Ano ang caller tracking software?
Nangongolekta at nagtatala ang software na ito ng iba’t ibang impormasyon mula sa mga papasok na tawag. Pinahihintulutan ng pagsusuri ng data ang marketers na maka-develop ng targeted marketing tactics. Maaaring malaman kung ano ang pakay ng caller, kung paano nakuha ng caller ang number ninyo, at ang outcome ng call sa paggamit ng software na ito.
Ang paggamit ng customer tracking system ay tumutulong sa mga negosyo na kumonekta online at offline na mga pagsusumikap sa marketing. Katulad ng pagsubaybay ng bisita, ang data na nakuha sa paraang ito ay maaaring gamitin sa search engine optimization (SEO), iba’t ibang mga kampanya sa marketing, social media, o offline na mga kampanya ng ad, gayundin sa mga tawag sa telepono sa hinaharap.
Paano gumagana ang caller tracking software?
Ang tracking software ay nagtatakda ng lokal o toll-free number sa business phone line. Kapag dumating ang susunod na call, niruruta nito ang caller sa assigned phone line. Puwede kang mamili kung saan mo ipadadala ang calls: marketing department, , o kahit sa inyong cell phone. At saka, puwede mong desisyunan kung saang marketing campaign mo iuugnay ang phone number mo. Makatutulong ito sa susunod na call analysis. Ang call ba ay nauugnay sa newsletter na ipinadala mo? O ito ba ay galing sa landing page ng website?
Kapag meron ka na nitong setup, ang caller tracking software ang mangongolekta ng data para magbigay ng karagdagang caller insights.
Kasama sa data na makukuha mo ang sumusunod:
- call recording
- caller information – pangalan, lokasyon, etc.
- call details – petsa, call duration, etc.
- call source – SEO, email marketing campaign, etc.
Paano makatutulong ang caller tracking sa marketing decisions?
Dahil sa caller tracking solution, ang marketing team ay nakakapagsuri ng phone conversations. Ang nakuhang data ay nakatutulong na gumawa ng mas mahusay na caller experience para sa customers. Tinitiyak ng advanced call tracking na ang marketers ay puwedeng gumamit ng real-time reporting para ma-optimize ang bayad na search at ibang digital marketing strategies. Nakapagbibigay din ito ng karagdagang data para masukat ang marketing ROI at dagdagan ang ROAS.
At saka puwedeng patuloy na idagdag ang mga impormasyon sa caller profiles kaya palaging merong mga detalye sa iisang lugar para sa bawa’t conversation channel. Samakatuwid, hindi lang mapadadali ang paghahanap ng data kundi mas mapabubuti pa ang marketing effectiveness.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng caller tracking software sa business ninyo?
Ang pagsusuri sa nakuhang data ay nakatutulong nang malaki sa pag-intindi sa performance ng marketing campaigns. Ang pagkakaroon ng insights sa lahat ng aspekto ng marketing efforts ay maghahatid ng mas mataas na conversion rates at palalaguin ang revenue ng business ninyo.
Ang cloud-based na call tracking software ay nagpapahintulot sa marketers na pag-aralan ang customer journey at iugnay sa specific campaigns. Pinapayagan ng Google Adwords ang paggawa ng highly targeted na content at advertisements batay sa findings na ito. Pinapayagan nito na bawasan ang cost-per-click (CPC) at cost-per-ad (CPA).
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang channels na gumagana para sa ikabubuti ng business, mas mapagtutuunan ng pansin ng marketers at agents ang pag-convert ng prospects bilang paying customers maliban sa pag-track ng conversions. Bukod dito, ang pagkakaroon ng detalyadong kaalaman tungkol sa conversations sa customers ay makatutulong para posibleng makapagbigay ng pinakamahusay na customer service/a>.
Ano ang mga uri ng caller tracking software?
Merong apat na uri ng caller tracking software.
1. Call-back function
Ito ay isang internet-based na solusyon. Gagawa ng advertisement ang isang kompanya na makaka-engganyo sa prospects na ibigay ang kanilang phone number. Kokolektahin ng call-back software ang impormasyon para matawagan ng sales representative ang lead.
