Ano ang call detail records?
Ang call detail records o CDR ay mga uri ng metadata na kina-capture ang impormasyon tungkol sa phone interactions sa inyong contact center. Ito ay puwedeng inbound at outbound calls pati na text message sa inyong telephone system. Dahil sa call detail records, nasusuri ng mga business at naiintindihan nila nang husto phone interactions na ginagawa ng kanilang contact centers. Ang CDRs ay available para suriin ang lahat ng inyong gadget – kasama ang mobile phones at iba pang gadget.
Ang data ng lahat ng incoming at outgoing calls ay regular na kinokolekta para maproseso ang iba-ibang diagnostic, usage, at capacity reporting purposes.
Ang call detail records ay importante ring resource para sa billing dahil natutukoy nito ang usage ng telephone systems sa mga kompanyang umaasa sa VoIP o traditional telephony para paandarin ang kanilang business.
May dalawang paraan para makapag-log kayo ng mga tawag:
- wireless network – nire-record ang logs sa cellular network tower ng kompanya
- VoIP (voice over internet protocol) – nire-record ang data mula sa parehong incoming at outgoing calls, sa kasong ito mula sa parehong VoIP at wireless cellular network
Ang call detail records ay gawa ng dedicated software. Kapag nagawa na ang CDR files, nakatago na sila sa isang database na puwede ninyong ma-access at masuri. Ang ilang kompanyang may mas malaking volume ng phone interactions ay puwedeng gumamit ng software para maka-generate, maitago, masuri at makagawa ng reports sa contact center metrics kasama ang CDRs.
Bakit importante ang call data records?
Ang call detail records ay unang na-develop ng telecommunications companies para lang sa billing. Pero habang nagprogreso ang pangangailangan ng mga modernong business, ang call detail records ay naging importanteng bahagi na ng maraming contact center operations.
Kinokonsidera ang CDR bilang isa sa pinakamahalagang VoIP call metrics. Kung nais ninyong tutukan ang inyong goals at KPIs at magkaroon ng pare-parehong resulta, kailangan ninyong suriin ito nang regular.
Narito ang ilan sa pangunahing benepisyo na maibibigay ng call detail records sa inyong business:
- para sa billing – Ang inyong telephone service provider ay puwedeng mag-estimate kung magkano ang ibi-bill sa inyo para sa isang partikular na panahon. At kung meron mang lumitaw na isyu o pagkakaiba, makapagbibigay ang CDR ng madali at accessible na digital evidence na tutulong sa pag-aayos nito nang mabilis at episyente.
- reporting – Maraming report na puwedeng ma-generate sa isang contact center. Kasama rito ang communication activity, actual na call performance metrics, mga activity ng users, at VoIP call metrics na kritikal sa pagpapatakbo ng episyenteng contact center.
- planning – Ang pag-analyze ng call center metrics pati na call detail records ay tutulong para mas mahusay ninyong ma-estimate ang activities sa hinaharap. Gamit ang impormasyong ito, mas makapagdedesisyon kayo nang mabuti tungkol sa campaigns, pag-allocate ng budgets, etc.
- staying organized – Ang CDRs ay ang madaling paraan para maging organisado ang lahat ng telephone call records ng inyong activities at maging accessible ito tuwing kailangan ninyo silang tingnan.
- productivity tracking – Ang pagiging focused at productive ang mga kritikal na bahagi ng pagpapatakbo ng matagumpay na call center. Sa tulong ng CDRs, mata-track at masusukat ninyo ang productivity ng mga empleyado, phone systems, pati na ang buong business.
- insights – Matatagpuan ng CDRs ang mga isyu sa inyong VoIP service na baka hindi agad ninyo nakita. At tutulong din itong mas maintindihan ninyo ang ibang KPIs ng inyong contact center para makapag-improve.
- paghahanap ng trends – Magagamit ninyo ang data para makakita ng trends na magagamit ninyo para mapahusay ang inyong business (e.g. pinaka-aktibong oras ng araw para tumawag) at pati pag-detect ng anumang maanomalyang gawain o kakaibang behavior na puwedeng mangyari. Ang ilang kakaibang activities ay puwedeng maging natural na bahagi ng isang contact center, pero puwede ninyong tingnan pa ito nang husto kung napansin ninyong umuulit sila.
