Ano ang gamit ng awtomatikong pagtawag pabalik?
Ang awtomatikong pagtawag pabalik na tampok ay pagpapaandar ng kompyuter ng telephony na nagpapahintulot sa mga tumatawag upang humiling ng pagtawag pabalik kapag ang linya ay ginagamit, kung walang mga bakanteng ahente upang sagutin ang kanilang tawag o kung nais lamang nilang matawagan muli sa ibang pagkakataon.
Paano ito gumagana?
Bilang gumagamit na LiveAgent, maaari mong ipatupad ang pagpapaandar ng pagtawag pabalik sa iyong menu sa IVR. Halimbawa, ang iyong menu sa IVR ay maaaring ganito:
“Pindutin ang 1 para sa mga benta
Pindutin ang 2 para sa pagsingil
Pindutin ang 3 para sa suportang teknikal
Pindutin ang 4 upang humiling ng pagtawag pabalik”
Sa oras na ang tumawag ay humiling ng pagtawag pabalik, ang tawag ay kaagad magwawakas. Subalit, ilalagay ng LiveAgent ang numero ng tumawag sa pila ng ng mga tumatawag. Kapag ang numero ng telepono ay makarating sa unahan ng pila, ang LiveAgent ay awtomatikong idadayal ang numero ng tumawag at ikokonekta sila sa nakatalagang ahente sa suporta.
Bakit dapat mong gamitin ang mga pagtawag pabalik?
Ang pagpapatupad ng pag-andar ng awtomatikong pagtawag pabalik sa iyong virtual na software ng call center ay pinapayagan kang magbigay ng mabuting serbisyo sa iyong mga kustomer.
- Ang pagkakaroon ng tampok na pagtawag pabalik ay nagpapakita ng pagpapahalaga mo sa oras ng iyong kustomer
- Ipinapahiwatig nito na ang kaginhawahan ng iyong kustomer ay prayoridad para sa iyong kumpanya
- Ipinapakita nito na ang iyong kumpanya ay nagsusumikap upang mapabuti ang karanasang kustomer sa bawat touchpoint
- Tinitiyak nito na ang iyong mga ahente ay nagbibigay ng masusing serbisyo (kaalaman, isinapersonal) bawat oras (nang hindi nagmamadali at gumagawa ng mga pagkakamali dahil sa stress mula sa mahabang pila ng tawag)
Mga istatistika ng pagtawag pabalik
- Ang pag-aaral ng Software Advice ay nagpapakita na 63% ng mga tinanong ay mas gusto ang opsyong pagtawag pabalik kaysa maghintay nang matagal
- Mahigit sa 50% ng mga respondente ang nagsabing handa silang maghintay ng hanggang limang minuto bago piliin ang opsyong pagtawag pabalik
- Halos 50% ng mga respondente ang umaasa na sila ay matatawagan sa loob ng 30 minuto ng humiling ng pagtawag pabalik
Pagpapatupad ng pagpapaandar ng awtomatikong pagtawag pabalik ng LiveAgent
Upang maipatupad ang pagpapaandar ng pagtawag pabalik sa iskrip ng iyong IVR, mangyaring sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-log in sa iyong account sa LiveAgent
- Mag-navigate sa Konpigurasyon
- Pindutin ang Tawag
- Pumunta sa mga Numero
- Pindutin ang I-edit ang nakalagay na numero
- Piliin ang IVR
- Sundin ang mga hakbang na naka balangkas sa aming batayang kaalaman gabay sa pag-set up ng pagtawag pabalik
- Mag-download ng paunang naitalang mga mensahe sa IVR mula sa seksyong “Listahan ng Pangkalahatang Tunog ng IVR na Maaari Mong Gamitin” at i-upload ang mga ito sa LiveAgent (o alternatibo itala ang iyong sariling mga mensahe sa menu ng IVR)
- Pindutin ang i-save
Paano subukan kung gumagana ang pagpapaandar
Upang matiyak na ang iskrip mo sa IVR ay tumatakbo ng tama, mangyaring sundin ang mga hakbang na ito:
- Mag-log in sa LiveAgent
- Tawagan ang numero ng telepono na nakakonekta sa iyoung account sa LiveAgent at mayroong aktibong iskrip sa IVR (kasama ang pag-andar ng pagtawag pabalik)
- Makinig sa menu ng IVR
- Sundin ang mga senyas na ibinigay ng iyong menu sa IVR at pindutin ang hiniling na numero sa keypad (Halimbawa, “Pindutin ang 4 upang humiling ng pagtawag pabalik”)
- Pansinin na ang tawag ay nagwakas mula sa pananaw ng tumawag
- Pamilyarin ang sarili kung paano ang mga ring ng tawag sa loob ng LiveAgent (mula sa pananaw ng ahente) hanggang sa ito ay masagot o mailagay sa pila
- Sagutin ang tawag bilang ahente
- Hintayin ang awtomatikong pag-dial ng LiveAgent sa numero ng telepono ng tumatawag
- Hintayin ang awtomatikong pagtawag pabalik (bilang tumatawag)
- Sagutin ang tawag
Kung nagawa mong sundin ang mga hakbang na ito, ligtas na sabihing ang iyong pagpapaandar sa pagtawag pabalik ay gumagana at handa nang gamitin ng iyong mga kustomer.
Mga pag-aaral sa kaso ng tampok na pagtawag pabalik
Nadagdagan ang kasiyahan ng kustomer
Tulad ng nabanggit, ang pagkakaroon ng opsyon sa pagtawag pabalik ay maaaring mahalaga sa pagpapabuti ng kasiyahan ng iyong kustomer.
