Ano ang click-to-email?
Ang click-to-email ay isang link na puwedeng i-click ng mga bumibisita sa inyong website para kayo ay makontak sa pamamagitan ng email. Kapag na-click ang link, bubuksan ng kanilang default email client ang bagong email message na nakalagay na ang email address ng makatatanggap. Dahil gamit ng visitors ang kanilang default email client, siguradong alam na nila kung paano maglagay ng attachment, mag-CC ng mga tao, at pamilyar na sila sa email functionalities. Ang feature na ito ay puwedeng gamitin sa mobile gadget o sa desktop computer.
Ano ang ginagawa ng click-to-email?
Ang click-to-email, na tinatawag ding mailto link, ay ginagawang mas madali para sa mga bumibisita sa website na makontak ang mga business ninyo. Tinatanggal nito ang abalang pagbukas ng email clients, pag-type ng mensahe, at pag-copy-paste ng mga email address. Dahil dito, ito ay may importanteng papel para sa business marketing.
Paano gumagana ang click-to-email?
Powered ang mga link ng click-to-email ng HTML code. Binubuksan nito ang default email client ng user (tulad ng Apple Mail o Windows Mail) para gumawa ng bagong email message. Dagdag pa, sinisigurado rin ng code na nakalagay na ang email address ng tatanggap ng email sa “TO” bar.
Sino ang gumagamit ng click-to-email?
Maraming business ang naglalagay ng mailto links sa kanilang contact pages bilang bahagi ng kanilang email marketing strategy. Ang mga link na ito ay sinisigurado ang walang hassle na karanasan sa pagkontak ng parehong current at potential na clients. Ang links ng click-to-email ay ginagamit sa lahat ng industriya kasama na ang real estate, education, automotive, eCommerce, SaaS, at pati na rin ang healthcare.
Ang click-to-email ay magagamit ng mga empleyadong naka-focus sa outbound sales, nagpapadala ng cold emails, o mga empleyadong nagbibigay ng proactive support. Ang click-to-email ay nakakatipid sa oras sa pag-input ng data at automated ang buong proseso.
Bakit importante ang click-to-email?
Napabubuti ang karanasan ng mga customer kapag kayo ay maglalagay ng click-to-email sa inyong mga website dahil nakakatipid ito ng oras at napapababa nito ang kanilang pagkadismaya. Sinasabi ng 80% ng mga consumer na bilis at kaginhawaan ang pinaka-importanteng element ng customer experience.
Ang pagpapabuti ng inyong mga website tulad ng paglalagay ng click-to-email links ay may positibong epekto sa customer experience. Kapag mas maganda ang karanasan nila, mas mataas ang tsansang maging bahagi sila ng inyong loyal customer base, mas mapapabili sila ng inyong produkto, at maibabahagi nila ang kanilang magandang karanasan sa kanilang mga kaibigan at pamilya, na siyang magreresulta sa mas madami ninyong bagong customer at mas malaking kita.
Ang paggamit ng click-to-email kasama ang click-to-call
Puwede ring gamitin ang click-to-email bilang click-to-call. Ang kakayahang makatawag at makapagpadala ng email gamit ang mga embedded phone number at email address sa mabilis na paraan ay may benepisyo sa inyong mga customer service representative, salespeople, marketer, researcher, at executive assistant.
Sa isang click lang ay makapagsisimula na ng pag-uusap ang customer gamit ang kanilang piniling communication channel. Ang LiveAgent help desk software ay ginagawang madali at mabisa ito sa pamamagitan ng paggawa ng tickets, at sinisiguradong walang customer interaction na di mapapansin. Dagdag pa riyan, nagbibigay ito ng analytics para makita ninyo ang email statistics, iba’t ibang KPIs, at iba pang email marketing metrics.
Maliban pa riyan, puwedeng magamit ng mga customer ang click-to-dial feature para makapagsimula ng real-time na tawag sa browser. Dahil dito, ito ay isang tool na kailangang-kailangan para sa lahat ng outbound sales, support, at mga professional na nasa email marketing.
Maliban pa rito, ang LiveAgent web contact cards extension sa browser ay nagbibigay sa mga user ng dagdag na insights sa pagpapakita ng CRM information tungkol sa contact. Ang pagkakaroon ng access sa information na ito ay nakatutulong sa inyong gumawa ng mas personal na message, palakasin ang inyong engagement rate, at mapabubuti nito ang cold email open rates ninyo.
