang bawat business ay may iba-ibang sagot sa tanong na ito. Halimbawa, ang ibang mga platform (tulad ng SurveyLegend) ay may offer na mga survey; ang iba (tulad ng LiveAgent) ay wala. Kung hindi ninyo plano sa inyong business na magpa-survey, baka magbayad kayo para sa isang bagay na hindi naman ninyo kailangan.
Kailangan ninyong alamin ang pinakamagandang solution batay sa inyong mga business objective. Anong tools ang magpapadali para kayo ay kumonekta sa inyong mga customer? Mamuhunan lang kayo sa tools na kailangan ninyo para maabot ang inyong mga customer kung nasaan sila. Puwedeng maging mas mahalaga ito kaysa sa aggregated user rating.
Ugaliing magbasahin ng mga user review. Sa isang quick internet search para sa kahit anong platform ay magpapakita ng dose-dosenang mga review mula sa mga actual na user. Tingnan ninyo kung tugma sila. Halimbawa, ayon sa isang mabilis na Google search, mas mataas ang rank ng LiveAgent sa industry publications kaysa sa Zendesk.
Bukod sa mga review, ano pang mga papuri sa industriya ang natanggap ng mga ito? Maraming mga platform sa industriya at mga watchdog na nagre-review at nagpaparangal sa mga provider. Kasali dito ang mga award at mga certificate para sa social media management software, mga help desk platform, live chat software, at iba pa.
Makakakita kayo ng mga halimbawa sa aming awards page. Ang iba sa kanila ay nakatutok sa partikular na features ng platform habang ang kinonsidera ng iba ay ang platform bilang kabuuan. Ang mga papuri na ito ay nakatutulong bilang endorsements.
Kung ang inyong business ay mas bago, ito ay magbebenepisyo mula sa isang simpleng open-source customer experience management software. Madalas maraming features ang mga ito at suportado ng isang komunidad ng mga developer. Gayunman, kadalasang limitado ang pondo para ito’y suportahan.
May panahon na kailangan ninyong konsiderahin ang higit sa isang platform kahit pansamantala lang. Halimbawa, ang survey-based na platforms tulad ng SurveyLegend ay nakatutok sa mga questionnaire. Ang mga platform na ito ay nagkukulang sa functionality ng ibang mga customer experience software.
Baka gusto ninyong gamitin pansamantala ang mga feature ng SurveyLegend kung sinusubukan ninyo ang isang bagong produkto o website update. Ang pagkuha ng mga opinyon ng mga actual na customer ay makatutulong sa inyong gumawa ng mas matalinong desisyon.
Kung may isang tool na kailangan kayong ma-implement, ang pinakamahusay na customer experience platform ay ang may offer na tool na ito bilang standalone product. Halimbawa, may offer ang LiveAgent na ticketing software na $15 kada buwan bawat agent. Sa kabilang banda, kinakailangan sa Salesforce na mag-bundle ng iba’t ibang produkto sa bawat plan.
Sa kabutihang palad, ang karamihan ng mga customer experience platform ay nagbibigay ng gabay sa pagpili ng pinakamahusay na program para sa inyong business. Gayunman, kung hinahanap ninyo ang solusyon bilang isang individual (halimbawa bilang mga affiliate marketer o freelancer), ang mga libreng plan ay sapat na para makapagsimula.
Makakakuha kayo ng benepisyo sa paggamit ng iba-ibang mga libreng plan. Halimbawa, puwede ninyong gamitin ang libreng package ng LiveAgent para sa mga basic report, isang chat button, isang customer portal, at ibang tools na magagamit ninyo. Puwede rin ninyong gamitin ang SurveyLegend para gumawa ng mga mga survey para sa customer feedback.
Ang mga maliliit at local business ay makakakuha ng benepisyo sa isang libreng service at isa pang low-tier na package. Malamang meron na kayong following pero hindi pa malawak. Ang maliliit na mga business ay karaniwang mas kakaunti ang customer service inquiry at hindi mangangailangan ng mga advanced na tools.