Ang karaniwang kustomer ay handang maghintay nang hanggang 5 minuto. Pagkatapos lumipas ng 5 minuto, maaari silang mainis, ibaba ang telepono at subukang tumawag muli. Ito ay madalas na humahantong sa karagdagang pagkayamot na madalas na ibinabahagi sa iba sa pamamagitan ng mg channel sa social media tulad ng Twitter.
Ang mga negatibong komento at pagsusuri tungkol sa matagal na oras ng paghihintay at pila ng mga tawag ay talagang nakakasira sa reputasyon ng iyong serbisyong kustomer. Tulad ng tinuran, ang pagbibigay ng alternatibong solusyon tulad ng pagtawag pabalik ay malaking kompromiso. Ang kustomer ay maaaring ibaba ang telepono, magpatuloy sa kanilang araw at makatiyak na makakatanggap sila ng pagtawag pabalik mula sa iyong kumpanya.
Ito ay sitwasyong parehas na panalo.
Bawasan ang bilang ng mga napabayaang tawag
Ang ilang mga kustomer ay sadyang walang pasensya na tawagan ka ng maraming beses sa buong araw upang tingnan kung ang iyong call center ay bakante na upang sagutin ang kanilang mga tawag. Bilang resulta, karamihan ng mga kustomer ay tatawag, maghihintay na masagot at pagkatapos na mawalan ng pasensya, ibababa ang telepono at susuko sa pagtawag sa serbisyong kustomer.
Ngayon, bakit ito masama? Dahil nawawala sa iyo ang maraming pagkakataon na makabenta. Bilang halimbawa, isipin na nasa industriya ka ng SaaS. Isa sa mga tapat mong kustomer ay interesado sa pag-upgrade ng kanilang subscription ngunit nagkakaproblema sa proseso ng pag-checkout. Nagdesisyon silang tawagan ka ngunit hindi ka nila makausap dahil sa mahabang oras ng paghihintay. Walang opsyon sa pagtawag pabalik. Naghintay sila sa linya ng matagal, ngunit sa huli, sumuko at nagdesisyong hindi nila kailangan ng pag-upgrade sa subscription pagkatapos ng lahat.
Pagtaas ng pagiging produktibo ng ahente
Ang pagpapatupad sa tampok na pagtawag pabalik ay maaaring mapabuti ang pagiging produktibo ng iyong ahente ng kontak center. Kasama ang aktibong pagpapaandar ng pagtawag pabalik, ang ahente ng call center ay hindi kailangang manu-manong mag-dial ng mga numero na humiling ng mga pagtawag pabalik.
Sa halip, ang software ng call center ay kayang awtomatikong i-dial ang mga numero ng telepono na humiling ng pagtawag pabalik at ikonekta ang tumawag sa ahente ng kontak center. Ito ay makakatipid sa mga ahente ng call center ng maraming oras at pagsisikap sa katagalan.
Subaybayan ang mga istatistika ng tawag
Ang LiveAgent ay pinapayagan kang sundan at subaybayan ang mga istatistika ng tawag. Ang mga ulat sa tawag ay maaaring maging magandang indikasyon kung gaano kalaki ang pagbuti ng iyong serbisyong kustomer mula ng pinatupad ang opsyong pagtawag pabalik. Subaybayan kung ilan ang mga hindi nasagot na tawag, napabayaang tawag at mga binabang tawag, pati na ang karaniwang oras ng paghihintay.
Ang pagkakaroon ng access sa mga istatistikang ito ay makakatulong sa iyo upang gawin ang tamang desisyon sa negosyo na magpapabuti sa serbisyong kustomer at kapalit, pagtaas ng kasiyahan ng mga kustomer, katapatan at buong buhay na halaga ng kustomer.
Nais mo bang malaman ang marami pa tungkol sa pagpapaandar ng pagtawag pabalik?
Suriin ang aming artikulo sa batayang kaalaman (na nagbabalangkas sa buong proseso ng integrasyon), talahulugan, o blog. Alternatibo, tawagan ang mga ahente sa suporta sa pamamagitan ng live chat, o mag-email sa amin sa support@liveagent.com
Test our callback function during your free 14-day trial.
Discover all that our web based call center software has to offer. Free of charge. No credit card required.
Subukan ang Mga Form sa Pakikipag-ugnayan ng LiveAgent nang libre! Madaling makipag-ugnayan sa iyong mga kustomer at bumuo ng mas maraming lead gamit ang iba't ibang disenyo ng form na pasadyang akma sa iyong website. Alamin kung paano itago ang iyong email mula sa spam habang nagbibigay ng mahusay na serbisyo. Pumili mula sa klasikong, parisukat, o madilim na istilo at isama ito nang madali sa pamamagitan ng simpleng HTML code. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon!
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!
Mga awtomatikong pagtawag pabalik para sa iyong mga kustomer
Pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer gamit ang LiveAgent's awtomatikong pagtawag pabalik na software. Alisin ang mahabang paghihintay at pag-abandona ng tawag sa pamamagitan ng pagpapaandar ng IVR at ACD. Subukan ito nang libre sa loob ng 14 o 30 araw at bigyan ng kapangyarihan ang iyong kustomer na humiling ng pagtawag pabalik anumang oras. Palakasin ang kasiyahan at katapatan ng kustomer sa iyong tatak ngayon!