Sa panahong ito, ang data at analytics ang nagtutulak sa mga decision-making process sa maraming bagay. Sa isang online setting, ang isa sa karaniwang methods na ginagawa sa pag-iipon ng mahalagang insight ay ang A/B testing.
Sa ibaba, mahahanap ninyo ang lahat ng kailangang malaman tungkol sa A/B testing, mula sa pagtukoy ng kung ano ito hanggang sa pag-intindi ng metrics.
Ano ang A/B testing?
Madalas, ang A/B testing ay tinatawag na split testing. Paraan ito para magkumpara ng dalawang version ng parehong produkto. Sa isang online setting, madalas itong ginagamit para ipagkumpara ang dalawang version ng isang partikular na marketing asset, email, o web page. Ibig sabihin nito, gagawa ng maliliit na mga pagbabago gaya ng susubukang gamitin ang isang kulay ng button hanggang sa pagbago ng buong disenyo ng website. Sa isang E-commerce business, lagi itong ginagamit para sukatin ang website performance.
Ang manual na pagpapatakbo ng A/B testing ay imposible. Ang lahat ng mga business ay gumagamit ng isang testing program na ginawa para talaga sa A/B testing para maging automatic ang proseso. Ang proseso ng testing ay kasingsimple ng paggawa ng dalawang version ng isang web page. Ibibigay ninyo ang isang version sa isang grupo ng inyong mga bisita sa website at ang isa pang version ay para sa isa pang grupo. Ang parehong grupo ay gagawa ng assessment ng kanilang product experience.
Kapag nakumpleto na ang A/B testing, makakukuha kayo ng insight sa resulta at madidiskubre ninyo kung aling version ang mas patok at gumagana.
Lahat ng insights ay sadyang mahalaga pagdating sa marketing strategy ninyo. Kahit ito man ay content marketing, customer experiences, o pagsubok ng iba’t ibang approach sa advertising strategies. Ang marketing teams ninyo ay sadyang magbebenepisyo sa malalimang pagkuha ng data diretso mismo mula sa inyong target audience.
Ano ang ginagawa bago magsimula ng A/B testing?
Gawin ang A/B testing bago kayo gumawa ng planong hindi praktikal. Merong ilang mahalagang task na gagawin bago simulan ang A/B testing:
- Tukuyin ang inyong goals – maraming elemento ng testing na puwede ninyong ma-target. Kasama rito ang mga product description, ilang mga button, o CTA. Para matukoy kung anong mga elemento ang kailangang i-test, kailangan ding matukoy ang mga goal ninyo. Halimbawa, ang goal ay puwedeng pag-boost ng conversion rate, kaya gusto ninyong mag-test nito;
- Sabihin ninyo ang hypothesis – ang hypothesis ay makatutulong sa pagsusuri ninyo ng mga resulta ng test. Ito ay panghuhula ng mga resultang inaasahan pagkatapos makumpleto ang test;
- Magdesisyon kung aling mga A/B test ang patatakbuhin ninyo – kung meron kayong mga goal at hypotheses, mas madadalian kayong tukuyin kung aling mga A/B test ang kailangan ninyong patakbuhin;
- Pumili ng A/B testing program – Hindi magkakapareho ang mga A/B testing program. Kung ang ilan sa mga ito ay tumatakbo, ang iba ay hindi. Mas madaling pumili kung alam ninyo ang kailangan ninyo. Pag-isipan din ninyo ang mga test na kakailanganin ninyo sa hinaharap.
Gaano katagal ninyo dapat patatakbuhin ang A/B test?
Ang dalas ng testing ay nakaaapekto sa haba ng panahon ng pagpapatakbo ng eksperimento, na nakaaapekto naman sa sample size at significance. Kapag mas malaki ang sample size, mas komprehensibo ang mga resulta. Ang pang-araw araw ninyong average number ng web page visitor ay magbabago. Dahil dito, ang pagpapatakbo ng test nang mas matagal ay mas mabuti. Gaano katagal bago kayo makakuha ng makabuluhang mga resulta? Merong factors na dapat isaalang-alang, halimbawa kung paano ninyo pinatakbo ang A/B test at ang sample size. Magandang ideya na maghintay bago kayo makakuha ng sapat na traffic para maging makabuluhan ang statistics ng mga resulta.
Tools ng A/B testing
Madaling makakuha ng A/B testing software. Pero ang laging ginagamit ay ang Google Analytics A/B testing at mga personalization tool ng Google Optimize at LiveAgent helpdesk software.
Ang Google Analytics ay libreng testing tool na ginawa para mag-streamline ng A/B web page testing. Puwede ninyong tukuyin kung anong headline ang nakakukuha ng mga bisita, anong disenyo at layout ang nagreresulta sa mas maraming oras na ginugugol sa site ninyo, anong CTA ang lumilikha ng mas maraming mga click-through, at iba pa.
Merong kasamang A/B testing tool para sa email ang LiveAgent software, para ma-test ang responsiveness ng mga email receiver at masukat ang open at click-through rates nito.
Karamihan ng tools ay magbibigay sa inyo ng kakayahang tingnan ang mga resulta sa real time, at baguhin ang mga marketing campaign ninyo nang mabilis.
Kailan ninyo hindi dapat gamitin ang A/B test?
Kung hindi kayo maka-access ng mahalagang mga resulta o humaharap kayo sa isang komplikadong evaluation, iwasan ninyo ang A/B test. Ano ang ibig nitong sabihin? Ang kailangan ninyo ay multivariate testing at split URL testing kasama ng mga server-side experiment kung kailangan ng pagpapatakbo ng isang complex evaluation. Hindi makapagbibigay ng maaasahang resulta rito ang A/B testing.
