Ang LiveAgent ay isang customer service software na natutulungan ang staff ninyong maingat na maasikaso ang lahat ng customer inquires sa iisang interface. Ang lahat ng ticket ay nasa isang universal inbox. Ang mga ticket ay puwedeng galing sa: Email, Live Chat, Social Media, Calls, at marami pa!
Libo-libo ang customer ng LiveAgent at lumalago pa ito bawat araw. Kaya sinisigurado ng The Quality unit, ang kompanyang nasa likod ng LiveAgent, na protektado ang kanilang mga customer. Narito ang ilang help desk security features na nagbibigay-proteksiyon sa aming mga customer.
Help desk Security features:
- BAN IPs
- 2-step verification
- HTTPS Encryption
- Iba’t Ibang mga Data Center
- GDPR
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang LiveAgent Security Privacy Policy.
Help desk security overview
BAN IPs:
Ang IP (Internet protocol) address ay isang unique number na konektado sa isang partikular na computer o network. May offer ang LiveAgent na feature kung saan puwedeng i-ban o harangan ng inyong kompanya o customer staff ang ilang IP address. At bakit naman gusto ninyong mag-ban ng mga IP? Ito ay dahil puwedeng may maka-engkuwentro ang customer staff ninyo na mga customer o tao na halatang sinasayang lang ang oras nila dahil sa paulit-ulit na mga inquiry o kaya’y may di konektado o di maayos na mga inquiry. Tulungang maging mahusay ang pagtatrabaho ng inyong mga customer representative sa pag-ban ng ilang mga IP sa LiveAgent.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang LiveAgent – Ban IPs.
2-step verification
Layunin ng LiveAgent na mabigyan ang aming mga customer ng pinakamahusay na seguridad sa pagpasok nila sa kanilang LiveAgent account. Ang 2-step verification ay optional na paraan para maharangan ang ilegal na pagpasok sa account. Paano ito gumagana? Tuwing magla-log in kayo o ang mga agent, may lalabas na 2-step verification process. May ilalagay kayong code na mula sa inyong smartphone. Sinisigurado nito ang seguridad sa kada login. Gagamit kayo ng Google Authenticator app kung saan makukuha ang 6-digit code. Paganahin ang 2-step verification nang masiguradong protektado ang inyong LiveAgent account!
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang LiveAgent – 2-step verification.
HTTPS Encryption
Ang HTTPS ay Hypertext Transfer Protocol Secure na siyang extension ng HTTP. May offer ang LiveAgent na HTTPS Encryption na tumutulong sa pagprotekta ng anumang komunikasyon o data na naililipat mula sa browser at LiveAgent. Kahit na may nakapasok sa inyong account, hindi nila mai-encrypt ang impormasyong iyon dahil sa mataas na level ng help desk security.
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang LiveAgent – HTTPS Encryption.
Multiple Data Centers
Ang Data Center ay isang building na may mga malalakas na computer at mga sistemang kailangan para patakbuhin ang mga ito para epektibo at walang istorbong maaasikaso nito ang malalaking bilang ng data (=computer information). – Cambridge dictionary
Dahil mahalaga sa amin ang customer feedback, sinusubukan naming isaalang-alang ang kagustuhan ng mga customer. Kaya marami kaming data centers para makapag-install ng mga LiveAgent account sa mga server point na pinakamainam o malapit sa lokasyon ng customer.
Kung gusto ninyong malaman ang lahat ng LiveAgent data center, basahin ang LiveAgent – Multiple Data Centers.
GDPR
Ang GDPR (General Data Protection Regulation) ay isang EU law regulation para sa data privacy at protection. Kasama rin dito ang mga restriction tungkol sa personal data na nata-transfer sa labas ng EU/EEA. GDRP compliant ang LiveAgent mula pa noong May 2018.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent GDPR pre-measurements, security, at FAQs, basahin ang LiveAgent – GDPR.
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!
Mga Pakikipag-ugnayan sa Help Desk ng Facebook
Tuklasin ang mga detalye ng pakikipag-ugnayan sa serbisyong kustomer ng Facebook sa pamamagitan ng email at knowledge base. Alamin kung paano makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng Facebook at pagbutihin ang iyong karanasan sa customer support gamit ang komprehensibong impormasyon sa aming webpage. Bisitahin kami para sa libreng pagsubok sa LiveAgent at simulan ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo sa mga kustomer ngayon!