Ang mga mid-tier na package ay bagay sa mga mid-size na business. Ang mga libreng version ay hindi sapat, pero ang mas sapat na package ay magiging magaan pa rin sa inyong bulsa. Ang mas maganda pa, makatutulong ito sa mga business sa level na ito na madaling mapalago sila.
Ang mga enterprise at international corporation ay madalas na kailangang i-coordinate ang kanilang workflow sa iba-ibang time zone. Ang resulta, ang mga organisasyon ay nangangailangan ng top-tier na customer experience software para matugunan ang malalaking audience at gawing madali ang koordinasyon sa mga malaki at kalat sa buong mundo na iba-ibang team.
Find the ideal solution
Are you looking for software that will meet your needs and will also make your customer service more efficient?
Ang ibig sabihin ng mas maayos na interaksiyon ay mas mataas na customer loyalty, at ang tanging pakay ng customer experience software ay mapaganda ang mga interaksiyong iyon.
Gayunman, ang mga customer experience program ay tumutulong hindi lang sa mga customer. Kapag na-implement nang maayos, pinapahusay din nito ang employee experience. Ang collaboration ay magbibigay ng kakayahan sa mga empleyadong magtrabaho nang mas maganda ang daloy kahit hindi sila magkakasama sa iisang opisina. Naaayos din nila ang mga customer issue nang mas mabilis.
Puwede ninyong gamitin ang analytic tools para i-track ang aktibong mga user habang nandoon sila sa inyong website, app, o content. Gaya ng napag-usapan, ito’y nagbibigay ng mga insight sa kung ano ang gumagana at ano ang hindi. Kapag nalaman na ninyo kung ano ang makapagpapasaya sa mga customer, mapagaganda na ninyo ang overall experience nila.
Ang mga business interaction – internal man o external – ay maii-streamline ng customer experience software. Ang mga customer ay puwedeng kumontak sa inyong business sa pamamagitan ng mas maraming channel, pero puwede i-access mula sa iisang dashboard. Gaya din ng pinag-usapan, mas nakakapag-collaborate ang mga empleyado.
Ang collaboration ay mahalaga lalo na kung ang mga empleyado o team ay nagtatrabaho sa iba-ibang lokasyon. Kailangan nila ng access sa parehong mga file, record, at tools nang real-time. Kailangan din nila ng access sa mga live update para maasikaso ang mga customer nang mas mabilis at mas maayos.
Ang mga customer experience platform ay makatutulong sa inyong business para maging scalable ito. Habang lumalago ang inyong business, puwede kayong mag-upgrade sa mas magandang mga plan na mas maraming features at usage limit. Ang mga upgraded plan ay kadalasang extended ang functionality na sapat para maiwasan o mabawasan ang dagdag na labor cost.
Para sa mga international na organisasyon, mahalaga ang multilingual support. Ang feature na ito ay makapagbibigay ng access sa buong market sa mga bagong bansa at mayoffer itong mga pagkakataong walang kapantay para sa expansion kahit na sa mga business na wala pang overseas presence.
Kapag ginamit ninyo ang mga multilingual tool, hanapin ninyo kung alin sa mga wika ang suportado at aling mga bansa ang may offer ng mas maraming oportunidad para sa expansion. Kung kinokonsidera ninyo nang mainam ang inyong options, ang pag-expand ninyo overseas sa isang customer experience platform ay magiging mas madali kaysa sa iniisip ninyo.
Kahit sa mga pinakamahuhusay na platform, mangangailangan ng panahon ang implementation. Ito ay totoo para sa enterprise clients, pero kahit para sa mga indibidwal na user na kakailanganing mag-adjust ng kanilang mga schedule.
Bago ang implementation ng inyong customer experience software, tingnan ninyo nang malapitan ang kanilang security features. Minsan, ang mga naka-embed na script sa inyong website ay magli-link sa mga external resource. Kung mangyayari ito, ang resources na iyon ay kailangang nasa mga secure service. Kung hindi, puwede itong magkaroon ng mga security issue kahit secure ang inyong website.
