Ano ang mga call button?
Ang call button ay isang click-to-call button na puwedeng gamitin ng mga website visitor para tawagan ang business ninyo. Kapag pinindot nila ang call button, automatic na gagawa ng tawag ang computer o phone nila.
Bakit mahalaga ang mga call button?
Ang paglagay ng call buttons sa website ninyo ay magandang paraan sa pagbabawas ng customer effort. Sa halip na isusulat pa nila ang phone number ninyo para manual na tawagan o pipindutin ang number sa phone nila, magki-click na lang sila at may tawag agad. Pero bakit ito mahalaga? Dahil tiyak na magandang paraan ito sa pagpapataas ng customer satisfaction, pagpapahusay ng kanilang karanasan sa business ninyo, at pagtataguyod ng magandang relasyon na puwedeng mauwi sa mas maraming sales at pagiging suki nila. Ang positibong customer experience ay puwede ring mauwi sa positibong word-of-mouth referral, na makapagdadala pa ng mas maraming customer sa inyo.
Anong uri ng mga call button ang meron sa LiveAgent?
Dalawa ang option na ibinibigay ng LiveAgent. Puwede kayong pumili sa gallery ng mga pre-made call button o gumawa ng sarili ninyong custom button gamit ang mga imahe ninyo o sariling HTML code.
Iba-iba ang alignment ng mga pre-made call button tulad ng side, corner, o inline. Kapag nakapili na kayo ng button, puwede nang i-customize ang kulay ng background, text, Z-index, animation, at posisyon. Sa LiveAgent, puwede ring i-preview muna para ma-test ang bawat button bago ito ilagay sa inyong website.
Paano gumagana ang call button?
Puwedeng paganahin ang call button para sa paggawa ng sumusunod:
- PC to PC calls
- Mobile to PC calls
Kahit na i-click ng customer ang call button mula sa computer nila o mobile phone, isang in-browser call ang magaganap. Masasagot ito ng mga support agent ninyo mula mismo sa loob ng LiveAgent call center software.
Tandaan na bago pa man masimulan ang tawag, baka may lumabas sa device na gagamitin ninyo na humihingi ng permisong paganahin ang microphone doon.
Paano gumawa at maglagay ng mga call button
- Mag-login sa LiveAgent.
- I-click ang Configuration (cogwheel icon).
- I-click ang Call.
- I-click ang Buttons.
- I-click ang orange na Create button.
6. Tingnan ang gallery at piliin ang gusto ninyong button. I-click ito. 7. Lagyan ng pangalan ang button. 8. Piliin ang department na tatanggap ng mga tawag na manggagaling sa button na ito. 9. Lagyan ng check ang Record calls box kung gusto ninyong ma-record ang lahat ng tawag na manggagaling sa button na ito. 10. Piliin ang wikang gusto ninyong ma-display sa call button na ito. 11. Lagyan ng check ang Active checkbox.
12. Sa kaliwang banda ng Settings panel, i-click ang Button at i-customize ang animation, kulay, posisyon, text, mobile appearance, at hover appearance alinsunod sa nais ninyo.
13. Pumunta ulit sa kaliwang banda ng Settings panel, i-click ang Call window at i-customize ito alinsunod sa nais ninyo. Huwag kalimutang i-click ang Save.
14. I-click ang Integration at kopyahin ang code snippet. 15. Ilagay ang code sa unahan ng </body> tag ng inyong website code, o sabihin sa web admin na gawin niya ito para sa inyo.
Tandaan: Kapag nailagay na ang code sa inyong website, puwede pa ring baguhin ang design ng call button at kung paano gagana ang call button nang di na kailangang baguhin pa ang code sa page ninyo.
Paggawa ng mga custom call button
Para makagawa ng custom call button, kailangan ninyong mag-upload ng isang imahe o ibahin ang kasalukuyang HTML code.
- Mag-login sa LiveAgent.
- I-click ang Configuration (cogwheel icon).
- I-click ang Call.
- I-click ang Buttons.
- I-click ang orange na Create button.
- I-click ang Custom
- Piliin ang “from image” o “by writing your own HTML code.”
- Kung pipiliin ninyong gumawa ng sarili ninyong HTML code, i-click ang Button sa kaliwang banda ng settings panel.
