Ano ang call tagging?
Ang call tagging feature ay nagbibigay sa inyo ng pahintulot na makapaglagay ng iba’t ibang labels sa inyong mga tawag batay sa konteksto. Ito ay isang napaka-epektibong business tool na puwedeng idagdag sa advanced call routing system para higit pang ma-streamline ang mga proseso sa contact center.
Halimbawa, ang isang customer ay puwedeng tumawag sa inyong call center para magreklamo tungkol sa isang produkto o serbisyo. Puwede ninyong lagyan ng tag na may label na “Mga Reklamo”. Puwede kayong maging partikular kung kinakailangan. Magdagdag ng tags tungkol sa ilang uri ng produkto, marketing campaigns kung saan galing ang lead, o kahit na anong makatutulong na makategorya ang mga customer call na natatanggap ng inyong contact center.
Bakit importante ang call tagging sa inyong business?
Maraming benepisyo ang paggamit ng call tagging system sa inyong call center. Tingnan natin ang ilan sa kanila.
pananatiling organisado – Sa pagsasaayos ng mga tawag ayon sa partikular na kategorya, kontrolado ng inyong call center agents ang contact center processes dahil mas epektibo nilang nahahawakan ang kanilang workload.
pagsusuri ng mga tawag – Mas pinadadali ng call tagging ang pagsusuri at pag-aaral ng inyong call center data. Makatutulong itong masukat hindi lang ang inyong contact center productivity at business performance pati na rin ang mas mahusay na pag-assess ng kalidad ng leads na naibibigay ng iba-ibang marketing campaigns.
pagtutukoy ng trends – Kapag ang lahat ng inyong data ay may label na at malinaw na nakaayos ayon sa kategorya, mas madali nang matutukoy ang trends at patterns sa mga isyu ng customer service, pati na rin sa marketing at sales methods.
pagta-tag ng angry calls – Kahit ang pinakamagagaling na support teams ay nakatatanggap ng ilang tawag mula sa mga galit na customer. Ang pag-tag sa kanila ay magbibigay sa inyo ng mas malawak na pang-unawa kung bakit nangyari ang mga ito. May partikular na pangalan ba ng empleyadong lumitaw sa ganitong interaksiyon? O baka may isang partikular na produkto o serbsiyong konektado sa mga tawag na ito.
pagpapabalik ng inyong leads – Kung na-tag ninyo ang tumpak na dahilan kung bakit hindi na-convert ang ilan sa inyong qualified leads, puwede kayong makapagbigay ng context-based service at makapag-develop ng mas angkop na win-back strategies para sa inyong susunod na interaksiyon.
pagtukoy sa challenges – Kapag natukoy at na-tag ninyo ang problema para sa inyong customer, makagagawa kayo ng mas mainam na strategy at mapapalaki ang inyong sales.
Paggamit ng call tagging para sa mas mahusay na customer service
Ang pagbibigay ng mahusay na customer service ay hindi lang importante, ito ay kinakilangan para makamit ang inyong business goals.
Makatutulong ang call tagging sa inyong agents na makapagbigay ng mas personalized service sa mga customer. Halimbawa, kung makikita nila ang customer name tags, mababati sila gamit ang kanilang mga pangalan. Puwede ninyong ikategorya ang inyong customer interactions gamit ang tags para mahanap ng customer care reps ang kanilang mga nakaraang interaksiyon sa mga kliyente.
Bukod dito, sa pagsasagawa ng epektibong call tagging, madali na ninyong masusuri ang call recordings at matutukoy ang mga inis na customers. Mahalaga ang pagtuklas ng patterns ng mga isyu ng customer service para sa operations ng inyong call center.
Are you delivering the best possible customer experience?
It costs 5 times more to acquire a customer than to retain an existing one. Use LiveAgent to drive brand loyalty with every customer interaction. With LiveAgent, it’s easy.
Frequently Asked Questions
Ano ang call tagging sa call center?
Bukod sa iba pang advanced call center features, hinahayaan kayo ng call tagging na manatiling organisado ang inyong call center operations. Sa pagdadagdag ng iba’t ibang tags sa customer calls, hindi lang mananatiling nangunguna sa pinakabagong interactions ang inyong agents pero makapagbibigay din sila ng pinakamahusay na customer service sa inyong mga kliyente. At saka hinahayaan ng call tagging ang mas mahusay na navigation pagdating sa pagsusuri ng customer data at pagtukoy ng trends sa customer communication.
Bakit importante ang tagging sa mga call center?
Sa mga call center environment, mahalaga ang pananatiling organisado. Ang mga contact center ay kadalasang natatambakan ng maraming workload at bilang ng mga tawag na kanilang natatanggap. Ginagawang posible ng call tags ang pagkategorya at madaling navigation ng iba’t ibang customer interactions.
Ano ang ilang popular na ginagamit na tags?
Kasama sa ilang pinakakaraniwang ginagamit na tags ay ang technical support, sales department, customer complaint, order return, etc. Puwede rin kayong gumamit ng mandatory call tags para mapilitan ang agents na mag-assign ng partikular na tag pagkatapos ng isang tawag.
Paano gumawa ng custom tags?
Depende ito sa ginagamit ninyong software. May link sa article sa itaas na magdadala sa inyo sa isang page na nagpapaliwanag kung paano gumawa ng custom tags gamit ang LiveAgent helpdesk software.
Ano ang no tag call?
Ito ay puwedeng inbound o outbound call na hindi pa nalalagyan ng tag sa inyong system.
Kung interesado kang malaman kung ano ang call tagging, basahin ang artikulo tungkol sa ano ang call tagging. Makakatulong ito upang maunawaan kung bakit ito mahalaga sa inyong negosyo. Para sa mas malalim na pag-unawa, alamin din ang paggamit ng call tagging para sa mas mahusay na customer service. Nagbibigay ito ng mga praktikal na halimbawa kung paano mapapabuti ang serbisyo sa customer gamit ang call tagging. Kung nais mong palawakin pa ang iyong kaalaman, maaari mong suriin ang aming Frequently Asked Questions para sa mas detalyadong impormasyon sa iba't ibang aspeto ng call tagging. Sa huli, kung ang iyong layunin ay ang improve customer service, tiyak na makakahanap ka ng mga kapaki-pakinabang na tips at diskarte sa aming mga artikulo.
Discover the benefits of call masking with LiveAgent! Protect your customer privacy and enhance call responsiveness using this VoIP feature that keeps caller identities anonymous. Experience improved customer engagement, reduced communication costs, and seamless call management. Start your free trial today and elevate your call center operations!
Alamin ang kahalagahan ng call time sa call centers at kung paano ito sinusukat upang mapabuti ang performance ng mga agent. Tuklasin ang pagkakaiba ng average call time at average handle time, at kung paano ito makakatulong sa pag-optimize ng customer service efforts. Subukan ang LiveAgent nang libre para sa mas mahusay na customer interaction at productivity.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.