Sa kasamaang palad, ang pag-check sa mga secure connection ay nangangailangan ng kaalamang teknikal at ng kakayahang magbasa ng code. Ito ay isa sa maraming mga rason kung bakit mahalagang pag-usapan ang inyong implementation bago mamili ng isang platform.
Sa kabutihang palad, ang mga nangunguna sa industriya ay nakaiintindi sa kahalagahan ng seguridad. Nagpupursigi sila para masiguro nila ang seguridad ng mga connection at humahanap sila ng mga oportunidad para mag-upgrade ng kanilang mga platform. Bawat isa sa 20 customer experience platform na tinalakay dito ay nagbibigay ng mga secure software implementation.
Kapag gumagawa ng isang account, kailangang magbigay ang mga business ng masusing detalye tungkol sa kanilang branding, mga operation, digital asset, at mga team. Kailangan din nilang magbigay ng oras para sa training ng team para magamit nila ang platform.
Sa kabila ng matatatag na dashboard, ang ibang mga functionality ay kailangang gumana sa labas ng platform. Halimbawa, ang mga live widget ay kailangang ilagay sa mga website. Ito ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng pagdagdag ng code sa bawat web page sa site na ibinigay ng software company.
Para sa email, phone, at mga social integration, kailangan ng business na mag-synchronize ng account sa platform na kanilang pinili. Kadalasan, ang prosesong ito ay naka-automate. Halimbawa, ipadadala kayo ng platform sa Facebook kalakip ang isang request na i-manage ang inyong page. Mag-login lang, payagan ang request, at tagumpay ninyong masi-sync ang inyong Facebook timeline.
Kahit fully integrated na ang program at ang mga empleyado ay nasanay na, hindi pa tapos ang proseso. Ang customer experience software ay isang puhunan. Mahalagang siguraduhing magdudulot ito ng return on investment sa inyo.
Ang presyo ng matatag na customer experience software ay nasa gitna ng $30 at $1,200 kada buwan. Depende ito sa iba’t ibang factors tulad ng bilang ng interactions, customers, at empleyado.
Ang singil ng mga CES platform ay kadalasan kada buwan bawat agent. Ibig sabihin, may fee sa bawat empleyadong gumagamit ng software tools. Ang agent level ay madaling ma-scale sa parehong laki ng kasalukuyang team at sa potensiyal nitong paglago pa.
Puwede rin silang mag-offer ng mga package sa iba-ibang presyo, tapos ise-set ang bawat presyo sa bilang ng agents. Halimbawa, puwedeng maningil ang ticket software ng $40 kada buwan para sa 10,000 tickets at $80 para sa 20,000 tickets pero may dagdag na charge na 40 o 80 para sa bawat extra agent.
Ang fees kada buwan ay mas maganda naman para sa mga maliliit na organisasyon. Ito ay totoo para sa may 11-50 na empleyado pero puwede rin sa malaking organisasyong may 51-200 na empleyado. Kung ilan lang sa mga team member ang nangangailangan ng access, hindi mahalaga ang sukat ng team.
Para sa mga organisasyong may 201-500 na mga empleyado, merong sense na ikonsidera ang ibang pricing model (mas tatalakayin ito maya-maya). Para sa 501-1000 na empleyado, ikonsidera ninyo ang mga platform na may ino-offer na unli plan.
Ang mga add-on ay kadalasang available pero may karagdagang bayad din. Baka mangailangan kayo ng mas maraming suporta mula sa customer experience provider ninyo o mangailangan kayo ng integration sa inyong sariling customer platform. Ang iba-ibang provider ay nagbibigay ng iba-ibang add-on kaya konsiderahin ninyo kung alin ang merong benepisyo para sa inyong business.
Gumagamit ang mga business ng magkakaibang mga digital channel para kumonekta sa customers nila sa kasalukuyan. Ang mga app, social media, at mga live chat ay iilan lang sa maraming channel na ginagamit ng mga sikat na business.
Ang LiveAgent ay dinisenyo para sa mga business na kailangan ng channel na maraming nagagawa para sa kanilang customer. Ang mga gumagamit ng maraming mga online channel ay nakakapagtipid ng oras gamit ang detalyadong dashboard. Magiging madali rin para sa kanila na mag-monitor ng customer action at mga interaksiyon mula sa iisang lugar.
