Pataas na nang pataas ang inaasahan ng mga customer. Mas gusto nila ng mabibilis na sagot, nakakatulong na tugon, at suwabeng karanasan. Dito papasok ang LiveAgent Chatbot feature. Ito ang bago ninyong AI Agent na naka-integrate nang direkta sa inyong LiveAgent chat button, para puwede ang pag-uusap na AI-powered at ang live support na tao ang kausap sa loob ng iisang interface.
Sa article na ito, pag-uusapan natin ang lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa LiveAgent Chatbot, kasama ang pangunahing features nito, bakit kailangan nito ang FlowHunt bilang AI provider, at mga halimbawa ng praktikal na paggamit. Diskubrehin natin kung paano mapapaganda ng bagong feature na ito ang inyong customer support experience.
Ano ang LiveAgent Chatbot?
Ang LiveAgent Chatbot ay isang AI-powered assistant na ginawang nakadirekta sa inyong LiveAgent chat button. Instant nitong sinasagot ang simpleng mga tanong ng customer gamit ang inyong knowledge sources, pinapasa ang mas komplikadong tanong sa inyong team, at tutulong sa inyong makapag-generate ng leads.
Hindi pantay-pantay ang paggawa ng mga chatbot. Kung ang mga basic na chatbot ay nangangasiwa ng simpleng FAQs, ang LiveAgent AI Chatbot ay gumagamit ng mga autonomous AI agent na makakausap nang may rason, makakapagdesisyong mag-isa, at makakagawa ng mga task.
Naiintindihan ng mga AI Agent ang intensiyon ng tao at nakakapagdesisyon ito ng tama kung kailan dapat ma-escalate ang queries sa agent na tao. Nakakakuha pa sila ng leads at nagpapadala ng notifications sa inyong email. At panghuli, ang mga AI agent ay may malalimang pag-intindi ng wika ng tao kaya madali nitong mabibigyang-kahulugan ang mga komplikadong multi-step queries para maitugma ito sa tamang knowledge sources.
Sa Chatbot functionality na ito, malaki ang mababawas ninyo sa response times, sabay-sabay kayong makakatugon sa maraming queries, at mababawasan ang agent workload habang meron pa rin kayong personal na dating. Naggagabay man ng bagong customer sa inyong produkto o nagpi-filter ng simpleng mga tanong bago marating ang inyong agent, umaayon itong chatbot sa gustong gamiting wika ng user at kasabay na gumagana sa team ninyo doon mismo sa parehong chat button.
Paano gumagana ang LiveAgent Chatbot?
Para mapatakbo ang chatbot, dapat kayong mag-integrate ng isang AI chatbot provider sa LiveAgent. Kasalukuyang binibigay nang eksklusibo ang chatbot functionality ng FlowHunt. Quality Unit ang nagdevelop ng parehong LiveAgent at FlowHunt. Dahil dito, mas napoprotektahan namin ang inyong data at nakakapagbigay pa ng priority support sa mga LiveAgent user.
Sa pangangasiwa ng chatbot functionality bilang integration, mas nabibigyan namin kayo ng flexibility at control. Makakagawa kayo ng maraming chatbot para sa iba-ibang gamit, para man ito sa customer support, sales, lead generation, o kahit internal assistance.
Espesyal ang FlowHunt bilang AI provider kasi hindi kayo ila-lock nito sa iisang proprietary AI model. Default man ang pinakabagong ChatGPT model, suportado ng FlowHunt ang 15+ na ibang nangungunang AI model, multimodal pa ito, at puwede pa ninyong dalhin ang sarili ninyong LLM. Dagdag pa, dahil sa advanced prompting options at automatic recognition nito ng higit sa 100 wika, tinitiyak nito ang suwabe at lokal na interaksiyong binabagay sa inyong business.
Ang presyo ng LiveAgent Chatbot
Hindi naniningil ang LiveAgent ng karagdagang bayad para sa integration na ito. Ang paggamit ninyo ng chatbot ay hiwalay na ibi-bill gamit ang credit-based pricing model ng FlowHunt.
Ang buwanang chatbot expenses ninyo ay nakabatay sa maraming bagay, mula sa bilang ng knowledge sources at sa piniling AI model hanggang sa average na komplikasyon ng queries ng user. Ang komprehensibong guide na ito ay bibigyan kayo ng malinaw na formula para makalkula ang inyong AI chatbot expenses.
Paano i-setup ang Chatbot sa LiveAgent
Deretsahang proseso lang ang pag-setup ng isang LiveAgent chatbot na magaganap sa tatlong hakbang sa FlowHunt at tatlong hakbang sa LiveAgent mismo. Kung wala pa kayong account sa FlowHunt, mabilis lang makapag-sign up sa pag-click dito: FlowHunt Sign-Up.
3 action sa panig ng AI provider (Flowhunt)
Paggawa ng chatbot Flow: Pumili mula sa mga nakahanda nang template o gumawa ng sarili ninyo.
Pagkonekta ng knowledge sources: Mag-link o mag-upload ng inyong knowledge, gaya ng inyong website, mga dokumento, FAQs, o kahit mga video at litrato.
Paggawa ng API key: Ginagawa ang integration gamit ang API.
3 action sa panig ng LiveAgent
Pagkonekta ng AI provider: Gamitin ang API key para ikonekta ang inyong mga account.
Paggawa ng Chatbot: Tukuyin ang Flow at mag-customize ng chatbot behavior.
Pag-apply ng chatbot sa chat widget: Ikonekta ang chatbot sa gusto ninyong chat button.
Sundan ang aming step-by-step knowledge base guide para sa detalyadong instructions!
Paano gamitin ang Chatbot: Use cases at mga halimbawa
Sa chatbot builder ng FlowHunt, madali kayong makakagawa at makakadiskubre ng mga paraan para mapaganda pa ang inyong customer support at mga internal na proseso. Pumili ng nakahanda nang LiveAgent chatbot mula sa library o gumawa ng sarili ninyo gamit ang builder. Masaya kayong tutulungan ng aming team sa prosesong ito. Heto ang maikling overview ng major customer service features nito.
Pagpasa sa tao
Salamat sa AI Agents, ang LiveAgent chatbot ay puwedeng ma-setup para malaman kung dapat nang mag-transfer ng mas komplikadong queries sa inyong team. Makakapag-setup kayo ng minimum na bilang ng tugon ng AI na kakailanganin bago lumitaw ang transfer button o hayaan ninyong magdesisyon ang AI agent ng chatbot kung kailang awtomatikong ita-transfer ang chat.
Kung nagdesisyon ang agent na kailangan na ng tulong ng isang tao, magti-trigger ito agad ng transfer na hindi na kailangang hilingin pa ng user.
Para manual na makapag-trigger ng transfer, dapat i-click ng customer ang transfer button sa taas na bar ng chat window. Lilitaw ang button kapag ang minimum na bilang ng tugon ay naabot na o kung hilingin talaga ng user ang transfer.
Kapag dapat nang mag-transfer, ipa-prompt ng chatbot ang users na gamitin ang button:

