Ano ang mga template na email?
Ang mga template na email ay maaaring tukuyin bilang sa nakahanda na mga struktura sa email. Ang mga user ay maaaring magdagdag ng mga teksto, larawan, at bidyo rito, at ito ay madalas na nakukustomisa.
Para saan ginagamit ang template na email?
Ang mga template na email ay madalas na ginagamit sa pagpapadala ng mga email newsletter o awtomatikong binuong mga email, tulad ng mga email sa kumpirmasyon, email sa pagreset ng password, at iba pa. Ito ay madalas na ginagawa para sa layunin sa marketing at sales. Gayumpaman, maaari itong maging nagbibigay impormasyon o kaugnay sa teknolohiya.
Anong mga uri ng template na email ang mayroon?
Sa usapin ng formatting, mayroong dalawang uri ng template na email: HTML at teksto lamang.
Template na email na HTML
Ang mga template na email na HTML ay nagbibigay daan sa mga user na maging malikhain sa kanilang mga email. Dagdag pa sa pagsuporta sa iba’t ibang uri ng layout at media, tulad ng mga larawan at bidyo, ito ay angkop dn sa iba’t ibang uri ng mga call-to-action na buton. Ang mga template na email na HTML madalas na ginagawa para sa layunin sa marketing at sales dahil ito ay maganda at nakakaakit. Madalas na kaunti ang teksto nito at mas maraming media.
Template na email na teksto lamang
Ang mga template na email na teksto lamang ay mas simple at limitado sa hitsura, Hindi nito sinusuportahan ang formatting dahil mas ginagamit ito sa pagbibigay ng maiiksing mensahe. (3-4 linya ng teksto) at tumututok sa nilalaman ng email kaysa sa kagandahan nito. Ito ay karaniwang ginagamit kapag nagpapadala ng mga email sa kumpirmasyon, link sa pag-reset ng password, o link sa pag-track order.
Anong uri ng mga template na email ang maaari mong gawin sa LiveAgent?
Ang software sa help desk ng LiveAgent ay nag-aalok ng dalawang uri ng template na email.
Mga template na email sa Ahente
Mga template na email sa ahente ay nakahanda na mga mensahe sa mga ahente kapag may partikular na uri ng pangyayari ang nagaganap. Halimbawa, ang mga ahente ay natatanggap ang mga awtomatikong mga email kapag:
- May isang kustomer na tumugon sa isang ticket na itinalaga sa kanila*
- May isang ticket na itinalaga sa kanila*
- Isang bagong ticket ay ginawa (Ipinadala sa ahente kapag may bagong ticket na ginawa sa anuman sa kanilang mga departamento.)
- Sila ay humiling ng bagong password (Ang email na ito ay nagtataglay ng link sa pag-reset ng password)
- Pinindot nila ang link na nakalimutan ang password (Ang email na ito ay nagtataglay ng link sa pag-reset ng password)
- Sila ay idinagdag sa account sa LiveAgent (Ipinapadala sa ahente kapag ang admin ay idinagdag siya sa sistema. Ang email na ito ay may taglay na link upang i-setup ang kanyang password.)
*Ang mga email na ito ay hindi ipinapadala kapag ang estudyante ay naka-log in sa sistema
Template na email sa kustomer
Template na email sa kustomer ay mga nakahandang mensahe sa email. Ito ay ipinapadala sa mga kustomer kapag may isang ispesipikong pangyayari ang maganap: Halimbawa, ang mga kustomer ay natatanggap ang mga awtomatikong mga email kapag:
- Sila ay nakatanggap ng tugon mula sa isang ahente tungkol sa isang ticket
- Ang ahente ay gumawa ng bagong ticket
- Ang ahente ay nag-forward ng mensahe
- Ang kanilang tickey ay nalutas
- Pinili nila ang opsyon na “ipadala ang transcript ng chat” habang may sesyon ng live chat
- Nakatanggap sila ng tugon sa isang mensahe sa forum or mungkahi (Ang email na ito ay may taglay na link sa pag-unsubscribe.)
- Sila ay nagrehistro sa knowledge base ((Ang email na ito ay may taglay na link sa paggawa ng password.) Nagsisilbi rin ito bilang beripikasyon ng email ng kustomer. Ang mga kustomer na gumagamit ng pekeng email address ay hindi makakapag-ayong ng password ng kanilang account..)
- Pinindot nila ang link na nakalimutan ang password (Ang email na ito ay nagtataglay ng link sa pag-reset ng password)
Ang mga template na email sa LiveAgent, HTML o teksto lang?
Ang software sa ticketing ng LiveAgent ay nagpapahintulot sa mga user na gumawa kapwa ng HTML at teksto lamang na mga template na email. Dagdagpa, kami ay nag-aalok ng isang WYSIWYG (What You See Is What You Get) editor na nagpapadali na ayuin at format ng mga template na email sa HTML. Ang editor na WYSIWYG ay sumusuporta sa mga larawan, ibang ibang mga font, kulay, link, attachment, at iba pa.
Save time with email templates
Create beautifully formatted email templates with our WYSIWYG editor. Try it today for free. No credit card required.
Paano ako gagawa ng template na email sa LiveAgent?
- Mag-log in sa LiveAgent.