Pero hindi ninyo kailangang i-download ang browser extension ng LiveAgent kung ayaw ninyo. Hindi ninyo kailangang i-install o i-integrate ang kahit anong program o extension. Ang LiveAgent ay puwedeng maging default handler ng mga link na naka-embed. Sa pag-click sa mga ito, puwedeng makatawag at makabukas ng pre-filled na mga ticket field.
Paano kayo makagagawa ng click-to-email link?
Kung gusto ninyong gumawa ng click-to-email link, kailangan ay may access kayo sa back end ng inyong website para ma-edit ninyo ang mga text na naroon na at naglalaman ng mga email address.
Para magawang clickable ang mga email address, i-copy-paste lang ninyo ang code na ito at ipalit ang sarili ninyong email address. Puwede ring baguhin ang “Send Email” text sa gusto ninyong sabihin.
Send Email
Bakit hindi gumagana ang mailto?
Kung ang mailto ay hindi gumagana, puwedeng may syntax error sa inyong click-to-email code. Halimbawa, minsan natatanggal ng mga tao ang quotation marks sa mailto code kaya hindi tamang nadi-display ang link. Pero kung tama naman ang inyong code, puwedeng ang problema ay sa settings ng inyong email client. Kadalasan, ang problema ay magkaiba ang default email client at ang actual na email client na ginagamit nila. Halimbawa, ang default email client ng isang user ng Mac ay Apple Mail pero mas gusto niya ang Gmail.
Para mapagana ito, kailangan baguhin ng mga user ang settings ng default email client nila.
Ang hindi maganda sa click-to-email
Kahit na mainam gamitin ang click-to-email, nakakainis ito sa ibang mga customer dahil hindi naka-setup nang tama ang kanilang default email client. Kaya sa halip na walang hassle sana ang experience sa mailto link, nakakaistorbo pa.
Ano ang options sa click-to-email links?
Maraming puwedeng gawin sa click-to-email links, hindi lang ang mag-pre-fill ng fields ng “TO” sa bagong email message. Ito ang mga puwede ninyong gawin sa click-to-email:
Magdagdag ng prefilled subject
Email Us
Magdagdag ng prefilled CC at BCC
Email Us
Magdagdag ng prefilled body text
Email Us
Buksan sa panibagong tab
Email Us
Ang pinagkaiba ng click-to-email at contact us button
Gumagamit ng parehong technology ang click-to-email at contact us. Pero may kaibahan pa rin sila. Ang click-to-email ay, siyempre, isang link lang. Ang button na contact us ay isang banner o image na mukhang button. Puwede ninyong i-customize ito at ilagay sa kahit saan sa inyong website.
Looking for a better way to manage emails?
Get started with LiveAgent's ticketing system that can handle your entire email communication from each account effectively.
Handa na kayong gamitin ang click-to-email para sa inyong team?
Kung handa na kayong palakasin ang kahusayan ng inyong team habang nakakatipid ng oras at pera, panahon nang gumamit ng click-to-email. Puwede ring i-download at gamitin ang web contact cards browser extension ng LiveAgent. Libre ang browser extension at puwedeng ma-download mula sa Google Chrome Web Store o sa listahan ng mga add-on sa Mozilla Firefox. Subukan ninyo ang LiveAgent. Nagbibigay kami ng libre, all-inclusive trial sa loob ng 30 araw, at di kailangan ng credit card para makapagsimula kayo.
Alamin kung gaano magiging epektibo ang inyong team simula ngayon.
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!
Discover seamless project management with ClickUp's integration in LiveAgent. Effortlessly manage tasks, convert emails, and link tickets, all within one platform. Enhance your workflow and stay updated without switching apps. No extra cost—integrate ClickUp for free with LiveAgent and streamline your operations today!
Discover seamless integration with MailEnable, the top email server for Microsoft Windows, offering robust security and Outlook compatibility. Enhance your business communication by connecting MailEnable with LiveAgent's help desk for improved customer support. Experience the benefits of fast, secure, and feature-rich services with a free 30-day trial. Start your journey to efficient customer service today!