Ang Facebook ay isang libreng social networking website kung saan ang mga nakarehistrong user ay maaaring gumawa ng kanilang profile, mag-upload ng mga litrato at video, magpadala ng mga message, at patuloy na makipag-ugnayan sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho.
Kapag konektado ang LiveAgent sa Facebook, ang mga user ng LiveAgent ay makasasagot sa mga Facebook message, post, o comment nang diresto mula sa kanilang LiveAgent dashboard (at di na kailangang mag-log in pa sa Facebook mismo). Nagiging mas mainam ang workflow integration.
Paano ito gumagana?
Naka-streamline sa LiveAgent inbox ang bawat comment, post, at message, at nagiging ticket ang mga ito. Mula doon, masasagot na ng mga user ang bawat ticket na para lang ding sumasagot sila sa Facebook. Walang mapapansing pagkakaiba ang mga customer maliban sa mas mabilis na ang oras ng pagsagot ninyo.
Bakit napakahalaga ng integration na ito?
Game-changer ang integration ng LiveAgent at Facebook dahil:
- Nasusundan ng sistema ang lahat ng messages, comments, at mentions, kaya nasisigurado ang pagsagot sa bawat isa sa mga ito
- Nadadagdagan ang pagiging produktibo ng agent
- Mas may seguridad ito (kaysa sa pag-share ng inyong login credentials sa napakaraming empleyadong responsable sa pagsagot ng inyong mga social media message)
- Hindi na kailangang ipasa pa ang admin role ng Facebook sa inyong mga empleyado
- Hindi na kailangang mag-monitor ng maraming account at device sa araw-araw
- Mas bumibilis ang inyong response time
- Nadadagdagan ang customer satisfaction
- Nakadaragdag ito sa sales at mas mataas na revenue
- Mas pinadadali nito ang social media customer service
- Inaalis nito ang stress
- Mas madali ang pamamahala at pag-monitor ng maraming Facebook business account
- Sulit ang presyo nito
Sigurado bang hindi mo kailangang magbigay ng suporta sa Facebook? Pag-isipang mabuti!
Kung di ka gumagamit ng Facebook bilang customer support channel, di ka pa nakatira sa 21st century! Sa 2021, aabot na sa 2.8 bilyon kada buwan ang aktibong users ng Facebook. Bukod dito, ang mga makabagong customer ngayon ay tech-savvy digital native na at aktibong Facebook user na sanay gumamit ng social media bilang support channel din. Ayon sa survey ng Conversocial, 54% ng mga customer ngayon ang mas gustong ginagamit ang social media para sa customer service kaysa sa telepono o email.
Kung lampas sa kalahati ng customer base mo ay mas gustong gamitin ang social media bilang customer support channel, kailangan mong pansinin ang detalyeng ito. Oras na para tumugon sa mga pangangailangan at inaasahan ng mga customer nang madala na ang business mo sa 21st century.
Paano ang integration ng Facebook sa LiveAgent
Sundin ang mga hakbang na ito para masimulan nang sumagot sa Facebook messages gamit ang LiveAgent ngayon!
- Mag-log in sa LiveAgent
- I-click ang Configuration (cogwheel icon sa kaliwang menu bar)
- I-click ang Facebook at Instagram
- I-click ang Accounts
- I-click ang Connect
- May bagong pop-up window na lalabas para sa pag-login sa Facebook account. Ilagay ang inyong impormasyon para maka-login. Kung naka-log ka na, i-click ang Continue As
- Kapag lumabas ang message na nagsasabing ”Humihingi ng permiso ang LiveAgent para mamahala ng inyong Pages, makapag-publish sa Pages ninyo, at makakuha ng access sa inyong mga message sa Facebook Page,” paki-click ang OK para tanggapin ito
- Balikan ang LiveAgent at piliin kung anong mga page ang nais ninyong ikonekta, at piliin ang mga nais ninyong permission para rito. Puwede kayong pumili sa mga sumusunod na option:
- Kunin ang wall posts
- Kunin ang mga private message
- Piliin ang department kung saan mo gustong ipadala ang paparating na Facebook tickets
- I-click ang Save
Ano ang magagawa mo sa Facebook integration?