- Baguhin ang HTML at CSS
10. I-preview at i-test ang button. Kung kuntento kayo sa kinalabasan, i-click ang Save. 11. I-click ang Integration at kopyahin ang code snippet. 12. Ilagay ang code sa unahan ng </body> tag ng inyong website code, o sabihin sa web admin na gawin niya ito para sa inyo.
Mga benepisyo ng call button
Ang paglagay ng call button sa website ninyo ay makabubuti para sa inyo at sa mga customer ninyo.
Nabawasan ang customer effort at naging mas madali
Dahil sa may integrated call button sa site ninyo, masisigurado nitong hindi na kailangang maghanap pa ang mga customer sa buong website o mag-Google para lang hanapin ang phone number ninyo. Para sa iba, mukhang di importanteng bagay ang paghahanap na ito. Pero kung nagmamadali kayo at kailangan nang tawagan ang isang business, gusto ba ninyong mag-aksaya ng oras sa kakahanap ng impormasyon? Kung nakahanda na ito sa site, at ang kailangan lang gawin ay pindutin ang isang button para makatawag, di ba’t magpapasalamat kayo sa napakadali at walang hassle na paraang ito? Sadyang nakakainis kapag naghahanap lang tayo sa website ng isang business habang gamit ang mobile phone, at walang makikitang call button doon.
Ready to improve customer satisfaction?
Try placing a call button on your site for free!
Mas pinahusay na customer experience
Sa paggawa ng call button, parang binibigyan ninyo ng pabor ang mga customer at pinapakitang pinahahalagahan ninyo ang oras nila. Tiyak mapapabuti nito ang pananaw nila sa business ninyo, at mapapabuti pa ang customer experience nila. Alam na ninyong ang haligi ng magandang business ay ang masasayang customer, at ito ang nagpapaandar sa mga negosyo. Ang kuntentong customer ang puwedeng maging suki na paulit-ulit na bibili, gagastos muli, at magiging loyal sa inyong brand.
Posibilidad ng advocacy
Ang mga kuntentong customer ay masaya ring nagbabahagi ng kanilang positibong karanasan sa iba. Dahil sa nabigyan sila ng walang hassle na karanasan, tiyak mababanggit ang business ninyo sa mga usapan nila sa kanilang mga kaibigan, katrabaho o kapamilya, at masisigurado ninyong ang maaalala nila ay ang positibong karanasan nila kaya irerekomenda nila kayo sa iba. Walang katumbas ang ganitong uri ng brand advocacy dahil kadalasan, mas pinagkakatiwalaan ng mga consumer ang rekomendasyon ng mga kaibigan nila, higit sa lahat. Ang ganitong positibong rekomendasyon ay magdudulot ng mas maraming bagong business at paulit-ulit na pagbili ng suki, na ang resulta ay mas maraming sales at revenue. Hangga’t napapasaya ninyo ang mga customer, paulit-ulit lang ang kaganapang ito, kaya matutuwa kayo sa dagdag na customer engagement at revenue.
Knowledge base resources
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa call buttons o anumang kaakibat na topic, pumunta sa aming knowledge base, glossary, academy articles, videos, o blog posts.
- Call button set up
- Paggamit sa LiveAgent call center gamit ang softphone clients at apps
- Paano tumawag gamit ang LiveAgent
- Suportadong VoIP providers
- Unlimited call recordings
Handa na kayong maglagay ng call button sa inyong site?
Alamin kung gaano kadali ang pagbibigay ng walang hassle na support gamit ang LiveAgent. Simulan ang libreng 14-araw na trial ngayon. Di kailangan ng credit card.
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang mga call button?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang call button ay isang click-to-call button na puwedeng gamitin ng mga website visitors para tawagan ang business ninyo. Kapag nag-click sila ng call button, automatic na ida-dial ng computer o phone nila ang number ninyo.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Anong uri ng mga call button ang meron sa LiveAgent?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Dalawa ang option na ibinibigay ng LiveAgent. Puwede kayong pumili sa gallery ng mga pre-made call button o gumawa ng sarili ninyong custom button gamit ang mga imahe ninyo o sariling HTML code. ” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano gumagana ang call button?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Puwedeng paganahin ang call button para sa paggawa ng sumusunod: PC to PC calls Mobile to PC calls Kahit na i-click ng customer ang call button mula sa computer nila o mobile phone, isang in-browser call ang magaganap. Masasagot ito ng mga support agent ninyo mula mismo sa loob ng LiveAgent. ” } }] }