Awtomatikong pagsagot ng FAQs
May mga tanong bang napakahalaga para malampasan ng AI? Makasisiguro kayo sa consistency ng mga sagot sa pag-setup lang ng FAQs sa FlowHunt. Sa Questions & Answers feature, matutukoy ninyo ang mga fixed na sagot sa mga tanong. Matitiyak nitong kapag may tinanong na kaparehong query, tutugon ang chatbot gamit ang eksaktong tinukoy na sagot.

Lead generation
Ang isa pang magandang FlowHunt component ay ang Email notification tool. Kapag nilagay na ito sa inyong Flow, sisimulan ng chatbot na hingin sa visitors ang kanilang contact details kung nararapat lang. Agad nitong ipapadala ang suma ng pag-uusap sa inyong email para tiyaking hindi ninyo makakaligtaan ang anumang lead.

Knowledge sources
Lahat ng sagot ng chatbot ay nagmumula sa knowledge sources at FAQs na inyong na-setup. Sa pagbigay ng sapat na kaalaman ang chatbot, mababawasan ninyo ang AI hallucinations at mapapalaki pa ang resolution rate ng chatbot.
Tinanong namin ang aming chatbot ng general query tungkol sa isa sa features ng LiveAgent. Salamat sa knowledge ng aming website, madaling nasagot ng chatbot ang query, nakapagbigay ng setup tips, at nadala kami sa karagdagang self-help material:

Multilingual support
Ang LiveAgent chatbot ay awtomatikong makikilala at suwabeng makakatugon sa wikang gusto ng user. Batay sa inyong piniling AI model, magkakaroon ng ilang limitasyon sa hindi gaanong ginagamit na wika.

Kongklusyon
Sa LiveAgent Chatbot, makukuha ninyo ang pinakamagaling sa AI automation at human support sa iisang suwabeng karanasan. Kung kailangan man ninyong ayusin ang resolution times, bawasan ang agent workload, o makakuha ng leads, ang AI-powered chatbot ng LiveAgent ay magbibigay sa inyo ng buong control sa kung paano makikipag-usap ang chatbot sa inyong mga customer. Simulan na ngayon nang makita ninyo mismo ang kaibahan—mag-signup sa aming libreng 30-araw na trial!
AI and human support in perfect sync
Deliver instant, AI-powered answers and get smooth human handoffs —all in one chat button. Get started today!
Alternatibo sa Dixa - LiveAgent
Discover why LiveAgent is the ideal cost-effective alternative to Dixa. Explore its multi-channel ticketing system, robust integrations, and advanced features to elevate your customer service. Try LiveAgent with a 14-day free trial and experience top-notch support solutions tailored for various business needs.
Live chat software para sa mga ahensya
Live chat software para sa mga ahensya ay nagbibigay ng mabilis at maaasahang customer support na may advanced features tulad ng knowledge base at account-based marketing. Subukan nang libre sa loob ng 14 na araw at itaas ang customer satisfaction sa 92%. Alamin kung paano makakamit ang mataas na ROI at instant na tulong para sa mga kliyente ng iyong ahensya.