- budgeting – Nagbibigay ang CDRs ng magandang insights sa kung magkano ang ginagastos ng inyong kompanya sa phone systems. Kung may detalyado kayong pag-intindi sa pang-araw-araw na activities at operations ng inyong call center, puwede kayong mas maayos na makapag-allocate ng resources ninyo. Sa ganitong paraan, masisigurado ninyong nagpapatakbo kayo ng episyenteng business na hindi nagsasayang ng pera.
- diskubrehin ang security threats – Dahil sa records na ito, makakapag-flag ang administrators at makakapag-imbestiga ng maanomalyang activities na puwedeng hindi agad napapansin.
Ano ang nilalaman ng call detail record?
Kahit ang call detail records ay puwedeng maisama sa iba-ibang contact center reports, nagbibigay sila ng sarili nilang magandang uri ng data.
Tingnan natin ang impormasyong madidiskubre ninyo sa pag-aaral ng call detail records sa inyong contact center.
- pinanggalingan ng call – Ang pangalan at phone number ng tao na naunang nakipag-interaksiyon.
- call destination – Ang phone number ng party na tinawagan. Kasama ang pinanggalingan ng tawag, malalaman ninyo kung sino ang tumawag kanino.
- petsa at oras ng call – Kung kailan eksaktong naganap ang tawag.
- tagal ng call – Kung gaano katagal ang tawag. Ang impormasyong ito ay kadalasang naka-display agad sa ilang minuto.
- tipo ng call – Anong uri ng tawag ang naganap – kung inbound o outbound.
- presyo – Batay ito sa kada-minutong rate.
- Iba pang diagnostic at usage information
Habang tinatago ng CDRs ang metadata – o ang data tungkol sa data – sa phone calls o kahit SMS messaging, hindi nila ipinapaalam ang nilalaman ng mga interaksiyong iyon. Pero kung nais ninyong suriin ang inyong call recordings, bagay sa inyo ang LiveAgent call recording software.
Paano i-check ang call detail recordings sa LiveAgent
May dalawang madaling paraan para i-check ang call detail recordings gamit ang LiveAgent:
Ang unang option:
- Mag-log sa LiveAgent
- I-click ang Calls
- I-click ang Call History
Mula rito, makikita ninyo ang CDRs na kasama ang lahat ng data.
Ang ikalawang option:
- Mag-log sa LiveAgent
- I-click ang Tickets
- I-click ang Ticket Filter
- I-click ang Call
- Tingnan ang tickets na may CDR tag
Sa ganitong paraan, di lang ninyo makikita ang CDRs pero pati ang ibang detalye ng ticket tungkol sa naturang interaksiyon sa customer.
Gusto ninyong maka-enjoy ng transparent call detail records?
Kung nais ninyong iangat ang contact center operations ninyo sa mataas na level, mag-sign up na sa libreng 30-day trial. Di kailangang magbigay ng credit card information.
Get the right call center features
Start managing your calls with LiveAgent’s cloud call center capabilities, and get the right tools for customer support in one dedicated solution.
Frequently Asked Questions
What are call detail records (CDRs)?
CDRs are types or metadata - data about data. They record information about incoming and outgoing calls in your contact center. Some of the information you can obtain from CDRs is the source, destination, duration, and cost of the calls.
How does call detail record analysis work?
You can perform an analysis of CDRs by itself, or you can include the CDR data in broader reports. You can use these data to assess the productivity of your agents and your contact center.
Who can access CDRs?
In LiveAgent, agents can review CDRs by logging into their accounts, clicking on Calls, and then clicking on Call History.
Walang Limitasyon sa Recording ng Tawag
Alamin ang walang limitasyon sa recording ng tawag ng LiveAgent—isang makapangyarihang tampok para sa ligtas na pagtatago ng lahat ng tawag sa iyong account. Perpekto para sa legal, pagsasanay, o support na layunin sa kahit anong negosyo. Subukan ito nang libre at walang obligasyon!"
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!
Subukan ang LiveAgent at paghusayin ang iyong customer service gamit ang tampok na Kasaysayan ng Chat. Tingnan ang mga nakaraang kumbersasyon, pabilisin ang paglutas ng mga ticket, at pahusayin ang kasiyahan ng kustomer. Mag-enjoy ng libreng trial, walang obligasyon, at makita ang lahat ng benepisyo ng mahusay na CX. Simulan na ang mas magandang interaksyon sa mga kustomer ngayon!