Mainam ang LiveAgent para sa mga mid-size na business at malalaking enterprise na kailangang mag-funnel ng communications mula sa maraming channels ipatungo sa iisang lugar.
Nagbibigay din ang LiveAgent ng mga individual package para sa maliit na business na handa nang mag-scale. Ang option na mag-upgrade at mag-expand ng kanilang customer experience program ay laging andiyan kapag kinakailangan.
Ang presyo ng LiveAgent ay standard para sa industriya. Meron ding libreng account na may mga unli na usage allowance na kapaki-pakinabang sa mga maliliit na business.
May offer din ang LiveAgent na libreng 14-araw na trial ng mga serbisyo at ng all-inclusive na package. Di na kakailanganin ng credit card.
Bukod doon, may offer silang iba-ibang package at singular products para sa buwanang subscriptions simula sa $15. Ang Ticket+Chat package ay $29, at ang All-inclusive ay $49. Baka may karagdagang fees para sa dagdag na features at social channels.
Gaya ng isinasaad ng pangalan, nakatutok ang SurveyLegend sa mga survey at questionnaire. Nai-integrate ito sa mga website, app, social media, at mga email newsletter nang madali.
Ang SurveyLegend ay nababagay sa mga brand, business, at mga organisasyong may malaking following para makakuha ng mga saktong sampling. Kung interesado ang mga maliit na business na makakuha ng maaasahang feedback mula sa kanilang regular na customer, may benepisyo sila sa service na ito.
Libre ang pinaka-basic plan pero limitado ito (hanggang tatlong survey lang kada buwan). Ang “Pro” package ay $19 kada buwan o $170 kada taon. Ang “Business” plan ay may offer na unli surveys at questions habang may dagdag pang features sa halagang $39 kada buwan o $300 kada taon. Ang “Legendary” package ay nasa $89 kada buwan o $780 kada taon.
Merong libreng plan ang SurveyLegend, pero wala itong kasamang libreng trial para sa alinmang mga paid package nila.
Ang hatak ng HubSpot ay ang solid na reputation nito ng mga quality digital marketing tool kasama ang Service Hub. May offer itong mga customer conversational tool at mga survey. Ito rin ay integrated sa isang customer resource manager.
Dinisenyo ang Hubspot Service Hub para sa mga business at mga organisasyon ano man ang laki nito kung kailangan nilang i-streamline ang kanilang digital communication. Sikat din ito para sa mga freelancer na gustong mag-organisa ng kanilang client message nang mas maayos.
Ang libreng package ay may offer na matatag na tools, at di na kailangan ng credit card. Nagsisimula ang Starter package sa $45 kada buwan. Madaling tataas ang mga presyo mula roon, na ang Professional service ay nagsisimula sa $360 kada buwan at ang Enterprise ay nagsisimula sa $1,200.
Merong kasamang libreng 14-araw na trial ang Hubspot marketing software, pero wala nito ang Hubspot Service Hub.
Ipinakilala ng Pipedrive ang customer experience platform sa larangan ng sales. Nakatutok ito sa mga activity at mga prosesong kumikita sa sales. Nakatutulong din itong mag-generate ng leads at tumutulong sa mga tauhan ng sales na tumutok sa pinakagandang leads.
Sales teams at mga business (anumang laki) na umaasa sa leads.
Nagbibigay ang Pipedrive ng libreng 14-araw na trial na merong full access. Hindi ninyo kailangan ng credit card, pero magsa-submit kayo ng email address at sundan ninyo ang link para simulan ang trial.
Nagsisimula ang Essential plan sa $12.50 kada buwan habang ang Advanced plan ay $24.90 kada buwan. Dumodoble na halos ang presyo sa bawat package simula sa Professional na $49.90 at sa Enterprise na $99. Lahat ng plans ay taunan ang billing.
Naghahanap ba kayo ng isang customer service solution kung saan naka-integrate ang Pipedrive? Huwag nang maghanap, merong libreng Pipedrive integration ang LiveAgent.
