Ano ang call center automation?
Ang call center automation ay tumutukoy sa paggamit ng call automation na solution para i-automate ang mga gawaing dati nang hinahawakan ng mga agents na tao. Ang isang awtomatikong call center ay nag-aalis ng mga paulit-ulit na gawain ng mga support agent at pinapahusay ang operational efficiency habang binabawasan ang operational costs. Ang automation platforms ay may cutting-edge technologies gaya ng Interactive Voice Response (IVR), call routing, at callbacks. Tumutulong ito sa pag-streamline ng call automation, pag-minimize ng wait times, at bawasan ang idle time ng lahat ng mga agent.
Naglilikha ng hindi mahirap na customer experience ang contact center automation. Binibigyang-daan nito ang mga business na magkaroon ng sarili nilang platform ng customer engagement, pagbutihin ang customer satisfaction, at palakasin ang sales.
Anong software ang ginagamit sa call center automation?
Ang call center software ang nagpapagana sa buong call center automation na initiative. Madalas itong ginagamit kahalinhinan ng contact center software o call automation tools. Ang LiveAgent call center software ay nakikinabang sa pinakabagong contact center technology at voice automation para magamit ninyo ang sumusunod:
- Intelligent automation
- IVR (Interactive Voice Response)
- Intelligent call routing
- Virtual agent
- Artificial Intelligence
- Outgoing at incoming call management
Ito ay isang end-to-end na contact center software na may suporta para sa parehong inbound at outbound call centers.
Sino ang gumagamit ng call center automation?
Sa ngayon, ang call center automation ay nagsisilbing core ng industriya ng customer service. Gayunman, maraming ibang industriya ang umaasa sa call automation, lalo na ang mga business na may mga in-house na call center. Ang call center software use-cases ay madalas nakasalalay sa partikular na departments at mga posisyon sa trabaho.
Umaasa ang customer contact center staff sa call automation kasi tumutulong itong tanggalin sa kanila ang paulit-ulit na gawain. Ang mga sumusunod na posisyon sa trabaho ay gumagamit ng call automation sa araw-araw:
- Contact center agent
- Call center manager
- Customer service agent
Automate your workflow
LiveAgent offers wide range of useful automation and rules options. Why not try for yourself and see how helpful they can be?
Paano mag-automate ng calls?
Binibigyang-daan ng LiveAgent na gamitin ang mga kakayahan ng customer service automation sa real-time para i-automate ang mga call. Ito ay isang komplikadong gawain kaya posible lang itong makamit sa pamamagitan ng maingat na programming at paggamit ng mga technology na nakauunawa sa natural na wika, sa madaling salita, AI.
Kinukuha ng platform ang bawat tanong ng customer, sinusuri ito, at ina-assign ito sa isang may kaugnayang communication channel. Halimbawa, ang Interactive Voice Response ay nakatutulong na ikonekta kaagad ang mga potential na customer sa nararapat na agents. Kapag ipinares ito sa call routing, gagamitin ng IVR ang bawat available na agent sa pinakamahusay na posibleng paraan.
Sa huli, pumapasok ang callback feature para tulungan ang mga caller na humingi ng mga callback kapag walang available na mga support agent o kapag busy ang linya.
Ano ang kasalukuyang trends sa call center automation?
Ang pagbabago ng call center automation ay nagsimula sa pagpapatupad ng call center software. Gayunman, ito ay isang dynamic na landscape. Mahalagang makasabay sa pinakabagong trends at matugunan ang mga pangangailangan ng consumer.
Isa sa mga kasalukuyang trend ng call automation ay ang digital transformation. Nakaka-challenge ito ng status quo sa industriya ng customer service at nananawagan para sa pag-integrate ng technology sa business. Isa sa mga technology ay ang call center software.
Ang paggamit ng CRM kasabay ng ng call center software ay isa pang trend na lumitaw, salamat sa abilidad nitong i-personalize ang customer journey at paghusayin ang customer interaction.
Sa huli, puwedeng pagandahin ng LiveAgent ang kakayahan sa communication at agent productivity. Sa kasalukuyan, ang platform ay nakaka-integrate ng isang dosenang channel ng komunikasyon, kabilang ang:
- Chat
- Calls
- Slack
- Viber
- Forum
- Contact forms
- Video calls
- Feedback
Paano pinalalakas ng call center automation ang customer service?
Ang call automation ay nakaka-automate ng mga paulit-ulit na gawain para gawing makabuluhan ang bawat oras ng trabaho.
