Bakit ka dapat gumamit ng video call chat?
Mas nagiging personal ang interaksiyon sa mga customer gamit ang video live chat software. Mas makatutulong ito sa mga pagkakataong may kailangang ipakita sa inyo ang customer para mas matulungan sila ng inyong customer service/support. Simulan na ang chat video call at makinabang sa benepisyo ng chat at call.
Mga benepisyo sa business:
- mas humusay na KPI
- mas mainam na relasyon sa mga customer
- mas mataas na customer satisfaction
- mas mabilis na pagtugon sa mga customer inquiry
- mas mainam na pagbigay ng customer support (technical)
- pagpapaganda ng customer experience
- mas madaling product/service demo
Paano gumagana ang Video call?
Katulad lang ng regular na Skype call ang live video call. Kaya kung kailangan ninyo ng mas personal na uri ng komunikasyon sa inyong mga customer, pinadadali ng live video call chat ang trabaho.
Dagdag pa, ang LiveAgent video call ay browser-based. Hindi na kailangan pa ng 3rd party application – tulad ng inyong LiveAgent account. Ang mga agent ninyo ay puwedeng makipag-video chat sa inyong mga customer nang di gumagamit ng telepono. Puwede nang makatanggap ang inyong customer support/service ng mga video chats nang diretso sa kanilang mga computer.
Habang may call, puwede rin silang sabay na magkaroon ng chat sa mga customer, at di na kinakailangan pang mag-spell ng anuman sa tawag. Ang mga pag-uusap at online webchat ay ilalagay lahat sa iisang Ticket. Puwedeng gumawa ng automated call routing scheme gamit ang kahit ilang support Agent at Departments.
Summary ng core functions:
- Real-time na video call
- Sabay na video call at chat (na tinatawag ding chat video call)
- Browser-based – di na kailangan ng 3rd party app
- Customizable ang live video chat button
- Makipag-video call at chat gamit ang computer (di na kailangan ng telepono)
Paano ang set up ng live video chat sa LiveAgent?
Para makapag-video chat gamit ang computer, kailangan mong maglagay ng live video chat button sa website. Kapag mayroon na nito, matatawagan ka agad ng mga customer gamit ang kanilang computer. Puwede mong sulitin at ma-customize ang video call button gamit ang LiveAgent. Halimbawa, puwede mong:
- I-customize ang disenyo ng button
- Piliin ang wika ng button
- Lagyan ng pangalan ang button
- Iposisyon ang button; (sa Gilid, Kanto, Inline, o Custom na lugar)
- Piliin ang department na hahawak sa ganitong uri ng customer inquiry
Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa LiveAgent – Paano gumawa ng video chat button para sa step-by-step guide.
Alamin ang ibang magagandang features ng LiveAgent:
- features ng Ticket Management
- features ng call center
- features ng Live Chat
- features sa Reporting
- features sa Social media
- features ng Seguridad
Try out LiveAgent for FREE
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 30-day free trial right away!