Anumang pagtatangka na mag-solicit ng business mula sa potensiyal na prospect sa pamamagitan ng phone ay kinokonsidera bilang cold calling. Sa karamihan ng mga kaso, ang prospects ay hindi alam na tatawagan sila ng kompanya.
Kung kayo ay nagsisimula pa lang na business o isang nang well-established na organisasyon, ang paghahanap sa fresh leads ay walang katapusan. Para sa startups, ang paghahanap ng maraming quality connections ay paraan para maging relevant at competitive.
Ang budget ang pinakamalaking problema para sa karamihan ng bagong kompanya. Ang kakulangan ng sapat na pondo ang pumipigil sa maraming bagong business sa pag-tap sa lahat ng makukuhang porma ng marketing, at nagreresulta sa mahinang sales dahil sa pagkaubos ng karamihan ng inyong potensiyal na prospects.
Dito papasok ang cold calling bilang bagong source ng fresh leads. Dahil diyan, pag-usapan natin kung ano ba ang cold calling, ang legality nito, ang pinakamahusay na paraan sa paggawa ng cold calls, at marami pa.
Ano ang cold calling?
Ang cold calling ay isang traditional form ng marketing. Ito ay tumutukoy sa business technique kung saan ang isang salesperson o marketer ay gumagamit ng phone para makagawa ng calls sa pag-attempt na manghikayat ng potensiyal na prospects na walang nakaraang kaalaman sa kanilang business para bumili ng kanilang mga produkto o serbisyo.
Ang isang may-ari ng bagong business ay puwedeng umasa sa cold calling para madiskubre ang isang mabuting pagkakataon para mapaunlad ang isang business. Ang cold calling ay magagamit sa paglikha ng mas maraming leads at mapuwersa ang business development kapag may requirements na natutugunan.
Ano ang batas sa cold calling?
Ang cold calling ay legal hangga’t sinusunod ninyo ang rules at regulations. Gayunman, ang illegal cold calling ay nangyayari sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Kapag ang isang salesperson ay hindi sasabihin sa potensiyal na prospect ang kanilang pangalan, pangalan ng kompanya, telephone number, o address;
- Kapag ang isang salesperson ay di pinansin ang request ng prospect na umalis at huwag nang bumalik;
- Kapag ang isang salesperson ay ginamit ang cold calling para mag-offer ng mga serbisyo o produktong mas mataas ang presyo kaysa sa average na presyo na itinakda ng batas ng UK nang walang written agreement, meron kayong dalawang linggo (14 na araw) para ikansela ang agreement.
Kapag hindi sumunod sa regulations na ito, puwedeng mag-resulta ito sa gawaing kriminal.
Paano kayo gagawa ng cold calls?
Ang cold calling ay nangangailangan ng madetalyeng preparasyon para maging matagumpay. Una, magsasagawa kayo ng research sa potensiyal na prospects para ma-track ang pangunahing impormasyon tungkol sa kanila. Ito ay makatutulong na makuha ang kanilang pansin at ma-deliver ang value. Mas mahalaga, makagagawa kayo ng listahan ng prospects na puwedeng maging interesado sa binebenta ninyo.
Magsimula sa pag-check ng kanilang social media, CRM, company sites, at LinkedIn. Gumawa ng outline ng gusto ninyong sabihin para makagawa ng cold call script. Siguraduhing ang cold calls ay nagsisimula sa isang catchy na pambungad. Huwag magsimula sa isang sales pitch pero subukang intindihin ang pangangailangan ng prospect at ibagay ang offer sa kanila. Matutong makitungo sa rejection at magtagumpay sa call reluctance.
Ano ang sasabihin ninyo sa isang cold call?
Dahil ang sales reps ay merong limitadong oras para gumawa ng punto sa sales calls, dapat siguradong magamit nila ang oras na iyon para makagawa ng business relationship sa potensiyal na prospects.
Magsabi ng ilang mga salita tungkol sa kompanya at ang dahilan ng pagtawag.
Puwede ninyong sundan ang outline na ito para madaling magtagumpay sa objections:
Maki-relate – ipakita ang inyong pag-intindi at pagpapahalaga;
Maging tulay – mag-offer ng komprehensibong impormasyon sa inyong offer na makipag-engage sa prospect at magsimula ng isang relasyon;
I-seal ang deal – ilahad ang inyong tanong at gawan sila ng offer para makuha ang kanilang commitment.
Gaano dapat katagal ang isang cold call?
Ayon sa ilan sa pinakamatagumpay na cold calling campaigns, ang isang cold call ay dapat maganap sa average na 7.5 minuto.
