Ano ang internal chat?
Ang internal chat ng LiveAgent ay nagagamit para makausap mo ang katrabaho mo nang hindi na gumagamit pa ng anumang third-party application. Binibigyan ka ng team chat ng abilidad na makapagpadala ng instant text message pati attachments (lahat ng common file types ay suportado). Bukod dito, ang tanging makakakita ng pag-uusap ay ikaw lang at ang tatanggap ng message mo.
Paano magsimula ng isang internal chat?
Una, hanapin mo ang agent na gusto mong kausapin sa “Online agents” section ng dashboard. I-click ang green (online) o gray (offline) dot at piliin ang “Send instant message.” Tandaan na puwede kang magpadala ng messages kahit offline ang katrabaho mo (puwede nilang basahin ito kapag online na sila).
Puwede mo ring simulan ang internal communication mula mismo sa isang ticket o sa isang kasalukuyang tumatakbong chat. Pareho rin ang proseso. I-click lang ang green dot at piliin ang “Send an instant message.” Kapag sa ganitong paraan mo sinimulan ang pag-uusap, tatatak sa chat ang ticket number ng lugar kung saan mo ito sinimulan.
Ano pa ang ibang features na suportado ng internal chat?
Kung nais mong humingi ng tulong, may option kang kopyahin at i-paste ang unique ticket number ng isang ticket sa internal team chat, na gagawa ng instant na clickable link. Puwedeng i-click ang link na ito ng makakatanggap ng message mo at awtomatikong mapupunta siya sa ticket.
Ilang chat windows ang suportado ng internal chat?
Kayang suportahan ng internal chat window ang maraming pag-uusap nang sabay-sabay. Puwedeng baguhin ang sukat ng window depende sa gusto mo at puwedeng ilagay saanman sa UI ng LiveAgent.
Bakit mo dapat gamitin ang internal chat?
Ang mga panloob na chat ay bahagi ng maraming mga tool sa pagticket na nagbibigay-daan sa mga kinatawan ng suporta sa customer at iba pang miyembro ng team na makipag-ugnayan at makipagtulungan mula mismo sa tool. Sa panloob na chat, ang mga empleyado ay maaaring makipagpalitan ng impormasyon, humingi ng tulong, at magbahagi ng mga update sa mga isyu ng customer, lahat sa loob ng isang tool.
Sa pamamagitan ng pagsasamantala sa lahat ng mga kakayahan ng mga internal na tool sa pagti-tiket, maaaring i-streamline ng mga support team ang kanilang mga daloy ng trabaho sa komunikasyon. Sa halip na umasa sa iba pang mga chat application o email exchange, ang panloob na chat ay nagbibigay ng isang sentralisadong platform para sa real-time na pakikipagtulungan.
Mga Benepisyo:
- Tipid sa oras – di na palipat-lipat ng platforms
- Nagtataguyod ng positibong kultura ng organisasyon
- Pinapahusay ang teamwork
- Mas mainam na customer service experience
Ready to give it a try?
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated help desk solution. Our free 30-day trial offers full ticketing, live chat, call center functionality, and more! Try it today. No credit card required.<br>
Ibang Live Chat features:
Real-time Typing view
Ang real-time typing view ay isang preview ng live chat message ng isang visitor. Ginawa ito para tulungan ang mga agent na maayos ang isyu nang mas mabilis para mapabuti ang customer experience.
Chat embedded tracking
Nagbibigay ang LiveAgent ng libreng plugin na binibigyan ka ng abilidad na ikonekta ang mahalagang data mula sa iyong live chat sa Google Analytics. Madali mong masusuri ang pangkalahatang epekto ng live chat customer service sa inyong conversions.
Pangkalahatang ideya sa mga chat
Makakuha ng overview at mabilisang suriin ang kasalukuyang sitwasyon sa live chat sa tulong ng chats overview feature. Halimbawa, makikita mo agad ang bansa ng visitor, ilang visitors ang nasa queue, chatting visitors, bakanteng agents, at marami pa.
Gusto mo pa ng dagdag na impormasyon?
Alamin ang lahat ng Live Chat features – LiveAgent.
Knowledge base resources:
Di mo pa rin na-customize ang chat button?
Narito ang step-by-step guide kung paano gumawa ng chat button sa LiveAgent.
Enhance your customer support with LiveAgent's video call feature. Experience a more personal and efficient communication method by integrating video chat directly on your computer. Improve customer satisfaction, streamline inquiries, and boost business KPIs with this browser-based tool. Try it for free and explore how easy it is to set up and customize your live video chat experience. Visit our page for more details and start your free trial today!