Ano ang mga tala sa help desk?
Ang mga tala sa help desk ay internal at pribadong mga tala na nakikita lamang ng mga ahente sa help desk. Ito ay kadalasan na idinadagdag sa mga thread sa ticket upang magpakita ng dagdag na impormasyon tungkol sa isang ticket o kustomer. Sa ibang paraan, maaari itong gamitin ng mga ahente sa customer support bilang paalala o listahan ng dapat gawin.
Mayroon bang iba’t ibang uri ng mga tala sa help desk sa LiveAgent?
Ang software sa help desk ng LiveAgent ay nag-aalok ng apat na iba’t ibang uri ng pribadong tala. Ang mga user ay maaaring idagdag ito sa mga ticket, kontak, o kompanya.
Kaso ng paggamit ng mga inline na tala sa ticket
Ang mga inline na tala sa ticket ay mahusay sa pagsulat ng mga tala habang ikaw ay nakikipag-usap sa mga kustomer. Halimbawa, maaari mong isulat ang mga tala habang ikaw ay tumutulong sa kustomer sa live chat o sa tawag sa telepono. Dagdag pa rito, sinusuportahan nito ang mga attachment at maaaring magsilbi bilang paalala kung ano ang mga susunod na hakbang, tulad ng pagpapadala ng follow up.
Ang mga inline na tala sa ticket ay mahusay rin kung kailangan mong ilipat ang isang ticket sa ibang ahente at mabilis na makahabol sa usapan. Halimbawa, isa sa iyong mga kustomer ay nagpapaliwanag ng isang isyu sa kanilang hinaharap sa anim na mahabang email.
Ang mga inline na tala sa ticket ay nagbubuod ng kanilang problema, upang ang ibang ahente sa support ay hindi kailangang magbasa ng mahabang thread sa email. Sa paglipat sa ticket sa ibang ahente, tulad ng mga developer, malalaman nila kung ano ang isyu at anong ang kailangang gawin sa pamamagitan ng iyong inline na tala.
Kaso ng paggamit ng tala sa Ticket
Ang mga tala sa ticket ay maaaring gamitin sa pagsulat ng mga ispesipikong mga detalye na kailangan na maakses habang nilulutas ang isang ticket, tulad ng mga kredensyal tulad ng account ng kustomer o ang kanilang order ID. Ang pagsulat ng mga mahalagang mga impormasyon tulad nito sa mga tala sa ticket ay napakahusay dahil nagpapahintulot ito sa na maakses nang mabilis nang hindi kailangang tingnan ang buong thread ng ticket.
Kaso ng paggamit ng tala sa Kontak (kustomer)
Ang mga tala sa pribadong kontak ay para sa paglalahad ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga kustomer. Ikaw ay iyong mga kasamahan ay maaaring gamitin ang impormasyon na ito upang mas mahusay na makipag-usap sa iyong mga kustomer. Halimbawa, ang talaga ng kustomer ay maaaring ipakita na ang kustomer ay hindi nais tawagin na ma’am at hindi gusto na tinatawagan bago ang 11am
Kaso ng paggamit ng tala sa Kompanya
Katulad ng mga tala sa Kontak, ang mga tala sa kompanya ay nagpapakita ng mga mahahalagang impormasyon sa mga kompanya at organisasyon. Halimbawa, maaari itong gamitin upang sabihin ang mga gumagawa ng desisyon sa kompanya, c level na mga ehekutibo, o ang timezon ng HQ upang maging mas mahusay na komunikasyon.
Need a reminder? Use a note!
Create private notes and use them as reminders for yourself or your colleagues. Try it today for free. No credit card required.
Paano ako makakagawa ng mga pribadong tala sa help desk?
Pagdaragdag ng mga inline na tala sa mga ticket
- Mag-log in sa LiveAgent
- Pindutin ang Mga Ticket.
- Pumili ng anumang ticket
- Pindutin ang Magdagdag ng Tala.
5. Isulat ang iyong pribadong tala.
6. Pindutin ang Magdagdag ng Tala.
Pagdaragdag ng tala sa ticket
- Mag-log in sa LiveAgent
- Pindutin ang Mga Ticket.
- Pumili ng anumang ticket
- Hanapin ang panel sa impormasyon ng ticket
5. Pindutin ang Tala.
6. Isulat ang iyong pribadong tala.
7. Pindutin kahit saan sa labas ng field, at isang berde na tsek ang lalabas, nagpapakita na ang sistema sa ticketing ay nai-save ang iyong tala.
Pagdaragdag ng tala sa kustomer
- Mag-login sa LiveAgent.
- Pindutin ang Mga Kustomer.
- Pindutin ang Mga Kontak.
4. Piliin ang iyong kontak na pinili. 5. Pindutin ang Tala, sa ilalim ng personal na detalye.
6. Isulat ang tala. 7. Pindutin ang Save.
Sa ibang paraan, maaari kang magdagdag ng tala sa kustomer sa loob ng pagtingin sa ticket.
- Mag-login sa LiveAgent.
- Pindutin ang Mga Ticket.
- Pumili ng ticket.
- Hanapin ang panel sa impormasyon ng kustomer
- Pindutin ang Tala.
6. Isulat ang iyong pribadong tala 7. Pindutin kahit saan sa labas ng field, at isang berde na tsek ang lilitaw, nagpapakita na ang sistema sa ticketing ay nai-save ang iyong tala.
Pagdaragdag ng tala sa kompanya
- Mag-login sa LiveAgent.
- Pindutin ang Mga Kustomer.
- Pindutin ang Mga Kompanya.
- Silipin ang kompanya na iyong napili
- Pindutin ang Tala, sa ilalim ng impormasyon ng kompanya.