Ang isang ideyal at average na cold call time ay dapat sapat lang para ma-deliver ng sales reps ninyo ang sales pitch at makuha sa panig ninyo ang prospect.
Ang average na cold call time ay humigit-kumulang 7.5 minuto. Gayunpaman, ang mas mahabang pag-uusap ay mas malaki ang pag-asang magtagumpay.
Gaano katagal bago umabot sa 100 cold calls?
Ang paggawa ng 100 cold calls ay puwedeng makuha sa pagitan ng 1-5 oras, pero depende ito sa ginagamit ninyong dialing system. Kung gusto ninyong humusay ang inyong pagsisikap sa cold calling, kailangan ninyo ng sapat na sales strategy.
Magsimula sa pagpili ng tamang dialing system para sa pangangailangan ninyo at pag-isipan ang dami ng prospects na kailangan ninyong maabot araw-araw para makamit ang target ninyo. Ang oras na gugugulin para magawa ang 100 cold calls ay depende kung ilan ang kayang i-dial ng sistema nang sabay-sabay, pati na rin ang dami ng prospects na talagang makokontak ninyo.
Ano ang pinakamainam na oras para sa cold call?
Kapag tungkol sa pinakamainam na oras ng araw sa cold call, walang one-size-fits-all na sagot. Gayunpaman, merong partikular trends na nagpapahiwatig na ang pinakamainam na oras para tawagan ang potensiyal na prospects ay sa pagitan ng 9 a.m. at 4 p.m.
Ayon sa data na nakuha mula sa mahigit 11 milyong cold calls, ang pinakamahusay na response time sa US ay alas-10 ng umaga at alas-2 ng hapon.
Ang oras pagtapos ng trabaho, weekends, masyadong maaga sa umaga, at public holidays ay kinokonsiderang masamang tiyempo para mag-cold call. Kaya i-adjust ang calling schedule para mas maraming prospects ang makontak ninyo.
Gaano katagumpay ang cold calling sa sales?
Kahit na ang cold calling ay magreresulta sa paggawa ng actual sale, ang success rate nito ay nakadepende sa tipo ng business na pinapatakbo ninyo at ang prospect na sinusubukan ninyong kontakin.
Merong ilang estimations na nagpapakitang ang cold calling ay merong 2% success rate. Gayunman, kayang pagalingin ng cold calling ang conversion rates ninyo ng 20%, pataasin ang closing rate ninyo ng halos 50%, at nakatutulong na mapabuti ang pangit na sales.
Paano mag-automate ng cold calls?
Ang pinakamahusay na paraan para gawing automatic ang cold calls ay ang paggamit ng progressive dialer para ma-prioritize ang answered calls at automatic na ikonekta sa libreng sales reps. Ang cold calling tool na ito ay gumagawa ng calls sa tamang tiyempo at kayang mag-record ng pag-uusap para makatulong sa sales reps ninyong mag-personalize ng kanilang proseso.
Tips sa cold calling
Narito ang ilan sa top cold calling tips na dapat makatulong sa inyong makagawa ng mas mainam na sales skills. Gamitin itong actionable sales advice para makagawa ng mas epektibong cold calling script:
- I-schedule nang mas matino ang oras ng inyong cold calls para madiskubre ang pinakamainam na oras para ma-target ang ideyal ninyong prospects.
- Gumawa ng schedule na may target na dami ng calls bawat araw at linggo.
- Siguraduhing nata-target ninyo ang tamang tipo ng audience.
- Maghanda ng script para maging tunog-professional sa pag-deliver ng pitch.
- Huwag papatalo sa rejection at maging persistent.
Paano ninyo mapapatigil ang cold callers?
Kapag ang isang prospect ay yamot na yamot na sa abusadong sales tactics, narito ang ilang top tips para makatulong sa kanilang mapatigil ang cold callers:
- I-report ang anumang abusadong cold calls sa Telephone Preference Service TPS (kailangang magrehistro). Ang serbisyo ay tumutulong sa mga tao para mabawasan ang tipo ng calls na nakukuha nila, katulad ng abusadong sales at kayamot-yamot na calls. Ang pagrehistro ay susunod sa ilang hakbang.
- Gumamit ng call blocker device na kailangan ng caller ID.
- Gumamit ng call barring para tumigil ang pagtanggap ng unwanted calls.
- Palaging i-screen ang inyong phone calls.
Puwede ba ninyong i-report ang cold callers?
