Definition ng call to action (CTA)
Ang call to action (CTA) ay isang marketing term na tumutukoy sa partikular na bahagi ng marketing message na sumusubok mahikayat ang users na gawin ang gusto ninyong aksiyon. Ang mga CTA ay ginagamit sa bawat hakbang sa sales funnel. Ang call to action ay puwedeng maghikayat ng pakikipag-ugnayan (e.g., pagbabasa ng isa pang blog post, pag-sign up para sa newsletter, pag-download ng e-book) o mag-motivate ng agarang pagbili. Ito ay isang mahalagang bahagi ng anumang inbound digital marketing strategy. Ang mga CTA ay ginagamit ng marketers sa parehong website at email marketing campaign para mapahusay ang user engagement, magabayan ang prospects sa proseso ng pagbili, at makakuha ng conversions.
Ang call to action ay puwedeng lumitaw bilang isang clickable button (a call to action button), isang banner, isang hyperlinked text, o isang pop-up form sa website. Karaniwan itong nakasulat sa anyo ng action phrases na may imperative verbs tulad ng “sign up,” “call now,” “find out more”, “buy now,” etc. Ang ideya ay para ma-motivate ang users na gawin ang susunod na hakbang sa malinaw at nakakukumbinsing paraan, na nakapagpapataas ng posibilidad na tutuloy sila sa inyong conversion funnel. Ang matatag na CTA ay puwedeng magbigay sa users ng malakas na dahilan para agad bumili. “Bumili ngayon para makakuha ng 50% off” o “Mag-order bagong maghatinggabi para makakuha ng libreng regalo” ang ilang halimbawa ng CTA na lumilikha ng sense of urgency.
Ano ang nagpapaganda sa isang call to action?
Visibility
Madali dapat mapansin ang isang call to action para agad itong makakuha ng pansin ng potensiyal na customer at magkaroon ng mataas na click-through rate. May sapat na laki dapat ang font size para maging angat ito sa ibang copy sa page.
Compelling design
Ang call to action ay kombinasyon ng persuasive language at compelling design. Ang matitingkad na kulay tulad ng green, red, yellow, at orange ay kilalang mas nagpe-perform kaysa sa iba para sa CTA buttons. Dapat ang kulay ay may contrast din sa pangunahing color theme ng page.
Actionable text
Ang authoritative language at action verbs tulad ng “click,” “shop,” o “start” ay karaniwang gumagana nang maayos sa call to action copy. Karaniwan ding isinusulat ang text mula sa pananaw ng isang visitor (“Simulan ang libre kong trial” sa halip na “Simulan ang libre mong trial”).
Sense of urgency
Ang epektibong strategy ay sisiguraduhing ang inyong CTA ay nagpapahiwatig ng sense of urgency at nag-uudyok ng FOMO (“Bumili na habang meron pa,” “Mag-sign up hanggang Biyernes para makakuha ng 15% OFF”). Nakatutulong itong kulitin ang visitors na kumilos agad.
Benefit-oriented
Ilan sa pinakamahusay na CTA ay benefit-oriented at malinaw na hina-highlight ang advantages na makukuha ng users sa paggawa ng partikular na aksiyon (“Makakuha ng sagot sa loob ng 60 segundo lang”).
Ilang halimbawa ng call to action
Ang mga call to action ay puwedeng ilagay sa halos kahit saan sa website. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pinakakaraniwang call-to-action batay sa kung saan sila nakalagay sa webpage.
Persistent header/ footer CTA
Ang uri ng CTA na ito ay nananatiling static sa itaas man o sa ibaba ng screen kahit anuman ang direksiyon ng pag-scroll. Tinitiyak nitong ang CTA ay nananatiling visible at madaling mapupuntahan kahit nasaan man sa page ang visitors, pero hindi ito nakasasagabal sa mismong content.
Sidebar opt-in forms
Ang sidebar capture forms at sidebar adds ay ilan sa mga pinaka-epektibong CTA. Ito ay nakalagay sa highly visible na area ng webpage at karaniwang ginagamit sa paggawa ng email lists (Mag-subscribe na”).
End-of-content CTA
Ang call to action na ito ay lumilitaw sa dulo ng isang piraso ng content, karaniwan isang article/blog post. Nakatutulong itong i-engage ang mga blog reader na umabot sa puntong ito sa page at mas malamang na ma-convert.
Exit-intent pop-up CTA
Ito ang mga CTA na nati-trigger kapag merong magki-click off ng inyong page (kadalasan kung kailan pupunta na ang mouse sa X button) at isang magandang paraan na makakuha ng leads bago pa sila mawala. May pag-aaral na nagpatunay na 35% ng mga taong papaalis na ang nakukuha ng exit-intent popups.