Ang hatak ng Survio ay mga customer service experience na nakabatay sa mga survey. Sinusundan nito ang mga response at may offer na matatag na analytics report.
Ang Survio ay scalable at bagay na bagay sa personal na paggamit, sa mga maliliit na business, at sa malalaking mga enterprise. Bukod dito, meron itong maraming features na plan na bagay para sa may limitadong mga budget.
Ang libreng version nila ay isa sa pinaka-versatile dito, pero kakailanganin pa ring mag-upgrade. Ang Personal plan (maganda para sa mga estudyante at freelancer) ay $25 kada buwan (o $198.96 kada taon). Ang Business plan ay $55 kada buwan o $399 kung prepaid ng isang taon. Ang users ng Enterprise users ay malamang kakailanganin ang Elite plan, na nasa $95 kada buwan o $798.96 kada taon.
May offer ang NiceReply na iba-ibang mga survey at real-time na reporting. Meron itong iba-ibang survey na makatutukoy sa bawat level ng buyer journey at sa kabuuang customer experience.
Sakto ang NiceReply para sa mga mid-size at malalaking business na naghahanap ng gaps sa kanilang customer experience journey.
Ang presyo ng NiceReply ay nakabatay sa bilang ng users at mga inaasahang tickets.
Plan | Mga Agent | Mga Response | Presyo (taunan) |
Mini | 3 | 100 | $468 |
Start | 10 | 250 | $948 |
Grow | 25 | 1,000 | $1,908 |
Business | 50 | 2,500 | $2,868 |
Naghahanap ba kayo ng isang customer service solution kung saan naka-integrate ang NiceReply? Huwag nang maghanap, merong libreng NiceReply integration.ang LiveAgent.
Dinisenyo ang customer experience platform na Zendesk para tumulong itong i-streamline ang communication at mag-drive ng sales leads. Nagiging isang matatag na ticketing platform din ito.
Magandang option ang Zendesk para sa mga business na ang bulto ng mga customer nila ay nasa online. Nakatutulong itong i-streamline at organisahin ang mga komunikasyong galing sa iba-ibang mga online source.
May offer ang Zendesk na libreng trial at magpapadala sila sa email ng link para masimulan ito. Nakalista ang presyo para sa bawat agent at magsisimula sa $240 kada taon para sa Team plan. Tataas ito sa $600 para sa Professional service at aabot sa $1,200 para sa Enterprise.
Sinusundan ng Smartlook ang user activity sa mga website para tukuyin kung paano sila nakikipag-ugnayan sa mga elemento ng page at kung saan sila puwedeng napapahinto. Gumagamit ito ng mga heat map para tukuyin ang pinakasikat at hindi sikat na content ng page.
Ang Smartlook ay bagay sa mga startup at mga enterprise na gustong kumuha ng insights mula sa customer behavior sa kanilang website.
May kasamang libreng version na magagamit ng mga startup at maliliit na local business. Nagsisimula ang Startup plan sa $39 kada buwan, at ang Business plan ay nasa $95 kada buwan. Ang mga user na mas malaki ang pangangailangan ay kailangang kausapin sila para sa presyuhan.
Ang Intercom ay isang customer experience platform na nakatutok sa komunikasyon. Puwedeng mag-integrate dito sa maraming paraan ng mga custom messenger, app, bot, at mga email.
Rekomendado ang Intercom sa mga business at e-commerce site na gumagamit ng maraming platform kasama na ang website, social media, email, at mobile app.
Hindi nakikita ang presyo para sa mga mid-size at malalaking business; nakabatay ito sa maraming factors. Para sa maliliit na business, ang starter package ay nasa $79 kada buwan. Nagsisimula ang product tours sa $200 kada buwan.
Omnichannel service ang nasa sentro ng Freshdesk platform.
Ang mga business na gumagamit ng maraming channel para sa komunikasyon sa maraming customer ay may benepisyo sa Freshdesk.
May offer ang Freshdesk na libreng plan na unli ang agents. Ang bawat paid plan ay naka-charge bawat agent.
