Ano ang integration?
Integration - the process of combining two or more things into one.
Maraming kompanya ang gumagamit ng iba’t ibang apps at tools araw-araw. Ginawa ang mga ito para suportahan ang trabaho ng kompanya. Pero kahit na nakatutulong ang mga ito, marami pa ring oras ang nasasayang sa pagpapalipat-lipat sa iba’t ibang interface. Ang LiveAgent ay isang customer service software na tutulong sa inyong customer service na makapagtrabaho gamit ang iisang interface na lang. Pero kahit na nakukuha ang mga customer inquiry sa iisang software, minsan ay kailangan pang gumamit ng staff ng ibang apps. Kaya sa LiveAgent, ipinasok na rin dito ang mga integration at nakikipagtrabaho pa kami sa ibang kompanya para lumawak pa ang kapasidad ng LiveAgent. Sa integrations, puwede nang magtrabaho ang customer staff ninyo mula sa iisang software na naroon na ang lahat ng kinakailangang tools.
Mga benepisyo ng integration:
- Bawas-gastos sa resources – tulad ng maraming customer representative
- Automated ang proseso ng trabaho
- Lumilikha ng mas mahusay na customer experience
- Mas kuntento ang mga customer agent
- Customer loyalty
- Abilidad na ma-share ang data
Paano gamitin ang integrations sa LiveAgent?
Pinapahusay ng mga integration ang performance ng LiveAgent. Puwede nitong mai-link ang iba’t ibang tools. Mapapahusay ang araw-araw ninyong trabaho.
Matapos magrehistro at mabasa ang “get started” guide, puwede nang gamitin agad ang LiveAgent. Makikita ang LiveAgent integrations sa iba’t ibang porma. Puwedeng naka-integrate na ito bilang LiveAgent feature o puwedeng ma-activate gawa ng simpleng plugin. Kadalasan, ang mga LiveAgent integration ay built-in na o makikita sa Configurations – System. Nakalista naman ang ibang integrations sa Matapos magrehistro at mabasa ang “get started” guide, puwede nang gamitin agad ang LiveAgent. Makikita ang LiveAgent integrations sa iba’t ibang porma. Puwedeng naka-integrate na ito bilang LiveAgent feature o puwedeng ma-activate gawa ng simpleng plugin. Kadalasan, ang mga LiveAgent integration ay built-in na o makikita sa Configurations – System. Nakalista naman ang ibang integrations sa LiveAgent integrations kasama ang mga installation guide. kasama ang mga installation guide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga partikular na integration, basahin ang overview ng LiveAgent Integrations.
Magkano ang integration sa LiveAgent?
May offer ang LiveAgent na 3 subscription. Lahat sila ay maraming features at puwedeng bumili ng dagdag pang features. Pero ang API at integrations ay kasama sa bawat subscription nang walang extra fee.
- Small subscription sa halagang $9 bawat agent
- Medium subscription sa halagang $29 bawat agent
- Large sa halagang $49 bawat agent.
Ang LiveAgent ay may 30-araw na libreng trial para sa bawat subscription. Pero kung di pa kayo sigurado pagkatapos noon, meron din kaming libreng account na may mga limitasyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa dagdag na features na kasama sa bawat subscription, basahin ang Pricing
LiveAgent Integrations overview
Notifications sa Slack
Kilalang platform ang Slack bilang ginagamit ng mga kompanya sa kanilang internal na mga usapan. May offer ang LiveAgent na integration ng notifications sa Slack para masiguradong laging nakatutok ang mga agent sa mga customer inquiry. Sa LiveAgent, makapagtatrabaho ang mga agent sa iisang interface. Pero kung sila ay magmu-multitask, baka makalimutan nila ang ilang mga ticket.
Kapag may ganito kayong integration, maiiwasan ang pagbagal ng trabaho ng mga agent. Makakakuha na lang sila ng notifications na puwede nilang sagutin mamaya sa Slack. Kung may Slack app kayo sa smartphone, puwede rin kayong sumagot ng mga LiveAgent customer inquiry mula sa phone. Pero kung gusto ninyong sagutan ang ticket gamit ang smartphone, puwede ninyong gawin ito mula sa LiveAgent app na lang.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Slack notifications.
API
Ang API (Application Programming Interface) integration ay tumutulong sa 2 apps na “makipag-usap” sa isa’t isa each other. Sa ganitong paraan, naikokonekta na ninyo ang tools, programs, at marami pa!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang posibleng API actions, basahin ang LiveAgent – API.
Zapier
Ang Zapier ay isang online automation tool na tutulong sa inyong ikonekta ang maraming apps. Halimbawa, kailangan ito para sa paggalaw ng data sa mas simple at tipid sa oras na paraan. Gumagana ang LiveAgent at Zapier, kaya kung may Zapier account na kayo, mas madali na ninyong mai-integrate ang LiveAgent mula doon. May gusto kayong ilipat na contacts sa inyong Trello board? Walang problema! Mag-integrate lang at simulan nang gamitin! Basahin ang integration nang makita ang lahat ng posibilidad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Zapier.
Email marketing
Kritikal na bahagi ng anumang business ang email marketing. Matutulungan nito kayo sa maraming paraan, tulad ng pag-generate ng maraming leads, paglikha ng isang community, koneksiyon sa inyong mga customer, at marami pa. Sa tulong ng mga email marketing integration sa LiveAgent, puwede kayong maging in-touch sa mga customer, mag-offer ng magagandang deals, o makakuha ng feedback para mapabuti ang serbisyo. Lahat ng marketing integrations na ito ay puwedeng ma-activate sa tulong ng Plugins sa LiveAgent. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na email marketing integrations.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Email marketing.