2. Call number tracking
Ang tracking system na ito ay magbibigay ng iba’t ibang numbers para i-track ang kanilang marketing efforts sa parehong online at offline. Nakatutulong ito sa marketers para malaman kung anong channels ang nakaka-attract ng mas maraming prospects.
3. Dynamic call tracking
Ang software na ito ay nagpapahintulot sa programming sites na mag-swap ng phone numbers ng iba-ibang users tuwing maglo-load ang page. Ang mga numero ay ipinapakita sa potential leads batay sa predefined criteria.
May dalawang tipo ng dynamic call tracking:
- channel-based tracking – Ang software na ito ay nangongolekta ng impormasyon batay sa channel kung saan nahanap ang inyong kompanya. Ang mga kilalang halimbawa ng sistemang ito ay Google Adwords at Bing Ads.
- unique session tracking – Ang sistemang ito ay nangongolekta ng impormasyon tungkol sa session ng lead sa paglipas ng panahon. Nagbibigay ng bukod-tanging number kada session at puwedeng ituro kung nasaan ang lead sa website nang tumawag siya.
4. Static number tracking
Ito ay kadalasang ginagamit sa offline call tracking. Ang kompanya ay nagbibigay ng iba-ibang number kada marketing channel – newsletter, ad sa TV, billboard, at iba pa.
Ano ang dapat hanapin kapag pumipili ng caller tracking software provider?
Ang iba’t ibang klase ng providers ay merong iba-ibang pagpipilian. Makatutulong ang pag-research para malaman kung anong tracking provider ang bagay sa pangangailangan ng business ninyo. Kailangang malaman kung magkano ang dapat singilin sa isang user kada buwan at kung sila ay may unlimited users na option.
Magbasa ng user reviews online at mag-cross-reference ng mga ito sa ibang sources. Ikonsidera kung ano ang mga aspekto ng reviews ang puwedeng gamitin sa inyong business at tutukan kung ano ang puwede pang gawin.
Improve your customer service
LiveAgent gives you possibility to choose from plenty of useful features and integrations which will make your business thrive. Curious about all the opportunities?
Frequently Asked Questions
Ano ang caller tracking software?
Ang software ay kumokolekta ng impormasyon mula sa inbound calls. Ilang uri ng sistemang ito ang nagre-record ng incoming calls para sa pagsusuri at conversion tracking. Kumukuha ang caller tracking software ng impormasyon tungkol sa pisikal na lokasyon ng caller at kanilang phone number, at iba pa. Ang paggamit ng software na ito ay nakatutulong sa marketers na ikonekta and kanilang online at offline na marketing efforts.
Paano gumagana ang caller tracking software?
Ang caller tracking software ay ina-assign ang isang numero sa isang business phone line. Kapag tumawag ang lead, niruruta ng sistema ang tawag sa naka-assign na linya. Maari kang mag-set kung saan ipadadala ang tawag: sa marketing department, sales team, at iba pa.
Ano ang mga benepisyo ng paggamit ng caller tracking software sa business ninyo?
Sa paggamit ng tracking features, nasusuri ng marketers ang nakukuhang data para itugma ang leads sa marketing campaigns. Ito ay nakatutulong na maintindihan ang marketing ROI para sa bawa’t channel para maitakda ang naaayong budget. Ang pag-unawa sa data na binibigay ng tracking software na ito ay nagpapahintulot sa marketers na pag-isipang mabuti kung paano mapabubuti ang marketing messages at ang paggawa ng mas targeted na marketing campaigns. Ito rin ay nakatutulong sa customer support teams para makapagbigay ng mahusay na customer service at tumaas na customer satisfaction levels. Ang pagkakaroon ng real-time insights ay tumutulong sa kanila sa pag-handle ng mga calls sa epektibong paraan mula simula hanggang katapusan ng buong customer journey.
Kung interesado ka sa kung paano gumagana ang caller tracking software, maaari mong basahin kung ano ang mga benepisyo nito sa negosyo ninyo. Maaari mo ring malaman kung paano makatutulong ang caller tracking sa iyong marketing decisions.
Para mas maintindihan pa ang tungkol sa inbound call, alamin ang mga pangunahing tipo ng inbound calls at ang pagkakaiba nito sa outbound calls. Ang pagkakaroon ng tamang stratehiya sa paghawak ng inbound calls ay makatutulong sa pagpapabuti ng iyong customer service.