Ano ang click-to-call button?
Ang click-to-call button ay isang digital tool na puwedeng gamitin para makapagsimula ng real-time na mga tawag sa browser gamit ang internet. Ang kailanga lang gawin ay i-click ang link na naka-embed at naglalaman ng business phone number, at ang isang dedicated system tulad ng LiveAgent call center software ang siyang magsasagawa ng tawag.
Ano ang pinagkaiba ng click-to-call at click-to-dial link?
Ang click-to-dial link ay ang ibang tawag sa click-to-call link. Ito ay puwedeng pamalit na tawag at may parehong kahulugan. Dito sa text na ito, gagamitin ang parehong salita.
Ano ang nagagawa ng click-to-dial/click-to-call feature?
Ang technology ng click-to-call ay hinahayaan kayong mag-dial ng naka-embed (naka-hyperlink) na phone number sa internet. Kapag na-click ito, puwede kayong gumawa ng in-browser na tawag gamit ang kahit anong tamang program, kasama na ang LiveAgent. Dagdag pa, magagamit din dito ang web contact cards ng LiveAgent (browser extensions) para makita ang contact information ng mga tao at business sa web.
Paano gumagana ang click-to-dial?
Ang click-to-dial ay gumagana dahil sa HTML tel link protocols na siyang nakikipag-ugnayan sa mga designated call center o softphone applications. Kapag na-click ang naka-hyperlink na click-to-dial na phone number, bibigyan ng senyales ng server-side script ang software ng inyong call center para gumawa ng aksiyon at simulan ang tawag. Ang calling software ngayon ang tatawag sa naka-hyperlink na number at ikokonekta ang caller sa tao o business na tinatawagan.
Sino ang gumagamit ng click-to-call?
Kahit anong business o kahit sinong tao ay puwedeng gumamit ng click-to-dial na kayang gumawa ng maraming tawag. Maituturing na isa ito sa pinakamagandang features para sa SDR (Sales Development Representatives), sales teams, outreach marketers, executive assistants, market researchers, at customer support representatives dahil mapapadali nito ang kanilang trabaho.
Kahit na ang click-to-call ang ginagamit kadalasan ng mga B2B (business to business) o B2C (business to customer) na mga business, may benepisyo rin ito sa mga pangkaraniwang tao. Halimbawa, kung ang customer ay gumagamit ng kanyang mobile phone para mahanap ang inyong contact information, ang gagawin lang nila ay i-click ang naka-hyperlink na phone number sa inyong website at mabilis na masisimulan ang tawag sa halip na palipat-lipat pa sila sa kanilang web browser at sa phone dial pad.
Bakit mahalaga ang click-to-call?
May mga benepisyo ang click-to-dial dahil nakakatipid ito ng oras ng mga tao. Sa halip na kailangan pang mano-manong ilagay ang phone number kada gusto ninyong tumawag gamit ang inyong cell phone o softphone app, iki-click lang ang phone link para makapagsimula ng tawag. Sa pangmatagalan, nakakatipid ito ng oras sa data input at puwede kayong gumawa ng mas maraming outbound phone calls. Pinapaganda nito ang kahusayan sa workflow, nakakatipid ng oras ang agents, at nakakatipid kayo ng pera.
Kapag kasama ang click-to-email feature na kayang magbukas ng pre-filled ticket window sa LiveAgent, mapapalakas nito ang productivity at mapapaganda ang work performance ng customer service representatives, salespeople, at marketers.
Ang maliliit pero epektibong mga pagbabagong tulad nito ay nakapagpapasaya ng mga empleyado at naiiwasan ang burnout dahil nawawala ang paulit-ulit, hindi masaya, at boring na tasks. Sa halip, nakaka-focus ang inyong mga empleyado sa pag-aalaga sa relasyon sa inyong mga customer, nakagagawa ng napakahusay na customer experience, at nakapagbibigay ng mas personal at makabuluhang suporta sa click-to-call at click-to-dial.
Paano gawing clickable ang phone number?
Kung gusto ninyong mag-setup ng click-to-call at clickable na phone numbers, kailangang may access kayo sa back end ng inyong website para ma-edit ang naroon nang text na naglalaman ng phone numbers. Para makagawa ng clickable phone number, kopyahin lang ang code snippet at palitan ng inyong phone number ang number na nasa loob ng quotation marks.
<a href="tel:1-234-567-1111">1-234-567-1111</a>
<a href="tel:1-234-567-1111">Click to Call</a>
Kapag nagawa na ito, i-click ang “Save” at i-reload ang page. Clickable na dapat ang inyong phone number pagtapos nito. Kung hindi pa rin ito clickable o may nakita kayong error, i-double check ang code. Siguraduhing may quotation marks pa rin at ibang symbols at commands tulad ng .
Paano gamitin ang click-to-call
Ang suhestiyon namin ay gumamit kayo ng omnichannel na call center software tulad ng LiveAgent. Kapag na-setup na ninyo ito at nakapili na ng VoIP provider, puwede nang makatanggap at makagawa ng mga libreng tawag ang inyong browser.
Puwede rin ninyong i-download ang browser extension ng web contact cards ng LiveAgent para makita ang mga dagdag na information tungkol sa mga naka-embed na phone numbers. Kapag na-download na ito, mag-hover lang sa naka-embed na phone number at lalabas na ang LiveAgent contact card kung saan naka-display ang dagdag na CRM information. Kapag na-click na ang click-to-dial phone number, gagawa ng panibagong ticket ang LiveAgent para gumawa ng tawag. Lahat ito ay lalabas sa inyong dashboard.
Pero hindi ninyo kailangang i-download ang LiveAgent browser extension kung ayaw ninyo. Hindi kailangang i-install o i-integrate ang kahit anong program o extension. Ang LiveAgent ay puwedeng maging default handler ng mga link na naka-embed. Kapag na-click na ito, ang help desk software ng LiveAgent ay puwede nang gumawa ng tawag at buksan ang pre-filled na ticket field.
Ang pinagkaiba ng call button at click-to-call link
Pareho ang paggana ng call button at click-to-call link. Pero may kaibahan pa rin sila. Ang click-to-email ay, siyempre, isang link lang. Ang call button ay isang maliit na banner o phone icon na mukhang button. Puwede itong ilagay kahit saan sa inyong site at puwede ring iba-iba ang style, text, laki, at kulay.
Improve your calls with LiveAgent!
LiveAgent's call center features offer exactly what you need to improve your customer support over the phone. Get started today!
Handa na kayong gamitin ang click-to-dial para sa inyong team?
Kung handa na kayong palakasin ang kahusayan ng inyong team habang nakakatipid ng oras at pera, panahon nang gumamit ng click-to-call. Puwede ring i-download at gamitin ang web contact cards browser extension ng LiveAgent para sa mas mabilis na pakikipag-ugnayan at para sa dagdag na insights. Libre ang browser extension at puwedeng ma-download mula sa Google Chrome Web Store o sa listahan ng mga add-on sa Mozilla Firefox. Subukan ninyo ang LiveAgent. Nagbibigay kami ng libre, all-inclusive trial sa loob ng 30 araw, at di kailangan ng credit card para makapagsimula kayo.
Alamin kung gaano magiging epektibo ang inyong team simula ngayon.
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!