Ano ang custom role?
Ang custom roles ay isang feature na nagbibigay ng abilidad na gumawa ng custom admin roles para sa customer support agents sa LiveAgent system. Dahil sa feature na ito, nalilimitahan ng admins ang administrative privileges ng agent o nabibigyan sila ng access sa ilang partikular na bahagi ng LiveAgent system. Magagamit ito para epektibong maidirekta ang responsabilidad sa trabaho ng mga agent. Ang feature na ito ay magagamit bilang alternatibo sa aming built-in roles feature na may offer na predefined roles.
Maa-access ng mga may-ari ang feature na ito sa LiveAgent configuration at mapipili ang permissions sa agents na tukuyin ang role definition. Sa ganitong paraan, puwede kayong magdagdag ng custom roles sa users at tukuyin ang puwedeng gawin ng partikular na agent sa kanilang role sa kompanya.
Paano mag-set up ng custom roles sa LiveAgent
Ang pag-set up ng custom roles sa LiveAgent ay isang madaling proseso. Tandaang dapat meron kayong All-inclusive plan para makapag-set up ng custom roles. Una sa lahat, buksan ang inyong LiveAgent account at pumunta sa Configuration options. I-click ang Custom roles sa kaliwang menu panel, o bilang alternatibo sa Custom Roles icon na nasa introductory configuration screen.
Kapag nasa section na ito na kayo, i-click ang Create a custom role. Isulat ang pangalan ng role na gusto ninyong tukuyin, pagkatapos ay piliin ang available na permissions. I-click ang create role sa ibaba ng window, at tapos na kayo. Puwede rin ninyong baguhin ang kasalukuyang permissions kung kailan ninyo kailangan matapos gawin ang role.
Paano pipiliin ang permissions na kailangan ng bagong custom role
Ang pinakamagandang paraan ay i-segment ang inyong customer support agents ayon sa kanilang specialty at ikonsidera kung anong LiveAgent permissions ang pinakabagay sa kanilang role sa loob ng help desk. Halimbawa, ang agent na nagpe-perform nang mahusay sa isang call center setting ay dapat may access sa call center features at pati sa knowledge base features. Makatutulong ito sa pagdagdag ng bagong impormasyon tulad ng mga sagot sa FAQs ng customers na tumatawag sa phone. Pareho rin ito sa live chat agent na kakailanganin din ang email ticketing features para makausap ang customer matapos ang isang live chat query resolution.
Kung sobrang bago kayo sa paggawa ng custom role mula sa umpisa at sa pagpili ng permissions para sa agents, magsimula sa simple at gumawa muna ng basic roles. Magdagdag ng permissions para sa bawat agent ayon sa preference ninyo o nila. Kung kailangan nila ng mas marami pa o mas kaunting permissions, puwede ninyo itong i-edit kung kailangan at mag-adjust ng mga responsabilidad.
Anong permissions ang puwede sa custom roles
Ang custom roles ay may offer na iba-ibang permissions sa custom roles na puwedeng itambal at ihalo para sa maximum flexibility. Tingnan ang kumpletong listahan ng permissions sa ibaba.
Agents
- Mag-manage ng agents (Tinanggal bilang default)
Agent Status
- Mag-manage ng mga agent status (Tinanggal bilang default)
Phones
- Tingnan ang telephony settings (Tinanggal bilang default)
- Mag-edit ng telephony settings (Tinanggal bilang default)
- Mag-manage ng gadgets ng agents (Tinanggal bilang default)
Ranking
- Tingnan ang rankings ng ibang agents (Tinanggal bilang default)
- Mag-delete ng agent rankings (Tinanggal bilang default)
Ticket
- Mag-reply sa ticket (Naibigay bilang default)
- Gumawa ng bagong ticket (Naibigay bilang default)
- Mag-purge ng na-delete nang ticket (Tinanggal bilang default)
- Mag-perform ng mass actions sa piling tickets (Tinanggal bilang default)
Smart answers
- Mag-manage ng canned messages (Tinanggal bilang default)
- Mag-manage ng predefined answers (Tinanggal bilang default)
Knowledge base
- Mag-manage ng mga knowledge base at settings nito (Tinanggal bilang default)
- Mag-manage ng knowledge base content (Naibigay bilang default)
Contacts
- Mag-edit ng contacts (Naibigay bilang default)
- Mag-delete ng contacts (Naibigay bilang default)
Tag
- Mag-manage ng tags (Tinanggal bilang default)
Pag-edit ng custom roles permissions
Sakaling kailangan ninyong i-edit ang custom role permissions at magdagdag o magtanggal pa ng privileges, puwede itong gawin sa configuration screen. Pumunta sa Configuration > Custom roles sa inyong LiveAgent account at i-click ang role na gusto ninyong i-reconfigure. May isang bagong window na magbubukas. Sa window na ito, puwede ninyong palitan ang pangalan ng role at baguhin ang level ng access sa users sa pag-click ng Change button sa tabi ng Modified permissions. Ang proseso ng pagbabago ng permission ay mananatiling pareho lang sa unang pag-setup.
Paano alisin ang custom roles
Kapag nasa Configuration > Custom roles, i-click ang role na gusto ninyong alisin. Mag-scroll down sa bagong window at hanapin ang “Danger zone” section. Puwede ninyong i-delete ang anumang custom role sa pag-click ng Delete button. Tandaan na kapag na-delete ninyo ang isang role, wala nang bawian ito. Sakaling gusto ninyong i-restore ang naalis nang role, kailangan ninyong gumawa ng bago at pumili ulit ng permissions.
Improve your team workflow and specify permissions for each team member with LiveAgent.
Get started with our free 30-day trial, and create your own custom roles.?
Frequently Asked Questions
Paano ako makakakuha ng admin role sa LiveAgent?
Ang tanging paraan upang magkaroon ng admin role sa LiveAgent ay kapag binigyan ka ng ibang admin o ng may-ari ng account ng kinakailangang mga permiso sa loob ng system.
Mayroon ba ngang mga custom roles para sa bawat LiveAgent plan?
Ang custom roles feature ay magagamit lamang sa All-inclusive LiveAgent plan. Ang mga gumagamit ng ibang LiveAgent plans ay maaaring magamit lamang ang mga predefined roles sa kanilang mga account.
Ano ang mga predefined roles sa LiveAgent?
Ang mga predefined roles ay ginagamit upang tukuyin ang mga permiso ng mga agent sa LiveAgent system. Mayroong apat na uri ng predefined roles – Owner, Admin, Agent, at Test Role. Lahat ng roles ay nagkakaiba sa antas ng kanilang access sa help desk system.