Plan | Buwanang presyo – Buwanang billing | Buwanang presyo – Taunang billing |
Growth | $18 bawat agent | $15 bawat agent |
Pro | $59 bawat agent | $49 bawat agent |
Enterprise | $95 bawat agent | $79 bawat agent |
Kaya ng platform na mag-integrate ng lampas 30 na online channel para tumulong sa mga business na kumonekta sa kanilang mga customer. Ang AI ay nagsusuri ng mga user interaction at gagawa ito ng mga strategy para sa mas magandang engagement.
May benepisyo ito sa malaking mga business at mga enterprise na pinapalawak ang kanilang mga outreach effort sa iba-ibang platform at channel.
Gusto ng Sprinklr na mag-sign up sa demo ang mga potential customer para bago pa tingnan ang mga option sa presyo. Sa kasamaang palad, wala silang libreng trial.
Suportado ng customer experience software na Zoho Desk ang mga customer service team at salespeople. May offer din itong booking platform para tulungan ang customer na gumawa ng mga appointment.
May benepisyo ito sa mga business na may mga produkto at serbisyo na may madalas na direktang komunikasyon sa mga customer.
May kasamang libreng option sa Zoho Desk na suportado ang 3 agents. Ang natitirang programs ay buwanan o taunan ang billing bawat agent.
Plan | Buwanan | Taunan |
Standard | 20 | 168 |
Professional | 35 | 276 |
Enterprise | 50 | 480 |
Pinagsasama ng software na ito ang mga communication, project, customer relations, at digital marketing sa iisang platform. Nakaka-integrate din ito sa iba-ibang marketing app.
May benepisyo ito sa mga business na may malaking puhunan sa digital marketing at komunikasyon na naghahanap ng platform para i-streamline ang kanilang mga effort.
Lahat ng nabanggit na features at isang online store at customer support
May offer ang Bitrix24 na libreng version na limitado ang functionality. Suportado ng Basic plan ang 5 users sa $49 kada buwan habang ang Standard plan ay suportado ang 50 users sa $99 kada buwan. Para sa mas malalaking organisasyon, suportado ang unli na bilang ng users sa Professional plan na $199 kada buwan.
Kasasali lang ng SurveyMonkey CX sa GetFeedback para gumawa ng mga customer experience. Adaptable ang kanilang program alinsunod sa pagbabago ng pangangailangan at preference ng customer.
Rekomendado ito sa mga organisasyong nagtatrabaho para gumawa ng customer experience program nang mabilis para maka-adapt sa pagbabago ng mga trend at pangangailangan ng customer.
Tatlong packages ito, pero kokontakin ng mga customer ang kanilang sales team para malaman ang mga presyo.
Ang Startquestion ay nagsi-streamline ng paggawa ng mga web-based form at survey. Dinisenyo ang kanilang mga survey para sa mga customer, empleyado, at network connection.
Rekomendado ito para sa mga mid-size at malalaking business na gustong mag-engage sa kanilang mga empleyado at customer.
May offer ang Startquestion na libreng trial matapos mag-submit ng users ng ilang demographic information. Aabot ito sa $49 kada buwan habang ang Business upgrade ay $99 kada buwan. Team ang huling package na aabot sa $299 kada buwan. Sa Enterprise na presyo, kailangan ng custom setup.
Nakaka-integrate ang platform sa ibang messaging app pero may sarili silang messaging din para puwedeng mag-engage sa mga customer sa iba-ibang channel.
Rekomendado ito sa mga mid-size at malalaking business na gustong mag-extend ng kanilang kakayahang kumonekta sa mga customer sa maraming mga digital channel.
May offer ang Userlike na libre at simpleng chat box para sa website integration. Di kailangan ng credit card at di sila naniningil sa pag-setup. May magagamit ding 14-araw na libreng trial.
Ang may bayad na subscriptions ng Userlike ay may tatlong tier: Team na $100 kada buwan, Corporate na $320 kada buwan, at Business na $800 kada buwan.
Ang all-in-one na SaaS platform ay nagpapadali sa bawat simula ng bawat linggo. Tumutulong ito sa mga business na magbigay ng mahusay na customer experience, IT solution, at project management.
