Ano ang auto dialer?
Ang auto dialer (o automatic dialer) ay isang software na automatic na nagda-dial ng numbers galing sa calling lists kaya hindi na kailangang i-dial ng outbound call center agents ang mga number nang manual. Ang automatic dialing systems ay puwedeng gamitin ng iba-ibang business sa iba’t ibang industriya, kasama ang e-Commerce, hospitality, healthcare, education institutions, insurance, at financial service providers, real estate, debt collection, political organizations (kapag nagpapatakbo ng political campaigns) at iba pa. Sa pamamagitan ng isang auto dialer system, makaaabot at makakapag-follow up ang business sa daan-daan o kahit libo-libong customers, prospects, o leads sa maikling panahon.
Ginamit ng mga call center agents ang dialers ng ilang dekada na sa outbound campaigns. Sa manual dialers, nagda-dial ng number ang agents sa pamamagitan ng pagta-type gamit ang keyboard o galing sa pre-loaded contact list sa CRM (Customer Relationship Management) tapos ay maghihintay na makonekta ang tawag. Ang auto dialers ay ginawa para mapadali ang proseso ng outbound dialing para sa agents at mapataas ang agent productivity.
Hinahayaan ng auto dialer call center solutions na mapataas ang dialing rate at agent talk time sa pamamagitan ng pag-screen ng answering machines at pagbabawas ng agent wait times. Iyan ay nagreresulta sa pinahusay na productivity at pinataas na call center efficiency. Kapag ginamit bilang isang automated sales machine, pinadadali ng auto dialers ang lead generation, mina-maximize ang outreach at cold calling efficiency, at pinahuhusay ang sales team performance.
Try LiveAgent Today
LiveAgent is the most reviewed and #1 rated call center software for SMB.
Frequently Asked Questions
Ano ang auto calling?
Taliwas sa manual calling (manual dialing), kapag nag-initiate ng outbound calls ang call center agents sa pamamagitan ng pag-dial nang manual nang paisa-isa sa mga nasa contact list, hinahayaan ng auto calling (auto dialing) systems ang agents na automatic na mag-dial ng isang listahan ng numbers. Sa auto calling, puwedeng maglagay ang agents ng daan-daan o libo-libong automated calls nang sabay-sabay para maabot ang prospects o customers. Puwedeng epektibong gamitin ng sales team ang auto calling kapag nagpapatakbo ng outbound marketing campaigns.
Paano gumagana ang auto dialer?
Ang auto dialers, batay na rin sa pangalan, ang automatic na nagda-dial ng isang set ng contacts kaya hindi na kailangan ang manual dialing. Kapag nai-dial na ang number, puwedeng matukoy ng auto dialing systems kung ang tawag ay sinagot ng answering machine, sinagot ng mismong tinatawagan, o kung ang line ay busy. Kapag natukoy na ng voice detector kung sino ang sumagot ng tawag, iruruta na nito ang tawag sa isang available na agent, magbibigay ng isang menu ng options sa taong sumagot, magpi-play ng pre-recorded na message, o mag-iiwan ng isang voice mail.
Paano ang pag-set up ng automatic dialing?
Ang pag-set up ng automatic dialing ay nangangailangan ng isang computer, isang phone line (regular o VoIP), isang voice modem, at auto dialing software. Para mapatakbo ang autodialing software, kailangan ninyong i-upload ang inyong contact database, mag-set ng call flows, at mag-assign ng agents. Batay sa uri ng auto dialer na inyong ginagamit (predictive dialer, power dialer, preview dialer, progressive dialer), puwedeng i-configure ang system kung paano ito sasagot sa iba-ibang scenarios (tulad halimbawa ng busy ang signal, kung tao o answering machine ang sumagot, etc.)
Ang auto dialer ba ay bahagi ng LiveAgent?
Anumang cloud-based na call center solutions ay nagbibigay ng outbound calling capabilities, pero hindi lahat ay may kasamang auto dialing functionality. Kasalukuyang sinusuportahan ng LiveAgent contact center solution ang click-to-call dialing na isa sa pinaka-popular na technology na ginagamit sa kasalukuyang call centers kasama ng auto dialing. Hinahayaan nito ang sales agents na mag-initiate ng outbound calls sa customers o prospects sa ilang clicks habang nagba-browse sa kanilang websites.
Kung interesado ka sa mas marami pang impormasyon tungkol sa auto dialer, baka gusto mong basahin ang tungkol sa robo dialer. Ang robo dialer ay isa ring tool na makakatulong sa pagpapabuti ng customer service.
Para sa mga detalye tungkol sa spy dialer, maaari mong tingnan kung paano ito gumagana. Ang spy dialer ay nagbibigay ng kakaibang benepisyo sa mga call center.
Kung nais mong malaman ang tungkol sa call center software, makikita mo ang mga importanteng features na dapat mayroon ito. Ang pagkakaroon ng tamang software ay makakatulong sa pag-improve ng serbisyo sa customer.
Panghuli, alamin ang tungkol sa automated call systems. Ang mga automated system na ito ay nagbibigay ng benepisyo at maaaring makatulong sa iyong negosyo, ngunit importante ring malaman ang mga dapat iwasan.
Alamin ang tungkol sa predictive dialers—isang awtomatikong sistema na nagpapataas ng productivity ng call center agents sa pamamagitan ng pag-dial ng mga numero mula sa listahan ng contacts at pag-reruta sa available agents. Tuklasin ang mga pangunahing features at benepisyo nito, kabilang ang mas mataas na agent utilization, mas maraming talk time, at mas mababang gastos bawat call. Subukan ito nang libre at palaguin ang inyong negosyo gamit ang LiveAgent.