Para makakuha ng mga napapanahong resulta, kailangan ninyo ng sapat na traffic. Kapag walang traffic, hindi maaasahan ang mga resulta. Bukod dito, kailangan ninyo ng isang informed hypothesis at sapat na oras para matukoy ang kailangang i-test, ma-set up ang lahat, at maingat na masuri ang mga resulta.
Paano ginagawa ang A/B testing?
Sabihin na nating kailangang malaman kung ang bagong web page o ang kasalukuyang version ng page ay makatutulong sa pagkamit ng goals ninyo. Kayo ang responsable sa paggawa ng mga goal mula sa mas pinaghusay na kabuuang user experience hanggang sa bumuting conversion rates.
Sa A/B testing, ang A ay para sa control version variable, o ang kasalukuyang web page ninyo. Ang B ay para sa variation o bagong version ng web page. Kung handa na ang dalawang ito, kailangan magdesisyon kung anong percentage ng inyong target audience ang pagsisilbihan ng kasalukuyang pages at anong percentage ang sa variation page.
Kadalasan, hahatiin ng business sa dalawang pantay na bahagi ang user base. At dahil dito, makukuha ninyo ang pinaka-maaasahang test result, at puwede nang ipagkumpara ang dalawa.
Pagdating sa A/B testing, aling metrics ang dapat bigyan ng atensiyon ?
Kapag nakumpleto na ang A/B test at pag-set up ng traffic distribution, makatatanggap kayo ng report. Para makakuha kayo ng mga actionable insight, bigyan ninyo ng atensiyon ang tamang metrics. Ang goals ninyo dapat ang tutukoy ng metrics na gagamitin.
Ang pag-cross-reference ng metrics ay makapagbibigay sa inyo ng mas magandang pananaw at makatutulong sa pagpili ng best-performing page ninyo.
Frequently Asked Questions
Ano ang A/B testing?
Nagkukumpara ng dalawang version ng webpage ang A/B testing. Madalas itong ginagamit ng mga marketer at UX specialist para magkumpara ng marketing assets at email copies din.
Ano ang ginagawa bago magsimula ng A/B testing?
Bago magsimula ng A/B testing, kailangang matukoy muna ang mga goal, masabi ang hypothesis, at mamili kung aling A/B test ang gagawin, at pipiliin ang tamang testing tool para sa mga partikular na pangangailangan ninyo.
Gaano katagal ninyo dapat patatakbuhin ang A/B test?
Kailangan ninyong patakbuhin ang inyong A/B test hanggang meron nang mahalagang resulta. Ang mabuting gawin ay patakbuhin ito hanggang magkaroon ng sapat na traffic ang website ninyo para lumikha ng mga resultang merong kredibilidad.
Ano ang tools ng pag-test?
Ispesipikong dinisenyo ang A/B testing tools para mag-execute ng mga A/B test. Ginawa ang Google Optimize para mag-streamline ng A/B testing para sa mga web page, at tumutulong ang LiveAgent na patakbuhin ang mga test na ito sa mga email.
Kailan ninyo hindi dapat gamitin ang A/B test?
Hindi dapat ninyo gamitin ang mga A/B test kapag kailangan ninyo ng isang complex evaluation na mangangailangan ng ibang uri ng mga test. Bukod dito, hindi dapat ninyo ito patakbuhin kapag walang sapat na traffic at informed hypothesis.
Paano ginagawa ang A/B testing?
Nagsisimula ang mga A/B test sa paggawa ng bagong version ng kasalukuyang page. Pagkatapos ay paghihiwalayin ninyo sa dalawang bahagi ng mga user ang customer base ninyo, at patakbuhin ang orihinal na version sa kalahati at ang bagong version sa kabilang hati.
Pagdating sa A/B testing, aling metrics ang dapat bigyan ng atensiyon ?
Kailangan ninyong bantayan ang metrics ng A/B test result batay sa mga goal at hypothesis ninyo. Ang mga click ay metrics na tutukoy kung ginagawa ng mga bisita ang partikular na mga aksiyong gusto ninyong gawin nila, ang conversion naman ay tumutukoy kung gaano kagaling mag-convert ang page, habang ang traffic ay tumutukoy sa kung gaano karaming traffic ang nalilikha ng page.
Ano ang ibig sabihin ng A/B testing?
Ang A/B testing ay paraan para magkumpara ng dalawang magkaibang versions ng isang web page o app para makita kung alin ang mas gumagana.
Anong test ang ginagamit sa A/B testing?
Ang A/B testing ay isang uri ng experiment kung saan dalawang versions ng isang web page ang kinukumpara sa isa't isa. Version A ang original page, at Version B ang variation.
Ano ang A/B at MVT testing?
Ang A/B testing ay uri ng split testing kung saan nakukumpara ninyo ang resulta ng dalawang versions ng isang web page o email. MVT testing ang mas sophisticated na uri ng A/B testing kung saan kinukumpara ang resulta ng higit sa dalawang versions ng isang web page o email.
Matapos mong basahin ang tungkol sa ano ang A/B testing, maaaring interesado kang malaman ano ang conversion rate optimization. Ito ay mahalaga para mapalago ang iyong negosyo sa pamamagitan ng pagpapabuti ng mga rate ng conversion. Kung gusto mong malaman paano mag-optimize ng conversion rate, makakahanap ka ng mga praktikal na tips at teknik na makakatulong sa iyo na mas mapabuti ang performance ng iyong website.