Rekomendado ito para sa mga business na gustong i-scale ang kanilang digital marketing, human resources, at IT department na hindi natatabunan ng maraming hardware at gastos sa staff.
Merong libreng version sa Monday.com para sa mga indibidwal na gustong mag-organisa ng tasks nila. Walang billing kada taon. Ito ang kanilang mga presyo:
Basic – $24 kada buwan Standard – $30 kada buwan Pro – $48 kada buwan Enterprise: kailangan ng custom solution
Pinagsasama ng Canny ang mga customer review at feedback sa iisang lugar para sa madaling analysis. Ang impormasyong ito ay magagamit para pahusayin ang deskripsiyon ng mga produkto at ng mga marketing effort.
Rekomendado ito para sa mga eCommerce business na may gaps sa kanilang performance na hindi nila matukoy.
May offer ang Canny na 14-araw na trial, at di na kailangan ng credit card. Ang Starter plan ay $50 kada buwan at ang Growth plan ay $200 kada buwan. Kailangang i-customize ang Business plan kaya kailangang kontakin ang Canny para sa presyo nito.
Ang customer experience platform na ito ay may offer sa mga agent na remote dashboard na may feature na full view ng bawat customer. Gumagamit din ito ng automation para i-streamline ang case management.
Rekomendado ito sa mga enterprise na may mga team ng agent na nag-aasikaso ng malalaking customer case. Bagay din ito sa mga kompanyang tumatayo bilang customer service subcontractor.
May offer ang Salesforce Service Cloud na libreng trial na may kasamang training. Nagsisimula ang presyo nila sa $25 kada buwan para sa Essentials plan at tataas sa $75 para sa Professional plan. Para sa malalaking business at organisasyon, nagsisimula ang Enterprise package sa $150 kada buwan habang ang Unlimited package ay $300 kada buwan. Ang presyo ay naka-set sa kada user.
Naghahanap ba kayo ng isang customer service solution kung saan naka-integrate ang Salesforce? Huwag nang maghanap, merong libreng Salesforce integration ang LiveAgent.
Dinisenyo ang ActiveCampaign tool para i-automate ang proseso ng customer experience. Kasama dito ang marketing at email campaign functionality.
Kahit anong business na nangangailangang mag-streamline ng mga marketing campaign at sukatin ang customer engagement.
Walang offer ang ActiveCampaign na libreng trial. Sa ibaba, nakalista ang presyo kada buwan para sa bawat package.
Lite – $15 Plus – $70 Professional – $159 Enterprise – $279
Natukoy na ang ilang pagpipiliang customer experience software. Pero paano sila ipagkukumpara? Sa ibaba, tingnan ang top 5 at paano sila ni-rate ng mga actual na mga user.
Experience Software | Capterra Rating | Web-based | Libreng version | Libreng trial | Starting price |
---|---|---|---|---|---|
LiveAgent | 4.7 | OO | OO | OO | $15 |
SurveyLegend | 4.6 | OO | OO | OO | $19 |
Freshdesk | 4.5 | OO | OO | OO | $18 |
Nicereply | 4.7 | OO | HINDI | OO | $49 |
Smartlook | 4.7 | OO | OO | OO | $31 |
Ang ibang mga customer experience platform ay merong offer na libreng trial. Makatutulong ito sa pagdiskubre ng tools at pag-test sa kanila ayon sa pangangailangan ng inyong kompanya. Masusuri muna ninyo ito nang husto bago kayo magbayad.
Ang ilang mga platform ay merong offer na libreng version ng kanilang software. Limitado ang functionality nito at scaled-down lang. Kadalasan, nakatutulong ito sa mga start-up at maliliit na business. Trial version ang mga ito, pero handa ang mga ito na mag-scale batay sa paglago ng inyong business.
Still not sure?
LiveAgent offers free trial with all features and integrations so you can try it on your own and see if it fits your needs
Natukoy na ang maraming impormasyon tungkol sa kung ano ang customer experience software, paano ito gumagana, ang mga benepisyo nito, at ilang mga pangunahing platform sa industriya.