Pinabubuti rin nito ang pangkalahatang caller experience sa paggamit ng IVR, mga callback, at intelligent routing, sa pamamagitan ng pag-minimize ng wait times. Ang isang bagay na kasingsimple ng callback option ay ginagawang mas madali at mas maginhawang makipag-ugnayan sa customer support.
Ano ang mga benepisyo ng call center automation?
Ang call automation ay nakatutulong sa pagpapasaya sa mga customer, paghatid ng isang napakagaling na customer experience, at pagpapabuti ng customer satisfaction. Ang LiveAgent ay makatutulong na makamit ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagpapahusay ng pinakamahalagang KPIs ng inyong call center:
- Pagbawas ng average handle time
- Mas mabilis na resolution time
- Pagbawas ng customer abandonment rate
- Pinahusay na employee experience
- Pinabuting employee satisfaction
- Pagbawas ng gastos sa labor, operational cost, at pangkalahatang gastos ng contact center
- Streamlined na pagre-record at pag-store ng feedback ng kliyente
Improve your call center
Handle all your calls with ease and make your call center efficient more than ever with the help of LiveAgent.
Frequently Asked Questions
Ano ang call center automation?
Ang call center automation ay isang proseso sa pag-automate ng mga gawain sa call center. Ang call center software ay isang tool na nagbibigay-daan sa pag-automate ng mga paulit-ulit na gawain. Ang mga gawain na puwedeng i-automate ay nagmumula sa mga simpleng paulit-ulit na gawain hanggang sa komplikadong pre-defined na call routing automation.
Ano ang pinaka-popular na software para sa call center automation?
Ang modernong call center software kagaya ng LiveAgent, ay gumagamit ng advanced features para i-automate ang iba-ibang mga proseso sa isang contact center. Ito ay may kasamang IVR, call routing, at mga callback at gumagamit din ng Artificial Intelligence at natural language processing.
Sino ang magbebenepisyo nang husto sa call center automation?
Ang mga kompanya sa industriya ng customer service ay umaasa sa call center automation sa araw-araw. Ang call automation ay nakamamangha lalo na kapag ginamit ito ng contact center staff, kasama ang contact center agents at mga call center manager.
Paano mag-automate ng calls?
Ang mga automated call ay ang core ng customer service automation. Ang LiveAgent ay tumutulong sa pag-automate ng mga call sa real-time sa nararapat na mga agent sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng routing - IVR, intelligent call routing, at streamlined callback. Sinisiguro nitong ang bawat isyu ng customer ay nalulutas sa tamang oras.
Ano ang mga common practice na ginagamit sa call center automation?
Kasama sa kasalukuyang pangunahing trends ng call automation ang sumusunod: Digital transformation Streamlined na customer interaction Suporta para sa iba't ibang mga channel ng komunikasyon Personalization sa pamamagitan ng pagsusuri sa customer journey
Ano ang ginagawa ng call center automation para sa inyong customer service?
Ang paggamit ng call automation ay makatutulong sa pagpapaganda ng customer service ninyo sa ilang paraan. Nagbibigay ito ng oras sa mga agent, awtomatiko nitong pinapares ang mga customer na may partikular na tanong sa mga nararapat na agent (salamat sa IVR at call routing), may offer ng callback option, at nagbibigay-daan sa mga contact center na maghatid ng maraming channel ng komunikasyon sa mga customer, lahat mula sa iisang screen.
Ano ang mga benepisyo ng call center automation?
Makatutulong ang call automation sa kompanya ninyong pasayahin ang mga customer at magbigay ng napakagaling na customer experience. Kabilang sa mga mas tiyak na benepisyong maidudulot nito ay ang pagbawas sa average handle time ng bawat customer, pagbawas sa gastos ng contact center, at mas pinahusay na employee satisfaction.
Kung natapos mo nang basahin ang tungkol sa call center automation, maaari mong tuklasin pa ang mundo ng mga call center. Alamin kung ano ang isang call center at kung anong mga gawain ang dapat isagawa nito upang magtagumpay. Sa pagbisita sa mga artikulong ito, mauunawaan mo rin kung sino ang gumagamit ng mga call center at ang mga pangunahing problema na kinakaharap ng mga tradisyonal na call center. Bukod dito, matutuklasan mo ang mga benepisyo ng paggamit ng mga call center at kung paano ito makakatulong sa iyo.