Ang Instagram ay isa sa pinakapopular na social media platform na may 1 bilyong aktibong user kada buwan. Ginagamit ang platform sa pag-share ng mga photo, maiikling video, at stories na may 24-oras na expiration date. Puwede ring gamitin ng mga Instagram user ang direct messaging na feature.
Bakit mahalaga ang Instagram customer support?
Noong una, ginagamit lang ang Instagram sa pag-share ng photos sa mga kaibigan at pamilya. Pero nang sumikat ang platform, nagsimula nang sundan ng mga user ang account ng mga celebrity at kilalang tao. Maraming Instagram user ang agarang sumikat sa paggamit ng tamang hashtag at sa pag-market ng sarili nila. Di nagtagal, pati mga business ay mabilis nang inaral ang platform na sa tingin nila ay puwedeng maging susi sa kanilang kasikatan.
Sa panahon ngayon, halos lahat ng modernong business ay aktibo na sa Instagram dahil ginagamit nila ang platform sa pag-promote ng mga produkto at serbisyo nila gamit ang pinagandang mga photo, video, at pati customer testimonial. Nang lumago na ang bilang ng mga Instagram business page, nakita ito ng Instagram bilang oportunidad kaya gumawa sila ng isang “Marketplace” feature kung saan puwedeng diretsong bumili ng mga produkto mula sa Instagram app mismo.
Pero dahil tinatrato ang Instagram bilang “always-on” o channel na laging “nakabukas” at ang marketing nito ay laging sobrang mataas, maraming customer ang gumagamit na nito bilang platform ng customer support kung saan nagtatanong sila tungkol sa mga promo ng produkto, serbisyo, at tungkol sa business o brand mismo.
Minsan, nagpo-post pa ng warning ang ibang customer kapag may negatibo silang karanasan sa isang business. Dahil dito, puwedeng gumanda o masira ang isang business dahil sa comment, reklamo, o papuri ng mga customer. Pero tunay na challenge pa ring sagutan ang bawat tanong, message, o mention nang walang tools. Karamihan sa mga business sa Instagram ay nakakakuha ng daan-daang notification kaya madaling makaligtaan ang ilan dito. Paano nga ba maging master sa paggamit ng Instagram support?
Instagram support sa LiveAgent
Sobrang dali lang ang Instagram customer support kung tama ang tools ninyo — ibig sabihin, ang LiveAgent. Sa aming Instagram integration, makokonekta ang inyong Instagram Business Page sa aming help desk software. Ang resulta? Bawat Instagram comment o mention ng page ninyo ay automatic na magiging isang ticket na papasok sa inyong help desk software.
Ano ang magagawa sa integration na ito?
- Makikita at masasagot ang mga comment diretso mula mismo sa help desk
- Makikita at masasagot ang mga mention diretso mula mismo sa help desk
- Piliin kung saang department iruruta ang mga Instagram ticket
- Ikonekta ang maraming Instagram account
- Ilagay sa archive ang Instagram tickets
- Ilagay ang lahat ng Instagram tickets sa iisang dashboard
Ano ang hitsura nito at paano ito gumagana?
Iniisip ba ninyo kung mahahalata ng mga customer na external tool ang ginagamit ninyo sa pagsagot ng mga tanong nila? Ang sagot ay hindi. Panoorin kung paano ito gumagana sa detalyadong video tutorial na ito.
Paano ang integration ng Instagram sa LiveAgent
Sundan ang mga hakbang na ito para masimulan nang sumagot ng mga Instagram comment at mention sa LiveAgent ngayon!
Tandaan, dapat merong Facebook page kayong naka-integrate muna sa Instagram. Kung hindi nakakonekta ang Instagram account ninyo sa Facebook Page ninyo, nirerekomenda naming sundan muna ninyo ang tutorial na ito. (Puwede ninyong ikonekta ang anumang Instagram account na konektado sa anumang Facebook page na kayo ang namamahala bilang admin.)
- Mag-log in sa LiveAgent
- I-click ang Configuration (cogwheel icon sa kaliwang menu bar)
- I-click ang Facebook at Instagram
- I-click ang Accounts
- I-click ang Connect
- May bagong pop-up window na lalabas na ipapa-log in kayo sa inyong Facebook account. Ilagay ang impormasyon ninyo sa pag-log in. O kung naka-log in na kayo, i-click lang ang Continue As
- Tanggapin lang ang message na ito sa pag-click ng OK kapag lumabas ito: ”Humihingi ng permiso ang LiveAgent sa pag-manage ng Pages, mag-publish bilang Page ninyo, at ng access sa inyong Facebook Page messages.”
- Bumalik sa LiveAgent at piliin ang Facebook page na konektado sa inyong Instagram. Piliin ang mga permission na gusto ninyo. Puwedeng pumili sa sumusunod na mga option:
- Kunin ang mga comment
- Kunin ang mga mention
Tandaan, hindi suportado ng integration na ito ang direct messaging dahil sa Facebook policy. Kaya hindi ninyo puwedeng ma-streamline ang mga Instagram direct message papasok sa LiveAgent.
- Piliin ang department kung saan ninyo gustong iruta ang mga paparating na Instagram ticket
- I-click ang Save
Paano kayo makakabenepisyo sa integration na ito?
Mas mataas na customer satisfaction at mas matatag na brand loyalty
Ang pinakamahalagang bagay sa customer service ay ang mapanatiling masaya at kuntento ang mga customer. Kaya kung nakatago ang lahat ng Instagram ticket sa help desk ninyo, puwede silang madaling ma-access anumang oras.