Natukoy na din kung paano ninyo pagbubutihin ang inyong marketing approach at mga strategy para makuha ang pinakamalaking benepisyo mula sa customer experience software.
Kamusta ang dating sa inyo ng LiveAgent? Narito ang maikling summary ng kung paano pupunuin ang bawat pangangailangan sa listahan.
May offer ang LiveAgent ng isang matatag na suite ng tools at features na may offer na kabuuang control ng customer experience. Nakaka-integrate din ito ng iba-ibang mga platform at channel, mula sa social media hanggang sa mga app at website. Sa aming website, merong isang library ng useful guides at mga impormasyon.
Ang mga tool na ino-offer ng LiveAgent ay sumasalubong sa mga customer saan man sila naroon. Ibig sabihin, may mga live chat sa website, ticketing tool na nagsi-streamline ng pakikipagtulungan, at pati isang built-in na call center. Ito’y nagsi-streamline din ng workflow ng inyong organisasyon.
May offer ang LiveAgent na iba-ibang features para makatulong sa mga business na kumonekta sa mga customer. Ito rin ay may offer na malawak na library ng resources para sa mga kliyente. Ang resources ay ang mga blog post, template, glossary, typing test, WordPress plugin, directory, webinar, academy, at marami pang iba.
Para sa napakaraming tools, resource, integration, at support na ino-offer ng LiveAgent, ang pinakamahal na package ay $39 kada buwan bawat agent. Ang libreng trial ay nakatutulong na siguraduhing ma-integrate ang LiveAgent na may mas magandang daloy bago ito bilhin.
Itong aming matatag na platform ay patuloy na umaani ng magagandang review kaysa sa mga sikat sa industriya gaya ng Zendesk at Freshdesk. Galing ang mga review sa parehong user at industry publications. Ang highest-rated na customer experience software ay merong mga bigating mga kliyente tulad ng Forbes, Airbus, at NASCAR.
Dinisenyo ang aming full suite ng resources para gabayan kayo sa bawat hakbang ng proseso, mula sa pagset-up ng inyong business sa aming platform hanggang sa pag-integrate ng aming tools sa inyong mga digital asset. Ipapakita rin namin kung paano ninyo ima-maximize ang buong potential ng bawat tool na inyong dedesisyunang kunin.
Bawasan ang gastos sa paggamit ng customer portal software
Discover LiveAgent's top customer portal software of 2021, designed to reduce costs and enhance customer self-service. Effortlessly set up a comprehensive portal with a knowledge base, community forum, and FAQs, empowering customers to resolve queries independently. Enjoy a free trial and improve response times while boosting customer satisfaction. Sign up today and transform your support experience!
Kailangan pagbutihin ang iyong customer service?
Pagbutihin ang iyong customer service gamit ang LiveAgent! Alamin ang mga hindi nabibigo na tips para mapanatili ang human connection sa kabila ng automation at chatbots. Sukatin ang kasiyahan ng iyong mga kustomer gamit ang CSAT, NPS, CES, at FRT. Subukan ang aming free trial at magbigay ng personalized, omnichannel support na may lightning-fast responses. Mag-offer ng 24/7 na suporta at lumikha ng di malilimutang karanasan sa kustomer. Bisitahin kami ngayon!
Discover the top 20 ticketing software of 2024 with comprehensive price comparisons. Experience seamless customer care across all channels with LiveAgent's intuitive ticketing system, offering 24/7 support and no setup fees. Start a free trial without a credit card and empower your support team with advanced tools and features. Elevate customer satisfaction with faster support, live chat, and more. Explore how LiveAgent can transform your customer service experience today!
Tuklasin ang kahalagahan ng customer experience (CX) at kung paano ito nagpapataas ng loyalty at revenue ng kompanya. Alamin ang benepisyo ng magaling na CX at paano ito mapapahusay gamit ang LiveAgent customer service software. Subukan ang mga tampok na magpapahusay sa kasiyahan ng customer, tulad ng omnichannel support, automated ticketing, at analytics. Simulan ang iyong libreng trial ngayon at gawing mas epektibo ang bawat interaksyon sa customer!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team