Ano ang call to action button?
Ang call to action buttons (na kilala rin bilang CTA buttons) ay clickable buttons na pupukaw sa inyong website visitors para mag-perform ng partikular na aksiyon (ang ninanais na conversion). Ito ay kung anuman ang gusto ninyong gawin ng visitors tulad ng pag-subscribe sa newsletter, pag-sign up sa libreng trial, pag-schedule ng demo, pagdagdag ng item sa shopping cart, pag-submit ng contact form, pagsimula ng live chat, pag-fill out ng signup form, pagkuha ng survey, simpleng pagbisita sa partikular na website page, at iba pa. Ang pakay ng CTA buttons ay para puwedeng agarang ma-convert ang visitors o maging mahalagang hakbang ito sa sales funnel para makumpleto ang secondary conversion goals.
Ang CTA buttons ay mahahanap sa homepages, landing pages, product pages, pricing pages, sales emails, newsletters, sa dulo ng articles o blog posts, at sa online ads. Mailalagay din ang mga ito sa halos kahit saan para madaling makuha ang atensiyon ng visitors, ma-engganyo at maaakit silang umaksiyon, at para mapabuti ang conversion rate. Ito ang dahilan kung bakit ang call to action buttons ay kadalasang pinakamalaki, pinakamaliwanag, at kumukuha ng pinakamalaking espasyo sa page kung saan sila nakalagay.
Bakit importante ang call to action buttons?
Matutukoy ang tagumpay ng website ninyo sa pamamagitan ng kung gaano kagaling itong makaka-convert ng visitors at prospects bilang paying customers. Tuwing may visitors na makararating sa website ninyo, may inaasahan silang guidance kung ano dapat ang susunod nilang gagawin. Kung wala, baka malito lang sila at mag-bounce off mula sa page ninyo nang wala nang gagawing aksiyon pa. Pero halimbawa, ayon sa study ng Small Biz Trends, mga 70% ng maliliit na business B2B websites ay kulang sa call-to-action.
Ang madiskarteng pagkakalagay ng call to action buttons ay lumilikha ng mas pinahusay na user experience para sa visitors, makuha ang atensiyon nila, makaka-engganyong gawin ang susunod na hakbang, at dagdagan ang engagement. Nakatutulong din itong mapabuti ang goal conversions at dumagdag sa pangkalahatang website conversion rates. Partikular sa landing page, ang nakapang-aakit sa paningin at maayos na pagkakalagay na CTA button ay puwedeng magresulta sa isang conversion o isang bounce. Ang tagumpay ng email marketing campaigns ay nakasalalay sa kahusayan ng email CTAs.
Paano maglagay ng call to action button sa isang website?
Kapag nagdagdag ng call to action buttons sa website, may tatlong mahalagang factors na dapat ikonsidera para tiyaking mae-engganyo ang visitors at mag-drive ito ng conversions. Ang CTA buttons ay kailangang nakalagay sa tamang lugar at dinisenyo para madaling makita.
- button placement: Isiping mabuti kung ano ang pinaka-nararapat na posisyon ng CTA buttons. Ito ay dapat ilagay sa headers, side panels, at sa dulo ng pages.
- button design: Piliin ang tamang disenyo ng CTA button – ikonsidera ang hitsura ng buttons, ang size, at kulay, para kaaya-ayang tingnan ang mga ito. Subukan ang iba-ibang buttons para makita kung ano ang nakakakuha ng pinakamaraming clicks.
- text o copy: Magsulat ng copy na maiksi, diretso sa punto, at puwedeng aksiyunan. Dapat ay makapagbigay ng maliwanag na indikasyon kung ano ang mangyayari kapag nag-click ng button ang visitors.
Paano magiging standout ang call to action button?
Ang disenyo ng call to action button ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng website conversion rates. Ang isang agaw-atensiyong CTA button ay ang kabuuan ng iba-ibang elemento (kulay, contrast, shape, size, at copy). Narito ang best practices para umangat ang call to action buttons sa website:
- piliin ang tamang kulay ng button
Kahit walang one-size-fits-all approach kung anong kulay ang nararapat para sa CTA buttons – ang maliwanag na mga kulay tulad ng red, green, yellow, at orange ay sinasabing mas nagpe-perform habang ang black, white, grey, at brown ay dapat iwasan sa maraming pagkakataon. Halimbawa, sinubukan ng HubSpot ang red at green CTA buttons at napag-alaman nilang ang red na CTA button ay mas gumana kaysa sa green ng 21%.
- may contrast sa surroundings
Sa pangkalahatan, nirerekomendang gumamit ng mga kulay na may hig contrast sa kulay ng background at ng mga nakapaligid na elemento para tiyaking ang CTA buttons ay madaling mapansin ng user. Gaya ng nasabi, ang kulay ay dapat humalo sa pangkalahatang website design at color scheme nito.
- bigyang atensiyon ang size
Habang ang call to action button ay kailangan sapat ang kalakihan para madaling mabasa sa desktops at mobiles, hindi ito dapat mas malaki kaysa sa natitirang bahagi ng website elements. Siguraduhing magdagdag ng tamang white space sa paligid ng button para mapansin ito.
- hanapin ang pinakamahusay na shape
Pagdating sa shape ng CTA button, puwedeng pumili ng sharp o round edges. Kahit common na ang dalawang ito, ang call to action buttons na may rounded edges ay itinuturing na mas nakaaakit sa mata ng tao.