Irehistro ang phone number ninyo sa TPS (libreng gamitin). Ang trick sa TPS ay hindi nagbibigay ng pahintulot ang kompanya sa third parties na tumawag sa registered numbers. Anumang attempts sa scam o fraud ay dapat i-report sa Action Fraud. Sinumang gustong mabawasan ang abusadong sales calls o naniniwalang sila ay naging biktima ng fraud ay puwedeng mag-report sa Action Fraud National Fraud at Cyber Crime Reporting Centre.
Create a call center software
LiveAgent, the omnichannel cloud-based call center software is all you’ll ever need to provide reliable and personalized service to your customers.
Frequently Asked Questions
Ano ang cold calling?
Ang cold calling ay isang porma ng telemarketing kung saan ang isang salesperson ay susubok maghikayat ng potensiyal na prospect para bumili ng produkto o serbisyo na kanilang binebenta. Ang paggawa ng cold calls ay nangangailangan ng masusing pre-call research, isang script, at ang paggamit ng automation para maging epektibo ito.
Ano ang batas sa cold calling?
Dapat ipaalam ng cold callers sa kanilang counterpart ang kanilang pangalan, ang pangalan ng kompanya, telephone number at address, pati na rin ang pakay ng call na magbenta ng produkto o serbisyo.
Ano ang sasabihin ninyo sa isang cold call?
Magsimula ng cold call sa pagpapakilala sa inyong sarili at ang kompanya kung saan kayo nagtatrabaho. Subukang maka-relate sa prospect at mag-offer ng solusyon sa mga problemang pang-tunay na buhay. I-deliver ang sales pitch para malaman nila ang dahilan ng pagtawag at maging handa sa rejection.
Gaano dapat katagal ang isang cold call?
Ang isang cold call ay dapat mas mababa sa 10 minuto.
Ano ang pinakamainam na oras para sa cold call?
Ang pinakamainam na oras para mag-cold call ay gitna ng 10 a.m. at 2 p.m.
Gaano katagumpay ang cold calling sa sales?
Ang cold calling ay puwedeng magpataas ng conversion at closing rates at lead generation. Gayunman, ang success rate nito ay 2% lang kaysa sa mas modernong telemarketing solutions.
Paano mag-automate ng cold calls?
Ang pinakamahusay na paraan para mag-automate ng cold calls ay ang paggamit ng progressive dialer.
Puwede ba kayong magbahagi ng tips sa matagumpay na cold calling?
Ang pinakamahusay na cold calling tips ay: Humanap ng pinakamainam na oras para tumawag; Siguraduhing tumatawag kayo sa tamang uri ng audience; Maghanda ng script at mag-rehearse para magtunog-professional; Huwag simulan ang cold call na may kasamang sales pitch, at maging handa sa rejection.
Paano ninyo mapapatigil ang cold callers?
Marami kayong paraan para tumigil ang cold callers – sa paggamit ng call blocker device, call barring, o pag-report ng kaduda-dudang calls sa TPS.
Puwede ba ninyong i-report ang cold callers?
Oo, puwede ninyong i-report ang cold callers sa TPS o Active Fraud.
Pagkatapos basahin ang tungkol sa cold calling, baka gusto mong malaman ang pagkakaiba ng warm calling. Makikita mo rito kung ano ang warm calling at paano ito naiiba sa cold calling. Kung interesado kang malaman ang mga detalye kung paano gumagana ang warm calling, pumunta sa seksyon na paano gumagana ang warm calling. Ang bawat hakbang ay ipapaliwanag nang malinaw upang mas madali mo itong maunawaan at magamit.
Alamin kung paano ang VoIP ay nagbibigay-daan sa abot-kayang tawag at mas malaking flexibility para sa iyong negosyo. Tuklasin ang mga pros at cons, at alamin kung paano pumili ng tamang VoIP provider. Mag-subscribe para sa demo at newsletter ng LiveAgent upang mas palawakin ang iyong kaalaman sa VoIP.
Alamin ang kahalagahan ng call time sa call centers at kung paano ito sinusukat upang mapabuti ang performance ng mga agent. Tuklasin ang pagkakaiba ng average call time at average handle time, at kung paano ito makakatulong sa pag-optimize ng customer service efforts. Subukan ang LiveAgent nang libre para sa mas mahusay na customer interaction at productivity.
Tuklasin ang kahalagahan ng VoIP calling sa inyong negosyo. Alamin kung paano ito nagbibigay ng mas murang, flexible, at secure na paraan ng pagtawag gamit ang internet, at kung bakit ito ang pinakamahusay na opsyon para sa mga conference call. Simulan ang paggamit ng VoIP nang libre at walang obligasyon.