Sa pag-activate ng Facebook integration, puwede mong magawa ang lahat ng sumusunod na aksiyon nang diretso mula sa LiveAgent:
- Sumagot ng mga private/direct message
- Magpadala ng mga attachment, link, emoji, at GIF
- Sumagot ng mga comment
- Mag-like ng mga comment
- Mag-delete ng mga comment sa pamamagitan ng pag-delete ng mga ticket
- Mag-resolve ng ticket sa pamamagitan ng pagsagot dito
Simulan na ang mas maayos na paggamit sa inyong napakahalagang oras at pinaghirapang pera
I-empower ang inyong support team sa pagbibigay sa kanila ng nararapat na tools. Alisin na ang walang katapusang istorbo (mga ping mula sa mga private message, notification, at mga meme o viral cat video).
Sa LiveAgent, mas masinop ang gawain ng mga agent, umaayos ang kanilang pagiging produktibo, at nakatitipid ka pa sa pera. Paano? Walang bayad ang paglagay ng feature na ito, maliban na lang kung binibili mo ito bilang dagdag sa Ticket o sa Ticket+Chat plan mo.
Dagdag pa rito, ang presyo ng ticket resolution gamit ang social media integration ay mas mababa kaysa sa email o telepono.
Nais mo bang umayos nang husto ang help desk mo?
Awtomatikong naaayos ng LiveAgent ang mga Facebook ticket kapag nasagot mo na ang mga ito, na siyang nagpapadali sa proseso ng ticket archiving. Kapag may customer na nag-follow up o nag-message ulit, awtomatikong bubuksang muli ng sistema ang ticket niya. Di na kinakailangan ang palaging pagmo-monitor sa estado ng mga ticket dahil inaayos na ng LiveAgent ang lahat, at makatatanggap ka na lang ng notification kapag may kailangan kang sagutan.
Sinisigurado namin ang seguridad ng data ninyo
Di na kailangan sa LiveAgent ang pag-share ng inyong Facebook login credentials sa maraming empleyado. Kapag konektado na ang inyong Facebook account sa LiveAgent, lahat ng empleyado ay makakasagot na ng anumang message at comment nang hindi na kinakailangang mag-log in pa sa FB.
Mas mabuti ito dahil binabawasan na ng proseso ang anumang posibilidad ng data leak at pagnanakaw sa inyong data. Di na mag-aalala ang inyong mga empleyado sa paglalagay o pagkalimot ng mga password, o sa paggamit ng Facebook sa pampublikong computer.
Panatilihing sobrang taas ang inyong customer satisfaction
Kumokonekta ang LiveAgent sa inyong Facebook page at nasusundan nito ang lahat ng wall post, comment, at private message para 24/7 mong makokontrol ang inyong fans at haters. Nata-track ang lahat at nagiging tickets para agarang makapagbigay ng reaksiyon ang inyong customer support agents kapag may reklamong natanggap at naaagapan agad ang anumang problema bago pa man ito kumalat. Sa LiveAgent, 100% kang nakasisigurado na walang makakaligtaan o makakalusot sa Facebook.
Knowledge base resources
Kailangan mo pa ng karagdagang tulong sa integration na ito? Basahin ang detalyadong guide para sa cloud-hosted accounts o itong article tungkol sa mga standalone na bersiyon ng LiveAgent.
Karagdagang impormasyon sa pag-set up ng Facebook application para sa standalone accounts.
Nakukulangan ka pa rin ng impormasyon?
Huwag mahiyang makipag-ugnayan sa amin sa email (support@liveagent.com), live chat, o telepono. Malugod kaming tutulong at magbibigay ng anumang karagdagang impormasyong kailangan mo.
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Question”, “name”: “Ano ang Facebook integration?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Sa Facebook help desk integration, naka-streamline sa inyong help desk inbox ang bawat comment, post, at message, at nagiging ticket ang mga ito. Mula doon, masasagot na ng mga user ang bawat ticket na para lang ding sumasagot sila sa Facebook.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Bakit ko kailangang ma-integrate ang Facebook sa aming help desk?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Para mapabuti ang customer satisfaction, mas mapabilis ang response time, at masiguradong ang bawat Facebook message at comment ay matugunan at masagot.” } }, { “@type”: “Question”, “name”: “Paano ko ikokonekta ang Facebook sa help desk ko?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Answer”, “text”: “Ang bawat help desk ay may iba-iba at kakaibang set ng instruction sa pagkonekta sa Facebook. Sa LiveAgent, kailangan mong puntahan ang Configuration, ang Facebook at Instagram, ang Accounts, at saka i-click ang Connect. Bigyan mo ng authorization ang LiveAgent na kunin at basahin ang mga messages, at madaling matatapos ang trabaho.” } }] }Streamline your Twitter support today
Answer Tweets and comments directly from your help desk starting today. Start your free 14-day trial now. No credit card required.