- gumamit ng action-focused na copy
Action verbs (kagaya ng Sumali, Mag-order, Kumuha, Kunin, Mag-download), kapag ipinares sa “NGAYON” o ibang salitang gustong magparamdam ng sense of urgency ay epektibo sa pagdagdag ng kahusayan ng CTA buttons. Napatunayan ng isang study na ang paggamit ng first-person language (“Kunin ang libreng template ko” kaysa gamitin ang “Kunin ang libreng template ninyo”) ay puwedeng makadagdag sa inyong CTR rate ng 90%.
Ano ang magandang call to action button click-through rate?
Walang pinag-isang benchmark sa pagkonsidera ng magandang click-through rate para sa call to action buttons. Gayunman, ayon sa Vye research, ang average na click-through rate para sa iba-ibang uri ng call-to-action elements (buttons, texts, at images) ay 4.23% sa lahat ng industriya, habang ang average CTR ng call to action buttons ay 5.31% (kumpara sa 2.06% para sa text-only na CTAs at 3.53% para sa dinisenyong image-based na CTAs). Ipinahahayag ng research na ang average CTA click-through rates ay puwedeng mag-iba sa bawa’t industriya. Kaya ang mga industriya ng financial, e-commerce, logistics, at real estate ay may pinakamataas na CTA click-through rates habang ang electrical, medical/healthcare, at technology ay ang may pinakamababa.
Stand out from your competitors with a strong customer service culture
Handle all customer inquiries from one interface. Start improving your customer service with a 14-day free trial right away!
Frequently Asked Questions
Ano ang call to action button?
Ang pinupuntirya ng call to action button (ang CTA button) ay ang pag-engganyo sa customers ng website at mga potential na customer na tuparin ang gustong aksiyon kagaya ng pagbisita sa isang partikular na page, mag-subscribe sa isang newsletter, magdagdag ng bagay sa shopping cart, mag-sign up sa libreng trial, mag-umpisa ng live chat, at iba pa. Ang CTA buttons ay kadalasang nakalagay sa homepages, landing pages, pricing pages, newsletters, sales emails, at ads.
Bakit importante ang call to action buttons?
Kapag nag-browse ng website ang visitors, ginagawang klaro ng call to action buttons kung ano ang mga susunod na hakbang na dapat nilang gawin - kung hindi, baka mag-bounce off sila na hindi nakapag-convert. Kaya ang CTA buttons ay kritikal sa pag-engage sa site visitors, sa paggabay sa kanilang buying journey, at sa pag-ambag sa pagtaas ng bilang ng conversions.
Paano maglagay ng call to action button sa isang website?
Para magdagdag ng call to action button sa website at tiyaking ito ay may kakayahang mag-convert ng visitors, dapat pag-isipang mabuti kung saan ito ilalagay, ano ang magiging hitsura nito, at kung ano ang sasabihin nito. Piliin ang tamang pagkakalagay (headers, sidebars, page bottoms), disenyo (form, size, at kulay na makaaakit sa site visitors), at text na malinaw na nagsasaad kung ano ang mangyari kapag nag-click ng button.
Paano magiging standout ang call to action button ko?
Para maging standout ang CTA button, pumili ng kulay na naaayon sa pangkalahatang disenyo ng website (red, green, orange, at yellow ang karaniwang rekomendado). Siguraduhing may contrast ang kulay nito at ng kulay ng background at sapat ang laki para makakuha ng pansin nang hindi natatabunan ang natitirang content. Gumamit ng action-packed text na nakadaragdag sa sense of urgency at huwag kalimutang gumamit ng first-person language para makadagdag sa pagpapahusay ng call to action CTR.
Ano ang magandang call to action click-through rate?
Habang walang universal benchmark kung paano ikokonsidera ang magandang click-through rate para sa call to action buttons, lumalabas sa research na isinagawa ng Vye marketing agency na ang average CTR rate para sa iba-ibang uri ng call to action elements ay 4.23% sa lahat ng industriya (5.31% para sa CTA buttons). Gayunman, ang numerong ito ay puwedeng maiba batay sa industriya.
Kung gusto mong malaman kung ano ang call to action button, basahin ang aming detalyadong paliwanag. Tuklasin mo rin ang mga halimbawa at kung paano ito magiging epektibo sa iyong website.
Para sa mas malalim na pag-unawa, alamin kung paano gumagana ang click-to-call at click-to-dial na mga button. Mahalaga ito para sa mas mabilis na pakikipag-ugnayan sa mga kliyente.
Alamin ang kahalagahan ng call time sa call centers at kung paano ito sinusukat upang mapabuti ang performance ng mga agent. Tuklasin ang pagkakaiba ng average call time at average handle time, at kung paano ito makakatulong sa pag-optimize ng customer service efforts. Subukan ang LiveAgent nang libre para sa mas mahusay na customer interaction at productivity.
Discover the power of LiveAgent's call buttons for seamless customer communication. Enable instant in-browser calls for your website visitors, boosting satisfaction and enhancing customer experience. Customize your call button with ease and choose from pre-made designs or create your own. Experience the convenience of PC to PC and mobile to PC calls directly through your site, all managed within LiveAgent's robust call center software. Start your free trial today and transform your customer support!
Enhance your customer service with LiveAgent's chat button, enabling real-time communication and quick resolution of customer inquiries. Customize your chat icon to align with your brand and capture attention instantly. Experience the benefits of increased customer satisfaction and retention with our free trial. Join our community of satisfied clients today!