Di na kailangan pang tingnan ang bawat indibidwal na post kung may bagong comment. Lahat ng communication history ay protektadong nakatago sa archive, at madali silang ma-access mula sa dashboard.
Sa paggamit ng LiveAgent, mapapabilib ninyo ang mga kliyente dahil sa inyong detalyadong kaalaman ng mga nakaraang query nila at impormasyon ng mga binili, na magpapakitang inaalagaan ninyo sila nang husto. Mapapaigting nito ang brand loyalty, customer lifetime value, at pati na ang customer satisfaction.
Mas mabilis na paglutas ng problema
Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang pagkakaroon ng isang magandang produkto o presyo. Mas gusto na ng customer ang mas personal at walang hassle na karanasan sa shopping, lalo na ang mabilis na tugon sa kanilang tanong. Kapag nagtanong ang customer ninyo sa Instagram pero wala silang nakuhang sagot sa loob ng isang oras (inaasahan ng karamihan ng customers ang pagsagot sa loob ng isang oras matapos silang mag-post), malaki ang posibilidad na iwanan nila kayo at pupunta sila sa kompetisyon ninyo.
Ibigay sa customers ang gusto nila at ang inaasahan sa LiveAgent — ang mas personal, mabilis, walang hassle na support. Magbibigay ng notification ang LiveAgent help desk software tuwing makakakuha kayo ng panibagong ticket mula sa Instagram, na sadyang pinapadali ang epektibong pagsagot sa lahat ng tanong ng customer.
Mas mahusay na workflow
Mas epektibo ang agent sa pagsagot sa mga tanong ng customer gamit ang LiveAgent. Bakit?
- Di na kinakailangan ng mga agent na tumutok sa pagmo-monitor ng maraming account at device
- Di na maaabala ang mga agent ng Instagram feeds
- Hindi maiistorbo ang mga agent sa paparaming bilang ng notification
- Mahahawakan ng mga agent ang iba’t ibang business account nang sabay-sabay
Mas malakas na brand presence
Kapag nagba-browse ang customer ng Instagram ninyo, ibig sabihin ay handa na silang bumili dito. Minsan, may kaunting tanong lang silang kailangang sagutin o titingnan nila kung paano kayo magtrato ng customer sa online. Ayon sa research, 85% ng customer ay nagri-research ng mga produkto/serbisyo sa online bago sila bumili.
Panahon na para ipakitang-gilas ang kakayahan ninyong sagutan agad ang lahat ng tanong ng customer!
Mas mahusay na seguridad, mas kaunting data breach
Sa LiveAgent, mas protektado ang pagsagot ng Instagram messages. Bakit? Itinatago ang mga Instagram ticket sa isang shared universal inbox na puwende ma-access ng bawat support agent. Ibig sabihin, hindi na ninyo kailangang mag-alala sa sumusunod:
- Pag-share ng Instagram login credentials sa maraming empleyado
- Ang pag-log in sa mga public device
- Mawala ang mga device na naka-log in sa inyong Instagram account
Malaking lamang sa kalaban
Kahit na nagiging mas popular na ang pagkakaroon ng Instagram support, marami pa ring mga business na wala nito. Makinabang dito at umangat sa kompetisyon ninyo sa simpleng pagkonekta ng Instagram account ninyo sa LiveAgent.
Streamline your Viber support today
Answer Viber messages and broadcast messages directly from your help desk starting today. Start your free 30-day trial now. No credit card required.
Handa na kayong subukan ang Instagram integration?
Kami na ang bahala sa gagawin at sa logistics para makapokus kayo sa pagbibigay ng mainam at maaasahang support sa lahat ng customers ninyo. Simulan ang inyong libreng 30-araw na trial ngayon. Di kailangan ng credit card.
Ready to take your customer support to the world of Instagram?
Seamlessly integrate Instagram Direct messages into your support system and connect with your audience in a whole new way! Elevate your Instagram customer support experience with LiveAgent's Instagram Integration feature today!
Panatilihin itong malinaw sa software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer
Alamin kung paano makakapagbigay ng isinapersonal at walang patid na suporta gamit ang LiveAgent, ang pinakamahusay na software sa pakikipag-ugnayan sa kustomer para sa 2024. Walang bayad sa pag-setup, serbisyong kustomer 24/7, at libreng trial na walang kailangan na credit card. Maging isa sa mga kumpanyang gumagamit ng multi-channel na suporta at makuha ang mga benepisyo ng isang virtual na call center, live chat, at social media integration. Simulan ang iyong libreng pagsubok ngayon at pahusayin ang karanasan ng iyong kustomer!
Magbigay ng mahusay na customer service.
Discover LiveAgent, the all-in-one help desk software that enhances customer service with 24/7 support and no setup fees. Easily manage tickets across multiple channels, boost revenue with fast live chat, and improve issue resolution through advanced call center features. Start a free trial without the need for a credit card and experience seamless customer communication today!
Alamin ang mga epektibong tips para sa social media customer service at integrasyon sa LiveAgent. Tuklasin kung paano pumili ng tamang platform, mag-set ng mga KPI, at gamitin ang mga bot para mapahusay ang customer experience. Bisitahin ang aming pahina para sa praktikal na gabay at palaguin ang iyong negosyo sa social media.
Software ng serbisyong kustomer
Tuklasin ang 20 pinakamahusay na software ng serbisyong kustomer ng 2022 sa LiveAgent! Alamin ang benepisyo at pangunahing tampok ng mga kasangkapang ito tulad ng LiveAgent, Freshdesk, at Zoom upang mapalakas ang ugnayan sa kustomer, mapabilis ang paglutas ng isyu, at mapahusay ang kasiyahan ng kustomer.