Isang paraan para mapabilis ang chat ninyo ay ang paggamit sa feature na real-time typing view. Gamit ang feature na ito, makakakita ng preview ang mga agent kung ano kasalukuyang sinusulat ng mga customer.
Alam ba ninyo na:
1 sa 5 customers ang nagsabing hihinto sila sa paggamit ng isang produkto o serbisyo dahil sa mabagal at matagal na pagsagot sa online chat?
Sa kabuuan, makapagbibigay ang feature na ito sa agent ng sapat na oras para pag-aralan ang sitwasyon at makapagbigay ng sapat at mabilis na sagot.

Maraming kompanya tulad ng Paypal o Ikea ang gumagamit ng message sneak-peek feature para makapagbigay ng magaling na customer service. Hindi lang nito natutulungan ang typing agents na maghanap ng mas mabilis na sagot, pero nabibigyan din sila ng pagkakataong mag-multitask. Nadaragdagan ang kanilang pagiging epektibo.
Paano gumagana ang Real-time Typing view?
Bago pindutin ng customer ang “Send Message” button, nakikita mo na agad nang real-time kung ano ang tina-type ng customer.

Ang resulta, nabibigyan ka ng mas maraming oras para makapaghanda ng kasagutan o solusyon sa problema ng customer. Laging ikinatutuwa ng customers ang mabilis at tumpak na kasagutan
Halimbawa

Sa litrato sa itaas, makikita mo kung paano magtanong ang agent sa visitor: “Hello, ako si Andrej. Paano ko kayo matutulungan?”
Real-time mong makikita kung ano ang tina-type ng visitor: “Hi Andrej, kailangan ko ng tulong sa..”
Samantala, naihahanda na ng agent ang sagot niya.
Paano mo pagaganahin ang Real-time Typing view feature?
Para makita ang message sneak-peek sa Live chat nang real-time, kailangan mong:
1. Mag-log in sa inyong LiveAgent account
2. Pumunta sa Configurations
3. I-click ang Chat -> Chat settings
4. Hanapin ang Show customer typing text
5. Buksan ito
6. I-save

Optional ang feature na ito. Kung nais mong mag-deactivate nito sa hinaharap, gawin lang ang parehong poseso.
Mga benepisyo sa business:
- Malaking lamang sa kalaban
- Tipid sa oras
- Mas mahusay na CX (customer experience)
- Mas tataas ang sales
Ready to increase your customer service effectiveness with LiveAgent?
Have your answers prepared before the customer submits a question with the Real-time Typing view feature in Live Chat. Try out our 14-day free trial and discover more help desk features.
Knowledge base resources
Para sa karagdagang impormasyon, basahin ang set up a live chat – LiveAgent.
Bonus:
Gusto mo bang mas humusay ang typing time ng inyong customer service?
Nagbibigay ang LiveAgent ng free live chat typing test para matulungang mapabuti ang mga agent araw-araw.