- Pindutin ang Kumpigurasyon (icon ng cogwheel).
- Piliin ang Email.
- Pindutin mo ang mga template sa Kustomer o template sa Ahente.
5. Pumili ng template na gusto mong i-edit sa pamamagitan ng pagpindot sa buton na Edit button (icon na lapis). 6. Pumili kung gusto mo ang iyong email ay maging nasa format na HTML or teksyo lamang sa pagpindot sa <> o A na buton. 7. I-edit ang template sa mga variable na magagamit sa kaliwang bahagi ayon sa iyong gusto.
8. Subukan ang template na email sa pagpindot sa Subukan. Nag-scroll sa ibaba, at pindutin ang Ipadala. 9. Kapag ikaw ay nasiyahan sa hitsura at nilalaman ng iyong template na email, pindutin ang I-save.
Bakit ang mga template na email ay nakakatulong sa mga negosyo?
Ang mga template na email ay mahalaga sa mga negosyo at organisasyon sa anumang industriya. Nakakatulong ang mga ito na makatipid ng mahalagang oras ay hindi kailangan ng anumang kaalaman sa coding!
Nakakatipid sa oras
Ang mga template na email ay nakahanda na at awtomatiko. Ibig sabihin kapag ikaw ay gumawa ng template na email, ito ay awtomatikong ipapadala kapag ang kondisyon sa pangyayari ay matagunan (halimbawa, kapag ang kustomer ay pinindot ang buton ng na nakalimutan ang password). Nakakatipid ito ng napakaraming oras, at malaya ka sa paggawa ng mga manwal na gawain at responsibilidad. Halimbawa, hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa manwal na pagpapadala ng mga follow-up na email o link sa pag-resent ng password.
Hindi kailangan ng kaalaman sa coding
Ang mga template na email ay madali para sa mga baguhan. Hindi mo kailangan ng anumang karanasan sa coding o sa pagdidisenyo upang magawa ito. Ang aming WYSIWYG na editor ay nagpapadali sa iyo na idisenyo ang mga template mula sa umpisa. Sa paggawa ng lahat ng iyong mga template na email sa software sa ticketing ng LiveAgent, sinisigruado mo ang lahat ng iyong komunikasyon sa email ay may iisang look at pakiramdam.
Makakatipid ng pera
Kapag malaya ang iyong mga ahente sa manwal, ay paulit-ulit na gawain na madali i-awtomisa, nakakatipid ka ng pera. Ang pagunahing layunin ng iyong mga ahente ay ang pagpapataas ng kasiyahan ng kustomer sa paggawa ng hindi malilimutan mga karanasan — pagsagot ng mga tanong nang mabilis, propesyonal, may alam at paraang propesyonal. Ang paggawa ng mga template na email ay maaaring makatulong sa iyo at iyong mga ahenteupang maaari silang makapokus sa kung ano ang mahalaga — pagpapaunlad ng ugnayan sa kustomer.
Sanggunian sa Knowledge base
Gusto mong malaman pa ang tungkol sa mga naukustomisa template na email? Tingnan ang aming koleksyon ng mga artikulo sa knowledge base o ang aming mga ispesyal sa nakahandang template para sa bawat okasyon.
- Mga Template na Email
- Pag-set up ng mga template na email
- Paano gumawa ng mga template na email sa LiveAgent
- Mga Template na Email sa Pag-reset ng Password (Kopyahin at i-paste)
- Mga Template sa Customer Service – Pinakamahusay na Gawain (+Halimbawa)
- Mga Template na Email sa Portal ng Kustomer (Walang Singil)
- Mga template na email
- Paano tukuyin ang pangangailangan sa Password?
Handa ka na gumawa ng template na email ?
Makatipid ng oras sa paggawa ng mahusay at napakagandang template na email sa aming WYSIWYG editor. Subukang gumawa ng mga template na email ngayon sa aming libre, all-inclusive na 14-araw na trial. Walang credit card na kailangan.
Frequently Asked Questions
Ano ang mga template na email?
Ang mga template na email ay maaaring tukuyin bilang sa nakahanda na mga struktura sa email. Ang mga user ay maaaring magdagdag ng mga teksto, larawan, at bidyo rito.
Para saan ginagamit ang template na email?
Ang mga template na email ay madalas na ginagamit sa pagpapadala ng mga email newsletter o awtomatikong binuong mga email, tulad ng mga email sa kumpirmasyon, email sa pagreset ng password, at iba pa. Ito ay madalas na ginagawa para sa layunin sa marketing at sales. Gayumpaman, maaari itong maging nagbibigay impormasyon o kaugnay sa teknolohiya.
What types of email templates are there?
Sa usapin ng formatting, mayroong dalawang uri ng template na email: HTML at teksto lamang.
Mga template ng nagbibigay-kaalamang email
Libreng mga template ng nagbibigay-kaalamang email mula sa LiveAgent para sa mas mahusay na customer service. Subukan ang ngayon!
Discover the power of email marketing with our updated sales email templates! Simplify your sales and marketing efforts using ready-made messages designed for every occasion. From welcoming new customers to re-engagement, these templates will enhance your email strategy. Experience the highest ROI and conversion rates with our expertly crafted emails. Visit now to boost your marketing performance!