Paano ninyo malalaman kung ang inyong call to action ay gumagana nang maayos?
Ang palagiang pagsukat ng tagumpay ng inyong call to action, kasama ang A/B testing ng iba’t ibang versions ay makatutulong sa inyong paghusayin ang response at conversion rates ninyo. Inirerekomenda ang pagsukat ng pagiging epektibo ng inyong CTA sa pamamagitan ng pagsubaybay at pagsusuri ng dalawang metrics na ito:
click-through rate (CTR): Ang CTR ay sinusukat sa pamamagitan ng pag-divide ng total number ng unique visitors na nag-click ng CTA button. Ayon sa Vye research, ang average CTR para sa call-to-action element ay 4.23% sa lahat ng industriya. Gayunman, puwedeng makabuluhang mag-iba ang bilang batay sa industriya.
submission rate: Ang submission rate ay ang percentage ng visitors na nag-click sa CTA button at pagkatapos ay nag-submit ng kanilang impormasyon/sumagot ng form o gumawa ng ibang aksiyong gusto ninyong gawin nila.
Sa huli, ang pinakamagaling na goal ng anumang call to action ay dalhin ang visitors sa paggawa ng panghuling desisyon (kadalasan ay ang pagbili ng inyong produkto o serbisyo). Kaya kung ang inyong CTA ay gumagana nang mahusay, nakikita ninyo dapat ang pagtaas ng lead generation at conversion.
Engage with website visitors and potential customers
Improve your customer service game with LiveAgent's help desk software packed with features!
Frequently Asked Questions
Ano ang call to action (CTA)?
Ang call to action (CTA) ay isang statement na ginagamit sa marketing para ma-motivate ang users na mag-perform ng isang tiyak na gustong aksiyon. Puwede nitong saklawin mula sa simpleng pakikipag-ugnayan sa prospects (tulad ng paghikayat sa users na mag-subscribe sa inyong newsletter) hanggang sa pag-prompt sa kanilang bumili agad. Ang mga CTA ay kadalasang pinapakita bilang buttons o hyperlinked na texts at makikita sa anumang stage ng conversion funnel.
Ano ang nagpapaganda sa isang call to action?
Ang mahusay na call to action ay madaling mapansin at kaagad nakatatawag ng pansin ng visitors. Meron itong compelling design at may kasamang actionable test na nanghihikayat sa users na kumilos agad. Ilan sa mga pinaka-epektibong CTA ay naghahatid ng sense of urgency at nagha-highlight ng mga benepisyong makukuha ng users sa pamamagitan ng pag-click ng CTA button.
Ano ang mga halimbawa ng call to action?
Ang pinakakaraniwan at pinaka-epektibong CTA ay agad na nagha-highlight ng mga benepisyo. Ito ay visible, compelling, mahusay na dinisenyo na may actionable texts at sense of urgency. Statically located ito bilang paulit-ulit na header/ footer CTAs, sidebar opt-in forms, end-of-content CTAs, at exit-intent popups.
Paano ninyo malalaman kung ang inyong call to action ay gumagana nang maayos?
Sukatin ito. Ang pinakaimportante ay ang inyong click-through rate (bahagi ng visitors na nag-click sa inyong CTA button) at puwede rin ninyong subaybayan ang submission rate (percentage ng visitors na nag-click sa inyong CTA at pagkatapos ay nag-submit ng form o gumawa ng iba pang gustong aksiyon). Sa huli, kung maayos na gumagana ang inyong CTA, dapat nakikita ninyo ang pinahusay ng conversions.
Kung nais mong palalimin pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga call to action, maaaring interesado ka ring basahin kung ano ang call to action button at kung bakit ito mahalaga. Ang artikulong ito ay nagbibigay ng mga tip kung paano maglagay ng call to action button sa iyong website at paano ito magiging standout.
Alamin ang kahalagahan ng call time sa call centers at kung paano ito sinusukat upang mapabuti ang performance ng mga agent. Tuklasin ang pagkakaiba ng average call time at average handle time, at kung paano ito makakatulong sa pag-optimize ng customer service efforts. Subukan ang LiveAgent nang libre para sa mas mahusay na customer interaction at productivity.
Discover the LiveAgent Help Center, a comprehensive resource for customer support. Find answers to frequently asked questions, access a knowledge base, report issues, engage with live support chat, and explore informative articles. Enhance your customer support with LiveAgent's easy-to-use help center, trusted by top companies. Start your free trial today—no credit card required!