- Isulat ang iyong tala at pindutin ang Save.
Bakit mahalaga ang mga tala sa help desk?
Ang mga tala sa help desk ay nakakatulong sa lahat ng mga ahente na nais na magbigay ng personalisadon, may kaalaman, at mabilis na support. Ang mga ito ay mahusay na pinagmumulan ng impormasyon at maaaring mapabilis ang paglipat ng ticket sa pagitan ng mga ahente sa ibang mga departamento. Hindi lang ito mahusay na paraan sa pagtala ng detalyadong impormasyon, ngunit maaari rin itong magsilbing paalala at pagpapakita ng mga dapat gawin.
Ano ang hitsura ng tala sa help desk at sa aktwal na paggamit nito?
Ang mga pribadong tala ay makikita lamang ng mga ahente sa help desk. Ang mga Kustomer, tumatanggap ng email, or user ng live chat ay hindi maaaring makita ito anumang oras.
Ang mga tala ay mapag-iiba mula sa mga thread sa ticket dahil sa natatangi nitong disenyo na kahawig ng isang tradisyonal na dilaw na sticky note.
Anong mangyayari sa mga pribadong tala sa ticket kapag naglipat ka ng ticket?
Kapag naglipat ka ng isang ticket na may taglay na mga pribadong tala, ang lahat ng mga tala ay mananatili at ililipat kasama ng ticket. Kung kaya ang ahente na responsable sa paglutas ng ticket ay maaaring makita ang lahat ng mga tala, magdagdag ng bagong tala, at baguhin ang mga kasalukuyang tala (maliban sa mga inline na tala).
Maaari ba akong magbura o magbago ng inline na tala?
Sa kasalukuyan ay walang paraan para alisin, i-edit, o baguhin ang mga inline na tala. Iniisip namin na ito ay mahalaga sa pagpapanatili ng integridad ng ticket. Ano ang ibig sabihin namin rito? Tingnan natin ang isang halimbawa.
Isipin mo na gumawa ka ng inline na tala na nagtataglay ng impormasyon tuingkol sa dapat gawin na kasunod na hakbang sa paglutas ng problema. Pagkatapos ay inilipat mo ang ticker sa ibang ahente o departamento. Sa kasamaang palad, hindi nila nabasa nang maayos ang inline na tala, maaari nilang i-edit ang inline na tala at magmukhang ikaw ay ang nagbigay ng maling impormasyon. Sa paggawa sa mga inline na tala na hindi nababago o hindi nabubura, ang lahat ng mga ahente ay mapipilitan na magkaroon ng integridad at magkaroon ng responsibilidad para sa kanilang mga aksyon.
Maaari ba akong magbura, o magbago ng ng tala ng ticket, kustomer, o kompanya?
Ang lahat ng iba pang mga tala ay maaaring burahin, baguhin, at i-edit upang ang lahat ng mga ahente sa support ay sama-sama na magkolekta ng bagong impormasyon tungkol sa iyong mga kliyente at kanilang mga isyu. Ito ay napakahalaga sa pagkamit ng mas mataas na kasiyahan ng kustomer at magbigay ng mas mahusay na karanasan sa serbisyo.
Sanggunian sa Knowledge base
- Mga Tala [Ipinaiwanag]
- Pribadong Tala (Ipinaliwanag)
- Mga Tala – Makikita lamang ng mga ahente
- Mga Internal na Ticket
- Pamamahala ng Ticket [Ipinaliwanag]
- Tampok na Support sa Ticketing sa LiveAgent (+ Libreng Trial)
- Mga insight sa Ticket/Kustomer (CRM)
- Ticket ID [Ipinaliwanag]
Handa ka na bang gumamit ng mga tala sa help desk?
Gumawa ng pribadong tala at gamitin ito sa pagtago ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa iyong mga kliyente. Sa ibang paraan, gamitin ang mga tala bilang paalala sa iyong sarili at sa iyong mga kasamahan. Subukan ang pribadong tala ngayon gamit ang aming all-inclusive at libreng 14-day na trial. Walang credit card na kailangan.
{ “@context”: “https://schema.org”, “@type”: “FAQPage”, “mainEntity”: [{ “@type”: “Tanong”, “name”: “Ano ang mga tala sa help desk?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Ang mga tala sa help desk ay internal at pribadong mga tala na nakikita lamang ng mga ahente sa help desk. Ito ay kadalasan na idinadagdag sa nga thread sa ticket upang magpakita ng dagdag na impormasyon tungkol sa isang ticket o kustomer. Sa ibang paraan, maaari itong gamitin ng mga ahente sa customer support bilang paalala o listahan ng dapat gawin.” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Mayroon bang iba’t ibang mga uri ng tala sa LiveAgent?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Ang software sa help desk ng LiveAgent ay nag-aalok ng apat na iba’t ibang uri ng pribadong tala. Ang mga users ay maaaring idagdag ito sa mga ticket, kontak, o kompanya.” } }, { “@type”: “Tanong”, “name”: “Can you add attachments to help desk notes?”, “acceptedAnswer”: { “@type”: “Sagot”, “text”: “Oo! Ang software sa help desk ng LiveAgent ay sumusuporta sa attachment ng inline na tala sa ticket.” } }] }Tuklasin ang mga tampok ng LiveAgent na nagpapahusay sa produktibidad ng mga ahente ng help desk at serbisyong kustomer. Alamin kung paano magdagdag, mag-manage, at mag-configure ng mga ahente para sa mas mahusay na suporta sa kustomer. Subukan ito nang libre at pataasin ang iyong pagiging produktibo ngayon!