Project management
Ang customer service software tulad ng LiveAgent ay nakatutulong sa maraming paraan. Puwede kayong sumagot ng mga ticket mula sa maraming uri ng platform gamit ang isang software. Gusto ng team ng LiveAgent na makagawa ng pinakamahusay na customer experience kaya may offer itong integrations para sa billing management. Minsan ay mahirap tulungan ang mga customer, kaya gusto nating tumulong sa mas napapanahong paraan.
Kaya ang pagkakaroon ng billing management integrations ay matutulungan kayo, halimbawa sa pag-refund ng customer, paggawa ng panibagong charges, pagtingin sa customer payment, at marami pa, lahat mula sa iisang interface. Lahat ng billing management integrations ay available bilang Plugins sa LiveAgent. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na billing management integrations.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Billing management.
eCommerce
Nagbebenta, bumibili, o may alay na serbisyo ba ang kompanya ninyo? Tutulungan kayo ng LiveAgent na mag-integrate ng ilang tools para sa inyong eCommerce shop. Maraming customer ang dumadagsa sa eCommerce araw-araw, kaya kailangan nito ng mas epektibong customer support. Sa eCommerce integrations ng LiveAgent, lalago lalo ang kita ng inyong business. Halimbawa, puwedeng maimpluwensiyahan ang mga desisyon ng customer sa pag-integrate ng Live Chat button kapag kasalukuyang namimili ang mga customer. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na eCommerce integrations na may installation guides.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – eCommerce.
CRM
Ang CRM ay isang strategy na dapat pakinabangan ng lahat ng business. Dahil dito, merong customer retention, customer satisfaction, at pangkalahatang pagpapabuti ng relasyon ninyo sa mga customer. Naibibigay ng LiveAgent ang magaling na Customer Relationship Management. Mas madaling ayusin at itago ang data ng mga customer sa LiveAgent. Kung nais ninyong dagdagan ang kapasidad ng LiveAgent, may offer din kaming magandang deal sa ibang konektadong CRM integrations. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na CRM integrations na may installation guides.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – CRM.
CMS
Ang CMS (Content Management system) ay isang integration na sumusuporta ng paglikha ng inyong content. Ang LiveAgent ay may user-friendly na editor na tinatawag na WYSIWYG (What You See Is What You Get). Oo, ganito siya kasimple! Kahit sino sa kompanya ninyo ay puwedeng gamitin ang editor na ito para gumawa ng content. Nagbibigay din ang LiveAgent ng malawak na variety ng email templates para lagi kayong in-touch sa mga customer. Puwede rin ninyong palawakin pa ang sakop ng inyong LiveAgent CMS sa pagdagdag ng Live chat buttons sa anumang suportadong CMS system. Narito ang listaha ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na CMS integrations na may installation guides.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent CMS.
Project management
Ang bawat kompanya ay may mga goal. Pero kung walang tamang project management, magiging magulo lang ang lahat. Kaya ang pagkakaroon ng maayos na project management ay makalilikha ng mas malinaw na structure para sa mga empleyado. Matutulungan sila nitong matagumpay na maabot ang mga naka-set na business goal. May ganitong integration ang LiveAgent para matulungan kayong maabot ang inyong goals. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na project management integrations na may installation guides.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Project management.
Mga collaboration tool
Kritikal na kailangan ng anumang business ang collaboration tools. Magagamit ito ng inyong team sa mas epektibong pakikipag-usap na walang istorbo sa buong araw ng trabaho. Ang mga tool na ito ay makatutulong sa paglikha ng epektibong kapaligiran kung saan in-touch ang mga empleyado ninyo pero hindi naaabala ang kanilang pagtatrabaho. Kaya ang pagkonekta sa LiveAgent ng ganitong tools ay tutulong sa pagiging epektibo at mahusay na pagtatrabaho ng mga empleyado habang natututukan din nila ang anumang nai-share na updates/news/tasks. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na collaboration tools integrations na may installation guides.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa feature na ito, basahin ang LiveAgent – Collaboration tools.
Mga migration plugin
Kung di kayo sigurado sa paglipat sa LiveAgent mula sa ibang help desk software dahil sa dami ng data ninyo, huwag mag-alala. May migration plugins ang LiveAgent para lang sa paglilipat ng data. Tutulungan kayo nito na mailipat ang lahat ng mahalagang data mula sa dati ninyong customer service software papuntang LiveAgent. Lahat ng migration plugins ay available sa Plugins sa LiveAgent. Narito ang listahan ng integrations kung saan makakakita kayo ng mga available na Migration plugins integrations.
Para sa karagdagang impormasyon kung anong data ang puwede ninyong ilipat, basahin ang LiveAgent – Migration plugins.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!
Ang Monday integration sa LiveAgent ay nagbibigay-daan sa iyong kumpanya na pamahalaan, mag-organisa, at subaybayan ang trabaho ng iyong pangkat nang mas epektibo. Isama ang Monday sa LiveAgent para sa seamless workflow at real-time updates, na hindi na kailangan ng paglipat sa pagitan ng mga interface. Tuklasin ang mga benepisyo ng pagsubaybay sa mga balita, paglikha ng mga item, at higit pa, lahat mula sa isang solusyon. Subukan ito nang libre ngayon!